Umalis ako ng bahay matapos ang ginawa ko kay Lunnox. Alam kong umiiyak na naman siya dahil sa mga sinabi ko. Sinuntok ko ang ibabaw ng lamesa habang nakaupo ako sa silya. Iniisip ko ngayon kung ano nga ba ang dapat kong gawin? Kung tama man ang kutob ni Lunnox dapat ko ba iyong panghawakan? Napailing ako at halos sabunutan ko ang aking sarili. Pinapahirapan ko si Lunnox dahil sa galit ko kay Guzman. Ngunit ang totoo, nagseselos lang ako dahil kausap niya ang Warren na iyon. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan si Brandon. "May update ka na ba?" "Boss, dumating na si Don Guerer at dumiretso siya ng San Martin. Nandito ako ngayon sa labs at nagmamasid sa paligid. Napansin ko rin kanina na isa-isang lumabas ang mga guest." "Brandon, bumalik ka dito at ako na ang pupunta