Caela. This is the day! Ngayon na ang simula ng pasukan at sobrang kinakabahan na ako. Excited din sa kung anong maaaring maging buhay ko dito sa academy. Kasalukuyan akong nagbibihis at nag-aayos ng sarili. Maganda ang uniform nila. Color silver ito na long sleeves na tinernohan ng paldang two-inches above the knee ang haba. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang aking buhok at pagkatapos ay nilagyan ko ng hairclip sa gilid upang hindi ito tumabon sa mukha ko. At oo. Tinanggal ko na ang salamin na suot ko kaya medyo naninibago pa ako. Hindi ako sanay na makikita ng ibang tao na walang suot na salamin. Hindi naman kasi talaga malabo ang mata ko ngunit iyon na ang bagay na nakasanayan ko. Hindi rin naman talaga manang style ang mga pormahan ko dati bago ako pumasok sa Southwood. Marunon