Chapter 18

1011 Words

Habang nakatanaw ako kay Caliver na paakyat ng hagdan ay nagpatuloy ako sa pagkain ng butong pakwan. Hindi ako sigurado sa desisyon ko pero bigla na lang akong nakaramdam ng pag-asa. Sa pagpayag ko p'wede kong iligtas si daddy sa tulong ni Caliver. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo at mukha naman siyang seryoso. Si Daddy, kailangan niya ng tulong ko. Humiga ako sa sofa at itinaas ang dalawang paa ko habang nag-iisip. Paano ako makakatakas kay Caliver? Ano ba ang dapat kong gawin? Hay, naguguluhan talaga ako ngayon. Mayamaya ay bumangon ako sa sofa. Inayos ko ang mga kalat ko sa sahig at inilagay iyon sa basurahan. Bigla tuloy akong naglinis ng kalat ko dahil sa isang kasunduan. Hindi lang siguro ako sanay na seryoso si Caliver ngayon habang kausap ako. Kitang-kita ko sa mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD