4

1893 Words
Caela. Kinabukasan.… Ready na ulit akong pumasok. At dahil maaga akong nagising ngayon, maaga rin akong makakapasok sa university. I kissed my mother's cheeks and bid goodbye. Wala na sa akin iyong nangyari kahapon. Ganoon naman palagi at sanay na ako. Isang gabi lang na drama at tuloy na ulit ang buhay ko. "Bye, Mama ko." paalam ko sa kaniya. Nasa tapat siya ng gate at hinatid ako hanggang sa paglabas ko. "Bye, anak. Ingat ka sa pagpasok, mahal kita." tugon niya habang kumakaway sa akin. Ngumiti ako bago tumalikod sa kinaroroonan niya. Papasikat pa lang ang araw kaya mas ginanahan akong maglakad. Maaliwalas ang simoy ng hangin, nakakagaan ng pakiramdam. I'm humming while walking when I suddenly felt something strange - and it's a dark aura. Napahinto ako at biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Gustong-gusto kong ignorahin ang bagay na ito dahil baka napaparanoid lang ako, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo papabalik sa bahay namin. Si Mama! Hindi ko alam kung bakit siya ang biglang pumasok sa isip ko. Dali-dali akong bumalik sa bahay. Hindi pa naman ako malilate, dahil gaya nga ng sinabi ko masyado pang maaga at wala na akong pakialam kung malate man ako! Habang papalapit ako sa bahay ay papalakas din nang papalakas ang t***k ng puso ko. May iba akong nararamdaman at ayokong kumpirmahin kung ano man ito. No, please! Huwag si Mama. Sana mali ang iniisip ko! "Ma! Ma!" tawag ko sa kaniya habang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Gusto kong marinig ‘yung boses niya para masigurong ligtas siya. Nagtungo ako sa kusina upang tingnan siya ngunit bigo ako doon. Umakyat din ako para tingnan siya sa kwarto at hindi magkamayaw sa pagkabog ang dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang doorknob sa kwarto. Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita ko kung ano ang nangyari sa loob. Ang hirap huminga. Masakit sa puso. Mahapdi sa mata. My mother was lying on the floor, bathing with her own blood. Sino ang walang pusong gumawa nito? Bakit si Mama pa? Bakit ang Mama ko pa?! Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa kinaroroonan niya. Patuloy sa pag-agos ang luha sa aking mga mata. Sana panaginip lang ang lahat ng ito! "Mama! Wake up! Nandito na po ako!" Ipinatong ko ang ulo niya sa hita ko. I can't utter any words. Naiiyak ako, nagsisikip 'yung dibdib ko sa mga nakikita. Unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata. Kahit hirap na hirap na, pinilit pa rin niyang magsalita. Gusto ko siyang pigilan pero halos hindi rin ako makapagsalita. Nahahabag ako sa nasasaksihan ko. "Anak... hinahanap ka na nila. K-kailangan mo nang lumayo dito. Iwan mo na ako." Nahihirapang babala niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang sinasabi niya. "Mama, hindi po kita maintindihan at hindi po kita iiwan." kahit gusto kong ipakita sa kaniya na matatag ako, hindi ko kaya. Walang humpay sa pagtulo ang luha sa kaniyang mga mata, ganoon din sa akin. "Anak, kunin mo iyong box sa cabinet. Sa'yo iyon. Dapat matagal ko nang ibinigay iyon sa iyo. Patawad anak! Find your true family, baby. Sorry... sorry for lying. Nandiyan lahat ng sagot sa mga tanong mo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, anak. M-mamimiss ka ni Mama." hirap na hirap siyang abutin ako kaya ako na lang ang yumuko. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa noo ko. Ang huling halik ni Mama sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang payapa niyang mukha. Nakapikit na ang kanyang mata habang may ilang butil ng mga luhang natira dito. Humagulhol ako ng iyak. Tanging pagtangis ko lang ang maririnig sa buong kabahayan. "Wake up, Ma! Gising na. Sabi mo... sabi mo hindi mo ako iiwan. Sabi mo hindi tayo maghihiwalay. Mama, bakit? Bakit pati ikaw iniwan din ako?" pinipilit ko siyang gisingin kahit alam kong wala nang saysay iyon. Masakit sa puso ang maiwan. Masakit magpatuloy kapag mag-isa ka na lang na lumalaban. Mag-isa na lang ako, iniwan na rin ako nang taong natitira sa akin. I can't accept what happened, and I don't want to accept it. Wala na naman akong nagawa. Sa pangalawang pagkakataon naramdaman ko na naman ang kawalang silbi. Kung hindi sana ako nagpasyang maagang pumasok sana nailigtas ko siya. I have powers but I didn't able to save my mother's life. Sana panaginip lang ang lahat ng ito! Sana, magising na ako! At sana sa paggising kong iyon mga ngiti din ni Mama ang unang sumalubong sa akin. Pero sino ba ang niloloko ko? Ang sarili ko lang din. Matagal kong tinitigan si Mama. Sa huling sandali niyakap ko siya ng mahigpit. Sa huling sandali, maramdaman ko man lang ang presensya niya, kasi pagkatapos nito, wala na. Wala na ang tanging kakampi ko sa mundong ito. Nagpasya akong icremate ang katawan niya. I can do it without the help of anyone dahil na rin sa taglay kong kapangyarihan. I put her ashes in a glass container. Wala naman kaming kamag-anak dito para sabihin sa kanila ang nangyari. Kami lang naman ni Mama ang magkasama simula nang mawala si Papa. Huminga ako ng malalim, pagod na iyong mata ko kakaiyak pero hindi pa rin nauubos ang mga luha dito. Kanina pa kumikirot 'yung puso ko at parang gusto na din nitong magpahinga. Napailing na lang ako dahil kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. Suddenly, I noticed a light coming from my Mama's cabinet. Ito iyong laging kumukuha ng atensiyon ko kapag pumupunta ako sa kwarto niya. Parati kong nakikitang may lumiliwanag na bagay sa loob nito ngunit kailanman ay hindi ako nagtangkang pakialaman iyon. Kahit na anong kuryoso ko, ay hindi ko maatim na tingnan iyon lalo na't walang abiso galing kay Mama. Marahan kong inilapag sa kama ang garapon bago tinungo ang cabinet na iyon. Binuksan ko ito at may nakita akong box. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kinuha na agad ito. Ito iyong sinasabi ni Mama kanina. Hindi ko na masyadong binigyang pansin iyon dahil ayokong maniwala. Ayokong maniwala na hindi nila ako anak. Natatakot akong kapag binuksan ko ito, maraming magbabago. Pero wala akong pagpipilian, huminga ako ng malalim at binuksan ito. Mga litrato. Mga importanteng litrato sa buhay naming tatlo. Pictures namin nina mama at papa nung baby pa ako at may mga nakasulat sa likod; The day our baby Caela came into our life. - litrato naming tatlo kung saan nasa gitna nila ako habang nakakiss si Papa sa pisngi ko. Even she's not ours, we still love her. We love you, baby :* - picture ko na nagca-crawl ako. Our baby has powers. - picture ko naman na may hawak akong apoy. Marami pa akong pictures na nakita. Naiiyak ako lalo kapag naaalala ko ang mga sandali na masaya kaming magkakasama. Gusto kong bumalik sa mga araw na iyon. Kung pwede lang, gusto kong mabuhay ulit sa mga panahong iyon. Mga panahong wala pa kaming problema. Panahon kung kailan kumpleto pa kaming pamilya. Sana may time machine, o kaya rewind button. Para naman makabalik iyong mga taong gustong bumalik sa nakaraan. Naiiling ako sa mga nangyayari, sa isang iglap nawala ang lahat. Sa isang iglap, yung pamilyang kinalakhan at minahal ko ay biglang nawala. Ang dating masaya at kumpletong pamilya, ako na lang ang natira. Huminga ako ng malalim bago buksan ang isang papel. Hindi ako maaaring magkamali, sulat kamay ito ni Papa. Luma na ang papel ngunit mababasa pa rin ang nilalaman nito. To our one and only princess, Caela anak, sana ay patawarin mo si Mama at Papa sa pagtatago sa'yo ng katotohanan. Oo anak. Hindi ka namin anak, hindi ka sa amin nagmula. Ngunit hindi nito mababago ang katotohanang minahal ka namin at mahal na mahal ka namin ng Mama mo. Ikaw ang buhay namin, ikaw ang tanging naging sentro nito. Ikaw pa rin ang prinsesa ng mga Asuncion. Habang namamasyal kami ng Mama mo sa gubat noon ay may nakita kaming isang babaeng may putong na korona at nakasuot ng puting kapa. Malapit siya sa punong napakakulay at may gintong mga dahon. Nagulat na lang kami nang lapitan niya at hingian ng tulong. Sino ba naman kami para hindi tulungan ang isang taong nangangailangan? Noon lang namin napansin na may hawak pala siyang sanggol at ikaw iyon anak. Ibinigay ka niya sa amin at sinabing alagaan ka at pagdating ng panahon kapag okay na ang lahat sa mundo nila ay kukunin ka niya sa amin. Hindi pa namin lubos maintindihan kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Mundo nila? Akala ko ba iisa lang ang mundo natin. Pero hindi noon nabago ang pasya namin na kunin ka at alagaan. Pumayag kami dahil wala kaming anak ng Mama mo. At doon nakita ng dalawa naming mga mata nang maglaho ang babae, ang iyong ina. Alam naming wala kami sa pelikula para sabihing na-Wow Mali lang kami. Alam namin na kakaiba siya, na kakaiba ka. Iyon ang araw na naniwala kami sa Mahika. Na totoo pa lang may mga taong nagtataglay nito. You grew up as a very good and adorable child, my princess. Nasasaktan ako sa tuwing nakakarinig ng mga masasakit na salita patungkol sa'yo. I don't know why others keep on saying that you are a monster though you are beautiful, baby. Maaaring hindi ka 'normal' katulad ng ibang mga bata ngunit isa ka pa ring bata na kailangan ng kalinga mula sa mga taong katulad namin. Hindi na kami nagulat nang magpamalas ka ng iba't-ibang kakayahan. Tanggap ka namin, dahil anak ka namin. We loved you even you are far from being normal. Ikaw ang nagbigay ng saya at ikaw ang kumumpleto sa buhay namin. Ikaw ang nagbigay ng pag-asa sa amin ng Mama mo. Wala kaming pinagsisihan sa lahat ng mga nangyari noon. Handa kaming tanggapin ang anumang maaaring mangyari sa amin sa mga bukas na kakaharapin natin. Alam naming kapalit nang pagtanggap namin ng responsibilidad sa'yo, ay tinanggap din namin ang kapalaran na maaaring magpahamak sa amin. At kung mangyayari man ulit ang nangyari noon, hindi kami magdadalawang-isip na tanggapin kang muli. Na ariin kang amin. Ang iparamdam sa'yo ang pagmamahal ng isang magulang. Sa araw na mabasa mo ito anak ay maaaring hindi mo na kami kasama. Patawarin mo kami anak, kung iiwan ka namin. Find your family and discover the real you. Don't be afraid baby, you are strong and powerful! Maniwala ka lang sa sarili mo na kaya mo ang lahat. We love you and we will always be. We will miss you. You will be our forever baby, sweetheart, and princess. Love Papa & Mama Walang tigil ang mga luha ko sa pagtulo pagkatapos kong basahin ang sulat ni Papa. Yes, I'm not their biological daughter, but it won't change anything. Walang magbabago sa pagmamahal na ibinigay ko sa kanila. Maaaring hindi ko sila tunay na mga magulang pero ipinapangako ko na hindi ko sila kakalimutan. Hindi sila mabubura dito sa puso ko. May nakita akong isang kwintas. Kumikinang ang koronang pendant nito dulot ng isang dyamante na nasa gitna, at napansin ko din ang nakasulat sa likod nito - 'Princess Jazze'. Kumabog ng malakas ang puso ko nang mabasa ko ito. Nasisiguro kong malaki ang kaugnayan ng kwintas sa buo kong pagkatao. Isinuot ko ito at ipinasok sa loob ng t-shirt na suot ako. Masyadong maganda ito at sigurado akong maraming magkakainteres dito at iyon ang pinakahuling gusto kong mangyari. I promise to myself that I will find my family and the world where I will fit in. and... I will find the one who killed my mother! Dalawang buhay na ang kinuha sa akin, at hindi na ako makakapayag na wala akong gagawin sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD