"I-Ikaw?" halos manlaki ang mga mata ni Fiona nang makita niya ako sa harapan niya. "Sino pa nga bang guwapo ang kaharap mo ngayon?" nakangising tanong ko sa kanya. "Walang hiya ka, Gustavo! Itinuring pa naman kitang kapatid tapos ganito lang ang iginanti mo sa akin, hayop ka! Wala kang kuwentang tao!" galit na galit na sigaw ni Fiona sa akin. Pinagsusuntok pa niya ang dibdib ko at nanginginig ang kaniyang katawan sa galit sa akin. "Binantaan na kita noon, little sister. Iyon nga lang matigas ang ulo mo kaya ka napahamak ng ganito. Tignan mo ang sarili mo, halos hindi na kita makilala. Sigurado ako na gabi-gabi kang sinisipingan ni Don Guerer." "Ang sama mo, Gustavo!" umiiyak na sabi nito sa akin. Unti-unti itong napaluhod sa harapan ko. Sinamantala kong puntahan dito si Fiona para m