Chapter 4

1231 Words
Napalunok ako habang nakatitig sa kisame ng kuwartong tinutuluyan ko. Nandito pa rin kami sa bahay ni Reese ngunit never akong lumabas ng kuwarto ko kaya palaging nagpupunta si Kazimir dito para dalhan ako ng pagkain. Madalas akong walang gana dahil nami-miss ko ang anak namin na hindi ko man lang nahagkan nang matagal. Naaalala ko pa rin kung paano siya umiyak nang siya ay kunin sa akin ng babaeng iyon. Sobrang sakit at alam kong hindi na iyon matatanggal pa sa aking isipan. Ngunit natigil ako sa pagmumuni nang bumukas ang pinto. Hindi man lang nagawang kumatok at basta na lang itong binuksan nang walang pasabi. Hindi ko maintindihan kung bakit pero nang pumasok ang babaeng kinaayawan ko ay kumulo ang aking dugo. Pero kahit na ganoon ay hindi ako nagsalita. Naiinis pa rin kasi ako sa pagmumukha at presensya niya. Kaya nga ako nagkulong sa kuwartong ito dahil ayaw ko siyang makita pero baki9t bigla siyang pumasok rito nang hindi man lang ako tinatanong kung ayos lang bang pumasok siya? Ito ang nakakainis sa kaniya. Porket siya ang Mafia Boss noon ay ganito na siya aasta? Hindi magtatanong sa kung sino kung puwede bang pumasok? Paano kung ayaw ko? Paano kung ayaw kong makita o makausap ang kagaya niyang walang ibang alam kung hindi isipin ang sarili niya at wala na siyang pakialam sa nararamdaman ng iba? "No wonder ibinigay mo ang posisyon kay Kazimir without asking his opinion. Pagbubukas pa nga lang ng pinto, wala man lang kakatok-katok tapos bigla kang pumasok kahit na hindi naman kita gustong papasukin?" bati ko sa kaniya nang maisara niya ang pinto. Nakita ko siyang napalunok at sinubukang magsalita but I raised my hand to stop her. Ayaw kong makarinig ng kahit ano sa kaniya dahil punong-puno na ako sa kaniyang mga pansarilingf desisyon. She's too much. Hindi porket iniligtas siya noon ni Kazimir ay ipapaako na niya ang posisyon sa hindi naman dapat humahawak no'n. "Ganito ka ba talaga, Annalise?" tanong ko sa kaniya. "Puro na lang ba sarili mo ang iniisip mo at hindi mo man lang tinitingnan kung gugustuhin ba nila ang mga pinaggagagawa mo? Simpleng tanong at pagkatok lang sana sa pinto ay hindi mo ginawa dahil ano? Ang gusto mo, sarili mo lang ang masusunod." "Gladys, hindi naman sa ganoon—" "Hindi ganoon?" natawa ako nang pagak sa kaniyang sinabi. "Hindi mo ba napansin ang ginawa mo kanina o talagang nagbubulagbulagan ka lang? Kaya nga ako hindi lumalabas ng kuwarto dahil ayaw kitang makita tapos ganito ang gagawin mo? Hindi mo man lang ba iniisip ang nararamdaman ng iba at puro na lang sarili mo?" Natigilan siya sa aking sinabi. Nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata pero wala akong pakialam. Hindi nga niya inisip ang nararamdaman ko, hindi ba? Tapos iisipin ko pa kung bakit siya nasasaktan ngayon? "Wala kang pakialam sa mga nasasakupan mo. Kaya pala tsnga ka," maanghang sa sambit ko. Ayaw kong bawiin ang mga sinabi ko dahil totoo naman talaga. "Dahil sa iyo kaya ko ito nararanasan. Hindi mo ba naisip iyon?" tanong ko sa kaniya. "Hindi mo ba naisip na ikaw dapat ang nasa posisyon namin ni Kazimir kung hindi dahil sa put-nginang kagagawan mo? Lahat ng mga ito ay kasalanan mo, Annalise!" Naiiyak na sigaw ko at kasabay no'n ang pagkirot ng aking puso. Hindi pa kami nagtatagal ni Kazimir. Kailan lang noong naisipan namin bumuo ng pamilya tapos ganito ang mangyayari sa amin? "Kung hindi mo iyon binigay. Kung hindi mo ipinaako kay Kazimir ang responsibilidad mo, hindi sana madadamay ang anak namin. Ang bata pa niya, Annalise," naiiyak na sumbat ko sa kaniya. Nanlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang hindi na matigil-tigil sa pagtulo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako iiyak. Oo, alam kong mahirap ang ganitong buhay pero masisisi niyo ba ako? Masisisi niyo ba akong hindi lumaki sa ganitong buhay? Tao lang din naman ako. Nagmamahal, gustong sumaya at bumuo nang pamilya pero bakit kailangan dumating sa puntong mawawalan kami ng anak. "Ina ka rin naman, Annalise. Kagaya ko, ayaw mong masaktan ang mga anak mo pero bakit mo ibinigay kay Kazimir?" bulong ko sa kaniya ngunit alam kong sapat na iyon para marinig niya. "Hindi ko naman alam na ganito pala ang mangyayari—" "Ano ang ibig mong sabihin? Na hindi sasaya si Kazimir sa piling ng isang babae? Ganoon ba? Tsngina mo pala! Tsngina!" nanggigigil na bulong ko. Napantig talaga ang tainga ko sa kaniyang sinabi kaya naiinis talaga ako sa kaniyang sinasabi. Hindi ko alam na ganitong klaseng nilalang ang magiging Mafia Boss. "Ganiyan ka ba kab-bo? Hindi mo alam ang mga posibilidad, Annalise? Hayop! Kung nasa labanan ka na, puro ka na lang ba ganiyan? Hindi mo man lang ba namana ang galing ng mga magulang mo?" mapang-asar na tanong ko sa kaniya. Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata at tiningnan siya nang maayos sa kaniyang mga mata na ngayon ay punong-puno ng pagsisisi pero hindi ko kailangan iyon. Dahil wala namang silbi ang pagsisisi niya. Sarili lang naman niya ang iisipin niya kaya bakit? Ano pa ang silbi ng pagsisisi niya? "Kung ganiyan ka katsnga, patay ka na," bulong ko at nahiga na lang ulit saka siya tinalikuran. "Lumabas ka kung ayaw mong mamatay nang wala sa oras." Kagaya ko, wala rin siyang alam sa pakikipaglaban pero dahil tinuruan ako ng aking lola, kahit papaano ay kaya ko siyang patayin kung hindi makikialam ang mga kaibigan niya. Ganoon sila ka-protective kay Annalise pero ang tsng naman niya. Hindi ako makapaniwalang ganoong klaseng nilalang ang may hawak ng posisyon na Mafia Boss. Buong alam ko ay magaling ka naman dapat sa pag-iisip pero dahil sa katangahan niya, parang wala naman siyang silbi. Bukod sa pabigat na nga lang siya, hindi pa siya marunong tumimbang ng mga posibilidad na mangyari. Tapos iiyak-iyak siya at magsisisi? Ano ang magagawa no'n? Mas maiinis lang ako nang sobra. Mas gugustuhin ko pa siyang isubsob sa tae ng kalabaw dahil sa sobrang inis ko sa kaniya. Selfish, insensitive, b-bo at tsnga, salong-salo niya. Hindi ko nga alam kung bakit buhay pa siya sa lagay na iyan. Matagal na siya sa mundong ito pero pinapalibutan siya ng mga kaibigan niya. Samantalang ako na bagong salta, hindi man lang nahihirapang gamitin ang utak kahit papaano. Masyado niyang dinadam ang pagiging tsnga at wala na yata siyang balak magbagong buhay. Parang mas gugustuhin niya na lang maging tsnga habang buhay para lang iligtas siya palagi. Ilang saglit pa ay narinig kong bumukas ang pinto hanggang sa unti-unti itong sumara. Panigurado akong lumabas na siya sa kuwartong tinutuluyan ko. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko siya kayang matagalan dahil sautak na mayroon siya. Kung puwede nga lang siyang patayin ngayon ay ginawa ko na pero hindi. Dahil alam ko ang pakiramdam na mawalan. Kaya sana inisip man lang ni Annalise ang lahat bago ibinigay kay Kazimir. Hindi naman kasi basta-basta aakuin ang posisyon kung hindi ito binigay nang kusa, eh. Kagaya na lang sa pagiging Presidente ng buong bansa. Hindi naman kusang kukunin ang posisyon kung hindi niya ito ibinigay nang buong puso. Ngunit kahit na ganoon ay naiinis pa rin ako sa kaniya. Naiinis ako sa kagaya niyang walang ibang ginawa kung hindi isipin ang sarili niya kaysa isipin ang mga taong maaapektuhan ng kaniyang ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD