Caela.
Nagpasya akong umuwi na lang sa bahay kesa pumasok sa mga susunod ko pang klase. Dito sa bahay pansamantalang natatakasan ko ang pait ng reyalidad na kinakaharap ko sa unibersidad na pinapasukan ko
"Oh anak, wala ba kayong pasok? Bakit umuwi ka na agad?" Bungad ni Mama sa akin habang kinukuha ang bag na nakasukbit sa likod ko. Bahagya pa siyang lumingon sa orasan na nakasabit sa dingding.
"Meron po, Mama. Tumakas ako. Binubully kasi nila ako." sagot ko habang nakangiti sa kaniya.
Bahagyang lumambot ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.
Nginitian ko lang siya. Gusto kong iparating sa kaniya na okay lang ako dahil ayoko nang mag-alala pa siya sa akin. Masyado ng maraming bagay na iniisip si Mama at ayoko nang dumagdag pa.
"Anak, halika nga dito. Payakap naman si Mama." Lumapit ako sa kaniya na kasalukuyang nakaupo na sa sofa.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Kapag ganitong naglalambing si Mama nawawala ang lahat ng sakit na naramdaman ko noong nasa school ako. Kapag ganitong kayakap ko siya pakiramdam ko okay lang na masaktan ako ng paulit-ulit basta may uuwian akong nanay na naghihintay sa akin.
"Hayaan mo na lang sila anak. They are just a waste of time. Basta tandaan mo na nandito lang ako para sa'yo. Kayang-kaya kong punan ang pagmamahal na hindi nila kayang ibigay sa'yo anak." Malambing na sabi niya sa akin.
"I love you, Mama." Okay nang wala akong kaibigan, basta palaging nandito si Mama.
"Mahal na mahal din kita, anak. Siguro kung nandito lang ang Papa mo, maiinggit na naman 'yun kasi ako lang ang nilalambing mo. Alam mo naman iyon masyadong matampuhin." She laughed but a sad one.
Gusto ko ring tumawa sa biro niya pero mas nangingibabaw 'yung sakit na nararamdaman ng puso ko.
Akala ko matagal ng naghilom ito pero patuloy pa ring bumubuka ang sugat na dulot ng nakaraan.
"Sorry po, Mama." paghingi ko ng tawad dahil pakiramdam ko, ako talaga ang may kasalanan sa nangyari noon.
"Bakit ka humihingi ng tawad, anak?" masuyong tanong niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Kasi kung hindi dahil sa akin, hindi mawawala si Papa sa atin." naiiyak na sagot ko.
"Ano ka ba naman anak. Hindi mo kasalanan iyon. Hindi natin ginusto ang nangyari noon." pag-aalo ni Mama sa akin.
Pero kahit anong gawin ko, hindi maalis sa isip ko na ako ang may kasalanan sa pagkawala ni Papa. Na ako ang puno't dulo ng lahat. Hindi ko maiwasang hindi maguilty sa nangyari.
"No Mama, dahil po sa akin kaya namatay si Papa. Patawad po." dahil sa akin hindi na tayo makukumpleto kahit kalian.
Mahigpit ang naging yakap ko sa kaniya dahil nakakaramdam na naman ng sakit itong puso ko.
"Tahan na, anak. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi na natin maiibalik ang mga bagay na nangyari na at hindi ikaw ang may kasalanan noon. At alam kong hinding-hindi ka sisisihin ng Papa mo sa lahat ng nangyari noon dahil mahal na mahal ka niya. Higit sa lahat."
Every night I'm thinking of my father. I keep on blaming myself why he died. It's my entire fault.
IT WAS SUNDAY MORNING. I was ten years old that time., me and my father were here at the park where the fish pond was located.
Nakaugalian na namin magbonding ni Papa. Si Mama naman ay pumunta sa kaibigan niyang may sakit pero nangako naman siyang susunod sa amin.
"Papa, come here I want to show you something." naeexcite na tawag ko sa kaniya na kasalukuyang nagluluto ng barbeque.
Nandito kami sa pwesto kung saan walang mga tao ang tumatambay. Napapalibutan ito ng mga puno na may malalagong sanga. Maaliwalas ang hangin kung kaya't lalong nakakaengganyo maglaro.
