KABANATA 3

2231 Words
Napabalikwas ng bangon si Christine nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Agad siyang bumangon habang kinukusot-kusot pa ang mga mata. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya habang hinihintay ang pag-uwi ng tiyang. “Si tiyang na siguro ‘yon...” bulong niya sa sarili habang patungo sa pintoan ng kan’yang kuwarto upang buksan iyon. Nang makalabas sa silid ay sinilip muna niya ang kuwarto ng tiyang niya na katabi lang rin ng kuwarto niya. “Siya na nga siguro, wala pa siya sa kuwarto niya, eh.” ani niya. Samantalang palakas naman nang palakas ang katok sa pinto. Parang nagmamadali ang kung sino mang nasa labas no’n kaya malalaki rin ang mga hakbang na tinungo niya ‘yon para pagbuksan. Pero saglit siyang napatigil sa akmang gagawin nang bigla ay may naalala siya kaya napatigil muna siya sa akmang gagawin. May sariling susi kasi ang tiyahin niya, kaya sa tuwing uuwi ito ng dis-oras ng gabi ay hindi na ito kumakatok pa. Pero nagkibit-balikat siya at nagpatuloy sa paglalakad nang maisip na baka naiwan lang ng tiyahin niya ang susi nito. Mahirap na at baka ma-singhalan pa siya ng wala sa oras kapag hindi niya ito pagbuksan. “Sandali!” sigaw niya sa tiyahin mula sa loob habang nagmamadaling binubuksan ang siradura. “Naiwan niyo po siguro ang susi niyo tiyang—” Agad siyang napatigil sa pagsasalita nang mapagbuksan ng pinto ang inaakalang tiyahin niya. Nanlaki ang mga mata ng mapagtanto na hindi ang tiyang Tessa niya ang nasa labas. Kundi tatlong malalaking lalaki. “Hello miss!” bati ng isang lalaki na nasa unahan ng pinto nakatayo. “Sino kayo? At anong kailangan ninyo?!” tanong niya sa mga lalaki habang pilit na kinakalma ang sarili. Kinakabahan siya pero hindi niya iyon pinahalata sa mga ito. Pinagmasdan niya ang mga lalaki. Mga nakasuot ang mga ito ng itim na jacket. Bumaba ang tingin niya sa bewang ng isang lalaki na nauna sa dalawa nitong kasama. Bakit may b***l? Bulong niya sa isipan habang ramdam ang kabang rumaragasa sa kan’yang dibdib. Ano naman ang kailangan ng mga ito sa kan'ya? Bakit armado ang mga ito? Wala naman siyang natatandaan na may kasalanan siyang ginawa. Isasara na lang sana niya ang pintoan ngunit mabilis iyong naharang ng isang lalaki. “Hep!” anang lalaki na siyang humarang sa pinto. Nakangisi pa ito sa kan'ya. “Hooray?!” wala sa loob na naidugtong niya sa sinabi nito. Baka kasi ano ang gawin ng mga ito sa kan'ya! Ang laking mga tao pa naman ng mga 'to. Baka ihampas siya sa sahig! “Patawa ka miss? Hahaha!” sabi ng lalaki na nakasuot ng shade. Medyo mabalbas ang mukha nito. “Ako patawa?” dinuro niya ang sarili, “Mamamatay na nga yata ako sa nerbyus, eh. Bakit ba kasi mga manong ha?” ani niya na kunwari ay galit-galitan kahit na ang totoo ay parang maiihi na siya sa saluwal. “Aba! tapang babae, ah. Gusto ko ang ganitong klaseng babae tol,” baling ng lalaking mabalbas ang mukha sa isa nitong kasama. Nagtawanan ang mga ito na parang mga loka-loka. Sinupalpal naman ito ni Christine dahil hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila nito pati na ng pagmumukha nito. “Naku kuyang mabalbas, unahin mo munang