"Yes mom!" ani ni David ng sinagot niya ang tawag ng kanyang nanay. "Come here in my room, I would like to talk to you!" "On the way," sambit ni David, napatingin siya sa balcony ng kwarto ng kanyang ina at natanaw niya itong umiinom ng wine. "Wag kang mag alala, wala rito ang papa mo! He's sleeping now on his room. Wala siyang maririnig sa magiging usapan nating dalawa." Pinatay kaagad n Emilia ang tawag at naghintay ito sa balcony habang humihigop ng kanyang wine. Ilang minuto ang nakalipas, umakyat si David at mabigat ang bawat yapak nito papalapit sa kanyang mama. "What's with the long face, my son?" tanong ni Emilia sabay higop ng wine. Kinuha ni David ang wine glass at nilagyan niya ito ng alak. Nag cheers muna silang dalawa ni Emilia bago ito sumagot sa kanyang mama. "As