Sinundan ko si Caliver sa loob ng bahay kahit na basang-basa ako dahil sa ginawa niyang pagtulak sa akin sa swimming pool. Nakita ko siya na hawak-hawak ang bra at panty ko. Sinadya ko talagang ikalat ang mga iyon sa sala para lalong inisin si Caliver. Hindi lang ako ang may impyernong buhay ngayon kun'di siya rin. "Nanadya ka ba talaga? O baka naman..." Humalukipkip ako sa harapan niya at tumingin sa guwapo nitong mukha. "Nagseselos ka?" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Ako? Ginagamit mo pa ba ang utak mo, Lunnox?" "Bakit ka bigla na lang dumating para itulak ako sa tubig at ihagis ang cellphone na hiniram ko sa iyo? Ang labo mong kausap, e. Ulyanin ka na ba? Nakalimutan mo bang sinabi mo kanina na gamitin ko ang cellphone mo?" Inihagis sa akin ni Caliver ang mga undies ko. "Go on!" M