Coincidence!

1439 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ------------------------------------ Ang saya-saya ko sa araw na iyon. Mag-aalas 6 na ng hapon noong hinatid niya ako pabalik sa boarding house. Halos hindi ako makatulog sa kaiisip sa aming "nature-tripping" na iyon. Sa school naman, kapag nagkita kami niyan, hindi siya nahihiyang lapitan ako at kausapin. Minsan ay sasamahan pa kagaya ng sa library. Tatabi iyan sa pag-upo, itatanong kung ano ang nire-research o binabasa ko. Kapag nasa canteen naman, ililibre ako niyan ng pagkain at sabay kaming kakain. At lantaran ang ipinakitang pagka-sweet ni Mateo sa akin. Kahit sa harap ng maraming tao, inaakbayan ako niyan, nakikipag-holding hands, o minsan ay ililingkis ang kanyang braso sa aking beywang. At maraming tao ang nakakapansin. May mga tao ring nagtanong sa akin kung bakit sweet si Mateo sa akin. May mga naririnig akong patama na ginayuma ko raw iyong tao, o may sa demonyo raw akong kapangyarihan. At ang iba, ginamit lang daw ako ni Mateo. "Bakit naman ako gagamitin ng isang tao? Mayaman ba ako? Sikat ba ako? May hitsura ba ako? Si Mateo ata yun. Baligtad yata. Baka ako ang gumamit sa kanya." sa sarili ko lang. Ngunit wala akong pakialam kahit ano ang sasabihin nila. Siguro nga, totoong kapag umibig ka, hahamakin mo ang lahat. At ang rule ko para sa sarili ay binago ko na rin, "Single since birth; not anymore." Simula noon, ang lahat ng nasa isip ko ay si Mateo na. Kung dati ang sabi ko sa sarili ay huwag ma in-love, pakiwari ko ay nabalewala na ang rule ko na iyon para sa sarili. At syempre, sino ba ang hindi ma-in love sa ipinakita niyang kabaitan. Kahit sino naman siguro kapag pinakitaan ng kabaitan, binibigyan ng panahaon at affection, maiinlove din regardless kung ano ang hitsura ng tao. Al lalo na sa katulad ni Mateo. Parang nanalo lang ako ng super mega lotto. Nasundan pa ang aming "nature-tripping" sa kanilang farm. At kung sa una ay hanggang sa mababaw na level lamang ang aming pinag-uusapan, sa pagkakataong iyon ay mas malalim na. Mayroon na kaming "self-disclosure" kumbaga. "Seryoso nga tayo..." sambit niya. "Ok..." sagot ko. "Parang wala ka yatang problema, ano?" "Weeeh! Anong wala? Lahat ng tao ay may problema. At kung ikaw ba naman ay mayroong mukhang kagaya ko, mas malaki ang problema mo." Ang sagot ko. "Hindi ko naman nakita sa hitsura mo na may problema ka eh." "Iyan ang akala mo. Baka ikaw siguro, walang problema. Nasa iyo na ang lahat." "Iyan din ang akala mo. Di mo lang alam..." "Try me. Makinig ako." "Alam mo... ampon lang ako." Tila binatukan naman ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa narinig. "Weeh! Di nga?" "Oo. Ang tunay kong ina ay patay na noong pilit akong iniluwal ng mga duktor sa kanyang sinapupunan. Ang aking itay naman ay namatay rin, n-nagpatiwakal... daw." Nagulat talaga ako sa aking narinig. Mistulang may kakaibang kalampag akong nadarama sa aking puso. "M-magkapareho ang ating kuwento?" ang naisagot ko na lang. Napatingin siya sa akin. Halatang nagulat. "G-ganoon ka rin?" "Oo... namatay ang aking ina noong ako ay kanyang iniluwal. Pagkatapos niyang mailibing, ang aking itay naman ang nagpatiwakal. Inampon ako ng matalik na kaibigan ng aking inay na siya na ngayong kinikilala kong ina." "What a coincidence!" sambit niya. "Oo nga. Siguro ang kaibahan natin ay... guwapo ka at mayaman ang umampon sa iyo samantalang ako, isang mahirap lang at heto, mahirap i-drowing ang mukha." Napangiti siya ng hilaw sa huli kong sinabi. "Akala mo naman kapag may hitsura ang tao, wala na siyang problema? Pareho lang tayo. Kung ikaw, ang problema mo ay ang anyo mo, ganoon din ako. Alam mo ba na ang unang umampon sa akin ay isang mahirap din na matandang babae na walang pamilya. Siya ang matiyagang nag-alaga sa akin. Masaya ako sa kanya kasi kahit kapos kami sa pera, ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Hanggang sa namatay siya. Siyam na taong gulang lang ako noon, nasa grade 5. Limang taon lang kasi ako noong nagsimula ng elementarya. Sabi ng inay ko, matalino daw ako." Nahinto siya, binitiwan ang isang pilit na ngiti, napailing. "Sobrang lungkot ko sa nangyari. At ang masakit ay iyong pakiramdam na nag-iisa ka, hindi mo alam ang gagawin, hindi mo alam kung saan ka tutungo. At nadagdagan pa ang paghihirap ko noong sa pag-uwi ko ng bahay pagkatapos ng libing, sinalubong ako ng isang lalaki at itinaboy ako sa bahay ng aking kinikilalang ina dahil illegal squatter daw siya. Dahil wala naman akong kamag-anak o kakampi, wala akong nagawa kundi ang mag-impake. Habang inilagay ko ang mga gamit ko sa isang bag, walang humpay naman ang pagdaloy ng aking mga luha. Doble-doble ang dagok na dumating sa akin sa araw na iyon. Nawala na nga ang nag-iisang taong nagmahal sa akin, nawala rin ang aming tirahan na siya na lang sanang nagsilbeng alaala ko sa aking kinikilalang inay. Sa gabing iyon, sa gilid ng kalsada ako natulog." "T-tapos?" "Sa pangatlong araw ko sa lansangan may sumagip din sa akin, mag-asawang walang anak. Ang akala ko ay magiging masaya na ang buhay ko sa kanila. Ngunit ito pala ang simula ng aking kalbaryo. Inabuso ako noong lalaki kapag wala ang asawa niya..." Parang hinataw ng matigas na bagay ang aking ulo sa narinig, hindi makapaniwala na sa likod ng kanyang pagka-confident sa sarili, masayahin at pagkapalabiro, may may masakit pala siyang karanasan "Sandali..." ang pag-cut ko sa kanya. "Inabuso ka as in binugbog, pinahirapan?" ang tanong ko. "s****l. At kasama ang pananakit." "P-paanong s****l at p*******t?" "K-kapag kaming dalawa lang ang nasa bahay, tinatakot niya akong patayin, binubugbog kapag hindi ko gagawin ang iuutos niya." "A-anong iniuutos niya?" "Laruin ang ari niya, ipapasubo. At wala akong magawa. Hanggang isang araw ay ipinasok na niya ito sa aking likuran." Nahinto siya sandali, lihim na nagpahid ng luha. Nahalata ko, pinigilan niya ang pag-iyak. "At halos araw-araw niyang ginagawa iyon sa akin. Minsan, kapag gabi at tulog ang asawa niya, ginagapang niya ako sa aking kuwarto. Wala akong magawa eh. Wala naman akong pamilya, walang mapupuntahan, walang kakampi. Sobrang bigat ng aking kalooban. Hindi lang sa pisikal na aspeto kundi sa psychological, mental, emotional. Para akong tino-torture." "B-bakit hindi ka nagsumbong sa mga kinauukulan?" "Pinagbantaan niya akong patayin." "Hindi ka lumayas?" "Iyon na nga, noong hindi ko na talaga natiis, lumayas na ako. At nagpalaboy-laboy na lang sa lansangan. Doon ko nakilala ang ibang mga batang lansangan. Natuto akong humithit ng rugby. At noong may nakakita sa akin na isang mayamang bakla, isinakay niya ako sa kotse niya. Pinakain, pinaliguan, binihisan. Ipinatikim niya sa akin ang kaginhawaan. Sa isang kundisyon nga lang; gabi-gabi, nilalapastangan niya ang aking pagkatao. Ngunit hindi rin nagtagal iyon. Dahil sa sobrang pagkaseloso niya, ikinulong ako sa kuwarto kapag nasa trabaho siya. Tumakas ako. At balik uli sa lansangan. Nasa sampong taong gulang lang ako noon ngunit matangkad na at may porma na ang katawan para sa aking edad. Kaya marami nang naa-attract sa akin. At doon na ako tuluyang natutong magbenta ng laman upang mabuhay. Nandidiri ako sa aking ginagawa ngunit iyon lang ang alam kong madaling paraan upang kumita ng pera. Sa naranasan ko, naukit sa aking isip na ang halaga pala ng isang tao ay katumbas lamang sa pera. At ang kalakaran sa mundo ay umiikot lamang sa panggagamit, panggugulang, panlalamang, pandaraya... At dahil sa masakit na karanasan kong iyon, nasabi ko sa sariling mahirap pala talagang magtiwala sa tao. Sa isip ko, ang lahat na lumalapit sa akin ay dahil lamang sa aking hitsura at katawan. Doon na rin ako nakatikim ng m*******a, shabu, ecstasy, at iba pang droga, kapag may mayamang pumipick-up sa akin. Isang araw, dinala ako ng isang customer sa isang bath house. Iyong may mga lockers, tapos nakahubad kayong lahat, nakatapis lang ng tuwalya habang iikot o tutungo sa sauna, shower, manouod ng palabas na bold, o kahit iinom lang ng beer sa isang bar din sa loob. At kapag natypan ka at type mo rin, doon na kayo magsi-s*x. Ang gusto kasing customer na iyon ay orgy, iyong maramihan, group s*x. Ngunit ni-raid iyon. Nakulong ako ng isang gabi." Nahinto siya sandali. "Isang gabi... ngunit dalawang pulis at ilang preso ang nagpapasasa sa aking katawan. Pinag-piyestahan nila ako. Noong una, sa dalawang pulis. Sabay nila akong ginahasa sa kanilang opisina. Noong ipinasok na ako sa loob ng selda, ang tinatawag nilang mayor naman ang lumapastangan sa akin. At noong natapos na siya, ibinigay naman niya ako sa mga kakosa niya. Para akong isang karne na pinag-aagawan ng mga hayok sa laman sa loob ng bilangguan." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD