KABANATA 9

1818 Words
“Good afternoon, Mr. Velasquez. Heto na po ang mga papeles na kailangan mo,” anang sekretarya ni Marcus sabay abot ng makapal na papel. “Thanks,” Kinuha niya ito at inilapag sa kan'yang table. “You can go, Trix.” utos niya sa dalaga. Tumango naman ang sekretarya ni Marcus bago tinungo ang pinto ng opisina. Pero bago ito tuluyang makalabas ay tinawag niya ulit ito dahil may naalala siya bigla. “Wait, Trix! I almost forgot, diba birthday ni Damon sa Sunday?” tanong niya sa dalaga. Ang tinutukoy niya ay ang anak nitong lalaki. “Yes, Boss! Mabuti naman naalala mo. Muntikan na akong magtampo, e.” nakangusong saad ni Trixie. Si Trixie ay personal niyang sekretarya. Maliban sa empleyado niya ito ay itinuturing niyang nakakabatang kapatid ang babae, magkaibigan din silang dalawa. Nabuntis ito ng kaibigan niyang si Dexter. At simula noon ay hindi na nila nakita ang kaibigan at hindi na rin ito nagpakita pa. Kaya mag-isang pinalaki ni Trixie ang anak nitong si Damon. Isa rin siya sa naging ninong ng bata. “Busy lang ako, Trix. Madaming trabaho e.” wika niya habang iniisa-isang busisihin ang hawak na mga papeles. Napahalukipkip naman ang sekretarya ni Marcus. Hindi na bago para kay Trexie ang nakagawian ng amo niya. Puro kasi trabaho ang inaatupag nito. Sa dami ng negosyong hawak nito ay hindi na alam ng dalaga kung nagpapahinga pa ba ang kan'yang amo. “Hay naku, boss! Kailan ka ba hindi naging busy? Halos wala ka na ngang pahinga, e. ‘bat di ka na lang kasi mag-asawa? Ikaw rin tatanda kang walang tagapagmana ng mga pinaghirapan mo.” komento ni Trixie. Umupo ito sa couch kaharap ng mesa ni Marcus. Natawa naman si Marcus sa komento ng dalaga. Minsan naisip na rin niya ang bagay na 'yon, pero bata pa naman siya. Ang pag a-asawa ay pinag-iisipan at pinaplano iyon ng mabuti. Trenta’y tres pa lang naman siya at hindi pa siya handa. Sa panahon ngayon ay mahirap nang magmadali tungkol sa usaping pag-aasawa. Kailangang kilalahin muna ng mabuti ang taong aasawahin mo, baka kasi bigla ka na lang iwanan sa ere at ipagpalit sa iba na wala ka man lang kaalam-alam. Sus, umaandar na naman ang pagiging bitter mo, Marcus! sikmat ng isipan niya. Ipinilig ni Marcus ang ulo upang iwaksi ang isiping iyon. Kapagkuwan ay sinagot niya si Trexie. “Ang pag aasawa ay pinag-iisipan ‘yan ng mabuti, Trix. Darating din ako d’yan.” aniya. “Sus, wala na ang edad mo sa kalendaryo, boss.” saad pa ni Trexie. “Age doesn't matter. Ang importante marunong pa rin kumadyot.” pilyong tugon niya sa dalaga na ikinaubo naman nito. “Naku, Boss,” tumikhim si Trexie upang tanggalin ang bara sa lalamunan, “simula nang niloko ka ni Charlene e, naging bitter ka na, tsk! Naging allergic kana sa mga babae, mabuti na lang hindi kita type, dahil kung nagkataon baka pinatalsik mo na ako sa kompanyang ‘to,” mahabang litanya ni Trixie. Napangiti na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman kasi siya allergic sa mga babae, ayaw niya lang talaga makipag-relasyon dahil hindi pa siya handa. Hindi naman sa hindi pa siya nakaka-move-on sa dating fiancee, matagal na siyang nakamove-on kay Charlene. Pero para kasi sa kan'ya ay mas maigi na kung single siya para negosyo na lang ang iisipin niya at walang magde-demand ng oras niya maliban lang sa trabaho. Mahirap kasi para sa kan'ya na pagsabayin ang lovelife at negosyo sapagkat minsan na niyang naranasan na hindi natuunan ng pansin ang nobya kaya ipinagpalit siya nito sa ibang lalaki. Hindi niya namalayan noon na nakipagrelasyon na pala si Charlene sa iba. Nalaman na lang niya noong malapit na ang kanilang kasal, at siya pa mismo ang nakahuli sa mga ito na pumasok sa isang Hotel. Napatawa pa siya noon dahil imbes na magulat ang fiancee niya sa natuklasan niya ay proud pa itong hinalikan ang lalaking kalaguyo sa harapan niya, at pinamukha pa sa kan'ya na wala raw siyang kuwenta dahil puro trabaho na lang ang iniisip niya. Alam niyang may pagkukulang siya pero ganoon na lang kababaw ang rason nito para ipagpalit siya sa iba? Sa lahat pa naman na babaeng dumaan sa buhay niya ay si Charlene lang ang bukod tangi na sineryuso niya at pinangakuan na papakasalan dahil iniisip niya noon na ito na ang babaeng para sa kan'ya, pero nagkamali siya dahil hindi pala. “Boss? Mukhang hindi ka na kumukurap d’yan! Ang lalim naman ng iniisip mo,” untag ni Trexie sa kan'ya. Napakurap naman siya dahil doon. Ibinaba niya ang hawak na papeles sa ibabaw ng mesa. “Ahm—” naputol ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang kan'yang cellphone. Mabilis niya itong kinuha. At nang makita kung sino ang tumatawag ay napangiti siya. Binalingan niya muna si Trixie at sinenyasan. “Pupunta ako sa Sunday, Trix. Ako na ang bahala sa catering and foods. Magpapadala ako ng mga tauhan natin. Sasagutin ko lang ito.” wika niya sa babae. Nakita niyang napasuntok pa sa hangin si Trixie at napangiti ng malapad sa kan'ya. Sumenyas pa ito ng ‘Thank you, Boss’ bago tinungo ang pinto palabas ng opisina niya. Napailing nalang siya. “Hello, Nay?” aniya matapos sagutin ang tawag. “Marcus, Anak. May sasabihin sana ako sa’yo.” wika ng matanda sa kabilang linya. Napaayos naman siya ng upo. “Ano iyon, Nay? May problema ba d’yan sa mansion?” seryusong tanong niya. “Wala, Anak... gusto ko lang sanang ipaalam sa'yo na kung puwedeng na lang sa poder natin ang inaanak ko? Wala na kasi siyang mapuntahan anak, wala na siyang mga magulang. Kakarating niya lang dito sa Maynila, hinanap niya ako anak...” humihikbing wika ng matanda mula sa kabilang linya. “Huwag kang mag alala, Anak. Marunong siya sa lahat ng gawaing bahay, masipag itong si Christine.” dagdag pa ng matanda. Christine... Bigla ay nagka interes siya sa pangalan na iyon pero agad din niyang iwinaksi sa isipan. “Nay, don't cry. Syempre pag pamilya mo ay pamilya ko na rin, remember? Kaya tinatanggap ko siya d’yan sa mansion. Mas okay na rin na may makakasama ka d’yan na kapamilya mo para hindi kana nalulungkot minsan. At teka lang, siya ba iyong kini-kwento mo sa'kin lagi na inaanak mo sa probinsya?” tanong niya. “Oo, Anak! Siya nga iyon. Nagulat nga ako dahil natunton niya ako rito sa Maynila. At kawawang bata dahil muntik na siyang mapahamak, Anak.” anang matanda. “Mabuti at okay naman siya, Nay? Ilang taon na ba iyang inaanak mo?” “Twenty palang si Christine, Anak.” sagot ng matanda. Napatango-tango naman siya. Ang bata pa pala ng inaanak ng Nanay Olive niya. Buti hindi ito napahamak, baguhan pa naman sa Maynila. “Okay, Nay. Uuwi po ako mamaya riyan para makilala ko ang bago nating pamilya. Tatapusin ko lang po itong mga papeles sa harap ko ngayon,” saad niya. “Salamat, Anak! Ipagluluto kita ng mga paborito mong ulam. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mamaya ha,” paalala ng matanda. Ngumiti naman siya. “Opo, Nay Olive.” at mabilis niyang pinatay ang cellphone. Si Olive ay matagal nang naninilbihan sa kanila simula pa noong nabubuhay ang mga magulang niya. Isang taon palang siya noon sa mansion na nagtatrabaho si Olive. Matalik itong kaibigan ng Mommy niya bago paman ito napangasawa ng Dad niya. Laki rin noon sa hirap ang Mommy Lita niya at sa Mindoro ito nakatira kung saan nakatira rin si Olive. Hanggang sa nagtrabaho sa company nila ang Mommy Lita niya at doon nakilala ng Daddy niya. Hanggang sa nagka ibigan ang dalawa at nagpakasal. Noong isang taon siya ay kinuha nito si Olive bilang taga alaga sa kan'ya. Dahil nga magkaibigan ang dalawa ay naging ninang niya na rin si Olive. Naalala pa niya noong walong taong gulang palang siya madalas itong umaalis at umuuwi ng probinsya. Minsan umiiyak siya dahil gusto niyang sumama rito. Naging malapit kasi ang loob niya kay Olive dahil ito rin ang nag-aalaga sa kan'ya maliban sa mommy niya. May nag-iisa itong anak na babae noon pero maaga ring binawi sa matanda dahil may sakit itong Leukemia. Hindi na siya nakasama noong libing ng anak nito dahil nag-aaral siya noon sa amerika. Tanging mommy at Daddy niya lang ang pumunta roon sa probinsya. Pero sa kasamaang palad noong mag graduate siya sa kursong kinuha ay saka naman na-disgrasya ang sasakyan ng mga magulang niya. Sinalpok ito ng isang humaharurot na van dahilan ng ikinamatay ng mga magulang niya. Hanggang ngayon nasa kulungan pa rin ang may gawa no'n sa mga magulang niya. Napag-alaman din nila na lasing ang driver ng van. At dahil nag-iisa lang siyang anak ay sa kan'ya lahat ipinamana ang lahat ng negosyo na naiwan ng kan'yang mga magulang. Ang pagkamatay ng mga magulang niya ang pinaka-masakit na nangyari sa buong buhay niya. Muntik pa siyang masiraan ng bait noon dahil puro siya alak at walang kain kain. Hindi niya kasi matanggap na wala na ang mga magulang niya. Muntik na rin bumagsak ang mga negosyo nila dahil pinabayaan niya iyon. Buti na lang hindi umalis sa tabi niya si Olive. Hindi ito tumigil hanggang sa bumalik sa tino ang pag-iisip niya. Kaya malaki ang pasasalamat niya sa Nanay Olive niya dahil hindi siya nito iniwan. Itinuring na niya itong pangalawang ina. Lahat ng ayaw at gusto niya ay alam ng Nanay Olive niya. Sa tuwing umuuwi siya sa mansion ay pinaghahanda siya nito ng mga paborito niyang pagkain. At kahit hindi siya umuwi ng mansion ay nagpapahatid pa rin siya ng pagkain sa opisina dahil sarap na sarap siya sa mga luto ng Nanay Olive niya. Madalas kasing dito na siya sa opisina natutulog. May kuwarto naman siya dito, nag-o-overtime siya sa trabaho kaya dito na siya madalas natutulog at bihira na siya umuwi sa mansion. Pero tuwing Saturday ay umuuwi siya, hanggang linggo na siya doon. Katulad ngayon na araw ng sabado, uuwi siya pagkatapos i-review lahat ng mga papeles na ito. ... Matapos ang lahat ng gawain ni Marcus ay mabilis niyang binitbit ang coat, kinuha ang susi ng sasakyan at mabilis na nilisan ang opisina. Matapos siguraduhing naka-lock iyon ay malalaki ang hakbang na tinungo niya ang elevator. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng excitement ngayon. Basta nagmamadali lang siyang umuwi. Gusto lang niyang makauwi kaagad. Kaya nga pagkababa niya sa ground floor ay dire-diretso siya sa exit. At nang marating ang kotse sa parking area ay mabilis siya pumasok sa loob. Pinaandar niya ang makina at mabilis na pinaharurot ang kotse. “f**k!” napamura pa siya ng maabutan ang pagkahaba-habang traffic. Sinipat niya ang orasan, alas siete na ng gabi. Wala na siyang nagawa pa kundi antayin na umusad muli ang mga sasakyan sa kan'yang unahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD