Chapter 1

1141 Words
CHAPTER 1 Shirley's P. O. V. Kinabukasan, nakita kong wala pa ring reply si Diego sa mga text message ko. Hindi kami nagkita sa school kahapon dahil hindi raw ito pumasok, wala man lang akong balita sa kaniya. "Kaninong text ang hinihintay mo, sa boyfriend mo?" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot si Queenie na nakatapis lang. Kakatapos lang nito maligo. "H-Ha? Wala naman akong boyfriend," pagsisinungaling ko. Kailangan ko itago ang relasyon namin ni Diego dahil alam kong hindi sasang-ayon si Mama at Papa, gusto nila na makapagtapos ako ng pag-aaral. Isang taon na lang naman. Malapit ko nang maipakilala si Diego. Tumango siya at nagsimulang magbihis. Inayos ko ang mga gamit ko at saka kumuha ng plantsa, nagsimula akong plantsahin ang uniporme ko. "Unahin mo yung sa akin, kita mo namang nakaligo na ako," reklamo ni Queenie. Tumango ako at kinuha ang uniporme niya saka ito pinlansta. Nang matapos ay uniporme ko naman at uniporme ni Gerald. Saktong matapos ako magplantsa ay natapos si Gerald sa pagligo. Kinuha ko ang twalya ko saka nagtungo sa banyo namin. Naghubas ako ng damit. Kinuha ko ang tabo ngunit nang itaas ko ito ay napaawang ang labi ko nang makita ang malaking crack nito sa ilalim. "Sino namang nakasira nito?" bulong ko. Nang matapos akong maligo ay akmang lalabas na ako ng banyo pero narinig ko ang boses ni Mama. "Seventy, para sa 'yo." "Sa akin po, Mama?" boses iyon ni Gerald. "Heto, seventy rin. Para may pamasahe kayo, huwag na kayo maglakad pauwi." "Salamat, Ma. Tungkol nga pala sa bagong cellphone, malapit na kasi yung birthday ko," ani Queenie. "Oo naman, anak. Gagawan ng paraan ni Mama." "Salamat, Ma. Mauna na kami ni Gerald, sabay na kami papasok." Narinig ko ang yapak ng paa nila palayo kaya lumabas na ako ng banyo para magbihis sa kwarto. Nakakapagtaka, limang daan lamang ang bigay ni Papa pero nagawa pa ni Mama na gawing seventy pesos ang baon nila, ganoon rin kaya ang baon na ibibigay sa akin? Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Mama na may dalang walis tambo. "Oh, baon mo," ani Mama at nilabas ang pitaka niya. Nagulat ako nang maglabas ito ng singkwenta pesos at nilagay sa kamay ko. Akala ko ay magdadagdag pa siya ng bente pero wala. "S-Salamat po," ani ko. "Parang hindi ka pa masaya na binibigyan ka ng baon. Batang 'to, kolehiyo ka na, matuto ka na!" aniya at naglakad patungo sa kusina. Napalunok ako ng ilang beses saka naglakad palabas ng bahay. *************** Pagdating ko sa school ay nakita ko si Diego na nakaabang sa gate ng campus. Nakangiti itong lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Bakit wala kang reply sa akin?" tanong ko. "Sorry na, alam mo namang galing ako sa birthday, medyo naparami yung inom." "Birthday?" takang tanong ko. "Birthday! Hindi ba nagpaalam ako sa 'yo na aabsent ako kasi birthday ng tito ko---" "Wala kang binanggit, Diego." Napatigil siya. Siguro na-realize niyang hindi nga siya nagpaalam sa akin. Parang wala siyang girlfriend, hindi man lang nakaalala na i-message ako o i-update kung anong lagay niya. Tinalikuran ko siya pero hinabol niya ang paglalakad ko. "Sorry na, sobrang lutang ko lang to the point na hindi ko pala nasabi sa 'yo, Babe." Napatigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga. Mabuti na lang at sa ibang school nag-aaral si Gerald at Queenie kaya hindi nila nalalaman ang tungkol sa amin ni