Caela.
Wala pa ang professor namin nang pumasok ako sa room. Sobrang tahimik! Tanging ingay lang ng isinaradong pinto ang maririnig at ang yabag na nililikha ng aking sapatos. Nakaupo ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Oh, behave and it's unusual! May kutob akong may masamang mangyayari.
Nababasa ko ang mga nasa isip nila. Magulo. Mapaglaro. Mapanghusga.
I sighed. Here we go again.
They are preparing for a funny game and let me play with them.
Papunta na sana ako sa sarili kong upuan nang lumapit sa akin si Hannah at niyakap ako. Siya ang isa sa mga nangunguna sa pang-bubully sa akin at ngayon ay nakayakap sa akin. Buti naman at nakayanan niyang yakapin ako. Nakakatawa. Hindi nakamamangha.
"H..annah?" kunwari ay nagtatakang tanong ko sa kaniya.
I'm playing the game they prepared. They exert effort for this, kailangan kong makisama.
"I know you were surprised Caela. I just want to hug you... I just want to apologize. I did lot of things to make you suffer. And I am sorry." Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "Gusto ko lang makipagkaibigan sa'yo, gusto kong ayusin natin 'yung hindi natin pagkakaintindihan. Sana mapatawad mo ako."
I didn't say anything, I'm reading her mind and it's shouting with annoyance. "Eeew! So kadiri! Ang pangit na 'to niyayakap ko? Oh my gosh! Kailangan kong maligo ng alcohol mamaya. Baka malipat sa akin ang germs ng pangit na 'to! Argh."
Yeah! Kabaliktaran lahat ang sinabi niya. Maniniwala na sana ako, kung hindi ko lang nababasa ang mga nasa isip niya.
Such a good actress. Pwedeng makakuha ng award - Best in Kaplastikan and Kaipokritahan.
"That's enough!" maya-maya ay ani naman ni Jannah. Hannah's twin sister.
They are the evil twin sister of this university and they love to make my life a living hell. Mahal nila ako pero sa paraang hindi ko gusto.
"Okay sissy, sabi mo e." nangingisi namang saad ni Hannah bago ako itulak ng malakas sa pader.
"Tsk." Napalatak na lang ako.
I'm not hurt. I can endure all the physical pain. Siguro kung nakakaramdam lang itong pader, ito ang nasaktan at hindi ako.
"Let the game begin." sabat ng so-called leader nila na si Jannah.
Nagsimula silang kumuha ng mga baon nilang pambato sa akin. Binato nila ako ng mga itlog na dala nila. May nagsaboy pa ng harina.
Prepared talaga. Napaka-childish nilang lahat. Hays. College students na ba talaga ang mga ito?
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at tinanggap lahat ng ibinabato nila sa akin. Ayoko silang tingnan. Baka bigla kong maisip na lunurin silang lahat!
No Caela, that's bad. Pagpapaalala ko sa sarili.
Sunugin ko na lang kaya? Hmmm. Pero huwag na lang dahil mukhang nageenjoy pa silang paglaruan ako. But I'm not a toy.
Magpapalit na lang ako ng damit mamaya. Mabuti na lang girl scout ako, palaging may dalang extra shirt. Pero nakakaawa naman si Mama dahil palaging maduming damit ang pasalubong ko sa kaniya.
"Hoy pangit! Di ka man lang ba iiyak diyan ha?" Naiinis na tanong ni Hannah sa akin.
Ibinukas ko ang aking mata at tamad na tiningnan siya. Bahagya ko ring tinanggal ang naglalawang itlog sa buhok ko na umaagos papunta sa noo ko.
Why would I cry? I won't give them the satisfaction of what they're doing.
"Ang tibay ng pangit na 'yan. Halimaw talaga. Feeling strong, hindi naman pretty!"
"Sinabi mo pa, girl."
"Ikaw pangit lumayas ka na kasi sa school na 'to. Ang mga pangit na tulad mo ay hindi nababagay sa magandang school na gaya nito."
Luh? Bakit maganda ka? Mas pangit ka pa kaya sa akin. Gusto ko sanang sabihin 'yan, kaso sayang ang laway.
"Grrr. Ginagalit talaga ako ng babaeng 'to e." Nanggagalaiting saad ni Jannah. Para siyang kakain ng tao. Galit na galit sa akin, hindi naman siya inaano ng mukha ko.
Kumuha siya ng makapal at malaking libro at buong lakas na inihagis sa akin.
Seriously?
Tamad kong tiningnan ang librong patungo ngayon sa direksyon ko. Para itong papel na nagslow-mo bago bumagsak sa sahig. Ibabalik ko sana sa kaniya kaso baka isang linggong makatulog kapag tinamaan.
"Uh-oh!" kinakabahang ani ko. I think I made a wrong decision.
Parang may dumaang anghel. Ang kaninang maingay at nagtatawanan kong mga kaklase ay nagsitigil sa kanilang mga ginagawa.
Nang-uusig ang mga matang tiningnan nila ako na parang may ginawa akong krimen sa harapan nila.
Paano nga ba naman hihinto iyong librong ibinato ni Jannah kung binigyan niya ito ng full force para tamaan ako. It's impossible that it will just stop, unless na lang kung tumama na ito sa ibang bagay.
"You! You... are a monster!" nanlalaki ang mga matang ani ni Hannah habang idinuduro ako.
Monster agad? Paano pa kaya kung pinalipad ko silang lahat papalabas ng classroom?!
Maya-maya ay dumating ang professor namin na ngayon ay gulat na gulat sa getup ko ngayon.
"What is happening here? Oh my gosh, Ms. Asuncion! Bakit ganyan ang itsura mo? Lalo kang nagmumukhang halimaw sa lagay mong iyan." saad ng professor namin na hindi ko alam kung karapat-dapat bang maging isang guro kung ganito kasama ang turing sa kaniyang estudyante. “Sinalo mo na lahat ng kapangitan. And thank you for that!”
Isa pa rin 'tong masarap lunurin e, dito yata nagmana ang mga classmate ko sa kasamaan ng ugali. May lait pang kasama.
"Go to the comfort room and clean yourself. So nasty!" pagpapatuloy niya habang binibigyan ako ng nandidiring tingin.
Nakita ko 'yung pader na may c***k, kaya nagmamadali akong lumabas ng silid. Hinihiling ko na huwag sana nilang mapansin iyon, kundi lalong lagot ako nito.
The least thing I want to happen right now is to get caught by these judgmental creatures. At hindi ko agad naisip iyon kanina noong pinahinto ko 'yung libro.
Ang tanga mo talaga, Caela!
Nagmamadali akong pumunta sa comfort room at nagpasyang linisin ang sarili. Para akong basang sisiw!
After cleaning myself, I faced the mirror and then saw the tears running down all over my face.
"Caela ano ka ba? Bakit ka umiiyak? Di ba malakas ka? Ano ang iniiyak-iyak mo diyan? Napakahina mo!" Para akong tangang kinakausap ang sarili habang nakatingin sa sarili kong repleksyon.
Patuloy ko ring pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pagtulo.
My mother said that it is okay to cry. Crying doesn't mean that you are weak. You cried because you have been strong for a very long time.
Pero kahit pala anong pilit mo sa sarili mo na kaya mo, na malakas ka - dadating ka pa rin sa puntong mapapagod at mapapagod ka.
All I know is I'm tired, I'm really tired!
Pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga tao. Pagod na akong pilitin silang tanggapin ako! Pagod na akong hanapin kung saan ba ako dapat lumugar!
Gusto ko na lang magpahinga sa lahat ng sakit. Pwede bang time freeze muna? Pwede bang maghilom muna lahat ng mga naunang sakit bago ako humarap sa panibagong sakit na ibibigay ng buhay?