"Kazimir!" sigaw ni Thaddeus nang makapasok siya ng kuwarto. Nangunot naman ang mukha lalo na ngayon dahil puwede naman niyang gamitin ang earpiece na mayroon siya pero hindi niya ginawa. "What?" masungit na tanong ni ng aking asawa nang lingunin niya ang kaniyang kaibigan na ngayon ay hinihingal. "Inatake raw ng mga kalaban sina Gabriel," pahayag niya. "Emergency meeting," utos ni Kazimir saka mabilis na tumayo. Lumabas naman kaagad si Terrence ng kuwarto namin kaya napalingon sa akin si Kazimir. Ilang araw matapos naming gawin iyon ngunit hindi na nasundan pa. Pero dahil nga hindi na ako gumagamit ng pills, pakiramdam ko ay masusundan kaagad ang panganay namin nang wala sa oras. Huminga ako nang malalim habang tinitingnan ang aking asawa na ngayon ay nakatingin din sa akin. Nanon