Chapter 10

1611 Words

Nangunot ang aking noo nang ipasok niya sa aking bunganga ang ice na nasa bibig niya. Kinagat ko tuloy iyon hanggang sa mawala sa aking bunganga. Ngumisi naman siya at kumuha ulit nang panibagong ice cube saka isinubo iyon sa kaniyang bibig. Inilapit na naman niya iyon sa akin at hinalikan na naman ako nang mabagal ngunit banayad na halik. Napapikit na lang ako lalo na nang maramdaman ko ang lamig ng yelo sa kaniyang bibig dahil bahagyang natutunaw iyon at napupunta sa aking bibig ang iilang tubig lalo na at naghahalikan kami ni Kazimir. Napahawak ako sa kaniyang balikat hanggang sa tuluyang lumalim ang paghahalikan namin na halos mapugto ang aking hininga sa kaniyang ginagawa. Naging marahas kasi ang paraan ng kaniyang paghalik kaya halos manghina ako at nahihirapang humugot ng hangin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD