Naalimpungatan ako at mabilis na bumangon sa sahig kung saan ako nakaidlip. Naglinis ako ng kuwarto namin ni Caliver. Gusto ko naman na kahit na paano ma-impress ko ang husband ko. At maipakita sa kanya na marunong naman ako sa mga gawaing bahay kahit na only child lang ako at buhay senyorita. Pinalitan ko ang mga kurtina dahil naiinis ako sa pure black and white na nakikita ko sa paligid ko. Inutusan ko ang tauhan ni Caliver na ibili ako ng floral curtain at iyon ang ginamit ko sa kuwarto namin ni Caliver. Tiyak ako na matutuwa ang aking asawa. Kinikilig ako habang iniisip ang magiging reaksyon ni Caliver. Tumayo ako at tumingin sa sala ngunit nakita ko roon sina Caliver at Brandon na seryosong nag-uusap. Nakasilip lang ako sa may railings ng hagdan. At nakikinig sa kanilang usapan.