"Ibaba mo na ang baril na iyan, Miss Lunnox," natarantang sabi ni Brandon sa kanya. Nakataas ang dalawa nitong kamay at kakatapos lamang nitong gawin ang iniutos ko. Nagpanggap lang akong nahimatay para makuha any baril nito sa tagiliran. Hindi upang makatakas kun'di para makipaglaro dito. At magtanong ng mga ilang bagay tungkol sa daddy ko at sa trabaho nito. "Hindi ako marunong gumamit nito pero sa tingin ko kapag kinalabit ko ang gatilyo puputok ito at tatama ang bala sa katawan mo," nakangising sabi ko kay Brandon. "Kapag nalaman ito ni Boss Caliver, talagang mananagot ako sa kanya at ikaw rin." "May mga gusto lang naman akong malaman, Brandon. Tungkol sa daddy ko at kung totoo ba na masama din siyang tao." "Miss Lunnox, lahat ng sinabi sa iyo ni Boss Caliver ay totoo. Hindi siya