5

1618 Words
Caela. Isang linggo na pala. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang mawala si Mama. Isang linggo na akong nagungulila sa gabay at pagmamahal niya. Isang linggo na akong nagkukunwari na kaya ko ang lahat! I really wanted to give up. I badly want to stop. But I should not because I know it's wrong. Maling-mali ang sumuko. Pwedeng mapagod, uso ang magpahinga pero bawal ang huminto. Paano na lang ang mga pangarap nina Mama at Papa sa akin, kung susuko na lang ako basta? Kahit mahirap, kakayanin ko. Kahit masakit, titiisin ko. Hindi na rin muna ako pumapasok sa school. Nandito lang ako sa bahay sa loob ng isang linggo. Pumasok man ako o hindi, wala namang pakialam ang mga tao sa eskwelahan. Umuulan din ngayon, pati ang panahon ay nakikiramay sa akin. Ayaw kong patigilin ito dahil ito na lang ang tanging kadamay ko sa oras na ito. Kung sana may mga kaibigan lang ako na maaaring iyakan sa mga oras na ito. Kaso wala, walang taong gustong kaibiganin ako. Bakit ba kasi hindi ako matanggap ng mga tao? Ang galing nilang mag-judge, hindi naman sila Diyos. Mapait akong napangiti. Nagpasya akong lumabas ng bahay kinabukasan. Nanibago pa ako dahil isang linggo rin akong nagkulong. Nandito ako ngayon sa park. Napagisip-isip ko rin na kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko kasi ito ang gusto ng mga magulang ko. Tsaka hahanapin ko pa rin ang tunay kong pamilya. Actually, I'm not mad at them. I know there are reasons why did they give me. At alam kong masasagot lahat ng katanungan ko kapag nakita ko na sila. Pero ang tanong ay paano? Saan ko sila makikita? At sino sila? Hindi ko man lang alam ang mukha nila. At sana buhay pa sila. "Mama, ang cute ng rabbit oh!" napatingin ako sa batang kasama ang Mama niya. She's so lucky, she still has a mother. Pagkatapos ay natuon ang pansin ko sa rabbit na itinuturo niya. Yeah, it's cute! Kulay puti tapos blue ang mata nito at may touch of red naman ang buntot nito. Oh? May ganoon pala? "Oo. Ikaw nga may kapangyarihan e, so ang rabbit na may pulang buntot ay hindi na imposible." sabat ng pakialamera kong utak. Pero bakit parang sa akin ito nakatingin? Tsaka parang may gusto siyang sabihin pero di niya lang masabi kasi rabbit nga siya. Tumalikod na ito sa akin at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit tumayo ako sa kinauupuan ko para sundan ito. Great, Caela! "Ay umalis na. Sayang!" narinig ko pang sinabi ng bata kanina sa park. Nagtuloy-tuloy iyong kuneho papasok sa loob ng gubat, kaya ang kinalabasan nandito na rin ako sa gubat. Medyo madilim dahil napapalibutan ng puno at ayokong matakot. Hindi ako pwedeng matakot - nang may kung anong gumapang sa paanan ko kaya bigla akong napatalon. Oh gosh! Halos atakehin ako kahit wala naman akong sakit sa puso. It's just... just a freaking caterpillar! Gusto kong mapabuga ng hininga. I felt relieved. Hay! "Oy, rabbit sandali lang!" tawag ko doon sa rabbit dahil nakita ko itong medyo malayo na sa akin. Binilisan ko ang pagtakbo para lang maabutan ito. Napapailing na lang ako dahil bakit ko nga ba tinawag 'yung walang kamuwang-muwang na kuneho. As if naman maiintindihan niya ako, right? But I was stunned when that freaking cute creature, suddenly stopped! Oo cute siya, pero ang creepy! I think it can understand me. Maghunos-dili ka Caela. Nababaliw ka na! Pigil na pigil ko ang paghinga ng dahan-dahan itong lumingon sa akin. It's really creepy! Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero nakita ko talaga itong ngumisi bago muling tumakbo. I'm having second thoughts if I would still follow it but I just found myself running towards that creature. Gusto kong kotongan ang sarili ko dahil dito! Nakakapagod! Kanina pa kami naghahabulan na parang baliw. At doon lang din nagsink-in sa utak ko na naliligaw na ako. Hindi ko na alam kung nasaaang parte na ako ng gubat. Great! Just great! Finally, huminto na din ito. Napagod na din siguro? Hindi pa ako nakakahinga ng maayos nang mapansin ko kung nasaan at kung ano ang nasa harapan ko ngayon. Pwede huminga muna?! I'm standing here in front of an old magical tree. Gold ang mga dahon nito at may makukulay na mga alitaptap na lumilipad sa paligid. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang puno. Ang nakakapagtaka lang ay iyon lang ang punong nakatayo sa parte ng gubat. It's like a dead-end zone. Buti na lang hindi pa ito natutuklasan ng mga tao dahil kung hindi wala na sana ito ngayon sa pwesto nito. Lumapit ako doon sa rabbit na nakahinto lang at parang hinihintay ako. Seryoso? At dahil may angking katangahan ako sa katawan, kinawayan at nginitian ko ito na sana hindi ko na lang ginawa. "Hello!" "Wh..what?" did he/she just say hello to me? Baliw ka na talaga, Caela! "You're t..talking? Really?!" I know I should not talk to it, but- "Oo. Nakakapagsalita talaga ako, pero mga mages lang ang nakakaintindi sa akin. Hindi ko alam kung bakit mo ako naiintindihan. Normal na tao ka lang naman or unless mage ka rin na gaya ko. Hmmm." tuloy-tuloy na ani nito. Sobrang tinis lang ng boses nito, parang boses bata. "Anong mage?" tanong ko dito dahil kanina pa niya iyon binabanggit. "Sa academy ko na lang sa'yo ipapaliwanag. Kailangan na nating umalis dahil baka may makakita pa sa atin dito." naguguluhan pa ako sa kaniya ng bigla siyang pumwesto sa likuran ko at tinulak tulak ang paa ko. "Wait! Saan-" Hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin dahil noong oras na napadikit ako sa puno ay may kung anong pwersa ang humihigop sa amin. ANO ANG NANGYAYARI?! Parang hinahalukay ang sikmura ko. Hindi ko alam kung ilang minuto iyon at saka lang akong natauhan nang biglang bumagsak ako kung saan. Ang sakit ng p***t ko! Handa na sana akong magreklamo nang makita ko ang kabuuan ng paligid. Wow! Iginala ko ang paningin at sobrang naaamaze ako sa mga nakikita. Peaceful. Iyan ang isa sa mga maaaring magdescribe sa lugar na ito. Feeling ko walang polusyon sa lugar na ito. Napakamaaliwalas at kakaiba ang kulay ng kalangitan - naghahalong asul at berde. Masarap din humiga at magpahinga sa malalambot na d**o sa paligid. Humahalimuyak din ang amoy ng mga sariwang bulaklak. Ngunit wala pa akong nakikitang kabahayan sa paligid. "Ito ang mundo namin." ani ng isang boses kaya bahagya akong napalingon dito. I saw a cute little chubby girl wearing a pink dress. May bunny headband sa kaniyang ulo. Cutesy! Bigla ko tuloy gustong panggigilan ang pisngi niya. Maputi siya kaya naman halata ang pamumula ng mataba niyang pisngi. "Sino ka?" tanong ko sa kaniya. Unti-unti siyang lumapit sa akin. "May nakita ka bang rabbit dito kanina?" tanong ko ulit habang nagpapalinga-linga sa paligid. Hala! Nasaan na iyon? Hindi ako makakauwi kapag hindi ko iyon nakita. "You are looking for that cute pretty little rabbit?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot. "Ako ang rabbit na hinahanap mo. Ang cute ko no?" muling ani niya na ikinanganga ko. Ano daw? "Hindi nga? Ayokong makipagbiruan, little girl. Kailangan kong mahanap iyon dahil uuwi na ako!" ani ko sa kaniya. Pero may kung anong tumutol sa puso ko noong sinabi kong uuwi pa ako. May parte sa akin na gustong manatili na lang dito. Why? Nakita ko ang pagsimangot niya. Hala! Ang cute! I want to pinch her chubby cheeks. Nagpipigil lang talaga ako, pero malapit ko na siyang makurot. "Do I look like I'm joking?" nakakunot-noong tanong niya. "Ako nga 'yung rabbit na nakita mo kanina sa gubat tapos isinama kita dito. I can transform into a rabbit every time I'm coming into your world. Ayokong makilala ako ng mga dark mages kaya ko ginagawa iyon." tapos nagpout siya bigla kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na kurutin siya. "Araaay!" daing niya nang pinanggigilan ko ang matataba niyang pisngi. "HAHAHAHA." tawang-tawa ako kasi ang cute talaga ng reaction niya. Sarap ibulsa! "Bakit mo ako kinurot? Alam ko naman pong cute ako pero masakit ‘yung kurot mo ate. Huhuhu." ang mumunti niyang hikbi ay napunta sa malakas na pag-iyak. Oh my gosh! Bigla akong nataranta dahil doon. "Hala! Wag kang umiyak, baby girl." Hindi ako magkaintindihan sa pag-aalo sa kanya. "Paano ba ito? Ahm, sorry na. Hindi ko kasi mapigilan. You're too cute and I can't resist it." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak kaya kinabahan na ako. Paano kung may makakita sa amin at pagbintangan pa ako na pinaiyak ko ang batang ito. Lagot ako! Ayokong mapaaway ng wala sa oras. "Wait wag ka ng umiyak. You want candy? Ay, wala pala ako noon. What do you want?" Natataranta na ako. "Talaga po, 'yung gusto ko?" tumigil siya sa pag-iyak. Pero sa halip na mapanatag ang loob ko ay mas lalo yata akong kinabahan. "Oo?" alanganing sagot ko sa kaniya. "Buhatin mo po ako ate. Hihi." malaki ang ngiti sa labi niya nang sinabi niya iyon. "What?" feeling ko kasi nabingi ako sa sinabi niya. "Buhatin mo po ako, ate." this time binagalan niya ang pagkakasabi para siguro maintindihan ko. "Ay.anak.ka.naman.ng.ina.mo.oo! Buhatin kita? Seryoso ka?" sunod-sunod na tanong ko. "Sinisigawan mo po ako ate?” then she cries again. Oh, such a crybaby. "Oo na. Stop crying. Bubuhatin na kita." ngiting-ngiti siya nang binuhat ko. Ay, ang bigat! "Yehey! Ako nga po pala si Dindin. Ikaw ate, anong pangalan mo?" masiglang aniya sa akin "Caela Maris Asuncion. You can call me ate Caela." nakangiting sagot ko. Dati ko pa gustong may tumawag sa akin na ate at matutupad na yata iyon sa pagkakataong ito. "Tara ate, sa academy po tayo. Ikukwento ko sa'yo lahat ng tungkol sa lugar na ito." iminuwestra niya sa akin kung saan kami dadaan. 'Yung pighating nararamdaman ng puso ko ay pansamantalang nabawasan. Siguro dahil sa itinagal ng panahon, may isang taong bukod kina Mama ay naglakas loob na kausapin ako. Natutuwa ang puso ko. Sayang lang hindi na makikita ni Mama na may bago akong kaibigan. Alam ko masaya siya para sa akin. Baka sakali... baka sakaling sa mundong ito matagpuan ko ang mga taong tatanggap sa akin ng kung sino at ano ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD