CHAPTER 2
Shirley Jane's P. O. V.
"S-Shirley, anak. Nasa labas pa ba yung bumbay--"
"Bayad na po, Ma, Pa."
Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Lumabas si Mama sa kwarto nila ni Papa at lumapit sa akin.
"Anong bayad na?"
"B-Binayaran ko po muna, 'yong galing sa naipon ko--"
"Ayan! Naayos na pala ni Shirley, huwag ka nang magalit. Mababayaran rin naman natin yung utang. Isa pa, yung pera na inutang ko nasa kalamnan niyo nang lahat!" sigaw ni Mama at nagtungo sa kusina.
"Sana kasi, tinitipid mo yung binibigay ko. Noong nakaraang buwan lang may bago tayong plato, ngayon bago naman ang baso--"
"Anong gusto mo, Martin? Kumain ka sa basag at maruming plato!?" sigaw ni Mama.
Tinakpan ko ang tenga ko at pumasok sa kwarto naming magkakapatid. Naupo ako sa sahig dahil wala kaming kama, napapikit ako ng mariin. Alam kong hindi ko na mababawi ang dalawang daan ko.
Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at nakita ko ang message ni Diego.
{Kita tayo bukas ng umaga ha? Kukuhanin ko sayo yung activities ko, salamat babe}
{Oo, wala yon. Para sayo naman. Anong ginagawa mo?}
{Babe, maglalaro muna kami ng tropa, ML ulit}
*******************
Kinabukasan, antok na antok akong nagising dahil late na ako nakatulog kagabi. Ginawa ko yung essay namin at yung activities ni Diego, nakakapagtaka lang at hindi na nag-reply si Diego sa huli niyang chat na maglalaro daw siya ng online game. Umaga na at wala pa ring reply.
Ginawa ko na lamang ang morning routine ko. Bago ako makahingi ng pera kay Mama ay bigla niya akong sinamaan ng tingin.
"B-Bakit po?"
"Sa sabado, wala kang pasok. Ikaw magbantay ng bahay, aalis kami ni Gerald at Queenie, ibibili ko si Queenie ng cellphone. Maglinis ka ng bahay, maliit na nga lang bahay natin kadumi pa, nakakalat lagi yung mga libro mo, nakakatulog kang ganoon kadumi ang paligid mo? Matuto kang magligpit, Shirley," ani Mama.
Nilapag niya sa kamay ko ang singkwenta pesos. Sapat lamang para sa pamasahe ko at kanin na tig-sampung piso. Problema ko na lang ulit ang ulam mamayang lunch.
"O-Opo, Ma."
"Umalis ka na."
Tumango ako at lumakad na palabas ng bahay.
"Grabe..." bulong ko habang naglalakad sa kalsada.
Pakiramdam ko, kahit anong pagtulong ko, hindi nila na-appreciate. Ang tingin lang nila sa akin ay pabigat. Sumasakit ang ulo ko kaka-aral para ma-maintain ko ang uno na grado, para hindi ako mawalan ng scholarship. Si Queenie at Gerald na lang ang pinag-aaral nila.
Hindi ba sila natutuwa na isa akong matalino na mag-aaral, masipag naman ako at nagtatrabaho kahit nag-aaral. Palagi na lang mali ko ang nakikita nila
Pagdating ko sa school ay nakita ko si Diego sa gate. Agad niya akong niyakap nang makita niya ako.
"Babe, late ka ata."
"Sorry, kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ko at binuksan ang bag ko.
Bigla niyang kinuha ang isang supot mula sa bag ko.
"Nagbebenta ka pa rin ba?" tanong niya.
"O-Oo, ito lang kasi yung paraan--"
"Huwag ka magbenta sa section namin."
"Hindi, Babe. Sa mga kaklase ko lang," ani ko.
*****************
Pagdating ng lunch. Nakapila ako sa canteen para bumili ng rice. Kasabay ko ang mga kaklase ko.
"Rice ka lang ulit, Shirley?" tanong ni Megan.
Nakatingin sila sa plato ko. Nakaramdam naman ako ng hiya, hindi pa sila sanay na rice lang binibili ko.
"Sayo na 'tong isang chicken ko, Shirley. I'm on diet kasi," ani Clarisse.
Nagulat ako nang ilagay niya sa plato ko ang isang leg part ng manok.
"H-Hala, salamat Clarisse."
"Bigyan na rin kita ng konting menudo," ani Megan.
Patuloy akong nagpasalamat sa kanila. Nakakahiya man pero ang mahalaga may mauulam na ako. Bigla namang dumating si Diego kasama ang mga barkada niya.
"Hoy, ilibre mo naman ng ulam 'tong girlfriend mo," ani Megan.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Bakit?" tanong ni Diego.
Hindi ko na kasi pinapaalam sa kaniya na rice lang ang afford ko.
"Rice lang binibili sa canteen," ani Clarisse.
"Ang ganda ng girlfriend mo, pre. Kaso bakit walang pambili ng ulam?" tanong ng lalakeng nasa likod ni Diego.
"Stop teasing her, just try to help. Mga walang ambag sa lipunan," iritang sabi ni Megan.
Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Diego. Hinawakan nito ang braso ko at hinila ako patungo sa gilid ng canteen kung saan walang tao.
"Sorry, Babe--"
"Shirley, pwede ba huwag mo masyado ipakita na mahirap ka lang. Obvious naman masyado, nakikita pa ng mga tropa ko."
Napaawang ang labi ko. Pakiramdam ko sinusuka niya na girlfriend niya ako at mahirap lamang.
"Ikinakahiya mo ba ako?" tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko pero tinabig ko ang kamay niya.
"Babe, ayoko lang na pagtawanan ka ng mga kaibigan ko--"
"So, ako yung dapat mag-adjust? Kasalanan ko bang lumaki ako sa hirap? Pasensya na at nagkaroon ka ng girlfriend na walang pera--"
Akmang lalakad na ako pero hinila niya ang braso ko. Napatigil ako para hindi tumapon ang hawak kong pagkain.
"Babe, iniisip lang kita--"
"Kung totoong iniisip mo 'ko, sana tinulungan mo na lang ako. Kahit konting suporta man lang sa akin, Diego."
"Ginagawa ko naman, hinahayaan kitang gawin mga gusto mo, hindi kita sinasakal, kahit naman pigilan kita hindi ka pa rin nakikinig sa akin."
Napakamot ako sa ulo ko, hindi niya ano maintindihan.
"Sa limang buwan na magkarelasyon tayo, hindi mo man lang ako pinakilala sa mga kaibigan mo, ngayon makikita kong nahihiya ka pala. Kasi ganito lang ako? Nasasaktan ba 'yong ego mo, Diego?"
"Alam mong hindi totoo 'yan, Shirley--"
"Gusto ko maniwalang hindi totoo, Diego. Pero sa ipinapakita at sinasabi mo, obvious din kasi na iyon ang pinapahiwatig mo. Mahal mo ba talaga ako, Diego?"
Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko, hindi ngayon ang oras para panghinaan ako ng loob.
"Mahal kita, Shirley. Sana maintindihan mo rin yung side ko, hindi puro side mo lang."
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Agad akong nag-walk out. Nadaanan ko ang mga kaibigan ni Diego na nagbubulungan. Wala na akong pakialam sa kanila.
Nagtungo ako pabalik sa classroom at doon tahimik na kumain. Ayoko makipaghiwalay kay Diego dahil mahal ko siyang tunay. Ang problema, paano naman ako sa relasyon naming dalawa?
****************