Mahiwagang Halik

1496 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ------------------------------------ "Tsup! Tsuppp!" Ang narinig kong ingay na tila nanggaling sa aking mga labi. Puno ng kalituhan ang aking isip. Hindi ko alam kung ano iyon. Ngunit sa kalaunan, naisip kong tila may humalik pala sa akin. At iyon ang nagpagising sa aking diwa. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi sa aking bibig. Ngunit tanging diwa ko lang ang gising at ang aking katawan ay hindi ko maramdaman. Parang lumulutang lang ako sa kawalan. Sobrang disoriented ang aking pakiramdam. Ang isip ko ay nagtatanong kung nasaan ako, anong lugar iyon, bakit ako naroon. Pakiramdam ko ay isa lamang akong entity na may diwa at biglang sumulpot sa mundong iyon. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit pakiwari ko ay wala ako nito. Purong dilim lang ang aking nakikita. "Bye tol... I love you!" ang narinig ko uli at narinig ko na ang mga yabag palayo sa aking kinaroroonan at ang pagbukas at pagsara ng pinto. "P-parang kilala ko ang may ari ng boses na iyon" sa isip ko lang. "Parang, parang.... P-pero parang hindi rin. Nasaan ba talaga ako???" tanong ng aking isip. Maya-maya ay may narinig na naman akong mga taong pumasok at naguusap. "I am positive that he will wake up. He has a good chance." ang narinig kong sambit ng isang taong ang tono ng pag-i-English ay isang banyaga. "Let's give him another 24 hours" ang sagot naman ng isa pang ang pagi-English ay katunog din noong nauna. At narinig ko muli ang mga yapak na palayo sa aking kinaroroonan at ang pagbukas at sara ng pinto. Lalo lamang itong nakadagdag sa aking pagkalito. Sinubukan kong magsalita ngunit kahit ang paggalaw ng aking bibig ay hindi ko magawa. Binalikan ko sa aking isip ang mga nangyari. At doon ko naalala ang aking pagtalon mula sa ikaapat na palapag ng funeral homes. Nanumbalik din sa aking alaala ang pagkamatay ng aking inay, ang pagyurak ni Mateo sa aking pagkatao. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pagkatapos noon. Tahimik. Akala ko ay wala nang tao sa paligid. Ngunit, "Adonis... ako ang nurse mo. Filipina ako at narito ka sa isang ospital sa Amerika." ang sambit ng isang boses ng babae habang may tila inayos ito sa aking katawan. "Pangalawang araw mo na sa ospital na ito. Alam ko ang kuwento mo dahil may naglagay ng bidyo sa youtube, iyong pagtalon mo sa building mismo hanggang sa bumagsak ka, nakunan ang eksenang iyon. At sobrang dami ang nakapanood at nagkalat pa ito sa internet. Maraming naawa sa iyo. Maraming kumento ng pagsuporta at pagdamay. Lumaban ka raw. Magpakatatag ka. Halos dalawang milyon na nga ang views eh, may dalawang lingo pa lang na naipost iyon. May mga taga-TV na nagfeature sa kuwento ng buhay mo. Pati ang Ninang mo ay nainterview din, nakita ko siya sa TV. Doon nalaman ng lahat ng taga-ospital ang kuwento ng buhay mo, pati na ang kuwento ng nasabing sumpa. Sikat ka na. At kung kaya ay may mga nagpaabot ng tulong. At alam mo ba, may isang mayaman din ang nangakong siya ang aako sa gastusin upang maipagamot ang mukha mong nasira. Patunayan daw niya na hindi totoo ang sumpa. Kaya huwag kang sumuko ha? Lumaban ka. Maraming nagmamahal sa iyo. At kapag naoperahan ka at manumbalik na ang kapogian mo, lagot silang lahat sa iyo!" ang biro ng nurse. Sa pagkarinig ko sa sinabing iyon ng nurse ay para rin akong nabuhayan ng loob. Para bang gusto ko na uling bumangon at lumaban, nangarap na kapag nanumbalik ang dati kong anyo, ipakita ko talaga sa Mateo na iyon kung gaano kasama ang kanyang ginawa sa akin. Ngunit kahit na anong pilit kong kumilos at magsalita, hindi ko pa rin maigalaw ang aking katawan. "O sya... aalis muna ako at may gagawin pa ako ha? Ay oo nga pala, darating daw ang Ninang mo ngayon. Talagang pinahabol din siya sa Amerika upang siyang gumabay sa iyo. Ang isang sponsor kasi, naawa rin at siyang umako sa pamasahe niya. At least may kasama ka dito" Sambit ng nurse. At noong may tinig na naman akong narinig ng pagbukas ng pinto, "Ay nandito na siya..." Ngunit bumawi din ang nurse at ibinulog sa aking tainga. "Hindi pala ang Ninang mo; ang sponsor mo pala Adonis, bumalik siya. Siya iyong nandito kanina lang. Ang guwapo niyaaaa! Ayiiii!" ang pigil niyang pagtili na halatang nanggigigil. "Sige po Sir, iwanan ko po muna kayong dalawa." ang dugtong din ng nurse. "Kumusta tol..." ang narinig kong sambit ng nasabing sponsor. Tila nagtatalon naman ang aking puso sa narinig na boses. "Parang siya nga! At siya rin iyong humalik sa akin kung saan nagising ang diwa ko!" sigaw ng isip ko sa sobrang excitement. "Naalala mo pa ba ako?" "Syempre!" ang sagot ko naman bagamat sa isip ko lang iyon. "Na-miss na kita tol. Sobra." "Namiss na rin kita, Miguel!" ang sagot ko uli. Siya pala ang sinabing sponsor na magpagamot sa aking mukha kapag gumaling na ako. "Kawawa naman ang best friend ko. Nalaman ko ang nangyari sa iyo noong nakita ko ito sa youtube. Kaya pala hindi ka na nagtext sa akin. Noong nalaman ko ang nangyari, umiyak ako tol. At ipinakita ko sa daddy ko ang video sa youtube. Sinabi kong ikaw iyon, ang best friend kong siyang nagpatino sa akin. Sinabi ko sa kanya na nuong una ay binu-bully kita, inaaway, iniinsulto, sinasaktan ngunit hindi ka nagkimkim ng galit at sama ng loob sa akin, bagkus tinulungan mo pa ako. Doon kita hinangaan, kinaibigan. Sinabi ko rin sa kanya na ikaw ang nagturo sa akin upang maging mabait. At syempre, sinabi ko rin sa kanya ang pinagdaanan mong hirap, ang buhay mo, ang pagkamatay ng mga tunay mong magulang. Kaya naawa rin siya. Ang sabi niya, 'why don't we help him?' Find out how we can help.' Kaya kinontak ko ang Ninang mo raw iyon. Nalaman ko na may nagsponsor na sa iyong pagpagamot kung kaya ako na ang pagpapaayos sa mukha mo. Iyan din naman ang pangarap ko eh. Di ba sabi ko sa iyo, ako ang mag-opera sana sa iyo kapag isa na akong ganap na surgeon? Pero dad ko na ang nag-offer ngayon, so mapapaaga pala ang pagpapaayos ng mukha mo. Di ba mas maganda?" "S-salamat." sagot ko pa rin sa isip ko. "Kaya lumaban ka tol... Maraming nagmamahal sa iyo." Natahimik siya sandali. "Sige... aaminin ko na. Tutal, hindi mo naman ako naririnig eh. Mahal kita. Noon pang high school tayo mahal na kita. Alam mo noong huli nating pagkikita, noong time na hinatid mo ako sa airport, umiiyak ako sa eroplano. Kasi, sobrang naawa ako sa iyo. Di ba sinabi mo sa akin na pilit kang lumalaban sa buhay. At ginawa mo lang ito dahil sa pagmamahal mo sa iyong inay. Ngunit mas lalo kang naging confident dahil sa akin. Dahil sa pagiging magbest friend natin, sa pagtulong ko sa iyo. Alam ko na sa pag-alis ko, umiiyak ka rin. Kasi, syempre, wala na ang tagapagtanggol mo. Wala na ang best friend mo. Pero sasabihin ko sa iyo, na nag-aral lang naman ako sa Amerika dahil gusto kong kapag nakatapos na ako sa aking kurso, ako ang gagamot at gagawa ng operasyon mo. Patunayan ko na hindi totoo ang sumpa, na ang medisina ay mas makapangyarihan kaysa kung ano mang klaseng sumpa. Kasi nga, naipangako ko sa aking sarili na tutulungan kita; upang hindi ka na magdusa. Ewan... mahal kita talaga eh." Syempre, nabigla ako sa aking narinig. Pero masayang-masaya ako. Sobrang saya. "Kung alam mo lang Miguel... Mahal din kita. Mahal na mahal... di ko lang sinabi sa iyo kasi natakot ako." ang sagot ko na lang sa aking isip. Natahimik siya sandali at ang sunod kong narinig ko na lang ay, "Tsup! Tsupppppp!!!" Ewan, pero ramdam ko sa aking bibig ang halik niya. At doon na napaiyak. At laking gulat ko rin noong napasigaw siya ng, "Oh shittt! Nurse! Nurse!!!" ang sigaw niya at noong may nagbukas ng pinto, "Tumulo ang luha niya???" ang sambit din niya. Nakita pala niya ang aking pag-iyak. "Doctor! Doctor!!!" ang sigaw rin ng nurse noong nakapasok na siya at siguro, nakita rin ang patuloy na pag-agos ng aking mga luha. "What's going on?" ang tanong ng boses Amerikano na maaaring ang duktor nga at nakapasok na sa kuwarto "Doctor, look! He's crying!" ang sambit ni Miguel. "Why? What did you do?" "I just er..." hindi agad nakasagot ni Miguel, "I... t-talked to him! Yes, I talked to him!" "Well, that's good. It means he is listening and reacting to what you are saying. This is a positive development. I think we have to proceed with the next step of treatment..." ang sambit ng duktor. At narinig ko na lang ang mga yapak uli na palayo sa aking kinaroroonan. "Continue talking to him if you can." ang pahabol niya bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD