KABANATA 1

2216 Words
Pauwi siya nang namataan ang Tiyahin na malayo pa lang ay putak na ito nang putak na tila manok na ninakawan ng itlog sa pugadan nito. “Ayan na naman siya!” naibulong niya sa kan’yang sarili habang naglalakad palapit rito. Nang makita siya ng Tiyang Tessa niya ay kaagad itong nagmadaling lapitan siya nang nakapamewang. “Hoy, babae!” sigaw ng kan’yang tiyahin habang dinuduro siya nito. Napalingon naman ang mga chismosang kapitbahay nila sa tiyahin. Napa-isip na naman siya kung ano na naman ang kasalanan niyang nagawa sa tiyahin. Kung sabagay kailan ba ito naging mabait sa kan’ya? Simula nang maiwan siya rito ng mamatay ang mga magulang niya ay hindi na naging maayos ang pakitungo nito sa kan’ya. Madalas siya nitong sumbatan, at kung murahin ay parang hindi siya nito kadugo. Kung tutuusin nga ay sa kan’ya na naka-pasan ang lahat. At hindi niya naman iyon sinusumbat kailanman sa tiyahin dahil marunong naman siyang tumanaw ng utang na loob. At nagpapasalamat siya na pinatira siya nito sa pamamahay nito. At isa pa, malaki ang respeto niya dito kahit na madalas siyang saktan, ipahiya at pagsabihan ng masasamang salita. Hindi na nga niya natapos ang pag-aaral dahil pinilit siya nito na mag-trabaho na kaagad. Nasa ika-apat na taon naman siya noon sa High school nang ma-aksidente ang kan’yang ama. Lasing ito at pasuray-suray na tumawid ng bigla sa kalsada kung kaya't nahagip ito ng isang taxi, dahilan nang ikinamatay nito. Madalas kasi itong lasing at ang pahinga lamang sa alak ay kung tulog lang ito. Na-aawa siya sa kan’yang ina noong nabubuhay pa ito sapagkat halos lahat ng responsibilidad ay nakapasan sa balikat nito. Ang kinikita nito sa pagtitinda ng mga gulay at kakanin noon ang bumubuhay sa kanila ng ama. Pati ang alak at sugal na inuutang pa ng kan’yang ama ay ang nanay din niya ang nagbabayad. Kung walang pera na mai-aabot ang kan’yang ina ay bugbog ang inaabot nito sa malupit niyang ama. Medyo naging maayos lang ang kalagayan nito nang mamatay ang kan’yang ama dahil sa aksidenteng ‘yon. Alam ni Christine na mahal ng nanay niya ang kan’yang ama kaya natitiis nito ang mga p*******t ng ama niya. Pero dalawang taon ang lumipas matapos mawala ang ama niya ay sumunod na rin ang kan’yang ina. Nagkaroon ito ng sakit na pulmonya at iyon ay hindi kaagad na agapan. Kaya iyon ang sanhi ng ikinamatay nito. Second year college pa lamang siya noon nang mangyari iyon. At sobrang masakit sa kalooban niya ang mamatayan ng ina. Ilang beses siyang kinulit ng tiyahin noon na itigil na ang pag-aaral at mamasukan na lang bilang waitress sa bagong Restaurant sa kanilang bayan, na insik ang may-ari. Pero hindi siya pumayag sa gusto nito. Pinilit niyang tapusin ang pag-aaral ngunit third year college lang ang nakayanan niya. Sayang man dahil Education ang kinuha niyang kurso ay wala naman siyang magagawa. Dahil ubos na din ang naipon niya. At kahit anong kayod ang gawin niya ay halos wala namang napupunta sa kan'ya dahil kinukuha iyon ng kan’yang tiyahin. Dahil inaabangan na kaagad nito ang magiging suweldo niya sa trabaho. Pati ang mga kautangan nito ay siya rin ang nagbabayad. Dahil kung hindi niya iyon gagawin ay papalayasin siya nito sa pamamahay nito. Wala naman siyang mapupuntahan dahil mag-isa lang siyang anak at ang dati naman nilang tinitirhan ay naibenta na iyon ng tiyahin nang mamatay ang nanay niya. At ginamit ang pera para sa libing nito. Binawi na rin ng may-ari ang puwesto ng gulayan na pinahiram dati sa nanay niya. Kaya gustuhin man niyang magtinda ay wala siyang ma-puwestuhan. Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang malakas na singhal ng tiyahin niya. “Hoy! Hindi mo ba ako naririnig na dimunyo ka?!” umuusok ang ilong nito habang nakapamewang sa kan'ya. Sa dami ng iniisip niya ay hindi na niya namalayang nasa harapan na pala siya ng tiyahin. Paano, lutang na naman siya. “Tiyang...” mahinang wika niya sa tiyahin. “Letse ka talaga!” singhal nito ulit sa kan'ya. Siya na lang ang nahihiya sa mga taong nakatingin sa kanila sa daan na iyon. Aabangan lang talaga siya nito para lang singhalan at ipahiya. At dahil araw ngayon ng suweldo sa trabaho ay alam na niya kung ano ang pinuputok ng butsi ng tiyahin. “Tiyang, sa loob na lang po ng bahay.” magalang at mahina niyang turan sa tiyahin. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Tinaasan siya nito ng kilay, at nagulat pa siya nang bigla ay hilain siya nito sa buhok na ikinangiwi niya. “A-aray...!” “Kung makapag-salita ka sa akin akala mo kung sino ka na impakta ka! Palamunin ka lang naman sa pamamahay ko!” Galit na galit itong pinagsasampal ang mukha niya, hinila siya sa buhok papasok sa loob ng kanilang kabahayaan. Hindi binigyang pansin ng tiyahin niya ang mga taong pinagtitinginan sila sa mga sandaling iyon. “Ano ba naman ‘tong si Tessa hindi na naawa sa batang iyan. Palagi na lang niya sinasaktan,” Iiling-iling na wika ni Berto. Isang kargador sa palengke. “Naku, sinabi mo pa, Berto. Kuwarta na naman ang problema ng babaeng ‘yan kaya ang pamangkin na naman ang pinag-tripan!” saad naman ni Alice. Kapitbahay nina Christine. Bulong-bulongan ang mga taong iyon sa labas ng bahay nina Christine habang nakikinig sa ingay na nililikha ng tiyahin nito. “A-Aray po tiyang... Masakit na po...” Pinipilit niya kalasin ang mahigpit na pagkakahawak ng tiyahin niya sa mahaba niyang buhok. “Talagang a-aray ka na dimunyo ka kapag hindi mo pa binigay sa’kin ang pera ko!” nanggagalaiting sigaw ni Tessa sa pamangkin. “W-wala ka namang pinatago sa’kin tiyang ah...” Nakuha pa iyon sabihin ni Christine sa pagitan ng pag-iyak. “Aba’t sasagot ka pa ah!” Muli nitong sinampal ng malakas ang dalaga. Wala naman akong sinabing masama ah!Isinaloob na lamang iyon ni Christine. Napapadaing na lang ang dalaga sa sakit. Ano pa nga ba ine-expect niya? Hindi lang naman isang beses ito ginawa ng tiyahin niya. Nakasanayan na nga yata nitong gawin ang ganitong klase ng pagmamaltrato sa kan'ya. “Tiyang... Tama na po! May pera na po ako na ibibigay sa inyo,” humihikbi siya habang dinudukot ang pera sa bulsa. “Huwag niyo na po akong saktan tiyang... Namamanhid na po ang katawan ko sa lagi mong pagbugbog sa akin eh...” Humahagok na wika ng dalaga habang hindi mapigilan ang pag-iyak. Sino ba naman kasi ang hindi mamanhid kung sa pag-uwi niya galing sa trabaho ay ganito kaagad ang sasalubong sa kan'ya? Walang araw yata na hindi siya nasasampal ng tiyahin. Pakiramdam nga niya ay mas makapal na ang pisngi niya kumpara sa kalyo niya sa paa. Pagod na nga siya sa trabaho dahil buong araw siyang nakatayo dahil nga waitress ang pinasukan niyang trabaho. At dahil rin iyon sa kagustuhan ng tiyahin niya na makapasok siya sa bagong Restaurant na pinatayo sa bayan nila. Tapos ganito pa palagi ang madadatnan niya sa pag-uwi. Hinablot ng tiyahin niya ang perang hawak niya na ikinagulat pa niya. “Akin na nga iyan! At mag-saing kana dahil nagugutom na ako! Walang kuwenta!” singhal pa nito sa mukha niya. At walang anu-anong binitawan nito ang buhok niya na kanina pa nito hawak. Muntikan pa siyang mapasubsob sa sahig dahil sa pagtulak ng tiyahin. Tila hindi pa ito nakontento matapos nitong bilangin ang perang hawak. Nakataas ang kilay nitong binalingan siya. “Heto lang ba lahat?” ani nito matapos ipakita sa kan'ya ang perang nalikom. “Ilabas mo na lahat kung mayroon ka pang tinatago d’yan!” sigaw pa nito sa dalaga. Napamaang naman si Christine habang napapatitig sa tiyahin. Ano pa ang ilalabas niya kung lahat ng pera niya ay nakuha na nito? “W-wala na po akong pera, Tiyang. Iyan na po lahat—” Pinutol nito ang dapat pa sana niyang sasabihin. “Siguraduhin mo lang dahil malilintikan ka talaga sa’kin!” Huling sinabi nito sa dalaga bago tumalikod at tinungo ang pintoan palabas. Nasundan na lamang ng tingin ni Christine ang likuran ng tiyahin na padabog na lumabas ng pinto. Malakas pa nito iyon ibinalibag. Napailing-iling si Christine habang inaayos ang buhok na nagulo. Pakiramdam niya ay sinabunutan siya ng sampung bakla dahil namamandhid ang kan’yang anit. Napahawak rin siya sa nangangapal niyang pisngi at labi. Kahit hindi niya iyon nakikita ay sigurado siyang nakahulma na naman ang palad ng tiyahin niya doon. Awang-awa siya sa sarili. Tumayo siya at tinungo ang kusina para makapag-saing. Nagugutom na rin kasi siya at kumukulo na ang tiyan niya. “Siguro magsusugal na naman si Tiyang...” bulong niya habang sinasalang ang kaldero sa kalan. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya gano'n. Hanggang kailan nga ba siya magtitiis sa poder ng tiyahin niya? Wala naman kasi siyang mapupuntahan at tanging si Tessa na lang ang pamilya niyang naiwan. Napa-upo na lang siya sa isang tabi. Kasalukuyang naghahanda ng hapunan si Christine nang biglang dumating ang tiyahin nito. Mukhang maganda ang mood nito dahil malapad ang pagkakangiti. Naisip ng dalaga na siguro nanalo ito sa sugal. Napailing na lang siya sa naisip. Kapagkuwan ay inaya ang tiyahin na kumain. “Tiyang, kain na po tayo,” magalang niyang sabi sa tiyahin. Tiningnan muna siya nito mula ulo hanggang paa bago ito tumango at naupo sa silya. Matapos itong kumuha ng pagkain ay sunod-sunod itong sumubo na tila gutom na gutom. Nasa kalagitnaan na sila ng paghahapunan nang magsalita ang tiyahin. “Ilang taon ka na nga ulit, Christine?” seryoso itong nakatingin sa kan'ya habang hinihintay nito ang isasagot niya. Nagulat naman siya sa tanong na iyon. Sa tagal na niyang naninirahan sa bahay ng tiyahin niya ay ngayon lang ito nagtanong tungkol sa kan'ya. Aba himala... Uminom muna ng tubig si Christine bago nito sagutin ang tiyahin. “Bente pa lang po ako tiyang,” ani niya. “bakit po tiyang?” dagdag pa niya ng hindi umimik ang tiyahin. Muntikan pa siyang mapatalon sa gulat nang bigla nitong bitawan ang kutsara. Tumayo ito at pumalakpak na may ningning ang mga mata habang nakatingin ito sa kan'ya. “Tiyang?” sambit ni Christine habang naka-rehistro sa mukha ang pagkalito sa inaakto ng tiyahin. “Batang-bata! Sigurado ako na hindi siya magsisisi kapag ni-reto kita sa kan'ya, Christine!” masayang wika nito habang pumapalakpak pa. “Po?” maang na tanong ni Christine. “Trabaho ba iyan, Tiyang?” untag pa niya sa tiyahin nang hindi siya nito pinansin. Para kasi itong lutang habang pangiti-ngiting bumalik sa kinauupuan nito. “Tiyang? Bagong trabaho ba iyan na papasukan ko?” muling tanong niya sa tiyahin. Gusto na rin kasi niya ng ibang trabaho. “Basta!” pabalang na sagot nito sa kan'ya. Nagmamadali itong tumayo at tumungo sa kanilang pintoan. Sa tingin niya ay aalis na naman ito. “Tiyang hindi pa po ubos ang pagkain mo! Masasayang ang grasya!” pahabol na sa sabi ni Christine sa tiyahin pero malakas na pagsara ng pinto na lang ang nakarinig no’n. Naiwan siyang napapakamot na lang sa ulo at muling bumalik sa pagkakaupo. Binalingan niya ang pinggan ng tiyahin na may laman pang pagkain nito kanina. Bumuntonghininga siya. “Palibhasa kasi hindi siya ang naghahanap-buhay. Sayang na naman ang pagkain. Pero 'di bale na, ipapakain ko na lang ulit sa aso ni Aling Alice.” bulong ni Christine. Pero nang maalala niya ang sinabi ng tiyahin kanina ay nangunot ang noo niya. “Saan kaya ako ire-reto ni Tiyang?” Napa-isip siya. Sa isiping baka trabaho ang tinutukoy ng tiyahin niya ay napangiti siya. “Sana naman maganda ang trabaho na papasukan ko.” ani ng dalaga sa kan’yang sarili. Pero wala itong kaalam-alam na ibang bagay pala ang tinutukoy ng kan’yang tiyahin. ... “How old is she?” Mabilis namang sumagot si Tessa sa matandang insik. “She is twenty years old, Sir!” ani niya sa masiglang tono. “Boyfriend?” anito. “Naku, walang boyfriend iyon, Sir. Single and ready to mingle,” natatawa pa niyang sagot sa matanda. Nakita niyang may kinuha itong pera sa drawer. Makapal iyon at inumpisahang bilangin ng matanda. Agad nagningning ang mga mata niya. Wow pera! Maraming pera! Sigaw niya sa isipan. “Okay. I'll make a deal, Tessa. At once na nakipagkasundo ka sa akin, lahat ng utang mo sa akin ay mawawala na. Just make sure na susunod ka sa usapan natin. Dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari sayo.” May halong pagbabanta ang tono ng pananalita ng matandang insik. Walang pag-aatubiling tumango si Tessa. Ano kuwarta na magiging bato pa? Hindi puwede! “Walang problema, Sir!” “Good. Now, kunin mo na 'to. Bonus pa lang iyan. Malaki rin iyan, Tessa. Wala ka na ring utang sa akin magmula ngayon.” saad ng matanda. Mabilis pa sa alas kuwatro na kinuha ni Tessa ang pera sa matanda. “Salamat, Sir! Simula ngayon ay iyong-iyo na siya! Good luck Sir!” “Okay. Now, get out.” utos ng matanda na mabilis namang sinunod ni Tessa. Pagkalabas niya sa opisina ng matandang insik ay naka-abang na sa labas no'n ang boyfriend niya. “Tara na, darling!” wika niya sa lalaking nakangisi sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD