KABANATA 10

1974 Words
Pasado alas-nueve na pero hindi pa rin makatulog si Christine. Siguro dahil naninibago siya sa paligid kaya panay pabaling-baling niya sa higaan. Ang ninang Olive niya ay kanina pa naghihilik samantalang siya ay dilat na dilat pa rin ang mga mata hanggang ngayon. Mukhang napagod rin ang ninang niya dahil maghapong inilibot siya nito sa buong mansion para daw alam niya kung saan ang mga pasikot-sikot doon. Pero sa laki ng mansion na ito ay malaki pa rin ang posibilidad na maligaw pa rin siya. Hindi niya nga lubos maisip kung paano pa nagkikita-kita ang mga tauhan sa mansion na ito dahil sa lawak at laki no'n. Kanina nga pakiramdam niya ay nahilo siya sa pag-to-tour ng ninang niya sa kan'ya sa buong kabayahan. Mabuti na lang mabait ang amo nito at pumayag na patirahin siya sa mansion na ‘to. Kaya kapag nakauwi ang amo nila ay magpapasalamat talaga siya ng malaki dahil sa pagtanggap nito sa kan'ya. Magtatrabaho siya dito kahit na walang suweldo, ang importante sa kan'ya ay makakain siya ng tatlong beses sa isang araw, at makasama lang ang ninang niya. Sisiguraduhin niyang hindi ito magsisisi sa pagtanggap sa kan'ya. “Oh, Christine, anak, bakit gising ka pa rin? Hindi ka ba makatulog?” inaantok pa na tanong ni Olive. Pupungas-pungas pa ito ng mga mata. “Naninibago lang po siguro ako, Nang. At saka ang lamig kasi ng aircon, hehehe!” sagot niya habang nakayakap sa tuhod. Nakabalot rin ng kumot ang buong katawan niya. Kung titignan kasi ang room na inuukupa ng ninang niya ay masasabing hindi ito pang maid na kuwarto. Isang magarang kuwarto na kompleto sa kagamitan kasi iyon. “Gusto mo bang i-off ko ang aircon, ‘nak?” tanong ni Olive sa dalaga. “Puwede po bang bawasan na lang ang volume, Nang?" aniya. “Sige, anak. Naku, masasanay ka rin sa Aircon,” saad ni Olive. Bumangon ito para hinaan ang aircon. “Ayan, okay na.” “Salamat po.” Tumango lang si Olive sa dalaga at muling nahiga sa higaan nito. “Alam mo nang, ang sosyal mo talaga! Mabuti at mabait po ang inaanak mo, itinuring ka pa na parang isang tunay na ina,” nakangiting wika niya. “Oo, nak. Napakabait ni Marcus, tahimik nga lang siya. Tapos kapag narito iyan sa bahay, sa kuwarto lang iyan. Minsan sa library niya. Ayaw no'n sa maingay masyado.” pahayag ni Olive. Mahina na ang pagkakasabi nito dahil dinadalaw na naman ito ng antok. “Ganon ba, nang? Mukhang may sariling mundo pala siya,” tatawa-tawa na sagot ni Christine. “Ano kaya kung magpatugtog ako ng music dito sa mansion, nang? Siguro ihahagis ako ng inaanak mo palabas ng mansion na ito!” parang lukarit na asal niya na binuntutan pa iyon ng pagtawa. Pero hindi na sumagot ang ninang niya. Nang tingnan niya ito ay mahimbing na ulit itong natutulog at naghihilik pa. “Naku, si Ninang, tinulugan ako.” bulong niya sa hangin. Nahiga ulit si Christine, at pilit na ipinikit ang mga mata pero ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Hanggang sa dumaan na ang halos isang oras, pero dilat pa rin ang mga mata niya. Muli ay bumangon siya. “Makainom nga ng gatas, baka sakaling antokin na ako.” aniya. Lumabas siya ng kuwarto nila. Ang kuwarto na inuukupa nila ay medyo malapit lang sa kitchen dahil iyon raw ang gusto ng ninang Olive niya. Dapat raw sa second floor ang kuwarto nito, pero ayaw doon ng matanda dahil aakyat-baba pa raw ito. Kaya ni-request nito sa inaanak na malapit sa kitchen na lang ito gawan ng kuwarto. Kaya makikita naman ang ibedensya sa katawan ng ninang niya, dahil malapit nga ito sa kitchen. At dahil nandito na siya ngayon ay sinabi ng ninang niya na siya na lang ang gagamit sa kuwarto na nasa taas. Pero bukas na lang siya matutulog doon dahil mas gusto niyang katabi ang ninang niya ngayon. At kung pwede lang ay katabi na lang niya itong matulog palagi. Nang makapasok si Christine sa loob ng kusina ay agad siyang kumuha ng baso para timplahan ng gatas. Alam naman niya kung saan nakalagay ang mga iyon dahil tinuro naman ng ninang niya sa kan’ya kanina. Habang naglalagay ng gatas sa baso ay pakanta-kanta rin siya at sinabayan pa iyon ng paggiling ng balakang. Tinataas ang mga kamay habang may pa-kembot-kembot pang nalalaman. May pagkakataon rin na titigil muna siya sa pagkanta upang inomin ang gatas. At pagkatapos no'n ay muli niyang pinapatuloy ang ginagawa. “Oh yeah, laban na 'to!” aniya na ginagaya ang pananalita ng isang actress sa television. “Go, go, go! Sa pag-aakalang wala namang makakarinig o makakakita sa kan'ya ay ipinagpatuloy lang ni Christine ang kan'yang ginagawa. Pero iyon ay akala lamang niya. ... Pagkatapos mag-shower ni Marcus ay agad siyang bumaba ng hagdan. Anong oras na kasi siyang nakarating dahil sa sobrang traffic. Alam naman ng Nanay Olive niya ang kan'yang patakaran na kapag ginagabi siya ng uwi ay ‘wag na siyang antayin. At ‘wag na rin abalahin ang tulog para ipaghanda siya ng pagkain dahil siya na lang ang gagawa no'n. Nakasanayan na iyon ng Nanay Olive niya dahil lagi niya iyong pinapaalala. Nakasuot lang siya ng grey jogger pants at wala ng pang-itaas na suot. Nakagawian na kasi niya iyon kapag nasa bahay lang siya. Hindi na rin siya nagsusuot ng boxer dahil hindi siya sanay. Natutulog nga siyang wala ni anumang saplot dahil iyon ang nakasanayan niya. Malamig at presko kasi iyon sa pakiramdam. Nang tuluyang makababa ay agad siyang dumiretso papunta sa kusina. Pero nangunot ang noo niya nang unti-unting makalapit siya roon ay may naririnig siyang boses. Nilakihan niya ang bawat paghakbang. At habang palapit siya nang palapit ay lalo namang lumalakas ang boses na iyon. Boses ng isang babae na kumakanta. Ayaw niya sa maingay at minsan sa mga musika, pero bakit wala siyang maramdamang inis sa kumakantang ito? Dahil ba maganda ang boses ng kumakanta? “At sino naman itong kumakantang 'to?” tanong niya sa sarili. Nang marating niya ang bungad ng kusina ay sinilip niya kung sino ang naroon. At gano'n na lang ang pagkabigla niya sa nakita. Natuod at nanigas siya sa kinatatayuan habang napaawang naman ang bibig niya. Tila gusto niyang uminom ng malamig na malamig na tubig dahil pakiramdam niya ay init na init ang pakiramdam niya. Isang babae ang kan'yang nakita na naroon habang paggiling-giling ito at pakanta-kanta. Nakatalikod ito sa kan'ya at sa lababo ito nakaharap. Kume-kembot ito na parang butete, na para bang nag-iisa na lang ito sa mundo at walang pakialam kung may makakita o wala sa ginagawa nito. May pataas-taas pa ito ng mga kamay sa ere at nagsasalitang mag-isa. Paano nakapasok ang baliw sa pamamahay ko? tanong niya ulit sa isipan. Gusto niya sanang tumikhim para kunin ang atensyon nito pero ayaw namang sumunod ng lalamunan niya. Nanatili lang siyang nakamasid sa bawat kilos nito. Kahit nakatalikod ay makikitang maganda ang hubog ng katawan nito. Mahaba ang itim na buhok, maliit ang bewang, at malapad ang balakang. Nakasuot lamang ito ng puting sando strap at pajama. Sa tantiya niya ay 5’3 ang height nito. “Sige, igiling mo! Sige pa!” anang babae gamit ang boses ng isang actress na hindi niya mapangalanan. Kumembot-kembot itong umikot paharap sa direksyon niya. May hawak itong baso na may laman na gatas. Tumigil iyon sa pagkanta at inisang lagok muna ang gatas na hawak. What the f**k! sigaw niya sa utak ng matuon ang paningin niya sa dibdib nito. Napalunok si Marcus sa nakikita ng mga mata niya. Wala itong suot na b*a! At dahil puti ang sando na suot nito ay kitang-kita niya ang malulusog nitong dibdib. Bakat sa damit nito ang u***g at tayong-tayo pa! Sunod-sunod ang naging paglunok ni Marcus. Parang