Chapter 1

1237 Words
"Daddy, Mommy, may trabaho na ako!" masayang sigaw ko habang hawak ang pinirmahan kong contract sa isang modeling company. Nag-iisa akong anak ngunit kahit na ganoon ay gusto kong tumindig sa sarili kong mga paa. Ayokong umasa sa aking mga magulang kaya nagsisikap ako para magtagumpay. "Talaga anak?" masayang salubong sa akin ni Mommy na galing pa sa kusina. Nakita ko rin si Daddy ngunit mukhang hindi ito masaya sa balita ko. "Nagsasayang ka lang ng panahon sa modeling career mo na iyan. Bakit hindi ka na lang mag-focus sa business natin, Lunnox. Hindi kung ano-ano ang inaatupag mo. Wala ng ibang magmamana niyon kun'di ikaw," sermon sa akin ni Daddy. Nagkatinginan kami ni Mommy. Nawala ang ngiti sa aking mga labi. "Sa kuwarto po muna ako." Nagyuko ako ng ulo sa harapan ng mga ito. Umakyat ako ng hagdan patungo sa aking kuwarto sa ikalawang palapag. Nakasalubong ko si Manang Pilar na galing sa aking kuwarto at dala ang mga marurumi kong damit. "Congratulations sa iyo, Lunnox. Sinabi ko naman sa iyo na matatanggap ka dahil napakaganda mong dalaga. Simula pa noong bata ka, alam ko ng magiging mahusay kang model at nagkatotoo," masayang-masaya sabi nito sa akin. Mabuti pa ang mga katulong namin proud sa akin samantalang si Daddy, wala na akong magandang nagawa sa kaniya. Malungkot akong tumingin ni Manang Pilar. "Salamat po," matamlay na sabi ko. Nilampasan ko si Manang Pilar at nagtungo na ako sa kuwarto ko. Humarap ako sa vanity mirror at tinignan ang aking mukha sa salamin. Pinuri ako ng mga photographer kanina dahil kahit na sa camera maganda pa rin ako. Ngunit ang gandang ito ay gustong ikulong sa office ng aking ama. Ayokong maging business woman, gusto kong tahakin ang sarili kong landas. Twenty one na ako at may sarili nang pag-iisip para gawin ang gusto ko pero bakit hindi iyon nakikita sa akin ni Daddy. Umiiyak ako habang nakatingin sa salamin. Modeling ang pangarap ko, gusto kong maging ramp model sa ibang bansa. "Lunnox, anak." Si Mommy kumakatok sa pinto. "Pasok po kayo Mommy." Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at nagbuga ng hangin. "Lunnox, pasensiya ka na sa Daddy mo, nitong mga nakaraang araw kasi may inaayos siyang problema sa business natin kaya siguro siya galit ngayon. Kilala mo naman ang Daddy mo anak, mahal na mahal ka niya ang ang tanging gusto niya ay mapabuti ka." "Mommy, twenty one na ako. Hindi na ako baby... kaya nga ako nag-aral ng modeling dahil ito ang gusto ko. Ayaw ba ni Daddy na maging masaya ako?" "Hindi naman sa ganoon anak. Siguro naisip lang ng Daddy mo na mas mabuti kung business muna natin ang isipin mo bago ang modeling career mo. Sana naiintindihan mo ang daddy mo anak." Palaging kinakampihan ni Mommy si Daddy kaya hindi ko maramdaman na may totoong nakakaunawa sa akin. "Please, Lunnox. Sundin mo na lang muna ngayon ang daddy mo. Subukan mong magtrabaho sa office at magkaroon ng interest sa negosyo natin. Pagbigyan mo na lang muna ang daddy mo anak." Iyon pa rin ang ipinipilit ni Mommy sa akin. Kahit na ayoko pumayag ako sa gusto nito. Canned goods ang negosyo ng pamilya ko na minana pa ni Daddy sa Lolo Delfin ko. Nag-e-export kami sa iba't ibang panig ng mundo. "Hindi naman po siguro masama kung canned goods na lang muna ang imo-model ko." Ngumiti si Mommy at natuwa sa sinabi ko. Pagbibigyan ko sila sa gusto nila, sisikapin ko na mapag-aralan ang pamamahala ng negosyo namin. KINABUKASAN nagpasya akong magpunta sa company namin para mabisita si Daddy doon at makapag-sorry ako sa kaniya. Papasok na ako sa building namin nang may makita akong isang lalaki. Nakasuot ito ng business suit at nakasuot ng black shades. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kumikinang ang mga sapatos nito at plantsado ang damit. Isang metro ang layo ko sa kaniya pero naamoy ko ang gamit nitong pabango. Para akong namagnetong lumapit pa rito. Hanggang sa hindi ko napansin na hagdan na ang nilalakaran ko. Nawalan ako ng balanse ngunit nasalo ako ng lalaki. Bumilis nag t***k ng aking puso. "Miss, are you okay?" mahinang tanong nito sa akin. Matagal ako bago nakasagot. Oh Ghad! Siya na ba ang Knight in Shining Armour ko? May bumusinang sasakyan sa harapan namin ng lalaki kaya naman mabilis niya akong itinayo at binitawan. "Sorry, miss but I need to go. Watch your steps so you won't fall... with me." Ngumiti sa akin ang lalaki. Namula ang magkabila kong pisngi. Fall for you! I'm falling for you! Sumakay ang lalaki sa magara nitong sasakyan. Dalawang kotse pang itim ang kasunod nitong umalis. Tingin ko mayaman ang lalaking iyo o hindi lang basta mayaman kun'di sobrang yaman. Binati ako ng mga empleyado namin na nakakasalubong ko. Eksakto naman na nakita ko si Owen, na siyang secretary ni Daddy. "Lunnox, I'm surprised to see you." Nakipagbeso ito sa akin. "How are you? Habang tumatagal paganda ka nang paganda, ha." "Hindi naman masiyado, Owen. As you can see I'm good. May nakita akong lalaki kanina sa labas, nakipag-meeting ba siya kay Daddy kanina?" usisa ko kay Owen. "I don't know, Lunnox." Nagkibit-balikat pa ito. "Alam mo naman na wala akong masiyadong alam sa mga lakad ng daddy mo kahit na secretary niya ako. Masiyado siyang misteryoso." Tama nga si Owen. Sino nga kaya ang lalaking sumalo sa kaniya kanina? "Sa office ka ba ni Sir Guzman, pupunta?" Tumango ako kay Owen. "Oo sana, e. Gusto kong pagbigyan si Daddy sa kaniyang gusto magtrabaho na muna ako rito sa company namin." "Tama naman ang Daddy mo, Lunnox. Bata ka pa at mas mabuti kung mag-focus ka sa business ninyo bago ang sarili mong career." Sinabayan ako ni Owen patungo sa elevator. "By the way, medyo naintriga ako sa sinasabi mong guy, Lunnox. Guwapo ba siya? Makisig? Mabango?" "Yes, Owen. Alam mo habang hawak niya ako kanina nararamdaman ko ang init ng katawan niya." Siniko ako ni Owen habang sinasabi ko iyon ng may emosyon. "Lunnox, kinakabahan ako sa imagination mo, ha." Napahawak pa ito sa dibdib. "Kaloka kang bata ka!" Palibhasa nasa thirty years old na si Owen at single pa rin ito hanggang ngayon. PUMASOK ako sa office ni Dad at naabutan ko siya na tila may malalim na iniisip. Hindi pa napansin ni Daddy na nasa harapan na niya ako. "Lunnox," gulat na sabi nito sa akin. "Nandito po ako para mag-sorry. Handa na po akong matuto sa business natin habang ginagawa ang gusto ko. Hindi naman po siguro ninyo ako pagbabawalan na mag-modeling tuwing weekends." Tumayo si Daddy at niyakap ako. "Salamat, anak." Napansin ko na parang matamlay pa rin ito habang kausap ako. Habang nakatingin ako sa mga mata ni Daddy ay napapansin ko na tila may malalim itong iniisip. "Daddy, are you okay?" "Yes, of course. Pagod lang siguro ako kaya medyo nawawala ako sa focus." "Magpahinga na po muna kayo." "P'wede ba kitang iwan dito, anak? Sasamahan ka ni Owen at ni Rich sa next meeting ko, kayo na muna ang bahalang humarap. I know kaya mo naman iyon dahil may tiwala ako sa iyo." Kinuha ni Daddy ang susi ng kotse nito na nasa drawer ng lamesa at isinuot ang coat nitong itim. "Yes, daddy. Gagawin ko lahat. I promise." Hinagkan ako sa noo ni Daddy bago ito umalis at pakiramdam ko may kakaiba talaga sa ikinikilos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD