Chapter 4

1260 Words
Lunnox's PoV Kahit na may hang-over ako dahil sa kalasingan ko kagabi ay pinilit ko pa rin na bumangon. Wala si Daddy ngayon at may inaasikasong mahalagang bagay. Si Mommy naman nasa bahay nila Lola Adora dahil biglang tumaas ang blood pressure. Naiwan ako dito sa bahay na mag-isa. Sa company naman walang sinabi sa akin si Daddy at ang vice president ang gumagawa ng mga trabaho. Hindi naman ako puwedeng makialam kung wala si Daddy dahil ayokong makadagdag lang ako sa problema. Nagtungo ako sa banyo para maligo dahil aalis ako ngayon para puntahan si Sash. Isang event organizer ang kaibigan ko at kailangan niya ng tulong ko para sa isang occasion. Free time ko naman kaya pupunta ako. Nagsuot lang ako ng shorty short at off shoulder floral blouse. Nagsuot ako ng white sneakers at naglagay lang ng manipis na make up. Kita ang kaputian ko dahil sa maikli kong short. Alam ko na marami na namang mga kalalakihan ang mapapalingon sa taglang kong kagandahan at kaputian. Lumabas na ako ng bahay namin at nagpaalam sa mga katulong. Nagpahatid ako sa driver namin patungo sa Pangasinan kung saan ang location ng wedding. Mahigit isang oras din ang naging biyahe bago ako nakarating sa Del Valle Residence and private resort. Naroon na ang kaibigan ko na si Sash at ang mga staffs nito. "Nandito ka na sa wakas, Lunnox. What can you say?" Ipinakita nito ang calligraphy ng pangalan ng mga ikakasal. "Maganda ang white at gold na theme ng wedding. Maliban sa curtains na ginamit sa may front. Siguro mas okay kung silver na lang kaysa white para may blending. For the rest?" Nilibot ko ng tingin ang paligid. "Maluwang ang venue at hindi magsisiksikan ang mga bisita." Nagtaas ako ng dalawang kamay. "Okay sa akin ang decorations. Hindi na pala ako kailngan dito, e." Niyakap ako ni Sash. "Ikaw ang kaibigan kong model at magaling ka sa design kaya naman sa iyo ako humingi ng tulong. Mamayang gabi ang wedding." Humaba ang nguso ko. "Dapat pala sinabi mo para nakapagdala ako ng extra na damit." "Hindi ka ba hahanapin ng parents mo?" "Busy si Mommy kila, Lola Adora. At si Daddy may importanteng business trip. So, nandito ako ngayon para mag-enjoy. May hot boys ba na nandito?" pilyang tanong ko kay Sash. "Hay naku, Lunnox. Hot boys lang pala ang gusto mo sana sinabi mo kaagad para hinanap ko iyong cute na guy na nakilala natin sa club." Kinindatan ako ni Sash at saka kinurot sa tagiliran. "Huwag mo nga siyang pinapaalala sa akin dahil nakakahiya. For the first time napahiya ako sa isang guy. Kahit na type ko siya ayoko na siyang pag-usapan. Nakalimutan ko na nga siya, e." Mapang-asar na tumawa si Sash. "Mamatay?" Inirapan ko si Sash at tumulong na lang ako sa decorations. Sinali ako ni Sash sa guest list kaya binigyan niya ako ng susi para sa kuwarto na gagamitin ko para mag-overnight sa resort. Hindi na ako pinayagan ni Sash na umalis para naman maranasan ko raw na mag-witness ng isang kasal. Pagkatapos naming mag-break ni Lenard ay hindi na ako naniniwala pa sa true love. Maliban na lang kung ang destiny ko ay ang hot guy na iyon. Naglakad-lakad ako malapit sa dagat. Kakatapos ko lang mag-lunch kasama si Sash pero umalis din ito dahil ipinatawag ng wedding couples. Tumingin ako sa malawak na karagatan. Ang hirap kapag only child lang. Wala man lang akong kapatid na tatawagan para sabihan ng mga problema ko. Naiinggit ako sa mga kaibigan ko na may mga kuya at bunsong kapatid. Huminto ako sa paglalakad sa buhangin. May lumapit sa akin na dalawang lalaki na hindi kalakihan ang katawan. Walang damit pang-itaas at bakat na bakat ang mga ribs. "Hi, Miss beautiful," anang isang lalaki. "P'wede bang manligaw?" tanong pa ng isang lalaki sa akin na nagpa-cute sa harapan ko. "May asawa na ako kaya hindi ako nagpapaligaw," pagsisinungaling ko naman. Mukhang hindi naman naniniwala ang dalawang lalaki sa sinabi ko. Tinawanan lang nila ako at hinawakan pa nila ang braso ko. "Bitawan ninyo siya!" bulyaw ng isang lalaki na palapit sa amin. "Sino ka ba?" nakangising tanong ng isang lalaki sa tabi ko. Bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. "Siya ba ang asawa mo, miss?" tanong sa akin ng isang lalaki na nakahawak sa braso ko. "Bingi ba kayo!" muling sigaw nito. Kinagat nito ang ibabang labi at hinila ang dalawang lalaki nang sabay. Malaki ang pangangatawan nito at maskulado. Pakiramdam ko nga nakaangat na sa buhangin ang dalawang lalaki dahil sa ginawa nito. Wala itong shades na suot at nakabukas ang polo t-shirt nitong suot. Kitang-kita ang maskulado nitong katawan. Umalis ang dalawang lalaki sa harapan namin sa takot. "We meet again, Lunnox," nakangiting sabi nito sa akin. "Siguro naman hindi mo na ako pagbibintangan ng kung ano-ano dahil tinulungan kita?" Oh gosh. Hanggang balikat lang niya ako. "It was a mistake, Mister?" naningkit ang mga mata ko. "Your name?" "Caliver..." nakangiti ito sa akin. "It was a mistake, Caliver. Fine, I'm sorry," napipilitan kong sabi sa kaniya dahil iniligtas niya ako. "Totoo ba ang sorry mo?" Inilapit nito ang mukha sa mukha ko. Nakatitig ito sa mga mata ko at ako naman nakatingin sa mga labi niya. Napalunok ako nang dalawang beses. Bakit bigla akong nakaramdam ng init sa katawan? Shocks! "Namumutla ka, Lunnox." Inilayo nito ang mukha sa mukha ko. "Wala ka bang kasamang kaibigan? Mabuti na lang pala at napadaan ako rito kung hindi baka kung saan ka na nakarating. Ganiyan pa naman ang suot mo." Ibinaba nito ang tingin sa mga legs ko. "Bastos ka!" mabilis kong react. Naglakad ako nang mabilis ngunit nahabol pa rin niya ako. "Tinanggap ko na ang sorry mo pero pinagbintangan mo na naman ako. Wala akong interest sa iyo, Lunnox. Nandito ako dahil ikakasal na ako." Napatigil ako sa paglalakad. Joke ba iyon? Mukha naman itong seryoso? Malakas itong tumawa dahil bigla akong natahimik. "I'm just kidding. Ano nga pala ang ginagawa ng isang seksing babae sa lugar na ito?" "Ano naman ang pakialam mo?" naiinis kong tanong. Feeling close na siya sa akin. "Nandito ako para magbakasyon. Maganda ang lugar na ito para mag-relax. Ikakasal ang kaibigan ko mamaya at wala akong date. P'wede ka ba?" Nanlaki ang mga mata ko. Kung makapag-aya naman ito sa akin parang easy to get ako. "Ayoko, busy ako at uuwi na rin ako mamaya." Pinagtri-trip-an lang yata ako ng lalaking ito. Kahit na crush ko siya hindi ako marupok. "Ang sungit mo naman. Akala ko pa naman friends na tayo." Ipinamulsa nito ang magkabilang kamay sa suot na denim short. Habang nag-uusap kami ni Caliver ay lumapit sa akin ang kaibigan ko na si Sash. "Ikaw iyong event organizer nina Baron at Kiera hindi ba?" tanong naman ni Caliver kay Sash. Tumango naman si Sash at inilahad ang kamay sa harapan ni Caliver. "Nagkakilala na tayo sa club. I'm Sash, kaibigan ako ni Lunnox. And yes, ako nga nag event organizer nila." Tumingin sa amin si Sash. "Magkakilala na ba kayo?" Tinanggap ni Caliver ang kamay ni Sash. "Yes, kilala ko na siya. See you around, Lunnox," malagkit ang tingin ni Caliver habang nakatingin sa akin. Siniko ako ni Sash. "Anong ibig niyang sabihin, Lunnox? Mukhang type ka ng crush mo." Kahit na type ko rin siya magpapakipot ako. Nagkunwari akong walang pakialam. "Halika na nga, Sash. Masiyado siyang mayabang para sa akin. Hindi ko na siya type." Gosh, ang guwapo niya para maging crush ko lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD