"Ano ang mayroon?" nagtatakang tanong ni Terrence.
Nasa isang room ngayaon na kung saan ay halatang dito ginaganap ang isang meeting. Hindi ko lang inaakala na may ganitong room si Reese sa kaniyang bahay. Ngunit nang maalala kong dati pala siyang miyembro ng Mafia Organization na kung saan ay Mafia Boss si Kazimir ay napagdugtong ko na ang lahat.
Possible rin na hindi lang si Reese at Kazimir ang may ganitong room. Puwede ring lahat sila dahil kinakailangan din nila ang ganitong lugar lalo na at kailangan nila ng privacy para makapag-usap-usap nang masinsinan.
Katabi ko ngayon si Kazimir at hawak-hawak niya ang aking kamay habang ako naman ay nakatitig lamang sa mesa.
Kinakabahan kasi ako kanina at napansin iyon ni Kazimir kaya mabilis niyang hinawakan ang aking kamay at marahan akong pinapakalma gamit ang kaniyang hinlalaki na pasimpleng hinahaplos ang aking kamay.
Kahit papaano ay nababawasan naman ang aking kaba lalo na at nararamdaman kong nandito lang siya sa aking tabi ngunit kahit na ganoon ay masakit pa rin sa akin ang mga possibleng mangyari lalo na ngayon na nalaman na nila kung nasaan ang anak namin. Ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin dapat kami magpakampante lalo na ngayon na maraming nakamata ngayon kay Kazimir.
"Change plan tayo. Gladys Sloane, my wife sensed something," panimula ni Kazimir.
"What do you mean?" naguguluhang tanong naman ni Thaddeus.
Huminga ako malalim para tanggalin ang kaba sa aking dibdib. Hindi kasi puwedeng maging mahina na lang ako hanggang sa mawalan ako ng hininga. Kailangan kong maging matapang dahil asawa ako ni Kazimir, ang kanilang Boss.
"Baka patibong lang ang lahat. Hindi man lang ba kayo nagtaka na mabilis niyong nahanap ang anak namin na si Kyler?" tanong ko sa kanila.
Ilan sa kanila ay biglang sumeryoso lalo na ang mga lalaki. Habang si Annalise naman ay nabakasan ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Ngunit mabilis ko ring inilihis ang aking mga mata sa kaniya at isinandal ang aking likuran sa swivel chair.
"Hindi naman sa wala akong tiwala sa inyong lahat pero kailangan lang natin ng plan b just in case na magkaroon ng patibong," dagdag ko at ngumisi sa kanilang lahat. "Puwede rin naman nating ibalik sa kanila ang patibong nila kung sakali."
Binasa ko ang aking labi gamit ang aking dila dahil naramdaman kong nanuyo ito. Naramdaman ko namang sumulyap sa akin si Kazimir kaya mabilis ko siyang tiningnan hanggang sa kusa ko na lamang siyang tinaasan ng kilay.
"Huwag na huwag kayong maging kampante nang walang baon na dalawa hanggang apat na plano dahil kailangan niyong timbangin ang lahat," bilin ko sa kanila. "Nagre-rely ka ba sa isang plano lamang?"
Nakita kong napalunok si Kazimir sa aking tanong sa kaniya. Hindi naman gumawa ng kahit anong ingay ang mga kasama naming nakikinig at hinayaan lamang kaming mag-usap.
Gusto ko kasing tanungin si Kazimir kung tama ba talaga ang kutob ko. Pakiramdam ko kasi ay ganoon ang kaniyang ginagawa kaya medyo magpa-panic sila kung sakaling pumalpak sila sa kanilang plano.
Iyon ang hindi dapat mangyari dahil isang mali lamang nila ay possibleng mawala na sila sa mundong ito. Gets ko naman na magagaling sila pero hindi iyon rason para hindi sila gumawa nang dalawa hanggang limang plano.
Mas maganda kasing maging ready ka sa lahat ng bagay lalo na kapag pumalpak. Hindi kasi puwedeng maging kampante ka lalo na kapag buhay mo ang nakasalalay.
Nakita ko siyang tumango. Kaya biglang kumulo ang aking dugo dahil tama ang akala ko. Naaalala ko kasi iyong nangyari noon nang una kaming magkita na kung saan ay nag-panic siya dahil sa bomba na nasa university ko. Hindi dapat siya ganoon kung tutuusin. Kaya mas mabuting aralin namin ang lahat para hindi sila mangapa kung sakali.
Inirapan ko siya at tiningnan si Keifer at Elijah na ngayon ay nakangisi. Sila ang mga mata sa lahat lalo na sa tuwing hahanapin ang mga kalaban. Hindi ko nga lang sigurado kung na-gather na ba lahat nila ng data pero mas mabuting tanungin ko pa rin dahil sila-sila lang naman ang nag-usap noon.
Hindi naman dapat ako makikialam dahil kaya na nila ito pero dahil anak namin ang nakasalalay rito, kailangan kong makialam dahil kailangan kong masiguro ang buhay ng anak ko at ang asawa ko.
Wala akong pakialam kung sampu ang buhay ni Kazimir ngunit bilang asawa niya, kailangan kong masiguro na maayos at buhay siyang uuwi sa akin. Marami pa kaming plano at hindi pa kami nagsisimula nang maayos. Kaya bakit ko hahayaang mawala siya nang basta-basta?
"Keifer and Elijah, mayroon ba sa inyo ang blueprint ng bahay o lugar na kung saan nila dinala ang anak ko?" seryosong tanong ko sa kanila.
"Wala. Kailangan ba—"
"Kailangan," putol ko sa kaniyang sasabihin.
Medyo nairita ako sa kanila dahil hindi man lang nila tinitingnan ang mga blueprint o kinakabisado ang bahay at lugar kung saan gaganapin ang sudden ambush.
Medyo naiirita ako ngunit kailangan kong kumalma lalo pa ngayon na nakikinig sila sa aking lahat. Ultimo nga si Kazimir na Mafia Boss ay wala man lang angal dahil sa aking mga tanong ngunit kahit na ganoon ay nanatili akong seryoso dahil hindi puwedeng sermunan ko na naman si Kazimir.
Saka ko na siya sermunan kapag kaming dalawa na lamang. Hindi kasi pupuwedeng ngayon dahil seryosong usapan ito at kailangan kong maging kalmado kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko silang pagsasapakin dahil sa kanilang pagiging pabaya.
Huminga ako nang malalim at napailing na lamang dahil mabilis nilang binuksan ang kanilang dalang laptop saka nagsimulang magtipa. Marahil ay sinusubukan nilang hanapin ang blueprint ng bahay at map.
"Hindi puwedeng sumugod kayo nang hindi niyo kabisado ang lugar dahil possibleng may mga trap sila roon. Kahit pa matatalas ang reflexes niyo ay kailangan niyo pa ring maging handa sa lahat ng bagay. Hindi puwedeng laban lang nang laban," wika ko habang tinitingnan ang dalawang magtipa sa kanilang laptop.
Nailing na lamang ako at napatingin kay Thaddeus na ngayon ay naiiling na lang din sa aking mga sermon sa kanila.
Masyado kasi silang kampante at ito ang kinaiinisan ko sa kanilang lahat dahil mahilig silang mag-rush.
"Kapag natapos na kayo, print niyo. Kailangan niyong kabisaduhin ang map at blueprint," saad ko at seryosong napalingon sa iba pa naming kasama.
Hindi sila nagsasalita ngunit alam kong nakikinig sila sa aking sinasabi. Hindi naman kasi sila mahirap turuan dahil alam ko naman na magagaling sila at mabilis ding makaintindi.
Nang matapos nilang mai-print ay binigay nila kaagad sa akin ang lahat at doon ko nakita na medyo malawak pala ito.
"4,000 hectares?" bulong ko sa aking sarili.
Nanuyo ang aking lalamunan dahil sigurado akong marami silang kalaban dito. Ang lawak rin ng bahay ay 2,000 hectares habang ang kalahati naman ay kadalasan ay puro puno na at kung anu-ano pa.
"4,000 hectares tapos iisa lang ang plano niyo?" nagtatakang tanong ko sa kanilang lahat ngunit walang nagsalita.
Kaya mabilis kong tiningnan si Kazimir na ngayon ay tahimik lamang. Hindi ko alam kung bakit walang nagsasalita pero alam kong hindi talaga sila nagpaplano nang maayos.
"Kazimir," tawag ko sa kaniyang pangalan.
Lumingon naman siya sa akin ngunit kita kong kabado siya. Imbis na pansinin ang paglikot ng kaniyang mga mata ay hindi ko na pinalampas pa ang panenermon sa kaniya dahil sa sobrang inis ko. Hindi man lang talaga niya iniisip ang mga posibilidad na mangyayari at tuloy-tuloy lang siya sa pagiging loko-loko.
Kung ganito kalawak ang kanilang susugurin na lupain ng kalaban ay dapat marami silang plano at hindi lang sila mag-base sa iisang plano. Hindi kasi pupuwede iyon. Paano na lang kung maraming nagkalat na bomba?
"Well, let me explai—"
Hindi ko na siya pinatapos at inaral nang mabuti ang map saka blueprint. Hindi ko alam kung tama ang naiisip ko pero dahil sobrang lawak ng bahay, possibleng tumambay ang mga sniper sa mataas na parte at mabilis na ubusin ang mga susugod sa kanilang kalaban.
Hindi man ako sigurado ay mabilis kong ipinaliwanag sa kanila para mas lalo nilang maintindihan. Tinuro ko rin na possibleng may mga bomba sa paligid ng bahay na maaaring sumabog any time. Kaya mas magandang maging alerto ang lahat.
Pina-track ko rin kina Elijah at Keifer ang mga bomba at mabilis nga nilang na-detect ang mga ito dahil sa aking sinabi. Hindi nga ako nagkamali na nasa paligid ito ng bahay.
"Sinadya nilang luwagan ang security dahil gusto nilang sumugod tayo," wika ko.
Naramdaman ko namang nag-iba ang kanilang mga aura pero hindi ako nagpa apekto dahil kailangan kong maging malakas at maging seryoso.
"Possible rin na kapag sumugod tayo, tutulungan nilang tumakas ang kalaban niyo kasama ang anak ko," saad ko at napahugot na lang nang malalim na hininga.
"Kaya hindi kayo susugod. Dapat magpadala kayo ng mga agent o mga alagad niyo para kumagat sila sa paing natin. Kasi sigurado akong aalis at aalis sila sa lugar na iyan kapag sumugod tayong lahat," saad ko.
"Hindi naman puwedeng hindi tayo sumugod—"
"Gusto mo bang mamatay? Kung gusto mo, mauna ka na. Huwag ka ng mandamay pa dahil wala pa akong balak mamatay," saad ko.
Nakakainis kasi si Annalise. Sinasabi ko na ngang delikado dahil iyon lang ang nararamdaman ko. Kaya bakit siya nakikialam?
"Hindi mo nga kayang panindigan ang posisyon mo kaya mo ibinigay kay Kazimir, hindi ba? Tapos magiging ganiyan ka ngayon? Kung wala kang tiwala sa akin, sige. Magpunta ka mag-isa roon. Tingnan natin kung hindi ka nila papaliguan ng bala pag-apak na pag-apak mo pa lang sa harap ng gate nila," mabahang lintaya ko kaya nanahimik siya at hindi na muli pang nagsalita.