Caela. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko habang naglalakad kami papunta sa academy na tinutukoy ni Dindin. Kinakabahan. Excited. Ngunit hindi ako nakakaramdam ng takot at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa mga nakikita. It's just so... magical. I didn't think that I'll be in this place and I can feel that I really belong here. "Ang ganda naman dito, Dindin." huminga ako ng malalim at muling iginala ang paningin. Masarap sa matang tingnan ang makulay na paligid. Maraming puno at bulaklak ang aming nadadaanan. May mga maliliit at makukulay na kulisap ang nakakalat sa paligid at animo'y sinusundan kami ng mga ito. Nangingiti ako, pansamantalang nakakalimutan ang sakit na dinadala ng aking puso. "Siyempre, dito po ako nakatira." sagot niya sa akin. Napaku