Kinakabahan man ako ay pilit kong nilalabanan ang nararamdaman kong iyon habang kasama ko si Don Guerer. Dinala niya ako sa opisina niya kung saan nagulat ako sa disenyo ng buong silid. May malaking painting ng lion sa gitna at sa bawat gilid ng malaking painting ay ang malaking gold bar na nakasabit. Hinawakan nito ang gold nitong tungkod at humarap sa akin na may ngiti sa mga labi. Gold at black ang tanging kulay sa office nito. Nakakatakot dahil walang bintana ang silid at nasa gilid ang nag-iisang aircon na nakita ko. "Miss Lunnox, gaano mo kakilala si Caliver? I mean ang aking anak-anakan?" Sa tono ng pananalita nito parang gusto nitong tanungin ang tungkol sa relasyon namin ni Caliver. Nahalata na ba nito na nagsisinungaling lang kaming dalawa? Bumuga ako nang malalim at papanin