Caela. Masama ang tingin na ipinupukol sa akin ng babaeng ngayon ay nakaupo sa sahig. Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ako na parang anytime ay gusto niyang manakmal. Muntik na akong mapangiwi. Oh God, not now. This is my first day here. "Ahm... I-im sorry, Miss. Hindi ko sinasadya." Lalapit na sana ako para tulungan siyang tumayo ngunit hinarang ako ng mga babaeng kasama niya. "You are so clumsy! You don't know whom you are dealing with!" sabi ng babaeng nabunggo ko na ngayon ay nakatayo na. Hindi pa rin nagbabago ang masamang tingin na ibinibigay niya sa akin. Maganda siya kaya lang ay masyadong makapal ang suot niyang makeup. At nakakasense na rin ako ng hindi maganda. Ayokong mapaaway! "Im really sorry, miss. Papalitan ko na lang ang uniform mo." doon ko lang napansin na