Diego. "Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na mag-iinom ka," ani ko. "Babe naman, alam mong ayaw ko na parang si Mama, kailangan pa magpaalam. Nakakasakal kapag gano'n--" "Sinasabi mo ba na nakakasakal ako?" tanong ko. "Hindi, Babe. Sorry na, huwag ka na magalit sa akin. Babawi ako, kain tayo sa gotohan mamaya." "Aalis ako mamaya, pupunta ako sa kinukuhanan ko ng ukay-ukay--" "Hindi ka pa rin tapos sa pagbebenta mo ng ganoon?" tanong niya. Napatitig ako sa kaniya, tila ba iritable ang mukha nito. "Wala namang masama--" "Nakakahiya kasi tignan, Babe. Humingi ka na lang sa magulang mo ng pera. Hindi bale, sasagutin ko goto natin mamaya." Hindi ko alam na kinakahiya niya pala ang ginagawa kong trabaho para sa sarili ko. "Bati na tayo, ha?" Hinawakan ni Diego ang pisngi ko. "Malapit na mag-bell, pumasok na tayo." "Hihintayin kita mamayang uwian." Tumango ako. Nakasimangot akong naglakad sa hallway ng school. ************* Pagdating ng uwian ay natuloy ang pagkain namin sa goto ni Diego. Habang naghihintay kami ng order namin ay may nilabas si Diego na folder. "Ano 'yan?" tanong ko. "Babe, itatanong ko sana kung alam mo i-solve 'to, hindi ba accounting ka, magaling ka sa math." Kinuha ko ang folder na binigay niya. Nakita kong madali lang ang solving nito. "Sabi ko sa 'yo, aralin mo yung mga tinuturo ko, simpleng formula lang 'tong binigay sa inyo. Kung accounting ka pa, mas mababaliw ka." Ngumiti siya. "Kaya nga nag-piloto ako, akala ko wala nang math. Pakiramdam ko iso-solve namin pati hangin at ulap," aniya at tumawa. "Ako na bahala dito, madali lang naman," ani ko. "Kaya mahal na mahal kita. Lagi mo 'ko tinutulungan. Heto na pala order natin, kumain ka ng madami, Babe." Nilagay niya sa harapan ko ang mangkok ng goto at binalik ko naman sa bag ko ang folder ni Diego. Nagsimula kaming kumain. ************ Pagdating ko sa bahay ay nakakita ako ng lalakeng matangkad at maitim, may hawak siyang papeles at isang bag. "Do you live here?" tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko. Mukhang hindi siya Pilipino. "Y-Yes." "Can you tell Theresa to come here." Tumango ako at pumasok ng bahay. Bigla kong narinig ang boses ni Papa at Mama mula sa kwarto. "Ma, may tao sa labas--" Napatigil ako nang bigla akong makarinig ng malakas na kalabog. "Jusko, Theresa!" "Dahil 'yan sa hindi sapat na pagbibigay mo ng pera sa akin, ginagawa ko lang lahat ng 'to para sa mga anak natin--" "Ano bang sabi ko sa 'yo? Gagawan ko ng paraan kahit pagmamaneho ng trycicle lang ang hanapbuhay ko. Hindi mo kailangan umutang sa bumbay. Paano ngayon? wala tayong maibabayad sa kaniya!" sigaw ni Papa. Lumapit akong muli sa lalakeng nasa labas. Ngumiti ito sa akin. "Where is Theresa?" "H-How much did my mother owe you?" tanong ko. "She needs to pay, two-hundred pesos every day." Napaawang ang labi ko. Nanginginig ang mga kamay ko, kinuha ko ang aking pitaka at naglabas ng dalawang daang piso. "H-Here." "Thank you, tell her that I will come back again tomorrow." Tumango ako. Nang umalis ito ay sinarado ko ang pinto at dahan-dahan akong napaupo sa kahoy naming upuan rito sa sala. Hindi ko napigilan ang maiyak, isang linggo kong ipon ang dalawang daan na iyon pero wala akong magawa. Kailangan ko tumulong. Pinunasan ko ang mga luha ko. Kailangan ko maging matatag, kailangan ko magtapos ng pag-aaral. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD