Michie. Kaming dalawa lang ni Sophia and magkasabay na naglalakad papunta sa room dahil hindi na namin naabutan pa si Caela. Ang bilis maglagkad, samantalang wala pang ilang minuto mula nang umalis siya. Alam na naman niya ang room dahil itinuro na namin sa kaniya noong nagtour siya. Aaminin ko din na hindi pa rin ako makamove on mula sa nangyari kanina. Okay! Nagulat ako at natakot sa kaniya. And I felt guilty kasi nagpakita ako ng takot sa kaniya at alam kong nasaktan siya. Baka sabihin niya hindi ako nagtitiwala sa kaniya. “Sis, nakita mo ba ‘yung ginawa ni Caela kanina? Medyo nakakatakot pero ang astig niy di ba? In just a snap, nandoon na agad siya sa likod ni Nathalie. Samantalang katabi lang natin siya.” Ang daldal talaga ni Sophia. Isa pa rin ‘tong hindi makamove on. Kanina ni