Caliver's PoV
Nakatitig ako kay Lunnox habang nagtatawanan sila ng kaibigan nito. Nasa isang sulok lang ako at nakaupo habang nakatingin sa kanila.
She is innocent, charming and sexy. Nag-iisa siyang anak ni Guzman at binabantayan ko siya ngayong araw dahil na rin sa isang kasunduan.
May ipinautos si Don Guerer kay Guzman kaya nandito ako ngayon at nagsisilbing alalay ng pasaway na dalaga. Hindi alam ni Lunnox ang ginagawa ko dahil wala siyang alam sa tunay na trabaho ni Guzman. Alam kong sinekreto ni Guzman sa anak nito ang totoo.
Isang inosenteng dalaga na walang alam sa totoong nangyayari.
Napailing na lamang ako habang nakaupo.
Nag-ring ang cellphone ko at kinailangan kong sagutin. "Gustavo, bakit ka napatawag?"
"Kumusta ang pinapabantayan ni boss?"
Muli akong tumingin sa gawi ni Lunnox. "Walang problema, nakakapag-relax din ako. Maganda ang view dito kaya gusto ko rin na baguhin ang wedding namin ni Fiona. Gusto ko na beach wedding na lang kaysa church."
Sa kabilang linya ay tumawa ng malakas si Gustavo. "Papayagan ka ba ni Don Guerrer sa gusto mo? Well, para mapapayag mo siya kailangan mong bantayan na mabuti si Lunnox. "
"Yeah. Sige na, babalik na naman ako bukas sa trabaho kaya magri-relax muna ako dito." Tinapos ko ang phone call ni Gustavo. Isinandal ko ang likod ko sa upuan at muling tumingin sa gawi ni Lunnox.
Hindi ko talaga kilala ang mga ikakasal pero dahil kailangan kong bantayan si Lunnox naglabas pa ako ng malaking pera para maging kamag-anak ko lang ang hindi ko kilalang mga tao.
Masiyadong maingat si Guzman pero hindi pa rin niya naitago ang nag-iisa niyang anak akin.
Sumapit ang gabi at kailangan kong panindigan ang pagiging friendly ko sa newly weds. Naroon si Lunnox kasama ng kaibigan niyang si Sash.
Nang umalis ito sa loob ay lumabas na rin ako ng venue. Sinundan ko si Lunnox pero hindi ko ipinahalata.
Umiinom siya ng alak habang nakaupo sa buhanginan. May kasama siyang isang lalaki.
Tsk, mahilig makipagkaibigan si Lunnox sa mga lalaki.
Hindi muna ako lumapit at nanatiling nanunood lang sa kanila. Kailangang isipin ni Lunnox na ako ang knight in shining armor niya.
Umupo lang ako sa may hanging chair na hugis itlog at hindi ko inaalis ang tingin ko kay Lunnox.
Marami na itong naiinom na alak at mukhang lasing na siya. May isa pang lumapit na lalaki kay Lunnox na pilit na pinapatayo ang dalaga.
Ikinuyom ko ang kamay ko at nagmadaling naglakad patungo sa dalaga.
"You are in trouble again, Lunnox."
Nilingon niya ako at saka ngumiti. "Ikaw na naman. Come and save me my prince." Inilahad nito ang kamay sa aking harapan.
Itinaboy ko ang dalawang lalaki sa harapan ko. Umupo ako sa tabi ni Lunnox at hindi ko hinawakan ang kamay niya.
"Bakit ba.. lagi kang sumusulpot... kapag nasa panganib ako?" namumungay na ang mga mata nito.
"Nagkataon lang na kailangan mo ng tulong ko. Marami ka ng nainom dito. Hindi mo ba alam na bawal mag-iwan ng basyo ng beer dito sa tabi ng dagat?"
Tumawa ito nang mahina. Sumandal pa siya sa balikat ko.
"Minsan lang... gusto ko lang naman na uminom... ang lungkot kasi ng buhay ko."
Wala akong pakialam sa sinasabi nito pero makikinig pa rin ako.
"Only child ako... kaso hindi ako masaya. May mga magulang ako pero palaging wala sa tabi ko. Alam mo ba na... model ako?"
Nilingon ko siya at bigla din niyang iniangat ang mukha niya. Konting espasyo na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa.
Pumikit ito sa harapan ko at iniuwang ang mga labi. Gusto niyang halikan ko siya.
Napalunok ako habang nakatingin sa mga labi ni Lunnox. Humihigpit na rin ang garter ng brief ko.
Umiwas ako ng tingin kay Lunnox ngunit bigla niyang hinatak ang batok ko. Hinalikan niya ang mga labi ko at hindi na ako nakatanggi.
Tinugon ko ang kaniyang halik. Ipinasok ko ang dila ko sa loob ng kaniyang bibig. Umungol ito sa ginawa ko.
Nag-iinit ang katawan ko habang hinahaplos ni Lunnox ang aking braso.
Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya. "Saan ba ang room mo at ihahatid na kita. Lasing na lasing ka na, Lunnox."
Inalalayan ko siyang makatayo. "Nasa pocket ng short ko. Can you get it?" sumilay ang pilyang ngiti sa kaniyang mga labi.
Oh man.
"Ha-Hahanapin ko na lang si Sash para..." Napalunok ako habang nakatitig sa akin si Lunnox. Nakakapit siy ss batok ko at ang isang kamay niya nakahaplos sa pisngi ko.
"Natatakot ka? Hmm... baka naman kasi may asawa ka na."
"Ikakasal na ako."
Nawala ang ngiti sa mga labi nito. "Ang saklap naman."
Binuhat ko siya at naglakad ako patungo sa loob ng resort. Iniupo ko siya sa may silya para hanapin si Sash pero hindi ko naman makita ang kaibigan niya. No choice ako ngayon kun'di buhatin siya at dalhin sa kuwarto ko.
Pinahiga ko siya sa kama at kinumutan.
Hindi ko naman maawat ang alaga ko na gustong magwala.
"Daddy..."
Nilingon ko siya habang binabanggit si Guzman.
Kahit pala sa anak nito masiyado itong mahigpit kaya siguro nahihirapan si Lunnox.
Muling nag-ring ang cellphone ko. Dinukot ko iyon sa bulsa ng short ko.
"Hello?"
"Caliver, may problema. Kailangan mong bumalik dito sa Tarlac. Nagkaroon ng aberya ang trabaho ni Guzman at si Fiona..."
"What? Anong nangyari sa fiancee ko?"
"Caliver, mamaya ko na ipapaliwanag. Dumiretso ka na rito, galit na galit si Don Guerer."
Mabilis kong kinuha ang bag ko at ang jacket ko. Umalis ako sa kuwarto at iniwan si Lunnox. Mabilis ang t***k ng puso ko habang humahakbang palayo.
Sinuntok ko ang manibela ng motorsiklo ko. "Ano na naman bang kapalpakan ang ginawa mo, Guzman!" nagngingitngit na sabi ko bago pinaharurot ang motorsiklo.
Pagdating ko sa hide out ay nakabulagta ang mga tauhan ni Guzman sa labas. Nasa loob si Don Guerer at maririnig ang malakas niyang boses.
"Nasaan ang anak ko?! Ano ang nangyari kay Guzman?! sunod-sunod na tanong nito sa isang tauhan na kasama ni Guzman.
"Kasama lang namin kanina si Guzman dahil sinundo niya si Senyorita Fiona. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil bigla na lang kaming nawalan ng malay." Nakaluhod ito sa harapan ni Don Guerrer.
"Mga walang silbi!" Binaril ito ni Don Guerer sa ulo.
"Hanapin ninyo si Fiona at ibalik ninyo sa akin! Hulihin ninyo si Guzman, patay man o buhay!"
Nagsialisan ang mga tauhan sa harapan ni Don Guerer.
"Gustavo, ano ba talaga ang nangyayari?" nag-aalala kong tanong dito.
"Caliver, kailangan nating mag-usap. Sumunod kayo ni Gustavo sa opisina ko. Emilio, linisin mo ang mga kalat na ito!" utos pa ni Don Guerer sa isang tauhan.
Sumunod kami ni Gustavo sa kaniya.
"Nawawala ang anak ko, Caliver. Trinaydor tayo ni Guzman, matagal na niya itong binabalak para maghiganti sa akin. At idinamay pa niya ang anak ko," umiiyak na sabi ni Don Guerer.
Ikinuyom ko ang aking mga kamay. "Ako na ang bahala."
"Caliver, huwag kang magpadalos-dalos," babala naman sa akin ni Gustavo.
"Tutulong ako sa paghahanap kay Fiona. Kailangan natin siyang makita. Hindi ko makakaya kapag may mangyaring masama kay Fiona."
Lumapit sa akin si Don Guerer. "Hindi sana ito mangyayari kung pumayag ako na maikasal na kayo kaagad ni Fiona. Patawarin mo ako, Caliver."
Hindi ako umimik dahil galit din ako kay Don Guerer kung bakit pati si Fiona nadamay. Hindi kami magkasundo ni Don Guerer pagdating sa pamumuno sa Triad pero iba ang sitwasyon ngayon. Kailangan kong hanapin ang babaeng mahal ko at ibalik siya ng buhay.
"Ibabalik ko dito ang babaeng mahal ko, Don Guerer. Gustavo, puntahan mo si Lunnox. Hindi siya p'wedeng mawala sa paningin natin ngayon," seryosong sabi ko kay Gustavo.
Nagtungo ako sa kuwarto ko at kinuha ang caliber 45 na baril ko. Inilagay ko iyon sa tagiliran ko at saka umalis na ng hide out. Hahanapin ko si Guzman saang sulok man siya ng mundo, magtago.