Lunnox's PoV
Sapo ko ang aking ulo nang magising ako. Sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo pa ako. Hindi ko natatandaan kung ano ang nangyari kagabi.
Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Sash na mukhang hinahanap ako.
"Lunnox, saan ka ba natulog kagabi? Nag-aalala ako sa iyo baka kung napano ka na? Okay ka lang ba?"
Inalalayan ako ni Sash na maupo sa bench.
"Saan ba ako natulog kagabi? Lumabas ako sa kuwarto ma iyan, e." Itinuro ko ang isang silid.
"Kanino naman kayang kuwarto iyan? Itatanong ko sa security."
Iniwan ako sandali ni Sash. At nagtungo ito sa personnel ng resort. Bumalik din ito kaagad sa tabi ko.
"Lunnox, natulog ka sa kuwarto ni Caliver. May nangyari ba sa inyo?" pilyang tanong nito sa akin.
"Ha? Hindi naman ako hubad na nagising kaya sa tingin ko walang nangyari sa amin. Sobra lang akong lasing na lasing kagabi. Pasensiya ka na, nag-alala ka pa tuloy sa akin."
"Kaya mo na ba? Ang mabuti pa maligo ka na lang muna sa room ko. May extra akong damit doon na p'wede mong gamitin. Not your style kaya pagtiyagaan mo na lang." Inalalayan niya akong makatayo.
"Salamat sa pag-aalala mo sa akin Sash."
"Wala iyon... mabuti na lang walang masamang nangyari sa iyo kun'di lagot ako sa parents mo. Mas matanda pa naman ako sa iyo ng five years."
Gusto na naman nitong sabihin sa akin na twenty one ko pa lang.
Masiyado pa ba akong bata?
Nagtungo ako sa kuwarto ni Sash. Ginamit ko ang banyo para maligo at isinuot ang long sleeves ni Sash. Naglagay na lang ako ng n****e cup at isinuot ang cycling short. Comportable ako sa ganitong pananamit.
"Aalis na ba tayo?" mahinang tanong ko sa kaibigan ko na nasa kuwarto at inaayos ang mga gamit nito.
"Yes. Tapos na ang kasal. Maiiwan na lang dito ang mga staffs ko na siyang bahala na mag-alis ng mga decorations. Wala akong matinong tulog kagabi kaya nami-miss ko ang sarili kong kama."
"Ako naman, inaantok pa."
"Breakfast na muna tayo bago umuwi. Nagugutom na rin ako, e."
Inaya ako ni Sash sa restaurant nitong resort. Nag-order ako ng coffee at nag-order naman si Sash ng pagkain namin.
Habang nakaupo ako ay may isang matandang lalaki na nakatingin sa akin. Nakakatakot ang itsura niya dahil may bigote siya at humihithit pa ng sigarilyo.
Iniwas ko ang tingin sa lalaki na nakatitig sa akin. Pinagnanasaan yata ako ng matandang iyon.
Hindi ako humiwalay kay Sash dahil sa takot ko. Wala pa naman ngayon ang knight in shining armor ko.
Kapag nagkita kami ulit 'tsaka na lang ako magpasalamat sa kaniya.
Inihatid ako ni Sash sa bahay namin. Pinagbuksan ako ng mga guards ng pinto.
"Dumating na po ba si Mommy?" tanong ko sa isang guard.
"Wala pa siya Ma'am Lunnox."
Malungkot akong ngumiti dito. Dinaanan ko ang dalawang katulong namin na naglilinis sa garden. Dumiretso ako sa loob ng bahay at nagtungo sa second floor. Pumasok ako sa kuwarto ko at ibinagsak ang katawan sa malambot kong kama.
Sobrang tahimik nitong bahay. Naiisip ko na tawagan si Daddy at kamustahin ito.
Kaso mukhang naka-off ang cellphone niya at hindi ko makontak.
Ala una na ng tanghali ako nagising. Lumabas ako ng kuwarto ko at nagtungo sa kitchen. Naroon na si Mommy at inaasikaso ang mga pagkain.
"Saan ka na naman pumunta kahapon, Lunnox. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin? Nag-alala tuloy ako sa iyo."
"I'm fine, mom. Si Daddy hindi ko siya makontak."
"Baka busy sa trabaho niya. Hindi ka ba pupunta sa company? Baka magalit ang daddy mo kapag hindi mo binibisita ang negosyo?"
"Pupunta po ako mamaya."
"Kumain ka na, nagpaluto ako ng lunch mo. Magpapahinga lang ako sa kuwarto. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako, okay?" Pinisil ni Mommy ang pisngi ko.
Bumuga ako nang malalim at kumain mag-isa sa mahabang dinning table.
ISANG linggo ang lumipas at naging busy ako sa trabaho sa company namin. Hindi pa rin bumabalik si Daddy at araw-araw na nagkukulong si Mommy sa kuwarto niya.
Hindi nga kaya naghiwalay na ang parents ko nang hindi ko nalalaman?
Gabi na ako nakauwi sa bahay at katulad ng daddy sobrang tahimik ng bahay namin. Dumiretso ako sa kuwarto ko at nagpahinga.
Alas dose ng gabi nang magising ako sa malakas na sigaw ni Mommy sa kabilang kuwarto. Dali-dali akong lumabas at nakita ko ang mga kalalakihan na nasa labas ng kuwarto ni Mommy. Nakatakip ang mukha nila at may mga baril.
Lumabas mula sa pinto si Mommy. Duguan ang mga labi at magulo ang buhok. Kasunod niya ang isang lalaki na nakatakip din ang mukha.
"Nasaan si Guzman!" sigaw nito sa aming dalawa ni Mommy.
"Lunnox, anak," mahinang sambit ni Mommy habang gumagapang palapit sa akin.
"Mga hayop kayo! Sino ba kayo at ano ang kailangan ninyo sa amin? Wala dito si Daddy! Kung kailangan ninyo ng per---"
Sinunggaban ako ng lalaki at marahas na itinayo. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko.
"Ilabas ninyo si Guzman kung ayaw ninyong madamay kayong dalawa ng mahal mong ina."
Matalim ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa akin.
"Ano bang kasalanan sa inyo ni Daddy!" umiiyak kong sigaw.
"Halughugin ninyo ang buong bahay. Kailangan kong malaman kung saang lupalop ng mundo nagtatago si Guzman." Binitawan ako ng lalaki.
"Mommy, ano bang nangyayari?" umiiyak kong tanong dito.
"Anak, hindi ko rin alam. Hinahanap nila sa akin ang daddy mo,", umiiyak din na sabi ni Mommy.
Nanginginig ang buo kong katawan sa takot. Armado sila at malalaki ang katawan.
"Anak, umalis ka na. Dumaan ka sa back door. Kunin mo iyong pera na nasa ilalim ng carpet. Naroon din ang susi ng kotse natin. Sige na anak, humingi ka ng tulong," pabulong na sabi sa akin ni Mommy.
"Pero paano po kayo?" natatakot kong tanong.
"A-Ako na ang bahala sa sarili ko anak. Sige na... kailangan mong mabuhay at makahingi ng tulong." Hinaplos ni Mommy ang aking pisngi. "Patawarin mo kami ng daddy mo anak kung nadamay ka pa."
Hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Mommy. Naguguluhan ako sa nangyayari ngayon. Natatakot ako para sa buhay naming dalawa.
"Sige na, anak. Kumilos ka na habang hindi sila nakatingin."
Kahit na labag sa loob ko ay sinunod ko ang utos ni Mommy sa akin. Nagtungo ako sa backdoor at kinuha ang pera. Bumaba ako sa ladder at nang makababa ako ay nakita ako ng isang lalaki na patungo sa gate.
"Tigil!" sigaw niya sa akin habang tumatakbo ako palabas ng bahay namin.
Nagpaputok ito ng baril. "Sabing tumigil ka!" muli nitong sigaw sa akin.
Nanginginig ang mga tuhod ko sa paghinto ko. Nasa harapan ko ang mga walang buhay na katawan ng security guards namin at ng dalawang katulong.
Nasapo ko ang ibabang labi ko at nahulog sa harapan ko ang perang hawak ko.
Nilapitan ako ng lalaki at hinawakan ng mahigpit sa braso.
"Boss, nandito ang babae!"
Sa aking likuran naririnig ko ang mga yabag nila palapit sa akin. Nanlambot ang mga tuhod ko at halos hindi ko magawang lumingon sa kanila.
Katapusan na ba namin ni Mommy?