"Sigurado ka na ba sa plano mo?" tanong sa akin ni Gustavo habang sinasabi ko sa kanya ang ginagawa ko kay Lunnox. Kailangan kong mapaniwala si Gustavo na nakikipaglaro ako kay Lunnox at wala itong alam sa mga plano. Nag-usap na kami ni Lunnox tungkol dito at inaasahan ko na susunod siya sa mga plano ko. "Mabilis lang mapaikot ang anak ni Guzman, Gustavo. Hindi na bago sa akin ang magpaikot ng mga babae," nakangising sabi ko rito. "Hindi alam ni Lunnox ang tungkol sa Triad at sa trabaho ni Guzman. Wala ring alam si Lunnox na pinatay ko ang ina niya dahil sa galit ko. At hindi rin alam ni Lunnox kung sino talaga ako, Gustavo. Hindi ba't mas okay na nakikita natin ang anak ni Guzman na malayang nakakakilos? At dadalhin niya tayo sa kinaroroonan ng black book." "Ang sa akin lang naman, Cal