na-magnet na siya sa hinaharap ng babae, hindi niya magawang ituon ang paningin sa mukha nito. Naramdaman niyang nanigas ang kan'yang p*********i. At nang tingnan niya iyon ay nakatayo na ito sa suot niyang jogger pants. Dahil wala siyang suot na boxer sa loob ay malaya iyong nakatayo ng tuwid. Shit! Muling bumalik ang tingin niya sa babae, partikular sa dibdib nito. Hindi niya magawang alisin ang tingin roon. Napakurap lang siya ng bigla na naman itong gumiling. Sumasabay ang dibdib nito sa bawat paggalaw nito. Umaalog iyon at gusto niyang kapusan ng hininga dahil sa tanawin na iyon. Hindi siya nito napansin dahil mukhang wala ito sa sarili at panay lang ang pagkanta at pagsasayaw nito. Hindi ba siya aware na baka may makakita sa kan'ya at ganiyan pa ang ayos niya? Aba, teka nga, sino ba ang babaeng ito? Pagkausap niya sa isipan. Mula sa dibdib ng babae ay unti-unting umakyat pataas sa mukha nito ang paningin niya. At gano'n na lamang ang pagkalaki ng mga mata niya nang makilala kung sino ito. “What the f**k! Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo at bakit ka narito?!” malakas at gulat na bulalas niya na siyang ikinatigil at pag-lingon ng babae sa direksyon niya. At gano'n na lang din ang paglaki ng mga mata nito nang makita rin siya. Umawang ang mapupula nitong labi at nabitawan ang hawak na baso. Nahulog iyon sa lapag at nabasag na siyang ikinabalik nito sa sarili. “Ay, na-dimunyo na!” bulalas nito at bigla na lang natumba sa sahig. Nawalan ito ng malay, na ikinataranta naman niya. “Damn! Nagtatanong lang ako nahimatay ka na!” Taranta naman niya itong nilapitan at kinarga. Hindi niya malaman kung saan siya dadaan hanggang sa biglang dumating ang humahangos na si Olive. Mukhang naalimpungatan pa ito dahil sa pagkabasag ng baso. Naglikha kasi iyon ng ingay. “Marcus— Christine? Anong nangyari sa’yong bata ka!” tarantang wika ni Olive na hindi alam kung ano ang gagawin nang makita ang dalaga. Parang wala pa kasi ito sa sarili dahil tila nananaginip pa sa mga sandaling iyon. At doon lang din natauhan si Marcus. “Nay, pakikuha po ng first aid kit. Nasugatan siya dahil sa mga bubog sa sahig,” utos ni Marcus habang buhat-buhat si Christine. Dinala niya ito sa sala at inilapag sa sofa. “Ano bang nangyari, Anak?” naguguluhang tanong ni Olive. “Mamaya ko na sasabihin, Nay. Now, please get the first aid kit.” saad niya rito. Agad namang tumalima ang matanda. Mabilis itong umalis, at saglit lang ay nakabalik naman kaagad. Inumpisahan na niyang gamutin ang sugat ng dalaga na tinamo nito sa mga bubog ng baso sa sahig kanina ng matumba ito. Napailing-iling siya habang dinadampi ang cotton sa balat nitong may sugat. Mabuti na lang hindi tumama ang ulo nito sa bubog dahil kung nagkataon, Hospital ang punta nito ngayon. “Ang liit nga ng mundo, Tsk!” mahinang sabi niya habang titig na titig sa mukha ng dalaga. “Maliit nga, oo. Bakit anak? Nagkita na ba kayo ni Christine dati? Sa mga titig mo sa kan'ya mukhang nagkita na nga kayo,” biglang sabi ni Olive mula sa likuran niya. Mukhang kanina pa ito nakamasid sa kan'ya. Tinapos niya muna ang ginagawa bago sagutin si Olive. “Isang bus lang ang sinakyan namin nang pabalik ako ng Maynila,” sagot niya kay Olive. Nagulat naman ang matanda sa nalaman. “Talaga, 'nak? Naku, sayang at hindi pa kayo no'n magkakilala kung sana eh, kasabay mo na siya pauwi rito kanina,” saad ni Olive. Tipid na ngiti lang ang isinagot niya kay Olive. Hinayaan na lang niya na ang matanda na lang ang tumapos sa inumpisahan niya. Mahirap na lalo't naka-display sa mga mata niya ang dalawang bundok na mataas ang tuktok. Iniwanan niya saglit sa sala ang dalawang babae at tinungo ang kusina para uminom ng tubig dahil uhaw na uhaw na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD