Chapter 2

2074 Words
"Caliver, kanina ko pa napapansin na iba ang ngiti mo ngayon?" tanong sa akin ni Gustavo nang maabutan niya ako sa hide out na nakaupo sa may mahabang couch. "May magandang nangyari lang kanina na hindi ko inaasahan. Anyway, kumusta ang negosyo?" seryosong aniya rito. "Well..." Ibinagsak nito sa aking harapan ang bag ng mga pera. "Good. Maganda ngayon ang pasok ng biyaya." Inamoy ko ang bundle ng pera na kinuha ko mula sa bag. "Bumibenta ang bagong product natin sa mga baras and casino's. Sigurado ako na kapag nakita ito ni Don Guerer ay matutuwa siya sa ating dalawa." "Dapat lang dahil ginagawa natin ang lahat para sa kaniya. Ang gusto ko lang matanggap niya ako bilang son-in-law." Tinapik ni Gustavo ang aking balikat. "Iba na talaga ang tama mo kay Fiona. Unang pagkikita pa lamang ninyo ay minahal mo na siya." Habang nagkuwentuhan kami ni Gustavo ay dumating sina Ana at Elsa na naka-bath robe lamang. "Damn! Bakit sila nandito?" naguguluhan kong tanong kay Gustavo na tinabihan ng dalawang babae. "Masiyado tayong naging abala nitong huling mga araw kaya hindi naman siguro masama kung paligayahin natin ang ating mga sarili." Sumenyas si Gustavo na kunin ng mga tauhan nito ang perang nasa lamesa at dalhin ulit sa vault. Lumabas ang kanilang mga tauhan na kasama nila kanina sa loob ng kuwarto. Tumayo sina Ana at Gustavo. Hawak nito ang bewang ng babae. "Doon na muna kami sa kabilang kuwarto para naman ma-enjoy ninyo ang isa't isa. Caliver, hindi mo pa naman nagiging asawa si Fiona kaya walang masama na tumikim ng ibang putahe habang hindi pa nakahanda ang dessert," pagbibiro nito sa akin bago ako iniwan. Tumingin ako kay Elsa na inalis ang bath robe nitong suot. Nakasuot na lamang ito ng sexy dress ngayon na kulang na kulang ang tela. Yumuko ito sa aking harapan at saka kinagat ang ibabang labi. Lumuhod ito at hinawakan ang nagagalit kong p*********i. Hinuli ko ang kamay ni Elsa ngunit hindi ako halos makatutol. Gusto ko ring ilabas ang init ng aking katawan. Pumikit na ako at sumandal sa aking inuupuan at hinayaan si Elsa na gawin ang dapat nitong gawin. Hinawakan ko ang buhok nito habang sinisimulan ang pagpapaligaya sa akin. "Fck" Halos masabunutan ko sa Elsa sa kaligayahan na hatid ng bibig nito sa aking alaga. Ngunit biglang nag-ring ang cellphone na nasa bulsa ng aking suot na pantalon. Napatigil si Elsa at tiningala ako habang hawak ang aking alaga. Tumingin din ako dito at sumenyas na tumigil sandali. "What?" nanlaki ang aking mga mata habang nakikinig kay Don Guerer. Nagkaroon daw ng aberya ang lakad ni Guzman at kailangan niyang tapusin ang naiwan nitong trabaho. Tumayo ako at inayos ang aking suot na pantalon. Tumingin ako kay Elsa at hinawakan ang baba nito. "Come to my house and we'll continue our fcking business," nakangising sabi ko sa dalaga. Inihatid niya ako sa labas ng kuwarto at kasabay kong lumabas sa kabilang kuwarto si Gustavo na alam kong tinawagan din ni Don Guerer. Nagmadali kaming umalis ng hide out at saka sabay na sumakay sa aming sasakyan. Kinuha ko ang aking baril na caliber 45 at ikinasa iyon. "Relax, hindi naman siguro tayo papatay ngayong araw," ani Gustavo sa akin. Isinuksok ko iyon sa aking black suit. "Pangalawang beses na ni Guzman na pumalpak at ako na naman ang sisihin ni Don Guerer kapag nagkataon. Alam mo naman na nagpapalapad ako ng papel sa magiging father in law ko." Tumawa nang malakas si Gustavo sa sinabi ko. "Mahal ka naman ni Fiona at ipaglalaban ka niya sa kahit na kanino." Hindi ako nakakasigurado doon dahil alam kong nakokontrol ni Don Guerer ang anak nito kung minsan. Naabutan namin ni Gustavo ang aktong pakikipaglaban ni Guzman sa mga kalaban nila sa negosyo. Patay na ang mga tauhan ni Guzman nang dumating kami ni Gustavo. Bumaba din sa sasakyan ang mga tauhan namin para tumulong sa nangyayaring gulo. Sinipa ko nang malakas at inagaw ang baril ni Roman, ang leader ng sindikato na karibal nila sa negosyo. "Walanghiya ka, Caliver!" sigaw nito nang malakas sa akin na pilit pang lumalaban. "Hindi ka matinong kausap, Roman. Pati itong mga kasama ng tuta namin gusto mong ubusin!" Binitiwan ko si Roman at itinutok sa kanya ang aking baril. Sumulpot sa katawan nito ang bala at hindi pa ako nakuntento at pinasabog ko pa ang bumbunan nito. "Hangal ka, Roman!" galit na galit kong sigaw. Nang maubos namin ang mga tauhan ni Roman ay dinampot ko ang attach case na naglalaman ng mga pera. Inihagis ko iyon kay Gustavo at saka lumapit kay Guzman. "Hanggang ngayon talaga hindi ka naasahan, Guzman. Kunin ninyo ang mga epektus na nasa sasakyan ni Roman para maidala natin sa bodega." "Caliver, nagkataon lang na mautak si Roman at hindi ko iyon naisip." Tumawa ako sa sinabi ng matanda. "Ngayon ka pa ba nautakan ng isang Roman? O baka naman gusto mo lang makipagkasundo sa kaniya para takasan ang mga utang mo kay Don Guerer kaya ka nagpapatalo kay Roman. O baka naman nag-usap kayo na lokohin ang Cortesi Triad?" Sinuntok ko sa pisngi si Guzman at napaatras ito. "Caliver, hindi ako kailanman tumakas sa mga problema." "Magpaliwanag ka na lang kay Don Guerer dahil kailangan ka na rin niyang makausap." "Masiyado mong pinapakialaman ang buhay ko Caliver." "Dapat magpasalamat ka sa akin, Guzman. Kung hindi kami dumating dito ni Gustavo ay baka hindi mo na ako nakikita ngayon. Masiyado kang bilib sa sarili mo kaya ito nangyayari. Gusto mo ng mataas na posisyon sa Triad ngunit wala ka namang ginagawa para mapatunayan mo ang iyong sarili." "Dahil pakialamero ka, Caliver. Anak ka lang sa labas ni Renato, alam mo iyan at kung may isang taong dapat nasa posisyon mo ngayon ay ako iyon, Caliver!" Inuungkat na naman nito ang nakaraan. "Hindi mo matanggap na ang anak sa labas ng taong kumupkop sa iyo ay mas mataas nag posisyon ngayon?" pang-iinis ko kay Guzman. Tinabig niya ako at tinawag ang mga tauhan nito na umalis na. "Hindi pa rin nagbabago si Guzman, Caliver. Galit na galit pa rin siya sa iyo dahil ikaw ang pinaburan ni Renato." "Anak niya ako sa labas at ampon lamang si Guzman kapag bakit ito magrereklamo." Tumingin ako sa mga tauhan namin na inililigpit ang mga patay na katawan. Inilalagay ng mga ito iyon sa isang truck ng basura. Lumapit si Inspector David at ibinigay ni Gustavo ang isang daang libong piso para gawin nito ang dati nitong trabaho. Itinago iyon ni Inspector David. "Nagkainitan na naman kayo ni Guzman?" tanong niya sa akin na marahil napansin ang makulimlim na mukha nito kanina. "Gawin mo na lang ang trabaho mo inspector para naman matuwa kami sa iyo at mabigyan ka pa namin ng bonus sa susunod na buwan," seryosong aniya rito. Kakampi nila ang ilan sa mga pulis sa kanilang lugar kaya walang kinakatakutan ang katulad ko dahil kayang-kaya naming gawing utusan ang mga ito. *** Lunnox's Pov "LET'S party-party, Pinas!" sigaw ko kasama ang kaibigan kong si Gracie habang sumasayaw at may hawak na bote ng beer. Kasama ko ang mga ito ngayon sa Hottie Club para i-celebrate ang birthday party ng aking kaibigan na si Sash. "Girl, nakarami ka na," awat naman sa akin ni Gracie. "Minsan lang ito, Gracie. Huwag kang O.A. Birthday naman ni Sash kaya hayaan mo na lang ako na magsaya," masayang sabi ko naman. "Oo nga naman, Gracie. Hayaan mo na lang ang kaibigan natin na magsaya. Kasama naman niya tayo," sabi naman ni Sash. "Happy birthday, girl." Nakipagbeso siya rito at hinalikan ito sa pisngi. "Thanks, Lunnox," masayang sabi ni Sash at nakipag-cheers pa sa kanila ni Gracie. Sumayaw ako sa dancefloor kasama ng aking mga kaibigan. Wala akong pakialam sa mga nanunuod sa kanilang mga kalalakihan. Ini-enjoy ko lang ang pagiging adult ko. Medyo tipsy na ako kaya minabuti kong umupo muna sa tabi ni Gracie. Nakikipagsayawan naman si Sash sa isang lalaki na hindi naman nila kilala. Mayamaya ay nakita kong hinihipuan na ng lalaki ang likuran ni Sash. Kahit na nahihilo na ako at lumapit pa rin ako sa kaibigan at hinila ito. "Hoy! Bakit mo hinihipuan ang kaibigan ko?" malakas na sigaw ko sa lalaki. "Bastos ka!" sabi naman ni Sash na biglang sinampal ang lalaki. "Hey, hindi ko siya hinihipuan, miss!" pagsisinungaling naman ng lalaki. "Kitang-kita na nga kita, e. At kahit na nahihilo ako bistado ka na! Hinipuan mo ang kaibigan ko!" galit na galit na sabi ko. Inawat sila isang babae at lalaking bouncer na lumapit. Pinagsabihan din silang manager ng Hottie Club na kumalma. Paano ako kakalma kung nababastos ang kaibigan ko? "Lunnox, ang mabuti pa umuwi na lang tayo," ani Gracie. "Sash, tama na iyan." Inagaw nito ang bote ng alak na iinumin pa ni Sash. "Sa park na lang tayo." Ngumiti naman ako sa aking kaibigan. "Okay, mabuti pa nga. Inakbayan niya ang kaibigan matapos kunin ang bag niya sa may lamesa nila. Tinapunan ko ng masamang tingin ang lalaki na masama din ang tingin sa akin. Parang nakikilala ko ang lalaking iyon hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. NAGTUNGO nga sila sa public park, bumili si Gracie ng canned beers sa ministop grocery at mga chips. Marami pa namang tao sa public park mga tumatambay din na katulad nila. Alas onse pa lamang ng gabi kaya wala pang rumuronda na tanod sa park. Habang nag-iinuman sila ay may lumapit sa kanilang lalaki. Ito rin iyong lalaki sa bar kanina. "Sinusundan mo ba kami?" naiinis na tanong ko rito. Tumayo ako at tumingin sa lalaki na mas mataas pa sa akin. "Miss, hindi ko siya hinipuan katulad ng pagbibintang mo sa akin. Nawalan siya ng balance kaya ko siya inaalayan at hindi iyon panghihipo," giit ng lalaki sa akin. "Kahit na! Hinawakan mo pa rin ang kaibigan ko!" Siniko ako ni Sash na mukhang sang-ayon sa lalaki. "Lunnox, mukhang tama siya." Kinagat ni Sash ang ibabang labi nito at ngumiwi. "Nagulat lang ako sa sinabi mo kanina kaya ko siya nasampal. Sorry, ha?" hinging paumanhin pa ni Sash sa lalaki. Namula ang aking magkabilang pisngi. Napahiya pa yata ako sa aking inasal. Lasing na ba talaga ako at kung ano-ano na lang ang nai-imagine ko? "It's okay. Mag-ingat na lang kayo," seryosong sabi nito sa aming tatlo. Nang isuot nito ang black shades ay naalala ko na kung saan niya ito nakita. "Ikaw iyong lalaki sa harapan ng company building namin, right?" mahinang tanong ko rito. Hindi naman niya ako sinagot at naglakad lamang ito palayo sa akin. Sinundan ko ang lalaki at sinenyasan ang mga kaibigan na huwag sumunod sa amin. "Hey, kinakausap pa kita. Huwag ka ngang bastos!" naiinis na sabi ko rito. Tumigil sa paglalakad ang lalaki at humarap sa akin. Hinapit nito ang aking bewang at nagtama ang aming mga mata. Iniyuko nito ang ulo at inilapit ang mukha sa akin. "Ikaw ang nagbintang sa akin na bastos ako hindi ba?" Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Pumikit ako sa pag-aakalang hahalikan niya ako ngunit marahan niya akong binitawan. "Ikaw ang babaeng nakita ko noong isang araw at hindi ko inasahan na masama pala ang ugali mo." Iniangat nito ang suot na black shades. Natulala ako sa kaguwapuhan ng lalaking kaharap ko. Malalam ang mga mata na para bang inaantok, matangos ang ilong, katamtaman ang kapal ng mga kilay, kissable lips at ang mga ngipin nito sobrang puti at pantay-pantay pa. Ngumiti ito sa akin dahil nakatitig na pala ako sa kaniya. Itinikom ko ang aking mga bibig na hindi ko namalayan na umuwang pala dahil sa paghanga sa binata. Hinawakan nito ang aking baba at inilapit ang mukha nito sa akin. "Until we meet again, Lunnox." Binitawan nito ang aking baba at saka niya ako tinalikuran. Bumilis ang t***k ng aking puso. Sumakay ang lalaki sa isang kotse na nakaabang dito. Nilapitan naman ako ng aking mga kaibigan. "Magkakilala ba kayo?" usisa ni Gracie sa akin. "Siya ang lalaking ikinukuwento ko sa inyo noong isang araw, Gracie," kinikilig na aniya sa kaibigan. "Ha? You mean siya ang lalaking type mo?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Sash. "Exactly, girl." Umikot ang mga mata ni Gracie. "Sa tingin mo magugustuhan ka pa niya kung pinagbintangan mo siya sa club kanina?" Sumimangot ako sa sinabing iyon ni Gracie. Kahit kailan hindi talaga nawawala ang isang kontrabidang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD