Umiiyak ako habang nakaluhod sa lupang kinatatayuan ko kanina. Namamanhid ang aking mga kamay at paa sa takot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kahit na magmakaawa ako sa kanila ay hindi nila ako gustong pakinggan.
"Miss, huwag mo na kaming pahirapan! Sabihin mo na lang kung nasaan ang Daddy mo para mabilis!" malakas na bulyaw sa akin ng lalaki na nakatayo sa aking harapan. Pinisil nito ang aking mukha at marahas na iniangat ang aking baba.
"Wala akong alam! Bakit ba ayaw ninyong maniwala sa amin ni Mommy! Sino ba kayo?" natatakot kong tanong sa kanila.
Ikinasa ng isang lalaki ang baril at itinutok iyon sa ulo ni Mommy. Nanginginig ako sa takot habang nakatingin kay Mommy na duguan habang nakahandusay sa lupa.
Isang metro ang layo namin sa isa't isa.
Lumapit ang isang lalaki at sinabunutan ang buhok ni Mommy. Pagkatapos ay itinutok nito ang baril na hawak.
Nakatakip ang mukha nilang lahat. Mata lang ang nakikita ko sa kanilang lahat.
"Magmamatigas ka ba talaga?" sigaw sa akin ng isang lalaki.
"Ako na lang ang patayin ninyo, parang awa na ninyo. Huwag ninyong idamay si Mommy, pakiusap!" Halos lumuhod ako para magmakaawa sa kanila.
"Hindi ako nakikinig sa mga pakiusap! Ang kailangan kong malaman kung saan ninyo itinago si Guzman! Malaki ang kasalanan niya sa akin at kailangan niyang magbayad! Naiintindihan mo ba ako ha!"
Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. "Ma-Magkano ba? Ilan ba ang kailangan ninyo para umalis na kayo dito!"
Tumawa nang malakas ang lalaki. "Hindi pera ang kailangan ko! Hindi kayang tumbasan ng pera ang ginawa sa akin ni Guzman! Buhay ang kinuha niya kaya buhay din ang sisingilin ko!"
Itinulak ako ng isang lalaki na nasa tabi ko. Pinadapa niya ako at tinakpan ng itim na tela ang akong ulo. Malakas na putok ng baril ang narinig ko kasabay niyon ang malakas na sigaw ni Mommy.
Nanginginig ang katawan ko sa sobrang takot. Ako na ba ang isusunod nila? Mga hayop sila, pinatay nila si Mommy!
Nanghihina ako habang iniisip ang nangyayari. Tuluyan akong bumagsak sa lupa at naramdaman ko na lang na may nagbubuhat na sa akin.
Wala akong lakas para manlaban. Nawawalan na ako ng pag-asa. Pinatay nila si Mommy at ako na ang isusunod nila.
Si Daddy? Ano ba talaga ang kasalan niya?
Tuluyan akong nawalan ng malay at nang magising ako nasa isang malaking kuwarto na ako. Nakahiga sa malambot at malaking kama.
"Mommy!" malakas kong sigaw. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa nakasarang pinto. "Pakiusap, palabasin ninyo ako rito! Maawa kayo sa akin!" pagsusumamo ko.
Muli akong tumingin sa kamang hinigaan ko. May nakalagay doon na isang magandang wedding dress. Kasama ng isang pares ng white sandals at mga mahahaling alahas.
Pinahid ko ang aking mga luha na walang tigil sa pag-agos sa aking mga mata. Namamaos na ang aking lalamunan sa kakasigaw upang makahingi ng tulong.
Binalingan ko ang nakasarang bintana. Nagtungo ako sa isang pintuan ngunit nakasarado din iyon. Wala akong nakikitang pag-asa para makatakas sa kamay ng mga lalaking iyon.
Umupo ako sa ibabaw ng kama. Piping umuusal ako ng tulong mula sa itaas. Ayoko pang mamatay, ayokong hanggang dito na lang ako sa mundo.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Mabilis kong dinampot ang isang sandals. Naiisip kong gamitin iyong depensa para sa sarili ko.
"Gising ka na pala," anang isang tinig.
Mabilis ang t***k ng puso ko. Nagtago ako sa ilalim ng kama. Palapit nang palapit ang hakbang nito.
"Lumabas ka na riyan! Wala kang ibang pagtataguan!"
Narinig ko ang pagkasa ng baril. Nakikita ko na ang makinang na sapatos ng lalaki sa harapan ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Isa... dalawa... tat---"
Mabilis akong lumabas mula sa ilalim ng kama. Nakatalikod ito sa akin. Wala na itong takip sa mukha. May hawak itong baril at nakita kong hinipan nito iyon.
"Please... maawa ka..."
Unti-unti itong humarap sa akin at laking gulat ko nang makita ko si Caliver na seryosong nakatingin sa akin.
"I-Ikaw?"
"Ako nga, Lunnox."
"Pinatay mo si Mommy? Bakit mo hinahanap ang daddy ko!" malakas na sigaw ko sa kaniya habang umiiyak.
"Dahil pinatay niya si Fiona! Pinatay ng Tatay mo ang magiging asawa ko! Kaya dapat lang na pagdusahan mo ang kasalan ni Guzman sa akin!"
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. "Hindi ko naiintindihan."
"Wala kang naiintindihan dahil wala kang alam, Lunnox. Katulad ko masamang tao ang Tatay mo! At trinaydor niya ako... kaya ikaw... ikaw ang kabayaran sa buhay na kinuha sa akin ni Guzman. Nakikita mo ba ang wedding gown na iyan?"
Linapitan niya ako at hinawakan nang mahigpit sa aking braso. "Tignan mong mabuti ang wedding gown na dapat sana para sa asawa ko na pinatay ng Tatay mo!"
Itinulak ko siya pero sobrang lakas niya. Natumba ako sa ibabaw ng kama, sa tabi ng wedding gown.
Itinutok sa akin ni Caliver ang baril. "Hubad!"
Mahigpit kong niyakap ang aking sarili. "No! Ayoko!"
Dinaganan niya ako at pilit na inaalis ang aking damit hanggang sa mapunit iyon.
"Please... huwag... maawa ka sa akin, Caliver."
"Maawa? Pinatay ni Guzman ang puso ko, Lunnox. Kaya ngayon mo sabihin sa akin kung dapat pa ba akong maawa!" Muli niya akong dinaganan at pilit na hinahalikan sa leeg.
"Tama na... tama na..."
Tumigil ito sa paghalik at pagyapos sa katawan ko. Tumayo muli ito sa harapan ko at inihagis sa aking mukha ang wedding gown.
"Isuot mo iyan, Lunnox. Simula sa araw na ito, ikaw ang magiging kabayaran sa kasalan ni Guzman sa akin. Magiging asawa kita sa ayaw mo man o hindi."
Tinalikuran ako ni Caliver pabalibag nitong isinara ang pinto. Iniwan niya ako na nanginginig sa takot habang umiiyak. Hindi ko inakala na ang lalaking nagligtas sa akin ng ilang beses ay ang lalaking magiging dahilan kung bakit ako magdurusa ng labis.
Unti-unti akong umupo sa kama at inihagis ang wedding gown na gustong ipasuot sa akin ni Caliver.
Si Daddy... hindi ako naniniwala na pinatay niya si Fiona. Hindi ako naniniwala na mamatay-tao siya katulad ni Caliver. Ang taong iyon, napakasama niya.
Kinamumuhian ko siya ng labis... at pinagsisihan ko na nagustuhan ko siya.