"Boss..." mahinang sabi ni Brandon habang palapit sa akin. Alam na alam ni Brandon kung galit ako dahil kanina pa nakasalubong ang mga kilay ko habang hinihintay ito. "Paano ka naisahan ni Lunnox?" May hawak akong round glass at nasa log house kaming dalawa. "Boss, inakala ko talaga nahimatay siya dahil sa sobrang kalasingan hindi ko naman alam na may balak pala siyang masama at inutusan niya ako na sabihin sa iyo ang tungkol sa---" Tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa akin. "Para magselos ka boss..." "And you think I'm in love with her?" "Yes, boss," mabilis nitong sagot. Inihagis ko sa kanya ang baso na hawak ko pero nasalo naman nito at muling inilapag sa lamesa. "Boss, huling nakita ko na in love ka noong sabihin mo sa akin na sinagot ka na ni Miss Fiona. At ngayon nakikita