i-harvest ‘yang mga malalago mong balbas bago ka mag-fe-feeling pogi d’yan!” asik ni Christine sa lalaki na ikinasama ng tabas ng mukha nito. “Aba’t—” natigil ito sa akmang pagsasalita nang sumagot ang isang lalaki na medyo seryuso sa lahat. Sa tantiya niya ay may edad na ito pero makisig pa rin naman ang pangangatawan. “Pinapasundo ka ni Boss Lim. At ayaw niya na maghihintay ng matagal kaya kung ako sayo, kunin mo na ang mga dapat mong dalhin ngayon din dahil aalis na tayo.” saad nito habang walang tigil sa paghihithit ng sigarilyo. Nanlaki ang mga mata ng dalaga habang pinaglipat-lipat ang tingin sa tatlong kalalakihan ng maisip ang sinabi nito. “Ano?! Mga tauhan kayo ni Panot? At teka nga, bakit naman ako sasama sa inyo aber?” mariing tanong niya sa mga ito. Muli ay sinubukan niyang isara ang pinto ngunit naunahan na naman siya ng lalaking mabalbas. Sa pagkakataon na iyon ay pumasok na ang mga ito sa loob ng bahay nila. “Trespassing na kayo ah!” sigaw niya sa mga ito habang napapaatras siya. “Hindi uso sa’min ang salitang ‘yan miss.” natatawang saad ng isa pang lalaki na prente ng nakaupo sa sofa. Feeling niya bahay niya 'to? Eh, kung kaltukan ko kaya 'to sa ulo? Bulong niya sa isipan. “Hindi ako sasama sa inyo kaya kung puwede lang lumabas na kayo sa aming bahay, dahil kung hindi sisigaw ako ng malakas para mabulabog ang mga kapitbahay!” pagbabanta ng dalaga pero tinawanan lang siya ng mga lalaki. Nilabas pa ng isa ang b***l nitong nakatago sa loob ng jacket nito at nilapag iyon sa ibabaw ng mesa kaya natakot si Christine. “Sige miss, sumigaw ka lang.” nakangising sabi ng isang lalaki. Napalunok naman siya ng makailang ulit nang makita ang b***l. “H-hihintayin ko lang si Tiyang, puwede ba?” ani ng dalaga sa garalgal na boses. Mukhang wala siyang magagawa kundi ang sumama na lang? “Huwag mo na siyang hintayin pa dahil nagpakalayo-layo na iyon gamit ang bonus na binigay ni Boss sa kan'ya hahaha!” sagot ng isang lalaki na nag-appear pa sa isa nitong kasama, habang ang isa namang seryuso ay Iiling-iling lang sa isang sulok habang patuloy sa pagbubuga ng usok ng sigarilyo. “Bonus?” nanghihinang sambit ni Christine. Anong bonus ang pinagsasabi ng mga nito? Iyon na ba ang bayad ni Mr. Lim? Naalala niya ang sinabi ng matanda nakaraang araw, hindi kaya ito iyon? Nanlumo siya sa isiping iniwan na pala siya ng tiyahin. At worst pa ay ginawa siyang bayad sa kautangan nito kay Mr. Lim. Nag-uunahan sa paglaglag ang mga luha niya sa mga mata. Wala na siyang mapupuntahan pa ngayon. Hindi niya lubos maisip kung paano nasisikmura ng tiyahin niya ang lahat ng ito. “Yes miss, bonus. Malaki-laki rin ang binigay ni Boss sa tiyahin mo kaya hindi kana puwedeng tumanggi, sumama ka na lang para wala tayong magiging problema.” pinal na sagot ng lalaking humihithit ng sigarilyo. Humugot ng malalim na buntonghininga ang dalaga saka ito sumagot. “Sige kukunin ko lang ang gamit ko sa kuwarto.” matamlay na wika niya. Pakiramdam niya ay sinakluban siya ng langit at lupa sa mga sandaling iyon. “Pakibilisan lang, Miss beautiful. Baka naiinip na ang boss namin sa kahihintay sayo at kami'y malilintikan ng wala sa oras.” pahabol pa ng isang lalaki. Tango lang ang isinagot niya saka mabilis na tinalikuran ang mga ito upang tumungo sa kan’yang kuwarto. Kailangan niyang dalhin ang mga kakailanganin niya. Dahil tatakas siya kapag nakakuha ng pagkakataon. Hindi siya makakapayag na mapunta sa kamay ng matandang panot na iyon. May isang tao pa siyang malalapitan ngayon at iyon ang nagbibigay ng bagong pag-asa sa kan'ya. Tumutulo ang luha niya habang nilalagay sa loob ng backpack ang mga kakailanganin niya. Lalo na ang papel na maliit, kung saan nakasulat ang address na iniwan ng ninang niya noon. ... Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago humakbang papunta sa madilim na parte ng isang puno. Nasa likuran siya ng bahay nila ngayon. Nagdahan-dahan siya kanina para maka-puslit sa kusina kung saan may pintoan doon palabas. Pero bago siya tuluyang nakalabas ng bahay kanina ay narinig pa niya ang pag-uusap ng dalawang lalaki sa sala. “Batang-bata pre! Siguradong pagsasawaan na naman ni Boss iyan haha!” “Sinabi mo pa, Alex. Alam mo naman ‘yang si Boss, mahilig sa mga bata lalo na kung sexy!” sagot nito sa lalaking naka-shade na Alex ang pangalan. Natawa naman ang kausap nito. “At pagkatapos pagsawaan saan ang bagsak, Melvin?” nakangisi nitong tanong sa lalaking kausap. “Sa atin?” sabay pa na tumawa ang dalawa. “Pero mukhang malabong mangyari ‘yan, Alex. Nakita mo naman kung paanong patay na patay si Boss sa dalaga. Baka nga asawahin na niya ‘yan eh.” saad ng lalaki na ikinalaki ng mga mata ni Christine. “Asawahin? Ako?” sabay turo ng dalaga sa kan’yang sarili. Nais niyang masuka sa narinig. Marami pa siyang pangarap sa buhay at hindi kasama roon ang pag-aasawa lalo na kung sa matandang manyak na ‘yon! Dahil sa narinig niya ay kaagad siyang nagmadaling lumabas ng kusina. At heto na siya ngayon, balak ng tumakas. Pero napalundag pa si Christine nang marinig ang baritonong boses ng isang lalaki. “At saan ka sa tingin mo pupunta?” anang lalaki na sige pa rin sa paghithit ng sigarilyo. Napansin din niyang parang nanginginig pa ang mga kamay nito. “Manong, parang awa mo na po. Patakasin niyo na po ako. Bente pa lang po ako at marami pa akong pangarap sa buhay,” wika niya na may pagmamakaawa sa tono ng kan’yang boses. “Pasensya na miss, trabaho lang. Mahirap na baka ako pa ang malintikan.” ani nito sa kan'ya sabay hawak sa braso niya. Hinila siya nito patungo sa kotseng nakaparada sa harapan ng kanilang bahay. Dahil gabi na ay wala ng masyadong mga tao sa daan. At kung meron man ay wala naman pakialam ang mga iyon sa kan'ya. “Bitawan mo ako!” Nagpupumiglas siya pero lalo lang nitong diniinan ang pagkahawak sa kan’yang mga braso. Dinala siya nito sa loob ng kotse at malakas na sinarhan ng pinto. “Kayong dalawa muntik na kayong matakasan! Puro kasi kayo chismis!” pagalit na wika nito sa dalawa na napapakamot na lang sa ulo habang paupo na rin sa driver seat. Katabi naman niya ang naninigarilyong lalaki. “Pasensya na, Jed.” anang dalawa na bakas sa mukha ang takot sa lalaki. Wala ng nagawa si Christine lalo na nang magsimulang lumarga ang kotseng sinasakyan niya. Pagkarating nila sa mansion ni Mr. Lim ay nasa sala na ang matanda. At parang inip na inip na ito sa kahihintay sa kanila. Pero nang makita siya nito ay agad na lumiwanag at nagningning ang mga mata nito. Natatakot siya sa matanda at sa maaring gawin nito sa kan'ya. Kung titigan siya nito ay parang lulunukin siya ng buhay. “Okay boys! Iwanan niyo na kami ni Christine dahil may mahalaga pa kaming pag-uusapan.” nakangising utos ni Mr. Lim sa mga tauhan. “Yes, Boss!” sabay na tumalikod ang tatlo at tinungo ang bukana ng mansion palabas. Pero nahagip pa ng mga mata ni Christine ang pagsulyap ni Jed sa kan'ya. May naaninag siya na pag-aalala sa mga mata nito bago iyon tuluyang mawala sa paningin niya. Samantalang napa-atras siya nang lumakad palapit sa kan'ya si Mr. Lim. “Hello, My sweet.” malambing na wika ng matanda habang palapit sa dalaga na lalo naman nitong ikinaatras. “Mr. Lim... Alam ko pong malaki ang utang ni Tiyang sa iyo, pero sana po ay bigyan niyo muna ako ng palugit para makahanap ng ipambayad sayo,” pakikiusap ng dalaga habang patuloy ito sa pag-atras. Pero imbes na sumagot ang matanda ay marahas nitong hinalikan ang dalaga sa mga labi. Nagpumiglas naman si Christine kaya agad siyang nakawala sa matanda. Naghabulan sila sa sala, sa likod ng sofa. Lahat ng maaring gawin upang maka-iwas ang dalaga sa matanda ay ginawa nito, pero sa huli ay nahablot ito ni Mr. Lim sa braso. “Pinahirapan mo pa ako, My sweet!” hinihingal na sambit ng matanda. Hinila nito si Christine at pabalyang isinalya sa sofa. Nagsisigaw naman ang dalaga pero tinawanan lamang ito ni Mr. Lim. Nagsalin ng alak ang matanda sa babasagin na baso at agad iyong ininom. Habang si Christine naman ay walang tigil sa pagsisigaw. “My sweet, sayang ang kasisigaw mo riyan. Tayo lang ang naririto sa mansion, at walang tutulong sayo rito kahit pa na may mga kasama tayo dito.” ani ng matanda. Kumuha ito ng isa pang baso at sinalinan iyon. Binigay nito ang baso sa dalaga pero hindi iyon tinanggap ni Christine. Sa halip ay kinuha nito ang bote ng alak sa ibabaw ng mesa at walang pag-aalinlangan na inihampas iyon kay Mr. Lim pero agad iyong nasangga ng matanda. “Bwesit ka! Balak mo pa akong hampasin, ha!” Tumabingi ang pisngi niya nang malakas siyang sampalin ni Mr. Lim. Nalasahan niya rin ang sariling dugo na lumabas sa bibig. Pero dahil sa determinado siyang makatakas sa mga sandaling iyon ay inagaw niya ang bote sa matanda. “At ano sa tingin mo ang gagawin mo?” tanong sa kan'ya ng matanda nang maagaw niya ang bote rito. Itinutok niya iyon sa matanda. “Wala, ipupokpok ko lang ‘to sayo!” buong tapang na sagot niya. At malakas na inihampas ang boteng hawak sa ulo ng matanda. Nasapol ito dahilan ng paghandusay nito sa sahig. Wala na siyang sinayang pa na pagkakataon matapos niyang gawin iyon. Kumaripas siya ng takbo palabas ng mansion. Pero namataan pa niya ang lalaking si Jed na nakatayo sa isang puno sa labas ng mansion, na nakatanaw lamang sa kan'ya habang tinutungo niya ang gate palabas. “Hindi ba niya ako hahabulin?” bulong niya sa sarili nang makalabas siya sa wakas sa impyernong mansion na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD