The Meeting

3665 Words
Dumating si Anica sa kampo nang mga Sundalo. Kinailangan niyang personal na magpunta sa kampo kung saan ito naka destino dahil sabi nang lolo niya dahil sa labis na abala ang Heneral sa pag te-training sa mga bagong sundalo. Hindi nito magagawang makipagkita sa kanila kaya naman, ipinadala siya nang lolo niya sa kampo nito, and of course with the permission of the general’s father. Sabi nito, kailangang makilala muna nila nang General ang isa’t-isa para sa susunod na family gathering pormal na siyang maipakilala bilang fiancée nang heneral. Sa gate palang nang kampo Nakita na niya ang maraming Reporters at Media na nag-aabang doon. Agad siyang nagkubli upang obserbahan ang dahilan nang pagpunta ang mga ito sa lugar na iyon. Isa sa mga reporter narinig niyang sinabi nito na nandoon sila upang abangan ang pagdating nang Fiancee nang Demon General. May nagbigay sa kanila nang tip na malapit nang ikasal ang General at baka magpunta sa kampo ang mapapangasawa nito. Magiging malaking oportunidad ito para sa kanila para makita ang general at kung sino ang babaeng pakakasalan nito. Gusto nilang makita kung anong klaseng babae ang fiancée nang Heneral. Narinig niyang maging ang mga ito hindi pa rin alam ang tunay na itsura nang Heneral. “Ganito ba siya ka sikat na maging mga reporter sinusundan ang nangyayari sa kanya? Paano naman nila nalaman na darating ako dito?” tanong ni Anica sa sarili niya. “Paano naman ako makakalapit sa gate nang hindi nila napapansin? Ang hirap naman nito. Magpapakasal ba ako o Magiging spy?” napabuntong hiningang wika ni Anica saka muling sulyap sa Gate na puno nang mga reporters. “I think I have to ----” wika ni Anica habang umaatras. Bigla niyang naisip na hindi nalang siya tutuloy at hahanap nang ibang tyempo para makausap ang General mukhang hindi magandang araw ngayon para magpunta siya sa Kampo. Habang umaatras si Anica bigla siyang natigilan nang bigla siyang tumama sa isang katawan. “What do you think you’re doing. Acting like a peeping tom.” Wika nang boses sa likod niya. Bigla siyang napaigtad nang marinig ang baritonong boses na tila may dumaloy na boltahe nang kuryente sa katawan niya mula sa batok niya pababa sa paa niya. Peeping tom? Ulit nang isip ni Anica. Nang marealize kung anong sinabi nang nang lalaki sa likod niya. “Hey!” inis na wika nang dalaga saka umikot. Dahil sa biglang ginawa niya she tripped on her foot at nawalan siya nang balance. Agad namang hinawakan nang lalaki ang kamay niya, ngunit bumagsak parin silang dalawa. Naging maagap naman ang lalaki at mabilis na hinawakan ang ulo niya para hindi tumama sa semento nang bumaksak silang dalawa. They fall while she was on top of him. “I-I’m So-rry.. Oh My.” Wika ni Anica na inilayo nang bahagya ang sarili sa lalaki saka napatingin sa mukha nang lalaking nasa ilalim niya. She got captivated by his handsome face and can’t take her eyes off of him. “You are---- So…… Heavy.” Wika nang lalaki saka itinulak ang dalaga at tumayo. Napaupo naman ang dalaga dahil sa ginawa nang binata. “Aw.” Daing nang dalaga saka sinapo ang kanyang puwet na tumama sa semento saka tumingin nang matalim sa lalaki. “Did you get hurt? Are you okay?” tanong nang binata saka agad siyang inalalayan na tumayo nang ma realize kung anong nangyari.. Nang makatayo siya agad niyang iwinaksi ang kamay nang binata. She looked at him with despise dahil sa narinig nasinabi nito. At sa ginawa nang lalaki. Ni hindi pa siya nakakapangalahati nang pagpapantasya sa gwapo nitong mukha bigla naman siya nitong itinulak. Inis na napatinigin si Anica sa lalaki saka pinasadahan ito nang tingin mula ulo hanggang paa. He was wearing a black shirt na may logo nang armed forces at camouflage pants at combat shoes. He is also wearing a jacket and a cap and Shades. Para itong si Tom Cruise sa Top Gun. Kung hindi lang siya nainis sa pagtulak nito sa kanya baka tumili ni siya dahil sa kakisigan nang binatang nasa harap niya. “Now you are asking if I am okay after you toss me aside?” Asik nang dalaga sa binata. She made sure that she sounded irritated kahit na ang totoo hook parin siya sa kakisigan nang binatang nasa harap niya. “Hindi mo ba kilala kung sino ako?” Inis na wika niya. Kailangan iyang ipakitang galit siya sa nangyari. “I don’t ?” deresahang wika nang binata. “Kailangan ba kilala kita?” tanong nang binata dahilan upang matigilan ang dalaga. Napakagat labi ang dalaga dahil s ainis. Kung nahuhumaling siya sa kakisigan nito. Tila ka baliktaran ang gusto niyang maramdaman sa tila hindi magandang tabas nang dila nito at mukhang suplado pa sa personal. Bigla siyang napaisip dapat ba niyang sabihin kung sino siya sa lalaking ito. Pa simple siyang tumingin sa mga reporter. Kailangan niyang makapasok sa Main Gate at kakailanganin niya nang tulong upang gawin iyon. Napatingin siya sa binata. “Matanong ko lang, papunta ka ba sa loob nang Kampo?” tanong nang dalaga sa binata. Napakunot naman ang noo nang binata saka tumingin sa dalaga at saka sa gate. Ilang sandali pa muli itong tumingin sa dalaga na tila may malaking question mark sa mukha. “Hindi ako isang masamang tao. Kailangan ko lang talagang makapasok sa loob ang kampo.” Wika nang dalaga nang makita ang tingin nang binata. “I will tell you everything and even forgive you for what you have done if you can help me get through that gate.” Wika nang dalaga saka itinuro ang gate na puno nang mga reporter. “You see, they are here for me. I can’t let them catch me before I meet that Demon General” wika nang dalaga. “Demon General?” Ulit nang binata. Saka napatingin sa mukha nang dalaga. He is wondering kung anong kailangan nito sa Heneral. “Saka ko na sasabihin. Help me pass that gate first, okay?” wika ni Anica saka hinawakan ang braso nang dalaga. Napatingin ang binata sa mukha nang dalaga saka tumingin sa Gate. Marahan niyang tinanggal ang kamay nang dalaga sa braso niya saka hinubad ang jacket. Isinuot sa dalaga maging ang kanyang sombrero ay isinuot din niya sa dalaga. Hindi naman nakaimik ang dalaga dahil sa bilis nang kilos nang binata. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata. Nagtataka siya kung bakit hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya kahit hindi naman sila magkakilala, “Let’s go.” Wika nang binata saka inakbayan ang dalaga saka inakay papalapit sa gate. “Ha?” Nabiglang wika nang dalaga dahil sa ginawa nang binata ngunit hindi naman siya tumutol. With her disquise and him holding her close. Tiyak ni Anica na hindi na siya mapapansin nang mga ito at makakapasok sa loob nang kampo nang tahimik. Which was exactly what happen. Kahit dinaanan nila ang mga reporter hindi sila binigyang pansin nang mga ito bagay na ikinatuwa niya. Dinala siya nang lalaki sa loob nang isang opisina kung saan ang Nakita niya ay mga baril at ilang plague of awards at medal. Sa Desk naka lagay ang isang sign na may pangalan nang Brig. General Andrew Shin Bryant. Agad niyang tinanggal ang jacket sombrero nang makita ang mga nasa loob nang silid saka napatingin sa paligid. “This room speaks for that Demon general.” Usal nang dalaga. “Now, can you tell me why you have to meet the General?” Tanong nang binata. “You might not believe me, but I am the fiancée of that demon general.” Wika nang dalaga. “I was sent here to meet him. Hindi ko naman akalaing may mga nag-aabang din na reporter sa labas.” Wika nang dalaga saka inilagay ang jacket at sombrero sa upuan. “Fiancee?” tanong nang binata. “You heard it right. Some family circumstances. If you’ll ask me, hindi ko rin naman gustong makasal sa taong hindi ko gusto. And to a demon General specifically.” “Why do you keep on calling him demon general. Have you met him? Kilala mo ba siya?” tanong nang binata. “Hindi pa. But most people describe him like that. And this room really speaks about it. Tingnan mo naman, puro baril and plague of awards. I bet walang ibang nakakapasok sa loob nang kwartong ito kundi mga sundalo lang. Dahil tiyak na manginginig sa takot ang ordinaryong tao na pumasok dito.” komento nang dalaga habang nagpalinga-linga sa loob nang silid. “If he is a demon why did you agree of marrying him?” tanong nang binata. “Well, I don’t have a choice really.” Maagap na sagot nang dalaga. Kung hindi lang ako na blackmail nang mga kapatid ko. Bakit ko naman tatanggapin na maging asawa nang taong hindi ko kilala no? Dagdag ang isip nang dalaga ngunit hindi na niya iyon isinatinig pa. Hindi na kailangang malaman nang binata sa harap niya ang mga detalyeng iyon. At kahit ang isipin lang ang bagay na iyon ay talagang napapasama nang loob niya. “I’ll have someone to return you home.” Wika nang binata saka binuksan ang pinto nang opisina. “No!” wika nang dalaga saka hinawakan ang braso nang binata. Matapos siyang makapasok sa loob nang opisina nito. Bakit naman siya agad paalisin nang binatang ito? Hindi niya pwedeng bumalik nang hindi nakakausap ang Heneral. Nang tumingin ang binata sa kamay niya na nakahawak sa braso nito agad naman niyang binitiwan ang braso nang binata. Tila alam na agad niyang hindi nito gustong hinahawakan niya ang kamay nito. At raramdaman niya ang pagiging seryoso nang binata at malamig din ang pakikitungo nito sa kanya. Sa uri nang tingin nang binata tila gusto niyang kilabutan. “I said so much about your general. Pero hindi naman iyon sapat para paalisin moa ko di ba? Kailangan ko siyang makausap.” Wika nang dalaga sa binata. Hindi sumagot ang binata bagkus ay tumingin lang ito sa mukha nang dalaga. “General Dumating na pala kayo.” Wika nang isang sundalo na dumating. Dahil nakabukas ang pinto Nakita ni Anica ang lalaki na sumaludo sa binata saka napatingin sa binatang nasa harap niya. Nabigla siya nang makita ang sundalo ngunit mas nabigla siya nang tawagin ang lalaki ang binata sa harap nito na General. “General?” gulat tanong nang dalaga saka lumingon sa mesa nang general saka tumingin sa binata. Dahil ba sa desperasyon niyang makilala ang General kaya kung ano-ano na ang naririnig niya? Or was it this whole time na ang General talaga ang nasa harap niya? Pero bakit wala ito sinabi? Bakit hindi ito nagpakilala? Bigla niyang natuptop ang bibig niya nang maalala ang mga sinabi kanina. Did I hurt his feeling? Kaya niya ako ibabalik sa ‘min? Tanong nang isip niya saka tumingin sa binata. Naku naman. Mapapahamak pa ako sa kadaldalan ko. Reklamo niya sa sarili. “Carry on.” Wika nito sa sumaludo din sa lalaking sundalo. “I’ll be right there in 30 minutes. Tell Captain Ramirez to facilitate the training.” Wika nito sa lalaki. “Yes sir!” wika nito saka muling sumaludo at umalis. Muling isinara nang binata ang pinto saka lumingon sa dalaga at tinanggal ang Shades. Doon malayang napagmasdan nang dalaga ang greyish eyes nito. Pakiramdam niya parang Nakita na niya ang mga matang iyon hindi nga lang niya matandaan kung saan. Hindi siya makapaniwalang nasa harap na niya ang Demon General. Hindi niya alam kung anong sasabihin at kung papaano kikilos gayong mukhang masama na ang first impression nito sa kanya. **** Coffee?” tanong nang binata saka lumapit sa coffee maker. Hindi naman nakapag salita ang dalaga dahil sa labis na gulat. Ang lalaking kanina pa niya kausap ay siyang Demon General na kinatatakutan nang lahat at ang kanyang future husband. Gulong-gulo ang utak niya at hindi niya alam kung ano ang iisipin. Gusto niyang magalit sa binata dahil sa hindi man lang ito nagpakilala sa kanya at kung ano-ano ang tinanong sa kanya. Ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Dahil, alam niyang may mga nasabi din siyang tiyak na hindi nagustuhan nang binata lalo na at panay ang tawag niyang Demon General dito “What’s your name?” tanong nang binata saka inilapag sa mesa ang isang tasa nang tsaa. “Anica Yahaira Sutherland.” Simpleng wika nang dalaga. “Ikaw ang General na hinahanap ko? Bakit hindi mo agad sinabi? Nag enjoy ka ba sa ginawa mo? I was being honest, all this time pero heto ka at kunwari walang alam.” Dagdag nang dalaga. Hindi na niya nagawang pigilan ang sarili. Gusto niyang malaman kung bakit hindi ito agad nagpakilala sa kanya. Kung hindi ba dumating ang sundalong iyon, patuloy ba siyang pagsisinungalingan ang binata. “You have such a long name. Anya fits perfectly. Hindi mahirap tandaan.” Wika nang binata dahilan upang mapatingin siya dito. Hindi lang nito pinansin ang huling sinabi niya. Dahilan upang mainis siya. Bakit ba tila binabalewala siya nang binata. “Anya? You are acting familiar, we’ve just meet.” Reklamo nang dalaga. Ang mama lang niya ang tumatawag sa kanya nang pangalan na iyon kaya naman agad siyang umalma. At sa dami nang pwedeng itawag sa kanya ang galing naman nitong pumili nang palayaw niya. “You said you are my fiancée. What is wrong with that? At hindi ko ugaling magbigkas nang mahabang pangalan. I’m Andrew Shin Byrant. You can call me Shin. Do you have any other complaints?” wika pa nito saka naupo sa isang bakante upuan sa harap niya. Ang arrogante naman. Wika nang isip nang dalaga. Pasalamat ka pa din gwapo ka. At kailangan kitang makausap. Pagpapasensyahan kita ngayon. Dagdag nang isip niya “You said ypu are here to-----” biglang naputol ang sasabihin ni Andrew nang biglang tumunog ang telepono sa mesa niya. “Excuse me.” wika nito saka tumayo at lumapit sa mesa upang sagutin ang tawag. “Pa. Yes, she’s here.” Narinig ni Anica na wika ni Andrew sa kausap niya sa telepono. Napatingin naman ang dalaga sa binata. Pa? Tanong nang isip nang dalaga. Doon lang na realize nang dalaga na itong General na nasa harap niya ang anak nang kaibigan nang lolo niya. Noon lang din pumasok sa isip niya na binata pala ang bunsong anak nito. She was actually thinking na matanda ito. Lahat naman kahit nang alam niyang General ay matatanda na. Hindi naman niya akalaing Bata pa ito at matikas. Gwapo nga arogante naman. Dagdag nang isip nang dalaga upang sawayin ang sarili dahil sa panghanga sa binata. Hindi naman niya itatanggi, kahanga-hanga ito. Dahil sa batang gulang nito ay Isa na itong heneral. Kung iisipin baka nasa early thirties ito o late twenty’s pero ang dami na nitong achievements. Makikita din iyon sa mga plague sa loob nang opisina nang binata. “All right, I’ll talk to you later.” Wika nito saka ibinaba ang telepono at muling naglakad papalapit sa dalaga. “Sorry for that. It was my dad, He asked if you are already here.” Wika nang binata. “It seems to me that we are the one to fulfil the promise made by my dad and your grandfather.” Wika nang binata. “Yeah, it happens to be that way.” Wala sa loob na wika nang dalaga. “How about you? Are you okay with that?” tanong ni Anica. “I mean. You’re a General, a Bachelor and a man who have achieved everything. Every girl will be dreaming of wanting to become your bride.” “Are you also one of them?” Tanong nang binata. “Of course not! I have my own reason why I agreed to this marriage.” Wika nang dalaga saka inilayo ang tingin. “Then I guess it’s settled. Let’s get along well.” Wika nang binata saka inilahad ang kamay sa kanya. Taka namang napatingin ang dalaga. “That’s it?” tanong ni Anica. Hindi siya makapaniwala sa naging reaksyon nito. Parang ang bilis lang para dito na tanggapin ang lahat. She is actually expecting that he will refuse and probably be furious. He is a bachelor and she knows that. Just by looking at him alam niyang maraming babaeng mabibigo kapag malamang ikakasal na ito. How would they react if the well known Demon general is this handsome and is about to get married to a woman he never meet. Marami sigurong madidismaya. At baka marami din siyang maging kaaway. “I don’t have anything to say. Hindi naman ako immature to throw tantrums because of this. I respect my fathers decision at nakasalalay dito ang karangalan niya. As a former Soldier his word of honor is something I want to protect. And besides you are not against it so why would I make a big fuss over it. Let’s just get along well.” Wika saka ginagap ang kamay niya nang hindi niya abutin ang pakikipag kamay niya. Hindi niya mahulaan ang iniisip nito. “Hindi ka man lang, magrereklamo dahil sa nangyari?” wika nang dalaga nang bitiwan ni Andrew ang kamay niya. Takang reaksyon ang Nakita niya sa binata. “I mean, Tiyak na may mga nililigawan ka. O girlfriend. Ang pagpapakasal ay hindi biro. Hindi ka pwedeng mag back out nalang kapag----”Putol na wika nang dalaga. “Alam ko ang ginagawa ko. May sarili akong isip. O baka naman ikaw ang