Isang guwapong lalaki ang palapit kay Christine. At habang palapit ito ay kinikilig siya at napapapikit pa ng mga mata. At nang unti-unting dumampi ang labi nito sa labi niya ay napadilat siya.
“Ayy!”
Bulalas ni Christine nang sa kan'yang pagdilat ay mukha ni Marcus ang nabunggaran niya.
Panaginip lang pala!
Nakatitig siya sa mga mata ng binata na nakatunghay ngayon sa kan'ya nang biglang maalala niya ang matulis na bagay na nasa pagitan ng mga hita nito kanina na siyang dahilan kung bakit siya nahimatay. Kitang-kita niya kasi iyon ng pasadahan niya ito ng tingin, idagdag mo pa ang h***d at maskulado nitong katawan. Kaya ayun, hindi kinaya ng inosenteng mga mata niya kaya bigla na lamang nandilim ang kan'yang paningin.
Ang binata na nasa harapan niya ngayon ay matiim ang pagkatitig sa kan'ya na animo'y inaarok nito ang pagkatao niya. Nakahiga siya sa mahabang sofa habang nakatunghay naman ito.
Siya ang amo ni Ninang?
Bigla pa siyang napabalikwas ng bangon nang maisip ang bagay na iyon, dahilan ng pag-untugan ng noo nila ni Marcus. Napangiwi siya sa sakit sabay sapo sa sariling noo.
“f**k!”
“Aray!”
Sabay nilang daing sabay hawak sa sariling mga noo. Napatayo si Marcus at paatras na naupo sa couch habang sapo pa rin nito ang sariling noo. Sa ganoong eksena sila naabutan ni Olive.
“Oh, anong nangyari sa’yo, Marcus? Sumakit ba ang ulo mo?” kunot ang noong tanong ni Olive kay Marcus. Naabutan kasi nitong hindi maipinta ang mukha ng binata.
“Wala eto, Nay,” aniya ni Marcus na masama ang tingin kay Christine,“ nabunggo lang ako.”
Tumango naman ang matanda, nilapitan naman nito si Christine na hawak-hawak rin ang sariling noo. “Oh, ikaw naman Tin, nabunggo ka rin ba?” anang matanda na sinipat rin ang noo ni Christine.
“Naku, hindi nang, ah. Nahilo lang po ako dahil siguro sa pagbagsak ko kanina,” palusot ni Christine na mahilo-hilo pa rin sa mga sandaling iyon.
Tango lang rin ang naging sagot ng matanda. Inumpisahan nitong sipatin ang mga sugat ng dalaga. Mabuti na lang at hindi malala ang tinamo ni Christine mula sa mga bubog. Galos lamang ang tinamo nito.
Nanlaki pa ang mga mata ni Christine nang walang pasabing itinaas ni Olive ang pajama niyang suot hanggang sa ibabaw ng hita niya.
“Tingnan mo nga ang nangyari sa itsura mo! May sugat ka pa nga sa pisngi, at galos sa mga tuhod, ngayon na dagdagan na naman! Nasira tuloy ang maganda mong kutis na bata ka!” panenermon nito habang paisa-isang dinadampian ng gamot ang mga sugat niya.
Hindi nito pinansin ang presensya ni Marcus na nakaupo lamang sa kanilang likuran. Ang binata ay hindi na mapirmi sa kinauupuan nito, kitang-kita kasi nito ang bilugan at makikinis na mga binti ni Christine. Biglang umusbong ang init sa katawan ni Marcus, ramdam niya ang pang-iinit ng magkabilang pisngi.
Habang ang dalaga naman ay pilit na ibinababa ang pajama upang maitago ang mahabang binti na ngayon ay naka-balandara sa paningin ng binata. “Nang...” nahihiyang sambit ni Christine.
Napasulyap siya kay Marcus at huling-huli niya itong nakatitig sa binti niya. At nakita niya kung paanong gumalaw ang adam's apple nito.
“Nang... A-awat na,” ulit niyang sabi kay Olive.