"Ano iyon, anak?" nakangiting sagot ni Papa habang naglalakad papalapit sa akin.
"Look!" I'm holding a little amount of water on my hand and forming it into different shapes.
"Wow! Ang galing-galing naman ng unica hija ko!" tuwang-tuwang puri niya sa akin.
At dahil bida-bida akong bata, nagpakitang gilas pa akong lalo kay Papa. Itinapat ko ang kamay ko sa may fish pond at inisip kong kaya kong pataasin ang tubig.
Tumaas ng kaunti ang tubig at bigla ding nawala iyon. Napatawa ng malakas si Papa habang ginugulo ang buhok ko. Napatawa na lang din ako dahil doon. Masayang pakinggan ang mga halakhak na lumalabas sa bibig namin, hindi ko akalaing iyon na pala ang huli.
We didn't notice that someone was watching us that time.
Nang dumating si Mama ay kumain na kami ng lunch. Nagpahinga saglit, naglarong muli at pagkatapos ay umuwi na rin kami noong nagkukulay lila na ang langit.
The night came, we were ready to sleep when we heard someone shouting outside.
"Mama bantayan mo muna si Caela. Diyan lang kayo. Titingnan ko kung sino ang tao sa labas." sabi ni Papa habang nagmamadali sa paglabas ng kwarto.
"Mag-iingat ka, Papa." paalala sa kaniya ni Mama. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari.
Lumabas na si Papa ng kwarto. Tahimik kaming naghihintay ni Mama sa loob. Nakikita ko ang pag-aalala sa kaniyang magandang mukha. Lumipas pa ang ilang segundo, minuto at hindi pa rin siya bumabalik. So my Mama decided to follow him.
"Baby, diyan ka muna ha? May titingnan lang si Mama sa labas." Paalam niya sa akin.
"Ma, sama po ako. I'm afraid here." Humabol ako sa kaniya dahil ayokong maiwan dito.
Walang nagawa si Mama kung hindi isama ako. Hinwakan niya ang aking kamay at nagtungo kami sa kinaroroonan ni Papa. At doon ko nakita ang maraming taong nasa tapat ng aming bahay.
Sumisigaw sila at nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na takot dahil doon.
"Papa." tawag ko na naging dahilan nang paglingon ni Papa na kasalukuyang nakikipag-usap sa mga tao sa labas ng bahay.
"Iyan! Iyan ang batang halimaw. Nakita ko siya kanina na pinapagalaw ang tubig sa sapa." sabi ng isang lalaking hindi ko kilala.
"Ano bang pinagsasasabi ninyo? Hindi halimaw ang anak ko." Pagtatanggol ni Papa sa akin.
Naiiyak na ako, nararamdaman kong may masamang mangyayari. Ayoko! Nakarinig ako ng mumunting kulog at kidlat mula sa langit. Nagbabadya nang umulan.
"Anong hindi halimaw? Tingnan mo nga kulay puti ang buhok niya. Saan ka nagkita ng normal na bata na tulad niya? Anak iyan ng engkanto." Umiling ako habang patuloy na umiiyak. Hindi. Anak ako nina Mama at Papa.
"Baka kaya dahil sa kaniya kaya minamalas ang bayan natin?" ani isa sa mga kapitbahay namin. Unti-unti na silang nagdulot ng ingay.
"Dapat patayin ang batang iyan bago pa makapamuksa ng iba."
Iyan ang mga naririnig kong mga salita mula sa kanila. I was so scared that time. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko pa kayang kontrolin ang kapangyarihan ko. Masyado pa akong bata.
Nakita kong pinipigilan sila ni Papa na huwag makalapit sa amin ni Mama. Ang ilan ay nakapasok na sa gate ng aming bahay.
Napatigil kaming dalawa ni Mama nang marinig ang nakakabinging tunog na nanggaling sa b***l. Alam kong bata pa ako noong mga panahong iyon pero may kaalaman na ako sa iba't-ibang bagay. At alam kong putok ng b***l iyon.
Sobrang bilis ng mga pangyayari, sa isang iglap nakita ko na lang na nakahandusay na si Papa sa semento.
Sobrang sakit ng puso ko habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong bumitaw sa pagkakayakap sa akin ni Mama at puntahan ang kinaroroonan ni Papa ngunit hindi niya ako hinayaan.
Pinipilit niyang magsalita at sinabi niya kay Mama na umalis na kami at itakas ako. Kahit labag sa loob na iwan si Papa, walang nagawa si Mama kundi tumalikod at itakas ako.
Iyak ng iyak si Mama habang tumatakbo. Doon kami nagdaan sa pinto sa likod ng bahay namin.
Kagubatan ang tinutungo ng mga paa ni Mama. Malayo na ang naaabot namin at alam kong pagod na siya kaya nagpasya siyang huminto muna at magtago para hindi kami matagpuan ng mga taong humahabol sa amin.
Tuluyan nang bumuhos ang ulan na kanina'y nagbabadya pa lamang.
"Wala dito ang mag-ina. Doon tayo sa kabilang dako. Hindi pa nakakalayo ang dalawang iyon. Bilisan ninyo!" ani ng mga taong naghahanap sa akin at nagnanais na kitilin ang buhay ko.
Pigil ang hininga naming dalawa ni Mama habang nagtatago para lang hindi nila makita. Dinig na dinig ko ang malalakas na t***k ng puso naming dalawa. Nakakatakot!
Maya-maya ay umalis na sila ng hindi nila kami natagpuan. Ang kaninang iyak na pinipigil ni Mama ay tuluyan nang umalpas. Umiyak siya nang umiyak habang yakap ako at wala akong nagawa kundi ang umiyak sa mga bisig ni Mama.
Wala na si Papa!
Kanina lang ang saya namin. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. My father died because he save us, he save me.
Sana pala hindi na kami nagpunta sa park. Sana hindi na ako nagsubok na gamitin ang kapangyarihan ko. Sana... sana wala na lang akong kapangyarihan!
Sana hindi na lang ako ipinanganak na ganito!
"Papaaaaaaa!" wala akong nagawa kundi ang sumigaw.
Sumigaw ako ng malakas hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting paggalaw ng lupa. Sinabayan pa ito ng malakas na ugong ng kulog mula sa langit na may kasamang kidlat.
Ang alam ko lang ay galit ako. Galit ako sa mga taong pumatay kay Papa. Galit ako sa sarili ko! Dumadating sa puntong hindi ko na magawang kontrolin ang sarili ko.
Wala man lang akong nagawa para iligtas ang ama ko. Wala akong silbi!
"Anak! Stop... please!" Pagpigil ni Mama sa akin.
I ignored her. I'm furious! My heart started to feel hatred.
Lalong lumakas ang ulan pati na ang hagupit ng hangin. Patuloy sa paggalaw ang lupa na anumang oras ay maaaring mabubuwal ang mga puno sa paligid.
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Mama at doon lang tumigil ang kaguluhan.
"Baby! Tinakot mo si Mama. Paano... paano kung ikaw naman ang nawala sa akin? Hindi ko na makakaya iyon anak. Itutuloy natin ang buhay at lalayo tayo sa lugar na ito. Alam kong iyon din ang gustong mangyari ng Papa mo." Sabi ni Mama habang yakap ako ng mahigpit.
“Mahal kita Papa. Mamimiss kita. Patawad po.” piping usal ko at pagkatapos noon ay nagdilim na ang lahat sa akin.
Nagdulot ng trauma ang pangyayaring iyon ilang taon na ang nakakalipas. Natakot akong humarap sa mga tao. Nagtanim din ako ng sama ng loob sa kanila. Ipinangako ko pa noon na ipaghihiganti ko ang pagkamatay ni Papa, pero nagbago rin ang lahat ng iyon kamakailan.
Nagsisi rin ako na pinilit kong hilingin na sana hindi ganito ang naging buhay ko. Humingi ako ng tawad sa Panginoon dahil doon.
Iminulat ako ni Mama sa paniniwalang masamang magtanim ng galit sa kapwa. Sa katotohanang maghiganti man o hindi, hindi na nito maibabalik pa ang mga bagay na nangyari na. Ang kailangan na lang gawin ay ipagpatuloy ang buhay. Kung pwedeng lumayo sa g**o, iwasan na agad ito. At higit sa lahat maniwalang may kabutihan pa rin sa bawat tao at huwag pigilin ang sariling magmahal dahil lamang sa sakit na naranasan sa nakaraan.