"Parang awa na ninyo, huwag ninyong kunin ang anak ko!" nagsusumamong sigaw ni Mommy habang hinahawakan ako ng dalawang lalaki na nakatakip ang mukha.
"Awa! Dapat ba akong maawa? Nasaan ang asawa mo! Nasaan si Guzman?" galit na galit na tanong ng isang lalaki na matangkad at malaki ang pangangatawan.
Magulo na ang aming bahay, nagkalat ang mga gamit sa paligid at natumba ang mga flower vase. Wala na ring buhay ang mga katulong pati na ang family driver namin.
"Bitiwan ninyo ako!" pagpupumiglas ko sa mga ito. Umiiyak ako na kanina pa nagmamakaawa na pakawalan niya kami. Takot na takot na ako sa lalaki at sa mga kasama nitong armado.
"Wala rito ang asawa ko. Hindi ko pa siya nakikita, ilang araw ko na siyang hindi nakakausap. Parang-awa na ninyo, pakawalan na ninyo ang anak ko, kung may galit kayo sa asawa ko huwag na ninyo kaming idamay!" Lumuhod sa harapan ng lalaki ang aking ina. "Pakiusap, kung gusto ninyo akong patayin, ako na lang." Niyugyog ni Mommy ang kamay ng lalaki ngunit ko inaasahan ang gagawin nito sa aking ina.
Yumuko ito at hinawakan ang leeg ng kaniyang ina.
Ano ang gagawin nito?
Gusto ba nitong patayin ang mommy ko?
"Boss, nakita namin sa gamit ni Guzman," anang lalaki na lumapit dito.
Binitawan nito ang aking ina at sinenyasan din ang mga tauhan nitong bitawan ako.
Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ni Mommy.
"Boss, mukhang naisahan tayo ni Guzman," narinig kong sabi ng isang lalaki na may takip ang mukha.
Sumigaw nang malakas ang lalaking tintawag nitong boss, hindi ko mabuting makita ang mukha niya dahil may maskara itong itim.
Lumayo ito sandali at may tinawagan sa telephono.
"Anak, tumakas ka na. Ako na ang bahala sa kanila, sige na," bulong nito sa akin.
"Pero, mommy, hindi kita iiwan dito na mag-isa. Hindi natin alam ang p'wede nilang gawin sa atin. Hinahanap nila si Daddy," umiiyak ako habang nagsasalita.
"Anak, sige na. Sundin mo na lang ang sinasabi ko. Pumunta ka sa Tito Cedric mo, magtago ka sa bahay nila at huwag na huwag kang lalabas kahit na ano pa ang mangyari sa akin," umiiyak din sabi ni Mommy sa akin.
Tumingin ako sa lalaki na abala pa rin sa kausap nitong tauhan. Nagdadalawang-isip ako sa gusto ng aking ina.
"Sige na anak. Papatayin nila tayo kaya tumakas ka na, tandaan mo na mahal na mahal kita."
Niyakap ko nang mahigpit ang aking ina at dahan-dahang nagtungo sa nakauwang na pinto.
Nakita ko kung paano ito buong lakas na tumayo at kinalabit ang gatilyo ng hawak nitong baril. Nataranta ako habang nakatingin sa aking ina.
"Lunnox, umalis ka na!" sigaw muli ni Mommy sa akin.
Umiiyak na tumakbo ako palabas. Pagkalabas ko ay umalingaw-ngaw ang sunod-sunod na pagputok ng baril.
Nanginginig ang aking mga binti at hindi na ako makakilos.
Si mommy? Patay na ba siya?
No!
Hindi p'wede!
Napaluhod ako sa aking kinatatayuan. At sumigaw ako ng malakas habang nakatingin sa kalangitan.
"Mommy!"
"Boss, naroon ang babae!" narinig kong sigaw ng lalaking papalapit.
Tila nawawalan ako ng lakas at pakiramdam ko isang ihip lang ng hangin babagsak na ako.
Itinayo na ako ng dalawang lalaki at ipinaharap sa tinatawag nitong boss.
"Matigas kayo ng nanay mo! Kaya dapat lang na pareho kayong mamatay!" Mahigpit nitong hinawakan ang aking pisngi.
"Sige... patayin mo na ako," nanghihinang sabi ko. "Patayin mo na ako!" buong lakas kong sigaw.
Nagdilim ang aking paningin at naramdaman kong binuhat ako ng isang lalaki.
Paggising ko nasa ibabaw na ako ng kama at nakaharap sa isang puting wedding gown. Naalala ko si Mommy, mabilis akong tumayo at bumangon sa kamang hinihigaan ko.
Nagulat ako nang makita ko ang lalaki na nakatalikod sa akin. Nakatayo ito habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Ano ang ginawa mo sa Mommy ko, ha!" Lumapit ako at pinagsusuntok ko siya sa dibdib.
"Napakasama mo!"
Hinawakan niya ako nang mahigpit sa aking braso at marahas na itinulak kaya naman nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa sahig.
"Pinatay ni Guzman ang asawa ko kaya ikaw ang magiging kabayaran sa buhay na kinuha sa akin ng tatay mo!" galit na sabi sa akin ng lalaki na kitang-kita ko na ang buong mukha.
Kinikilabutan ako habang sinasabi iyon ng lalaki.
Bakit ako?
Ano ang kinalaman ni Daddy?
Hindi ko naiintindihan!
"Sinungaling ka! Hindi mamatay tao ang Daddy ko!"
Pinisil nito ang aking pisngi magkabilaan. "Wala kang alam na masamang tao ang Daddy mo, na katulad ko siya at pareho lang kaming dalawa!" marahas niya akong binitawan. "Sa oras na ito, ikaw ang magiging bayad ni Guzman. Pagsisilbihan mo ako bilang asawa ko, sa ayaw mo man at gusto! Naiintindihan mo ba ako?"
"Ayoko! Bakit hindi ka magsumbong sa mga pulis? Bakit kami ni Mommy ang pagdurasahin mo sa kasalanang ibinibintang mo kay Daddy!"
Tumawa nang malakas ang lalaki. "Isuot mo ang wedding gown na iyan at sisimulan mo ang pagiging asawa ko. Sisihin mo ang daddy mo kung bakit ito nangyari sa inyo ng mommy mo. Ginulo niya ang tahimik kong mundo kaya pagbabayaran niya ang lahat ng mga ginawa niya sa akin at ikaw... ikaw ang magdurusa sa kasalanan ng iyon ama!"
Sinipa nito ang cabinet na malapit sa kaniya. Inihagis pa nito ang flower vase sa pader at dumilim ang anyo nito habang hawak ang baril. Ikinasa nito iyon at saka itinutok sa aking sintido.
Patuloy sa pagtulo ang aking mga luha. Kinakabahan ako ngunit pilit na nilalabanan ang nararamdaman kong takot habang kaharap ang lalaki.
"Ayoko! Naiintindihan mo ba ako! Ayoko!"
"You are mine now... only mine."
"Anong gagawin mo!" malakas ang t***k ng aking. Malagkit ang tingin nito sa aking kabuuan.
Hinaplos nito ang aking pisngi patungo sa akin leeg.
"Hubad!" Bigla nitong sigaw sa akin.
Nangangatog ang aking mga tuhod habang nakatingin sa galit na galit na lalaki.
Hindi ako nakakilos sa takot.
Itinulak niya ako sa kama at saka dinaganan.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay habang ang isang kamay nito ay may baril na hawak.
"Tama na, please. Maawa ka sa akin, tama na," pakiusap ko sa lalaking walang balak makinig sa aking pakiusap.