bc

Her Chaotic Life

book_age18+
73
FOLLOW
1K
READ
possessive
goodgirl
independent
drama
twisted
bxg
office/work place
betrayal
cheating
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Si Shirley Jane Martinez ay isang mabuting tao, hangad lamang niya ay matulungan ang kaniyang magulang at mai-ahon sa hirap kahit malupit ang sinasapit nito sa kanila, sa kabila ng madaming pagdurusa at magulo niyang buhay, pakiramdam ni Shirley Jane ay malas siyang tao.

Dumating sa buhay niya si Howard Leo at minahal siya ng lubusan, si Howard na kaya ang tanging swerte na natanggap niya sa kaniyang buhay?

chap-preview
Free preview
Prologue
Shirley Jane's P. O. V. "Isang daang piso na lang 'yan, close naman tayo e'." Hawak ng kaklase kong si Shara ang isang blouse na itim. Binebenta ko ito sa dobleng presyo mula sa kuha ko sa ukay-ukay. "May barya ka ba?" tanong niya. Napangiti ako at tumango. Kinuha ko ang aking pitaka mula sa bag. "Two-hundred 'to, baka may barya ka, kailangan ko rin kasi ng barya," ani Shara. "Oo naman!" Binigay ko sa kaniya ang sukli niyang isang daan at nilagay ko sa wallet ko ang dalawang daan. Lumapit sa akin si Paulo at nilahad ang kamay. "May order akong T-shirt, 'di ba?" tanong niya. Agad kong kinuha ang bag ko at hinanap ang order niya. "Sakto pera ko, baka mahirap ka magsukli," biro niya. "Naku, walang problema, heto yung order mo sa akin." "May bago ka bang stocks?" "Ise-send ko sa 'yo yung pictures kapag may bago." "Shirley, wala ka nang tinda na bracelet, yung mayroong beads na kagaya ng binebenta mo last month?" tanong ni Rain. Inayos ko ang bag ko at sinarado ito saka hinarap si Rain. "Wala pang stocks, kapag nakahanap ako, sasabihin ko kaagad sa 'yo." "Sige, i-message mo 'ko, ha?" Tumango ako at ngumiti. Bigla namang dumating ang professor namin sa accountancy. Lahat kami ay napaupo sa aming mga upuan. Natahimik ang lahat dahil strikto rin ito. "We will have a short quiz today, kagaya ng napag-usapan." Kinalabit ako ni Wendy na katabi ko. "Pahingi ng sagot, babayaran kita." Nagningning ang paningin ko nang sabihin niyang babayaran niya ako. Mabilis akong tumango sa kaniya. Sa ganitong paraan nagkakaroon ako ng pera panggastos sa araw-araw ko. Isang taon na lang naman itong pag-aaral ko, pagkatapos ay ga-graduate na ako. Pwede na ako mag-trabaho. Magagawa ko ring ibalik lahat ng gastos ng magulang ko. Para na rin matapos ang paghihirap nila, lalo na si Papa. ************* Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko si Mama na nagsasampay ng labahin sa labas. Akmang magma-mano ako sa kaniya pero iniwas nito ang kamay niya. "Bakit ngayon ka lang?" irita nitong tanong. "M-Ma, nagpamigay kasi ako ng mga nag-order sa akin--" "Nagbebenta ka na naman ba ng kung ano-ano!?" sigaw niya. "Para lang po sana makatulong sa gastos ko--" "Sinasampal mo na naman ba sa amin na hindi sapat ang binibigay sa 'yo ng ama mo? Nagkakandakuba kaming mag-asawa para lang tustusan ang pangangailangan ninyong magkapatid. Imbis na magpasalamat ka na lang, magagawa mo pang ipamukha na kulang na kulang!?" sigaw ni Mama. Napaawang ang labi ko. Biglang lumabas si Papa ng bahay. "Tama na 'yan, Theresa. Huwag mo na sigawan si Shirley. Tara na at kumain na tayo." Bakas sa boses at mukha ni Papa ang pagod niya, marahil ay galing siya sa maghapong pamamasada ng trycicle. Sampung taon na siyang namamasada ng trycicle, iyon ang bumubuhay sa aming pamilya samantalang si Mama naman ay nasa bahay lang, minsan kumukuha siya ng labada ng mga kapitbahay. "Ikaw bata ka, mag-aral ka kung mag-aaral ka. Huwag mo pagsabayin ang mga bagay-bagay, noon ka na lang babawi sa mga ginawa namin para sa 'yo, gawin mo naman ng tama!" Napayuko lamang ako. Walang araw na hindi niya ako sisigawan, hindi ko maintindihan kung pangangaral ba ito sa akin, parang hindi man lang nila makita 'yong pagtulong ko. Pumasok ako sa aming maliit na tahanan, nakaupo na sa hapagkainan si Papa, ang nakababata ko pang kapatid na si Queenie at ang bunso naming si Gerald. "Narinig ko yung sinabi ni Mama, ate. Dapat siguro isikreto mo na lang 'yang raket mo," ani Gerald nang maupo ako sa tabi niya. "Oo nga---" "Dapat lang 'yon sa kaniya, pinag-aaral ka na nga, sana nagtrabaho ka na lang. Alam mong gusto nila Mama at Papa na mag-focus sa isang bagay." Napatingin ako kay Queenie. Hindi man lang niya ako binigyan ng galang, mas matanda ako ng apat na taon sa kaniya. Bente anyos na si Queenie at si Gerald naman ay kinse anyos. Habang ako, bente-kwatro anyos na. "Tama na 'yan, nasa harap tayo ng pagkain." Napatingin ako sa plato na nasa harapan, may pritong galunggong, toyo na sawsawan at kanin. "Pasensya na, Pa. Hindi na ulit ako magpapagabi ng uwi," ani ko. Pagpasensyahan niyo na lang din ang Mama ninyo, marami talagang nasasabi 'yan kapag galit. Limang daan lang kasi ang nauwi ko ngayong araw, sobrang haba ng pila namin at sapat lang pang-gasulina ang pera." Napatingin ako sa pinto nang biglang pumasok si Mama. Naghugas siya ng kamay at naupo sa tabi ni Queenie, habang si Papa ay nasa gitna. "Kumain na tayo---" Kinuha ni Mama ang sandok. "Hindi ba tayo magdadasal?" tanong ni Papa kay Mama. Nagkatitigan ang dalawa. Binitawan ni Mama ang sandok at si Papa ang namuno ng dasal, nang matapos ay nagsimula na kaming kumain. "Dapat, ugaliin pa rin nating sabay-sabay kumain. Sa hapunan na lang tayo nagkakasama-sama na buong pamilya." Tumango ako sa sinabi ni Papa. Tila ba wala pa rin sa mood si Mama dahil nakasimangot ito habang kumakain. "Saan na naman tayo kukuha ng pambaon ng mga bata bukas." Napatigil si Papa sa pagnguya nang magsalita si Mama. "There, mamaya na natin pag-usapan 'yan--" "Kailan pa natin pag-uusapan? Kapag wala na tayong maibigay sa mga anak mo?" ani Mama. Binilisan ko pa ang pagkain para matapos na ako, nasasaktan akong marinig ang away nila patungkol sa pera. "Ito ngang bubong natin hindi mo mapalitan, magtatag-ulan na naman, Martin. Gusto mo bang mababoy ng tuluyan ang mga gamit natin dahil sa ulan?" "Mag-iipon naman tayo para diyan--" "Kailan mo 'to ipapagawa? Kung kailan napupuno na ng tubig ng ulan ang bahay natin?" Biglang tumayo si Gerald. Napatigil sila Mama sa pagbabangayan. "Matutulog na po ako, maaga pa ang eskwela ko bukas." "M-May gagawin pa po akong assignment," ani ko at tumayo. Sinundan ko si Gerald patungo sa kwarto namin. Nakita ko siyang nilatag ang papag at nilagay ang mga unan. Sinarado ko ang pinto. "Umiiyak ka ba?" tanong ko nang mapuna ang luha sa pisngi nito. "H-Hindi, ate." "Yung totoo, nakikita ko--" Nang humarap siya sa akin ay bigla siyang lumuha. Agad ko siyang niyakap. "Bakit?" "Nagagalit na naman si Mama, paano ko sasabihin na may bayarin kaming singkwenta pesos sa school. Hindi na nga ako makakain ng maayos, yung baon ko nilalaan ko na lang sa gastos sa school." Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang wallet ko. "May kita ako kanina galing sa mga binebenta ko, ito oh." "A-Ate, pero sa 'yo 'yan--" "Shh... Okay lang, may sobra pa akong pera. Kumain ka bukas, ha?" ani ko. Ngumiti siya at agad na tinabi ang pera na bigay ko. Napangiti ako at tinulungan siya mag-ayos ng hihigaan naming magkakapatid. *****************

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook