KABANATA 2

2200 Words
Nasa trabaho si Christine nang araw na iyon bilang isang waitress sa isang Restaurant. Kasalukuyan siyang naghihintay ng order ng isang customer ng tawagin siya ng isang kasamahan sa trabaho. “Christine, pinapatawag ka ni Mr Lim. Pumunta ka daw muna sa opisina niya ngayon din.” Si Joyce iyon na kasamahan niya sa trabaho. Napa-isip siya. Ano na naman kaya ang dahilan ng pagpapatawag sa kan'ya ng amo? Noong huling punta niya kasi sa opisina nito ay wala naman itong dinahilan sa kan'ya kung bakit siya pinatawag. Nahuli pa nga niya itong malagkit ang pagkatitig sa kan'ya. Partikyular sa dibdib niya. “Ah, sige, Joyce. Ihahatid ko lang itong order sa seat number five.” ani niya kay Joice saka kinuha ang tray na may laman na order ng isang customer. “Sige, Tin. Naku, mag-iingat ka kay Panot.” pabulong pa na sabi ni Joyce. Ingat na ingat ito na walang makakarinig sa sinabi nito. Tumango naman siya sa dalaga. Bitbit ang tray ay tinungo niya ang mesa kung saan naghihintay ang isang lalaking customer. “Good morning, Sir! Here’s your order po. Enjoy your meal!” masayang wika niya nang maipatong sa table ang order nito. “Thanks.” tipid na sagot ng lalaking customer na hindi siya tinapunan ng tingin. Nakayuko ito habang abala sa harapan ng laptop. Malamig ang boses nito at malalim kung magsalita. Hindi man niya nakikita ang kabuuan ng itsura nito ay alam niyang guwapo ito. Malaki rin ang pangangatawan nito. Nang suriin niya ito sa kinauupuan nito ay tila nagsikip ito roon. Gusto tuloy niyang matawa. Paano ang laking tao naman kasi nitong customer niya. “You're welcome, Sir! If you ne—” naputol ang sasabihin niya nang magsalita ito. “You're noisy. Just leave.” Napaawang naman ang kan’yang bibig habang nakatitig sa lalaki na abala pa rin sa pagtipa sa keyboard ng laptop nito. “Suplado naman.” mahinang turan ni Christine bago nagpaalam sa lalaking customer. “Thank you Sir!” ani niya bago ito iniwan. Pagkatapos maihatid ang order sa supladong lalaki na iyon ay agad siyang pumasok sa banyo upang ayusin ang sarili dahil pakiramdam niya ay ang dugyot na niya sa mga oras na iyon. Pagkalabas niya ng banyo ay agad siyang nag-hugas ng kamay at inayos ang suot na damit upang siguraduhing walang masisilip sa katawan niya ang matandang panot na boss niya. “Tin, baka aasawahin ka na n’yan ni Panot. Mukhang malakas ang tama sayo eh,” biro sa kan'ya ni Joyce nang makasalubong niya ito sa pasilyo. Natawa naman siya sa sinabi nito. “Naku, mamumuti ang mga mata niya dahil hindi kami talo.” ani ni Christine. Nilagpasan niya si Joyce at tinungo ang elevator paakyat sa opisina ng amo. Nang makarating sa opisina ni Mr. Lim ay hindi niya maiwasang kabahan. Kumatok muna siya sa pinto at nang marinig niya ang ‘Come in’ ay agad niya iyong tinulak upang bumukas. Pumasok siya sa loob at nadatnan niya ang boss na nakaupo sa couch sa harapan ng mesa nito. “Magandang araw po, Mr. Lim. Pinapatawag niyo raw po ako?” magalang niyang wika sa amo. “Have a seat, Christine.” turo nito sa upuan na nasa harapan ng mesa nito. Umupo naman siya roon at hinintay ang sasabihin ng amo. “Yes. Pinapatawag nga kita kasi may importanteng bagay tayo na pag-uusapan,” ani nito na hinagod pa ng tingin ang kabuuan niya. Kinikilabutan naman siya sa klase nang pagtitig ng matandang ito sa kan'ya. Parang napapaso ang puwetan niya sa upuan at parang gusto na lang niyang tumayo at kumaripas ng takbo sa mga sandaling iyon. Kakainin ba niya ako ng buhay? Naitanong niya sa isipan. Tumikhim siya at binuka ang bibig upang magsalita. Dahil kung hindi niya iyon gagawin ay baka mapanis na ang laway niya sa kahihintay na magsalita ang amo dahil abala ito sa pagtitig sa kan'ya. “Tungkol po saan Mr. Lim?” magalang na tanong niya. Wala naman kasi siyang naisip na dahilan kung bakit siya nito pinatawag. “Didiretsahin na kita, My sweet, Christine.” nakangising sagot nito. Tumaas naman ang balahibo niya sa batok sa naging endearment ni Mr. Lim sa kan'ya. Pakiramdam niya tuloy ay pinagpapawisan na ang kan’yang singit at gusto na niyang umalis mula sa pagkakaupo. “Malaki ang pagkakautang ng tiyahin mo sa akin. At sigurado akong hindi niya ‘yon mabayaran kahit na anong gawin niya,” panimula ni Mr. Lim. “At dahil doon ay nagkasundo kami na-” Binitin nito ang sasabihin at muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “Ikaw na lang ang magbabayad ng utang niya sa akin!” kumikislap ang mata nito sa tuwa nang sinabi iyon sa dalaga. Lumalim ang gatla sa noo ni Christine sa sinabing iyon ni Mr. Lim. “Ako po?” wika niya sabay turo sa sarili. “Yes, ikaw, My sweet.” ani ni Mr. Lim. Humugot muna siya ng isang malalim na buntonghininga bago binuka ang bibig para muling magsalita. “Uh, maari ko po bang malaman kung magkano ang utang ni Tiyang sayo, Mr. Lim?” tanong niya. Baka kasi puwede naman niyang ipakaltas iyon sa sasahurin niya dahil wala naman siyang cash na ipangbayad doon. Napahilot pa siya sa sentido sa isiping iyon. Kahit kailan talaga ang tiyang niya napakahilig mangutang tapos hindi naman marunong magbayad! “One hundred fifty thousand.” diretsahang sagot ng Matandang panot na ikinaluwa ng mga mata ni Christine. “Ano?!” naibulalas niya na ikinangisi naman ni Mr. Lim. Ganoon kalaki ang inutang ng tiyahin niya? Saan naman niya iyon ginamit? “Sigurado po ba kayo riyan, Mr. Lim?” Hindi makapaniwala na tanong niya. Baka kasi nabingi lang siya o mali lang ang pagkadinig niya sa sinabi nito. Pero bumagsak ang mga balikat niya sa sinagot ng amo. “Yes, My sweet. And, hindi lamang iyon ang utang niya sa akin,” “Meron pa po?” tumango naman si Mr. Lim bilang sagot sa tanong niya. “May mga alak pa siyang iniinom sa club ko na hindi niya binabayaran, at iyon ay nakalista lahat.” saad pa ng matanda. Napahawak sa noo ang dalaga. Parang sumakit ‘ata bigla ang ulo niya. At saan ko naman kukunin ang ipangbayad ko sa utang mo Tiyang? Tanong niya sa tiyahin sa kan’yang isipan. Napapa-isip siya kung ilang buwan kayang kaltas iyon sa suweldo niya, o baka hindi lang buwan. Magkano lang naman ang kinikita niya sa trabaho, minsan wala pa siyang nakukuha dahil inuunahan na siya ng tiyang niya. Unli-bale pa ito sa boss niya at hindi niya maintindihan kung bakit panay naman ang pa-bale ng panot na ito na hindi man lang hinihingi ang opinion niya kung okay lang ba sa kan'ya iyon. “Mr. Lim. Wala po kasi akong gano’n kalaking hawak na pera ngayon,” Kakapalan na lang niya ang mukha. “P-pero baka puwede pong i-kaltas niyo na lang sa mga sasahurin ko ang inutang ni Tiyang?” Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa dahil sa hiya sa mga oras na iyon. Sana lang ay pumayag si Mr. Lim sa paki-usap niya. “Hindi puwede sa’kin ‘yan, My sweet. At regarding pala sa mga sasahurin mo, wala ka nang makukuha ngayong buwan, at sa mga susunod pa. Binale na ng sugarol mong tiyahin ang lahat. Kaya huwag ka nang umasa na may ipangbayad ka pa sa kautangan niya. Dahil kahit may sasahurin ka ay hindi pa rin ako papayag na uutay-utayin mo ‘yon babayaran.” mahabang litanya ni Mr. Lim. Nanlumo siya sa mga sinabing iyon ng amo. Parang maiiyak siya sa isiping kung saan siya hahagilap ng pambayad sa malaking utang ng tiyang niya. Saan siya ngayon pupulot ng ipambayad niya? Napatingin siya ng tuwid kay Mr. Lim habang nakikiusap ang kan’yang mga mata. “Mr. Lim, baka puwedeng bigyan niyo po ako ng palugit? Hahanap pa po kasi ako ng paraan kung paano ko mababayaran ang pagka-utang ni Tiyang sayo,” pakikiusap niya rito. Hindi naman kasi gano’n kadaling hanapin ang gano’n kalaking halaga ng pera. Maaga yatang puputi ang buhok niya sa kagagawan ng magaling niyang tiyahin. “I’m so sorry, My sweet pero nakapag-usap na kami ng tiyahin mo tungkol dito. IKAW ang magiging kabayaran niya sa mga inutang niya sa’kin. At wala ka nang magagawa pa dahil kapag tumutol ka, My sweet, ipapakulong ko kayo ng tiyahin mo. At kukunin ko ang bahay na tinitirhan ninyo!" wika ni Mr. Lim na may halong pagbabanta. Nanlaki ang mga mata ni Christine sa sinabi ng matanda. Ni sa hinagap ay hindi niya gugustuhing makulong lalo na kung hindi naman niya kasalanan. At paano na pala sila kung hindi nga niya iyon mababayaran? Mawawala ang tahanan na tanging meron sila ng tiyang niya. At saan sila titira? Sa loob ng selda? Marami na siya naririnig tungkol sa amo na hindi magagandang gawain nito. May mga Bar club itong negosyo sa bayan nila. At hindi lang lamang iyon, ang sabi pa ng iba ay nagne-negosyo din daw ito ng mga i***********l na gamot. At kung bakit hindi ito nahuhuli ay hindi rin nila alam. At teka lang, bakit siya ang magiging kabayaran? Napapitlag pa siya sa kinauupuan nang muling magsalita ang matanda. Ngayon niya lang napansin na nakatayo na pala ito sa kan’yang likuran. “Pumayag ka na, My sweet. Isa pa wala ka na rin naman magagawa pa. At hindi mo ako matatakbuhan kung iyon ang pina-plano mo, dahil ipapakulong kayo ng tiyahin mong sugarol kapag ginawa mo iyon.” pagbabanta pa ng matanda. Hinawakan nito ang upuan na kinasasandalan ng likuran niya. Naramdaman ni Christine ang balat nito na dumantay sa batok niya kaya mabilis siyang napatayo. “L-lalabas na po ako—” “Hindi ka naman magsisisi sa akin, My sweet. Lahat ng gugustuhin mo'y ibibigay ko sayo. Hindi mo na kailangan magtrabaho dahil ako na lang ang ta-trabahuin mo.” saad pa ni Mr. Lim na nilapitan pa ang dalaga. Kaya agad naman napaatras si Christine. Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kan’ya ang matanda ay mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang pintuan palabas ng opisina nito. At sa kan’yang paglabas ay nabundol niya ang isang matitipunong dibdib. Muntikan na siyang matumba pero nahagip ng mga braso ang maliit niyang bewang. Sa sobrang taranta niya kay Mr. Lim ay hindi na niya nagawa pang tingnan ang taong nakayakap sa kan'ya. Tinulak niya ito at mabilis na tinalikuran, at hindi na naisip pang humingi ng paumanhin dahil sa pagkabundol niya rito. ... Pagdating ni Christine sa kanilang bahay ay wala ni anino ng tiyahin niya ang naro’n. Hinanap niya ito sa labasan, sa palengke, sa lagi nito pinu-puwestuhan kapag nagsusugal ito pero wala ang tiyahin niya ro’n. Nagtanong-tanong na rin siya sa mga tao sa lugar nila. Ngunit wala daw may nakakita sa tiyahin niya. “Hindi namin siya nakita eh. Kanina pa nga din siya hinahanap ng inuutungan niya dahil ilang linggo na raw itong hindi nagbabayad ng utang.” wika ni Martha na kapitbahay nila. “Naku, Tin, iyang tiyahin mo malilintikan talaga ‘yan sa mga pinagkakautangan niya. Lalo na d’yan sa amo mong panot!” sabat naman ni Alice na dumungaw pa talaga sa bintana ng bahay nito. “Sige po, mauuna na muna ako.” paalam niya sa mga ito. Nanlumo siyang bumalik sa kanilang bahay at nagluto na lang ng makakain. Mamaya ay tiyak na uuwi rin ang tiyahin niyang iyon dahil wala naman itong ibang uuwian kundi sa bahay lang na ‘to. Hindi siya makakapayag na siya ang gawin nitong pambayad sa matandang panot na iyon kaya kakausapin niya ang tiyahin. Anong akala nito sa kan'ya? Aso na gawing pambayad? Napailing na lang siya. Baka may iba pa namang paraan para mabayaran ang utang nito. Ano na lang ang kahihinatnan niya kapag nangyari iyon? Baka gawin siya nitong mutsatsa o di kaya’y itapon siya sa Clubhouse nito. Napa-tunganga siya sa isang sulok habang nag-iisip ng malalim. Kung may ibang trabaho lang sana na puwede niyang pasukan dati ay hindi sana siya nag-trabaho sa Restaurant na ‘yon. Ang problema ay kung mag-a-apply siya noon parati siyang hindi natatanggap. At hindi niya maintindihan kung bakit. Tatlong-taon naman ang napag-aralan niya sapat para makapasok siya kahit sa Bakery shop o sales lady lang sa Mall. Pero walang tumatanggap sa kan'ya. Ang Tiyang Tessa niya pa ang nagpumilit sa kan'ya na mag-apply siya sa Ernesto's Cuisine na pagmamay-ari ni Mr. Lim. Hindi na siya nag-expect noon na matatanggap pa siya dahil sa lahat ng in-apply-an niya ay laging hindi siya qualified. Pero laking gulat niya nang matanggap siya kaagad sa trabaho ng araw din na nag-apply siya. Noong unang araw niya sa trabaho ay may napapansin na siyang kakaiba sa kinikilos ng amo. Minsan ay magugulat na lang siya dahil bigla-bigla na lang itong sumusulpot sa likuran niya. At habang tumatagal siya roon ay nakakaramdam na siya ng kilabot. Napahugot siya ng isang malalim na buntonghininga dahil sa kan’yang naiisip. Ang bata-bata pa niya pero pakiramdam niya ay maaga siyang makukuba dahil sa mga mabibigat na suliranin na nakapasan sa likuran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD