TAHIMIK lang akong nakikinig sa usapan nina Don Guerer at Lunnox. Hindi kami magkasabay na nagtungo sa mansion. Sinadya kong isipin ni Don Guerer na wala akong pakialam kay Lunnox. Ngunit sa loob ko nag-aalala ako sa p'wedeng mangyari. Alam kong unfair ito para kay Lunnox ngunit ito lang ang tanging alam ko para mahanap ko kung nasaan si Fiona. Habang tumatagal mas lalo akong nag-aalala para sa kanya. Mahal ko pa rin siya at iyon ang isang bagay na hindi ko kayang aminin sa sarili ko dahil natutunan kong mahalin si Lunnox. Hindi ko na rin sigurado kung pagmamahal pa ba ang nararamdaman ko para kay Lunnox. Ayokong isipin niya na naging panakip-butas lamang siya dahil sa pangungulila ko kay Fiona. Napadiresto ako ng upo at inihilamos ang palad sa aking mukha. Hindi ko ngayon alam ang gag