Mukhang nahulaan naman ng matanda ang gusto niya ipahiwatig. Nilingon nito ang binata at nakita nitong nakatingin si Marcus sa hita ng dalaga. Iiling-iling itong ibinaba ang pajama ni Christine.
“Marcus, ang mata mong bata ka!” sita ni Olive kay Marcus.
Noon lang napakurap si Marcus at pa-simpleng itinuon sa ibang lugar ang mga matang makasalanan.
“Marcus, anak. Kumusta pala ang unang pagkikita niyo ni Christine?” tanong ni Olive. Naupo ito sa tabi ni Christine. “May naramdaman ba kayo sa isa't isa? Iyon bang love at first sight?” Halos maubo si Christine sa sinabi ni Olive.
“N-nang?!”
“Oh, bakit? Masama bang mag-tanong?” nakataas ang kilay na sagot ni Olive sa dalaga na ngayon ay pulang-pula na ang pisngi.
“Sa dami ng puwedeng itanong iyan talaga, Nang?” mariing wika niya. Pero kinurot lang siya ni Olive sa tagiliran.
“Tumahimik ka na lang bata lalo't hindi naman ikaw ang tinatanong ko.” napamaang na lang si Christine sa isang tabi.
Napakamot naman si Marcus sa sariling batok. Tama nga naman kasi ang dalaga. Sa dinami-rami ng puwedeng itanong, iyon pa talaga ang naisip ng ninang niya.
Marcus then cleared his troat before answering Olive.
“I don't have a feeling like that, Nay. And I don't like her.” sagot ni Marcus na diretso ang tingin kay Christine na ngayon ay napahiya na.
Tama nga naman! aniya ng isipan niya.
“Ay, gano'n ba? Sayang naman.” nanghihinayang na sagot ni Olive.
“What do you mean sayang?” saad ni Marcus.
“Nang naman eh—” pagpigil ni Christine sa matanda na handa na naman sanang magsalita. Hiyang-hiya na kasi ito sa mga pinagsasabi ni Olive.
“Tumahimik ka nga, Tin! Ang daldal naman nito, oo!” Napatanga na lang si Christine sa ninang niya.
Tipid namang ngumiti si Marcus at iiling-iling, si Christine naman ay nahihiyang napapayuko na lang.
Bakit kasi ang daldal ni Ninang? Dapat ang itanong niya ay kung bakit ako nahimatay! Dahil tiyak na sasagutin ko siya na nakita ko ang matulis na bagay sa hita ni Sir!
Lihim na kinurot ni Christine ang sarili upang magising.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kalokohang pumapasok sa isipan niya. Ramdam niya ang pag-iinit ng kan'yang pisngi kaya lalo siyang yumuko upang itago iyon.
“Okay ka lang ba, Christine? Baka magka-stiff-neck ka na niyan,”
Mabilis na umangat ng ulo si Christine.
“Ah, eh, opo!”
“Anong opo ka diyan?” nakakunot ang noo na tanong ni Olive.
“I-ibig ko pong sabihin, okay lang po ako, Nang.”
“Ah, mabuti naman kung gano'n.”
Saglit na tumahimik ang paligid matapos ang palitan ng sagot nina Olive at Christine. Maya-maya pa ay si Marcus naman ang nagsalita.
“So, siya po ang sinasabi mong inaanak mo, nay?” tanong ng binata. Binigyan nito ng simpleng tingin ang dalaga.
Kinuha ni Olive ang palad ni Christine at marahan iyong pinisil. “Oo, nak. Siya si Christine, siya ang inaanak ko sa Mindoro. Wala na siyang mga magulang, anak. Ako na lang ang meron siya ngayon,” puno ng damdamin na sabi nito.
“She can stay here, nay, don't worry.” ani ni Marcus sa matanda. Lumiwanag naman ang mukha ni Olive. Tumayo ito at niyakap si Marcus.
“Salamat, anak.”
Nag-kuwento pa ang matanda tungkol sa mga pinagdaanan ni Christine pa-biyaheng Maynila. Sinabi nito iyon lahat kay Marcus. Ang binata naman ay tahimik lamang na nakikinig. Habang si Christine ay gusto nang magpalamon sa lupa ng mga sandaling iyon.
Pero hindi sinabi ni Christine sa ninang niya ang nangyari sa kan'ya sa probinsya, hindi niya sinabi rito ang tungkol sa pag-bayad sa kan'ya ng Tiyang niya kay Mr. Lim. Ang muntikan nang paggahasa ng matanda sa kan'ya ay inilihim niya iyon lahat sa ninang.
Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kan'ya. Tama na ‘yong ipinagpaalam siya nito sa amo para patirahin dito sa malaking mansion. Ang makasama lang ang ninang niya ay iyon ang mahalaga sa kan'ya. Siguro hindi na rin naman siya mahahanap pa ni Mr. Lim dahil sa Maynila na siya. At malayo na siya sa matandang iyon.
Si Marcus naman na nasa isang tabi ay tahimik na nakikinig sa mga sumbong ng matanda. Tila isang ina ito na hindi mapakali dahil sa nagalusan ang anak. Walang segundo na hindi nito sinusuri ang mga galos ni Christine. Pagkatapos suriin ay napapaiyak ito at hindi napapakali.
“Nang, okay na nga po ako. Galos lang po iyan. Kayo 'tong O.A sa ating dalawa, eh.” napangiwi ang dalaga ng kurutin ito sa singit ni Olive.
“Tigilan mo kong bata ka! Hindi ka kasi nag-iingat. Alam mo ba no'ng nabubuhay ang nanay mo, eh, kahit lamok ayaw no'n lumapit sayo? Tapos ngayon makikita niyang puro galos ka na. Alam mo rin bang buwan-buwan ay nagpapadala ako ng sabon na parang ibon ba iyon? Oo, may ibon na tatak ang box no'n. Doon ka hiyang no'n kaya palagi kitang pinapadalhan ng gano'n. Matapos ko alagaan ang balat mo, magagalusan lang na bata ka!” sumisinghot-singhot na wika ni Olive.
Lihim na napatawa si Marcus sa inasta ng matanda. Kahit pagdating sa kan'ya ay nagiging maarte rin ito. Kahit sa mga kinakain niya ay napakaselan ni Olive. At nagpapasalamat siya dahil doon.
And then Marcus suddenly realized na naiinis rin siya sa tuwing napapasulyap siya sa makinis na balat ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gano'n rin ang pakiramdam niya.
So what kung may mga galos siya?!
Ipinilig niya ang ulo at iniwas ang tingin sa dalaga.
“Oh, Marcus, hindi ka pa pala naghahapunan, anak? Teka, iinitin ko lang ang mga pagkain.” akmang tatayo sana ang matanda pero pinigilan iyon ni Christine sa braso.
“Nang, ako na lang po ang mag-prepare ng hapunan ni Sir Marcus, bumalik na lang po kayo sa pagtulog. Bawal pa namang maputol ang tulog mo dahil sumasakit ang ulo mo, 'diba?” anang dalaga.
Ang Ninang Olive niya kasi ay naalala niya noong nag-bakasyon ito sa probinsya ay madalas itong hindi makatulog ng maayos dahil nga maiingay ang kapitbahay nila, minsan nag-vi-videoke pa kahit madaling araw na, kaya madalas sumasakit ang ulo ng Ninang niya. Sa tuwing nabibitin kasi ang tulog nito ay asahan mo kinabukasan sasakit ang ulo nito.
“Christine is right, Nay. Kailangan mo nang bumalik sa pagtulog dahil tiyak bukas maaga ka na namang gigising. Pasensya ka na kung na-istorbo namin ang tulog mo.” sabat naman ni Marcus.
Kaya ayaw ring magpuyat ni Marcus ang Nanay Olive niya dahil nga sumasakit ang ulo nito. Pina-check-up naman niya ang matanda pero wala naman itong sakit. Siguro nasa tao na talaga na kapag napuyat o nabitin ang tulog ay gano'n ang nangyayari.
Kaya madalas niya itong payuhan na maaga laging matulog at huwag naman gumising ng sobrang maaga dahil wala naman na itong aasikasuhin dahil sa opisina naman siya natutulog kapag weekdays.
“Naku, anak, okay lang iyon. Saka, sige na nga matutulog na ako. Si Christine na ang bahala sa‘yo ha, tinuruan ko naman na siya kanina kung paano initin ang mga pagkain mo. Sige, papasok na ako dahil mukhang pipikit na rin ang aking mga mata.” wika ng matanda. Binalingan naman nito si Christine.
“Christine, ikaw nang bahala kay Sir Marcus mo ha.” Tumango naman ang dalaga.
“Opo, Nang. Goodnight po.”
Nang makapasok sa loob ng kuwarto si Olive ay saka naman nagpaalam ng maayos si Christine kay Marcus na pupunta itong kusina para i-prepare ang hapunan ng amo.
Samantalang naiwan namang nakaupo pa rin sa couch si Marcus habang nagtataas-baba ang kaniyang adams apple dahil hindi man lang napansin ng dalaga na wala itong suot na b*a hanggang ngayon. Pagala-gala ito sa gano'ng ayos.
Hindi rin iyon napansin ni Olive kanina dahil nakayakap si Christine sa isang throw pillow na nasa couch kaya natabunan ang mga dibdib nito.
“f**k! Nakaharap siya sa'kin habang nagsasalita at hindi niya man lang napansin na wala siyang suot na b*a?!” naiasal ni Marcus sa sarili.
Mabilis niyang niluwagan ang necktie dahil pakiramdam niya ay kakapusan siya ng hininga. Ang kan'yang alaga na nasa pagitan ng mga hita ay nag-umpisa na namang mabuhay dahil hindi niya maalis sa isipan ang magandang tanawin na iyon.
What the f**k was happening to me?
Napasandal si Marcus sa headboard ng sofa at ipinikit niya ang kan'yang mga mata. Pero hindi nagtagal ay muli itong nagmulat ng mga mata.
Hindi naman nagtagal ay mabilis ring bumalik sa sala si Christine para sabihan ang amo na tapos na niyang i-prepare ang dinner nito. Naabutan niya itong madilim ang mukha at mukhang pawis na pawis habang nakasalubong ang tingin nito sa kan'ya.
Naka-Aircon naman ang buong bahay, pero bakit kaya pawis na pawis si Sir?
Tumikhim si Christine bago tinawag ang amo na nagkanda-tulis na ang nguso at hindi niya alam kung bakit.
“Sir Marcus, ready na po ang dinner mo.” nakangiti niyang sabi.
Nakita niyang lalong pinagpawisan ang amo. Narinig pa niyang may inaasal ito o minumura? Hindi niya masyado madinig kung ano iyon dahil mahina ang pagkasambit nito n'yon.
Nang hindi kumibo ang amo ay pinilantik ni Christine ang daliri sa paningin ng amo dahil tila tulala ito, at muli niya itong tinawag.
“Sir, baka lamigin na ang inyong pagkain. Sige ka po, ikaw ang papainitin ko no'n.”
At dahil sa sinabi niya ay napakurap ang binata. Walang anu-ano ay tumayo ito at humakbang para lampasan siya. Pero biglang napatigil ito sa paghakbang at muling umabante palapit sa kan'ya. Kapagkuwan ay dinikit nito ang bibig sa tenga ni Christine na siyang ikinatuod ng dalaga sa kinatatayuan nito.
“Nextime, wear your b*a, okay? Ayaw kong pagala-gala ka sa pamamahay ko na bakat iyang mga u***g mo. Ikaw rin...” bulong nito at nilampasan siya.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Christine sa mga sandaling iyon. Nakapa niya ang sariling dibdib at napaawang ang mga labi niya sa natuklasan.
Wala nga akong b*a na suot!