Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Dante sa harapan nila Rogelio, Emilia at David. May pasa na ang magkabilang pisngi nito at halos sira na ang kanyang maskara. Gusot na rin ang coat nitong itim. "Rogelio, hayaan mong ako ang magturo ng leksyon sa lalaking ito para matuto siya!" ang bulong ni Emilia. "Wag ka nang mangingialam dito, Emilia! Ako ang magtuturo ng leksyon sa anak kong ito sa labas. Nakakalimutan niya yata na malaki ang utang na loob niya sa akin!" Lumapit si Rogelio at sa bawat yapak ng paa niya ay dama ni Dante ang galit nito. "Pa... please... hind na po ito mauulit pa..." Nang makalapit si Rogelio ay kaagad niyang hinampas ang binti ni Dante ng kanyang tungkod. "Araaayy!" ang malakas na sigaw ni Dante dahil sa sakit ng paghampas sa kanya. Tatakas sana ito