Katapusan Ng Pagdurusa

944 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ------------------------------------ Pakiwari ko ay umikot ang aking paligid sa sobrang bigat ng balitang aking natanggap. Agad akong bumalikwas ng higaan at tila isang baliw na nag-iikot sa kuwarto at hindi malaman kung ano ang gagawin. At namalayan ko na lang ang sariling nagtatakbo, hindi na nagbihis pa, hindi magawang magdala ng gamit. Ang nasa isip ko na lang sa sandaling iyon ay kung paano makarating sa ospital ng aming lungsod sa lalong madaling panahon. At bagamat gabi na iyon, pinilit ko pa ring magpunta ng terminal kahit alam kong wala nang biyahe sa oras na iyon, nagbakasakaling may mga special trips o mga stopover trips na galing malalayong lugar ang dadaan sa terminal at magka-cutting trip na lang ako. Iyon ang ginawa ko. Ngunit huli na noong nakarating ako dahil imbes na inasam-asam ko pang sa ospital ko siya madatnan, sa punerarya ko na nasilayan ang mga labi ng aking inay. Nakalatag sa isang mesang lagayan ng mga bangkay, naghintay na lang sa aking pagdating upang magdesisyon sa funeral service at pag-embalsamo. "Inayyyyyyyyy! Inayyyyyyyy!" ang sigaw ko. "Ang sabi mo ay gusto mo pang makitang magtagumpay ako sa buhay, na matupad ang ating mga pangarap! Bakit iniwan mo ako nayyyy? Bakit ganoon???" Mistulang wala akong kapaguran sa pagsisigaw at paninisi sa kanya kung bakit niya ako iniwan. Halos puputok rin ang aking baga sa tindi ng aking pagsisigaw. "Wala na tayong magawa, Adonis. Sadyang hanggang doon na lang ang buhay niya." Ang wika ng aking Ninang habang hinaplos-haplos niya ang aking likod. "Siya na lang kasi ang pamilya ko, Ninang at ngayon, nag-iisa na lang ako..." "Ganyan talaga ang buhay, Adonis. Ngunit huwag kang mag-alala, nandito naman ako... Tutulungan kita." Hindi na ako sumagot. Sobrang bigat ng aking naramdaman sa sandaling iyon. Naghanap na lang kami ng paraan kung paano ang gagawing pagsasaayos ng mga labi ng aking Nanay Cora. Wala akong pera at hindi ko alam kung paano makahanap ng source. NIlapitan naming ang mga mayayamang tao sa aming lungsod, sa mga pulitiko, sa mga charity organization upang makahagilap ng perang pambayad sa ospital at punerarya. Tinext ko rin si Miguel upang humingi sa kanya ng tulong. Naawa sa akin si Miguel. Magpadala rin daw siya ng pera at pipilitin niyang makauwi kahit limang araw lamang upang damayan ako. Madaling araw na iyon at nakatakdang gawin ang pag-embalsamo sa katawan ng aking inay sa alas 7 ng umaga. Hindi na ako nakatulog. Mag-aalas 7 ng umaga, naghintay na lang kami sa pagdating ng magi-embalsamo sa labi ng aking inay noong bigla na naman akong nag-iiyak. Paano, habang pinagmasdan ko kasi ang mukha ng aking inay, naimagine ko ang kanyang huling sandal, ang kanyang paghihirap habang hinintay akong dumating at masilayan pa niya ako bago siya pumanaw. Tapos, sumingit din sa aking alaala ang mga masasayang araw namin, ang mga paalala niya sa akin, ang kanyang sakripisyo at pagmamahal. Higit sa lahat, ang pagbibigay-inspirasyon niya sa akin upang ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng lahat. "Paano na lang ako nay... ikaw lang ang dahilan kung bakit ako nagpumilit na lumalaban sa buhay. Paano ko na lang ipagpatuloy ito?!!!" ang pagsisigaw kong muli. Lumapit sa akin ang aking Ninang at pilit niya akong pinakalma. "Adonis... huminahon ka. Tanggapin na lang natin nang maluwag sa ating kalooban ang pagpanaw ng inay mo. May dahilan ang lahat." Ngunit patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Oo nga pala. Alam mo ba, bago na-stroke ang inay mo, nasabi niya sa akin na nahanap na raw niya ang malalapit na kamag-anak ng babaeng nagbigay ng sumpa sa pamilya mo? Nakausap pa raw niya ang anak mismo ng babae. At itong mga litratong ito ang hawak-hawak niya bago siya na-stroke." nahinto siya noong isinukbit niya ng kanyang kamay sa kanyang bulsa na tila may hinuhugot sa loob. "Ito raw sana ang ibigay niyang sorpresa sa iyo..." Ngunit imbes na magkaroon ako ng interes o matuwa dahil sa wakas ay nagbunga rin ang kanyang pagsisikap na makita ang mga kamag-anak ng babaeng nagbigay ng sumpa, lalo pang nagpabigat ito sa aking dinadalang sama ng loob. Ito kasi ang dahilan ng pagkamatay ng aking tunay na inay. Ito rin ang dahilan ng pagpapatiwakal ng aking itay. At ito rin ang dahilan kung bakit ako nagdusa, dahil ang pangalawang sumpang nasabi ay para sa akin; na magdusa ako. Bigla tuloy sumiksik sa isip ko si Mateo. At lalo lamang lumakas pa ang aking paghagulgol. "Kahit pala gaano katinding pagpakumbaba ang gagawin ko, nay... kahit gaanong haba pang gagawin kong pasensya na tanggapin ang aking pagkatao, sisirain at sisirain din pala ito ng mga tao. Hindi ko na po kaya nay. Hindi ko na po kaya!!! Wawakasan ko na po ang aking pagdurusa nay!!! Para matapos na po ang sumpa!!!" ang pagsisigaw ko habang nagtatakbo patungo sa hagdanan ng punerarya. "Adonis, Adonis! Saan ka pupunta??? Adonissssss!!!" ang narinig ko pang sigaw ng Ninang. Ngunit lalo pang binilisan ko ang aking pagtakbo, binaybay ang hagdanan patungo sa itaas ng gusali. Hanggang sa naabot ko ang pang-apat na palapag. At sa may terrace, tinungo ko ang barandilya. Tila napakabilis ng mga pangyayari. Hindi na ako nag-isip pa. Ang tanging nasa isip ko na lang ay ang wakasan ang aking buhay. At ang huling natandaan ko na lang ay ang mga tao sa baba ng gusali na nakatingin sa akin at nagsisigaw ng, "Tatalon ang mama! Magpakamatay ang mama! Tulungan ninyo!!! Tulungan ninyooooooooo!!!" Ngunit huli na ang lahat. Naalimpungatan ko na lang ang sariling ipinikit ang mga mata, tumalon, naramdamang umikot-ikot ang aking katawan habang bumulusok ang katawan ko pababa. At malakas na... "KA-BLAGGGGGGGGG!!!" Iyon ang huli kong natandaan. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD