Caela.
Monday. 6:03am
Umaga na naman. Inaantok pa ako at gustong-gusto pa ng katawan ko na humilata rito sa kama. Nakakaengganyo matulog lalo na kapag ganitong malamig ang panahon. Bakit ba kasi ang bilis ng oras? At sino ba kasi ang nag-imbento na dapat may pasok tuwing lunes? At sino rin ang nagpauso na dapat maaga ang pasok sa school? Ipapatumba ko talaga!
"Kalma! Agang-aga highblood?" Saway sa akin ng utak ko. Yeah! Nakakausap ko siya, h’wag kayong ano!
Mabilis akong bumangon para maligo at maghanda sa pagpasok. Kahit ayoko sa araw ng Lunes, mas ayoko namang magkaroon ng bad record dahil lang sa pagiging late ko sa eskwelahan. Inabot lang naman ako ng tatlumpong minuto sa pag-aayos ng sarili. And voilà, handa na akong pumasok pero siyempre kailangan ko ring lagyan ng laman ang tiyan ko dahil mahirap na, baka mag-alboroto ito mamaya sa school. At saka masarap kayang kumain. #Foodislifeu.
"Good morning, mama," ani ko sa nanay ko nang makasalubong siya habang bumababa ng hagdan. Hinalikan ko ang pisngi nito na nakagawian ko na araw-araw.
Ang ganda talaga ng nanay ko! Mana sa akin.
"Good morning too, baby. Pupuntahan pa lang sana kita sa kwarto para gisingin. Hindi na pala kailangan," saad niya, bago dampian ng halik ang aking pisngi.
"I'm not a baby anymore, Mama." Napatawa ako.
Ang hilig akong i-baby, ang tanda ko na. Dalaga na ako pero siyempre bawal pang lumandi.
"No. You're still a baby for me." Pinanlakihan niya ako ng mata habang nakahawak ang magkabilang kamay sa baywang.
Natatawang napatango na lang ako sa reaksyon niya. Mahirap na ang makipagtalo sa kaniya. I have a childish mother, and she's one of the greatest blessings I've ever had in my entire life. Ipagpapalit ko ang lahat para sa habambuhay na kasama siya.
"Kumain na tayo, anak. Naghihintay ang pagkain at baka malate ka na rin sa school," aniyang muli bago ako iginiya sa hapag-kainan.
Matapos kumain ay nagpaalam na ako sa kaniya na papasok na sa school. Mabuti na lang at walking distance lang ito mula sa bahay, at siguro mga sampung minuto lang ay naroroon na ako.
Nag-aaral ako sa isang prestihiyosong eskwelahan – ang Southwood University. Nice name of school right?
And as I entered the gate of this so-called nice school, all of their eyes were immediately turned to me. Para talagang hinihintay nila ang pagdating ko. Napangisi na lang ako sa isiping iyon.
Wanna know why?
Because I'm Caela Maris Asuncion. Nineteen years of age, fourth year college and a well-known student here in Southwood University - school for rich and elite people.
Swerte na bang matatawag na nakukuha ko ang atensiyon nilang lahat?
Most of the students here like me,
Like to tease me.
Like to bully me.
Like to make me suffer.
They keep on saying that I am weird, a total freak, an ugly duckling, and a monster. Why?
Is it because of my manang getup and big eyeglasses? Or because I'm not rich, I'm an outcast and don't belong in this kind of school? Or is it because of my snow-like hair?
Ang hirap kasi sa iba, magkita lang ng kakaiba ang itsura nagiging tampulan na agad ng tukso. Is it a sin to have this kind of appearance? Am I worthy of their attention? Ano ba ang nakukuha nila kapag nakakapanlait sila ng kapwa? Pagod na rin kasi ako sa mga panghuhusga nila sakin. Tao rin naman ako, di nga lang katulad nila na normal.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ganito ako. Kung bakit may kakayahan ako na wala ang ibang normal na tao. Kung alam lang nila kung paano ko kwestyunin ang pagkatao ko.
Sabi ni Mama gift daw sakin ito ni God, kaya hindi ko pa rin pinagsisisihan na may iba akong kakayahan. Tanging kami lang ni Mama ang nakakaalam. Minsan gusto kong gamitin ang mga natatanging kakayahan kong ito sa mga taong laging lumalait sa akin, pero hindi ako ganoon kasama para gawin iyon.
Naaalala ko rin ang mga nangyari noon. Natatakot akong maulit muli ito. Ayokong may masaktan kung kaya hangga't maaari, pinipigilan ko ang sarili na huwag makasakit ng iba. Naniniwala akong hindi deserve ng bawat isa sa atin ang masaktan, ngunit hindi ko alam kung bakit may mga tao pa ring handang manakit ng kapwa para lang sa sariling interes.
Okay nang ako ang masaktan sa mga panghuhusga nila. Pero minsan naiisip ko, nakakapagod din pala. Nakakapagod talaga! Akala ko sa mga teleserye lang nagaganap ang mga ganitong bagay. Hindi ko alam na mararanasan ko din pala ito.
Kasalanan ko bang nakakuha ako ng scholarship para makapag-aral sa eskwelahang gaya nito? May batas bang nagbabawal na mag-aral sa school nila? Kung hindi lang dahil kay Mama, ayoko ding mag-aral dito. Kung sana pwedeng sa bahay na lang ako at sasamahan ko siya para nakakasiguro akong safe siya.
Kahit itong buhok kong kulay puti na kakulay ng niyebe. Hindi ko rin naman ginusto na magkaroon nito. Kasalanan ko bang ipinanganak akong ganito? May batas bang nagsasabing bawal ang mga kagaya ko sa mundong ito? Bawal na din bang magsuot ng pang-manang na damit at malalaking salamin? May batas na din bang nagbabawal nito?
It's just too sad that this world is full of judgmental people. Poor earth. Poor human beings.
"Ayan na naman si panget."
"Ang kapal ng mukhang mag-aral dito, hindi naman mayaman."
"Exotic ang beauty ni ate mo, girl."
"Pwede nga siyang sumali sa mga horror movies. P*ta ang panget talaga. Tsk! Tsk!"
"Pre, ligawan mo si Caela at kapag napasagot mo siya babayaran kita ng isangdaang libo."
"Pare naman, kahit sino ipaligaw mo na sakin huwag lang ‘yang halimaw na yan. Hahaha!"
Ilan lamang 'yan sa mga lagi kong naririnig mula sa kanila. Unti-unti, nasasanay na rin ako. Nasasanay na 'yung puso at isip ko sa sakit mula sa mga salitang lumalabas sa bibig nila.
I know, no one deserves to get bullied and no one will be bullied if they will not allow them to do so.
And in my case, I allowed them. Hinayaan ko lang na ibully nila ako dahil kaya ko pa. Kaya kong tiisin physically ang mga ginagawa nila, dahil kapag ako mismo ang gumawa ng ginagawa nila alam kong hindi nila kakayanin. Walang makakaligtas sa mga mortal na tulad nila mula sa isang immortal na gaya ko.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa room at hindi na lang pinansin ang mga sinasabi nila. Pasasaan ba at magsasawa rin sila. Alam kong lahat naman ng mga tumatagal ay pinagsasawaan.
Yeah! I just need to think positive and endure all this pain.
Malapit na akong gumraduate at matatapos na din ang impiyernong buhay ko dito. Nakapagtiis nga ako ng ilang taon, ilan na ba 'yung iilang buwan na ilalagi ko dito?
At mas marami pa akong bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa kanila na walang ginawa kundi ang manghusga ng kapwa nila.
It's better this way, at least hindi ako 'yung nanghuhusga. At least hindi ako iyong nananakit ng kapwa. At alam kong mas malaking kasalanan iyon.