hindi sigurado sa desisyon mo.” Wika nang binata saka tumingin nang derecho sa kanya. Can he see through her? Iyo ang nasa isip nang dalaga. Madali bang Mabasa ang mga kilos niya? “Hindi pa naman huli para umayaw ka sa kasalang ito. For me, it doesn’t matter. If my father decide about this marriage Who am I to refuse.” Wika nang binata. Napakagat labi naman ang dalaga. Such a cold and Robotic response. Ano ka Robot nang tatay mo? Nagagawin ang ano mang sabihin kahit hindi mo gusto? Bulalas nang isip nang dalaga. Ano namang pinagkaiba natin? Pareho lang tayong napipilitan sa kasal na ito. Mabuti ka nga dahil iniaala mo ang karangalan nang ama mo. Matatanggap ko pa ang rason mo. Eh ako? I am doing this dahil sa black mail nang pamilya ko. Dagdag nang isip niya. Saka napabuntong hininga. “Is that a sigh of relief?” Tanong nang binata. “Definitely not. Pero ano pa nga bang magagawa ko. Let’s get along well.” Wika nang dalaga saka paupo. Mukhang wala na rin siyang lusot sa kasalang ito. Hindi rin naman ata niya makukumbinsi ang general na magbago nang pasya. “Iiwan muna kita dito. I have to go and see my team. Okay ka lang ba mag isa dito? This room screams about a demon general.” Wika nang binata matapos siya nitong tingnan saka umayos nang pagkakatayo. “While you are here, pag-isipan mong Mabuti kung tama ba na pakasal ka sa isang Demon General na gaya ko.” Dagdag nang binata. “You are young. Hindi mo kailangang matali sa isang relasyon na hindi ka masaya.” “You are a person who holds grudge, are you not?” ngumiting wika ni Anica saka napatingin sa mga librong nasa tabi nang cabinet na puno nang plague and Medals. “Are those books about law?” tanong nang dalaga saka itinuro ang shelf nang mga aklat. Biglang nag ningning ang mga mata nito nang makita ang mga libro. “Yes they are. You read those kinds of books?” Tanong nang binata. Saka napatingin sa libro at sa reaksyon nang dalaga. Ngayon lang siya nakakita nang ganoong reaksyon. Sabagay hindi naman siya yung taong mahilig makihalobilo sa iba. Kaya siguro natawag siyang Demon General dahil sa ugali niyang iyon. He speeds more time sa kampo kaysa sa sarili niyang bahay. Wala siyang masyadong kaibigan sa labas nang Military Camp.Mas close pa siguro siya sa mga baril kaysa sa mga tao. “It just became a habit. Can I read them while waiting for you?” tanong nang dalaga na nasa mga libro ang atensyon habang pumipili nang pwede niyang Mabasa. “Yes. Feel free to do whatever you like. I will be back before sunset. Sabay na tayong pumunta sa family gathering.” “Family Gathering?” Tanong nang dalaga saka lumingon sa binata. “Well, your grandfather and my Dad, decides to have a gathering for both family and to formally announce our engagement.” Wika ni Andrew. “They really do think alike huh.” Wika ni Anica saka nagsimulang tingnan ang libro na napiling basahin. “Iiwan na muna kita dito.” Wika ni Andrew saka binuksan ang pinto. “Alright take you time.” Wika nang dalaga nang nilingon ang dalaga. Simple namang ngumiti si Andrew saka lumabas. Bago siya naglakad papalayo sa opisina niya ay napatingin muna siya sa pinto. “My Bride huh.” Wika nang binata saka nagsimulang humakbang papalayo. “Ah!” wika nang dalaga na tumayo saka napatingin sa pinto. “Nakalimutan kong itanong kung bakit hindi siya agad nagpakilala sa akin. Sa dami nang pinagusapan namin Nawala sa isip ko. Napakaarogante naman kasi niya. Kung saan saan tuloy lumiliko ang usapan namin.” Wika nang dalaga saka naglakad patungo sa upuan. “Oh Well, mamaya oko nalang siya kakauspin pagbalik niya.” Wika nang dalaga saka naupo at nag simulang buklatin ang aklat na dala. “Siguro naman hindi siya matatagalan noh?” Wika nang dalaga saka napatingin sa silid. “Nakakatakot naman tong silid na ito. Paano kaya siya nakakatagal sa ganitong silid. Para haunted sa mga baril. O baka naman kinakausap din niya ang mga baril na ito dito.” Dagdag pa nang dalaga. “Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko. Nababaliw na ako.”Saway nang dalaga sa sarili saka itinuon ang isip sa pagbabasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD