The New Bride

4448 Words
Holdap to walang kikilos.” Sigaw nang isang lalaki sa loob nang isang bangko sabay tayo. Kasunod niyang tumayo ang apat pang lalaki na nasa iba’t-ibang bahagi nang bangko. Nagpaputok pataas ang lalaki dahilan upang magkagulo ang mga tao sa loob nang bangko at napayuko. Ang mga Clerk naman sa desk at isa-isang nagtago sa ilalim nang kanilang mesa dahil sa labis na takot. Lalo pang napuno nang takot ang loob nang bangko nang biglang barilin nang lalaki ang Security guard. Agad din namang lumapit ang dalawang sa pinto upang magbantay doon. Ang dalawa pang lalaki ay lumapit sa dalawang teller at sinabihan ang mga clerk doon na lagyan nang pera ang bag na ibinigay nang mga ito. Nanginig ang kamay nang dalawa habang naglalagay nang pera sa loob nang bag. Maya-maya pa ay biglang dumating ang mga police car at ilang SWAT member. “Pare mga pulis.” Wika nang isang lalaki sa pinto. Narinig nilang nagsalita ang isang pulis at sinabing Sumuko sila nang maayos upang walang mapahamak. “Hindi nila tayo mahuhuli dito.” Wika nang lalaki saka kinuha ang isang Bag na may lamang pera. Maglalakad sana ito papalapit sa pinto nang may isang lalaki na lumapit sa kanya at sinugod ang lalaki. Nagpambuno ang dalawa sa huli ay nanaig ang lakas nang holdapper. Saka bumulagta ang lalaki sa sahig na may tama nang bala sa tiyan dahil sa pagbaril nang holdapper. Lahat ay nahintakot sa nangyari. Narinig naman sa labas ang malakas na putok nang baril. Muling nagsalita ang pulis at sinabing huwag sasaktan ang mga tao sa loob nang bangko. “Kung sino man sa inyo ang gusto manlaban, huwag niyo nang subukan kung ayaw niyong matulad sa lalaking ito.” Wika nang lalaki saka itinutok ang baril sa lalaki. “Tatay!” wika nang isang batang lalaki saka lumapit sa lalaking nakabulagta at duguan. Nakita nang lalaki ang matalim na tingin nang batang lalaki sa kanya. “Ang sama mong makatingin. Gusto mo rin bang matulad sa tatay mo.” Inis na wika nang lalaki saka itinutok sa noon ang bata ang baril. Lalo namang nainis ang lalaki nang makitang hindi man lamang natakot ang bata sa kanya. Akmang kakalabitin nang lalaki ang gatilyo nang may isang dalagang lumapit sa bata at inilayo ito sabay tingin sa lalaki. “How can you point a gun to a child!” wika nang dalaga sa lalaki. Napakunot naman ang noon ang lalaki dahil sa biglang pagsulpot nang dalaga. Matapos itong magsalita ay bumaling ito sa lalaking nakahandusay. Saka inilagay ang kamay sa sugat nito sa tiyan. Saka naman nagsimulang umiyak ang batang lalaki. “Hey, it’s okay. Maililigtas natin dito ang papa mo.” Wika nang babae habang nakalagay parin sa tiyan nang lalaki ang kamay saka bumaling sa lalaking may baril. “Mister. Kailangan natin siyang madala sa hospital. Maraming dugo ang nawawala sa kanya baka maging------” “Wala akong pakiaalam! Sino ka ba?” asik nang lalaki sa dalaga. Saka naman lumapit ang isang lalaki sa dalaga at marahas itong itinayo. “May mga pulis at SWAT sa labas. Do you think you would be able to escape here alive? Bakit hindi nalang kayo sumuko, baka mabawasan pa ang sentinsya niyo.” Wika nang dalaga. “Masyado kang pakiaalamera.” Wika nang lalaki saka aktong sasampalin ang dalaga ngunit biglang may tumama sa kamay nang lalaki dahilan upang tumalsik sa mukha nang dalaga ang dugo nito sa kamay. Natigalgal ang dalaga dahil sa labis na Gulat. Kasunod noon ang paglabas mula sa Ceiling nang Bangko ang dalawang lalaking naka gear suit saka isa-isang binaril ang mga holdapper. Sa bente at kamay ang tama nang mga lalaki dahilan upang mabuwal ang mga ito at hirap na tumayo. Nang mapagtanto nang dalaga ang nangyari, biglang nanghina ang tuhod niya saka Nawalan nang balance agad naman siyang naagapan mula sa pagkakabuwal nang isa sa mga lalaking naka Gear suit. “Hey. Are you okay?” tanong nang lalaki. Napatingin ang dalaga sa mukha nang lalaki. Bukod sa head gear na sout nito may takip din ang mukha nito. Ang taking nakikita niya ay ang mga mata nito. “Can you stand?” Masuyong tanong nang lalaki saka siya inalalayan na tumayo. Dahil sa shock na dulot nang nangyari, pakiramdam nang dalaga nanghihina ang tuhod niya at hirap din siya sa paghinga. Napatingin ang dalaga sa paligid, she is catching her breath habang tila hindi niya lubusang makita ang mga nangyayari. Tela naka fast forward ang lahat. May mga medic naman na lumapit sa lalaking nakahandusay saka inilagay ito sa stretcher saka inilabas nang Bangko. Ang batang lalaki naman ay umiiyak na sumunod sa amang dinala nang mga medic. “Are you hurt?” Tanong nang lalaki sabay tingin sa duguan niyang kamay. Maging ang mukha nang dalaga ay duguan din dahil sa dugo nang holdapper na tumalsik sa mukha niya nang tamaan ang kamay nito nang bala. “I-I am okay.” Wika nang dalaga habang habol ang paghinga. “That’s good, you did well. You’re a brave one.” Wika nang lalaki saka inilagay ang kamay nito sa ulo niya dahilan upang matigilan ang dalaga. Halo-halong emosyon ang naramdaman niya. Her heart was also beating so fast. Bago pa siya maka react ay inilayo na nang lalaki ang kamay nito saka tumalikod sa kanya. May isang medic naman na lumapit sa kanya at inialalayan siya patungo sa labas. Habang papalabas siya nilingon niya ang lalaki. Nakita niya itong nakikipag-usap sa ilang SWAT at tila ba nag bibigay nang instruction. He was a figure an an hero sa mga mata nang dalaga. It was her first time to meet such a dignified man. He stood like a real Soldier. ****** Anica!” nagaalalang wika nang mama niya saka lumapit sa kanya. Nakaupo siya sa isang hospital bed at inuubos ang IV na ikinabit sa kanya. Dahil sa nangyari sa bangko kaya siya dinala sa hospital. Sinabi naman niyang okay lang siya pero sabi nang isang medic tumaas daw nag blood pressure niya at kailangan niyang magpahinga. Nahihirapan din siyang huminga kanina kaya bago pa may mangyaring masama sa kanya nag advice na ang mga ito na manatili siya sa hospital. “Ma!?” wika naman niya nang makita ang ina niya. “What happened? Are you hurt?” tanong nang babae. “The hospital called me at sinabing nandito ka. Ano na naman ang pinasok mong gulo bata ka.” Nag-aalalang wika nang kanyang ina. Saka siya nito hinawakan sa braso at tiningnan ang katawan kung may sugat siya. “Ma. Okay lang ako. I am just resting. Hindi mo kailangang magpanic.” Ngumiting wika nang dalaga. “Really?” nagdadalawang isip na wika nito. “Really! Sabi nang doctor. I can go home kapag naubos na ang IV ko. I am okay. They are just making a big fuss about it.” Assurance nang dalaga. “Nahirapan lang akong huminga dahil sa gulat, But I am okay. Really.”dagdag pa niya. “Mabuti kung ganoon. Alam mo namang you are all that I have. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa iyo.” Wika pa nang mama niya. “You can be discharge now.” Wika nang isang magandang doctor na lumapit sa kanila nang mama niya. Sabay naman silang napatingin sa dumating. “Salamat Cla—Doctor sa pagaasikaso sa anak ko.” Wika nito sa dalaga. “It’s my Job. Excuse me. I have rounds to make.” Wika nito saka iniwan sila. Sabay nilang inihatid nang tingin ang dalagang papalayo. Napansin naman ni Anica ang lungkot sa mata nang mama niya. “Should we ditch the family gathering?” Tanong nang dalaga sa ina niya. “Ha? Bakit?” tanong nang mama niya saka tumingin sa anak. “Minsan lang tayo aanyayahan nang lolo mo. Baka magalit iyon kung hindi tayo dadating. Alam mo naman siguro ang ugali niya.” “But you will be uncomfortable there.” Wika nang dalaga saka inilayo ang tingin sa ina. “Let’s just tell them I am not feeling well.” “Hindi pwede. Parte ka nang pamilya nila. Karapatan mo rin-----” “Will you be, okay?” tanong nang dalaga sabay tingin sa ina niya. “You are with me. Of course, I will be okay.” Ngumiting wika nang mama niya saka hinawakan ang kamay niya. Pilit din siyang ngumiti sa ina. ****** Sa restaurant nang Kingdom Hotel ginanap ang family Gathering nila. Ini-reserve ang buong restaurant nang gabing iyon para sa kanilang family gathering. Minsan lang din magpatawag nang family dinner ang matandang Earhardt. Kaya naman hindi pwedeng hindi sila dumalo. Nang dumating sila nang mama niya, sinalubong sila nang kanyang ama sa lobby. Nang makita nito ang kanyang ina at agad nitong hinalikad sa pisngi. “Mabuti at nakarating kayo. It was worried.” Wika nang lalaki sa mama niya saka bumaling sa kanya. “I saw the news kanina. Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” baling nito sa kanya. “Okay lang po ako.” Sagot naman niya sa ama niya. “That’s good then.” Wika nito at hinawakan siya sa kamay. Saka simpleng ngumiti. “Very well, Let’s go.” Wika nito saka inakay ang ina niya patungo sa restaurant tahimik naman siyang sumunod. Nang makapasok sila sa loob nang restaurant naroon na ang matandang si Menandro Earhardt ang kanyang lolo na may-ari nang malaking chain of hotels sa bansa na kilala sa pangalang Kingdom. Naroon din ang Anak nitong Si Amanda at Si Alfredo ang ama niya. Dumalo din sa Family dinner ang anak n Amanda na si Claire ang doctor na umasikaso sa kanya sa Hospital. Naroon din ang tatlong anak nang ama niya sa legal wife nito, Si Meynard ang panganay at CEO nang Kingdom. Si Daniella na isang Fashion Designer. At si Natasha na Business Student. Hindi niya maiwasang hindi mailang lalo na sa tingin nang asawa at mga anak nang ama niya. Her mother is the mistress of Kingdom’s president. And she as the illegitimate child, always has to endure those hateful gazes. “I think we are all complete. Let’s eat then.” Wika nang matandang lalaki nang makaupo sila nang kanya mama saka suminyas ito sa mga waiter na ilabas ang pagkain. Habang kumakain sila, Pakiramdam nang dalaga nahihirapan siyang lunukin ang mga kinakain niya. Masyadong tahimik ang lahat. Iniisip niya kung ano ba ang dahilan nang family gathering na ito. “You might probably have heard about my life story during the Korean war.” Simula nang matanda habang kumakain sila nang panghimagas. Narinig na nang dalaga sa mama niya ang kwentong ito nang lolo niya. Tungkol ito sa naging kaibigan nito noong Korean war at sa pangakong binitiwan nila sa isa’t-isa. Iniisip nang dalaga ano naman ang kinalaman nito sa dinner nila ngayon. Nang una, hindi siya na naniwala sa kwentong iyon. Dahil sa mga novels at pelikula lang naman nangyayari iyon. Malabong mangyari sa totoong buhay. “What about it, grand pa?” tanong ni Meynard. “Well, I just recently met him. And we wanted to honor our promise, so I am sending one of my granddaughters as the wife of his son.” Wika nang lalaki. Dahil sa sinabi nang matanda napatingin ang lahat sa dito dahil sa labis na gulat. Hindi nila inaasahan ang idineklara nang matanda. “Sa pagkakaalam ko. Your friend is the famous Edmund Bryant the former General and now the famous owner of largest Shopping center.” Wika ni Luis ang asawa ni Amanda na isang Neurosurgeon at director sa isang hospital. “Nasa bansa sila?” tanong ni Melissa. Ang Asawa ni Alfredo na isang School Director. “Kung iisipin natin ang mga nagdaang panahon. Hindi ba’t kasing gulang lang namin ang mga anak niya?” dagdag nito. “And you want your granddaughter to marry off to his son?” gulat na wika ni Amanda. “Well, tama kayo kasing gulang nga ninyo sila. But he still has a son who is currently single. And is famous among the armed forces. Kilala naman siguro ninyo ang bansag na Grey-eyed Demon.” Wika nang matanda. “The Demon General?” Sabay na wika ni Daniella at Natasha. Nabigla ang dalaga sa binulalas nang dalawa niyang kapatid. Kilala nang lahat ang Demon General na tinutukoy nang mga ito. He is a master tactician at wala pang kasong hawak na hindi na lulutas. He shows no mercy to those who are going against the law. He is fierce at talagang kinatatakutan, kahit sa pangalan palang. Sikat sa mga balita sa TV at pahayagan ang pangalang Demon General dahil sa mataas na case resolve rate nito. Ngalang, hindi mo makikita ang mukha niya sa TV or Dyaryo dahil hindi siya mahilig sa publicity o interview. He is busy sa pagpapatupad nang batas. Maraming humahanga sa kanya at marami din ang nagtatanong kung ano ang itsura nang misteryosong Demon general. “Sino naman ang napili mo sa mga apo na ipadala sa kanila?” tanong ni Melissa. “Kung sa gulang natin pagbabasihan, Daniella and Claire are both on marrying age--” deklara nang matanda na naputol. “No! hindi ako papayag. Ma.” Agaw ni Daniella sa sasabihin nang lolo saka bumaling sa kanyang Ina upang maghanap nang kakampi. “Hindi rin ako papayag na anak ko ang gawin ninyong pain sa Demon General na iyon. Hindi natin alam kung magiging Mabuti rin ba siya sa asawa niya. Hearing his background makes me think that he is a good for nothing Military Robot.” Wika ni Amanda. “Kaya hindi niyo pwedeng ipadala si Claire.” Insist na wika ni Amanda. “Alam niyo ba ang sinasabi niyo. Galing siya sa isang mabuting pamilya. Hindi magandang tingnan na sisira ako sa pangako. Pwedeng masira ang pangalan ko at ang tiwala niya sa ‘kin. Above anything else alam niyo kung gaano ko pinahahalagahan ang isang Salita. Nandito ako ngayon dahil sa kanya.” Wika nang matanda. “Bigyan nalang natin sila nang Share sa kingdom. I think it should be enough as a compensation. And a good opportunity for business growth. Sa lawak nang sakop nang Kingdom they business can expand to greater heights.” Wika ni Meynard. “Hindi ganoon ka kitid ang utak nila. Alam niyo naman hindi sila naghihirap sa pera. This is a matter of a man’s honor and words. Bilang isang War veteran at dating kaibigan, dapat sundin ko ang binitiwan kung pangako.” “Bakit hindi si Anica ang ipadala niyo bilang asawa nang General na iyon.” wika ni Natasha saka tumingin kay Anica. Taka namang napatingin si Anica kay Natasha dahil sa biglaang sinabi nito. Dahil din sa deklara nito napatingin sa kanya ang pamilya nila. “Ako?” Gulat na wika nang dalaga nang mapansin ang tingin sa kanya nang buong angkan. “Yes, Grand pa. She wanted to get our family’s approval right. So dapat gawin niya ‘to.” Wika ni Daniella saka tumingin sa lolo nila. Tiim bagang namang napatingin si Anica sa kapatid. Hindi niya gusto ang tono nito lalo na at parang ipinagtutulakan pa siya nito sa kasunduan nang lolo nila sa dati nitong kaibigan. “She fits perfectly for the role.” Sakristong wika nito saka muling bumaling kay Anica. Lalo namang nainis si Anica sa sinabi nito at sa tingin nito sa kanya. Matagal naman niyang alam na hindi siya gusto nang mga kapatid at pamilya nang papa niya. Pero ang sa kanya ang ibigay ang isang malaking responsibilidad dahil lang sa ayaw nila sa Demon General hindi niya iyon gusto. Hindi niya gustong maging panakip butas. “Huwag mong ipasa sa akin ang responsibilidad niyo.” Bulalas nang dalaga. Ngunit bigla din siyang tumigil nang hawakan nang kanyang mama ang kamay niya. “Sir. Anica is still a child. Baka hindi siya maging isang mabuting asawa sa -----” wika nang mama niya na naputol. “Tumatanggi ka! Baka naman nakakalimutan mo ang kahihiyang dinulot mo sa pamilyang ito nang magpabuntis ka sa asawa ko.” Agaw ni Melissa. Dahil sa sinabi nang Babae biglang nagkuyom nang kamao ang dalaga. “Sinira mo ang pangalan ang asawa ko. Para lang maging isang sikat na actress? Eh ngayon nasaan ka? Umaasa kalang naman sa buwanang sustento hindi ba? Kung hindi dahil sa pera namin sa palagay mo mabubuhay kayong mag-ina?” wika pa ni Melissa. “That’s enough!” wika ni Anica saka tumayo. “Anica.” Mahinang wika nang mama niya saka hinawakan ang kamay niya. Nararamdaman niyang nanginginig ito. Nanginginig siya sa galit. She has to hear lahat nang pangungutya nang mga ito sa mama niya. At hindi niya kayang tiisin lahat. Hanggang ngayon ipinapamukha parin sa kanila nang pamilya nang papa niya ang pagkakamaling iyon. “Aba’t. You rude---” inis na wika ni Melissa na natigilan nang ihampas nang matanda ang kamay niya sa mesa. Napatingin naman ang lahat sa matanda. Maging ang dalagang nakatayo ay tumingin din sa matanda. Nang salubungin siya nang tingin nang matanda bigla siyang natigilan. “Bumalik ka sa pagkakaupo mo.” Hindi ngumingiting wika nang matanda. Wala namang ibang nagawa si Anica kundi ang bumalik sa pagkakaupo. Napatingin ang matanda sa bawat miyembro nang pamilya niya. “You are all unbelievable.” Nailing na wika nito. “Ako ang mag dedesisyon kung sino ang ipadadala ko para maging asawa nang Heneral. And it’s you Daniella. It’s final.” Wika nang matanda saka tumayo. “Ma!” nagmamakaawang wika ni Daniella sa ina niya saka yumakap dito. “Pa. Pwede naman nating pag-usapan ito hindi ba.” Wika ni Alfredo at sinundan ang matanda. Sumunod din sa kanya si Meynard at Luis. “Tara na ma.” Wika ni Anica saka inalalayang tumayo ang ina niya. “No. you won’t.” Wika ni Melissa saka lumayo sa anak at tumayo saka bumaling kay Anica at Alice. “Masaya ba kayo dahil sinabi nang papa na si Daniella ang ipapadala niya sa Demon General na iyon?” asik ni Melissa. “Hindi sa ganoon Melissa. Kahit sinong ina hindi gugus---” biglang naputol ang sasabihin nang ina niya nang malakas na sampal ang sinalubong ni Melissa sa kanya. “Hey! What’s that for.” Wika ni Anica saka kinabig ang ina sa likod niya. “Ipinagtatanggol mo ang malandi mong ina?” asik ni Melissa. “Anong Sabi niyo?” Inis na Tanong ni Anica sa babae. “Hindi mo alam? Habit nang mama mo na manira nang pamilya nang iba. Pinagkwartahan niya ang pamilya ko nang magpa buntis siya sa asawa ko. Ngayon naman ay iniipotan niya sa ulo ang asawa ko kay flirting with someone else’s husband.” Asik ni Melissa saka may kinuha sa bag na mga larawan saka itinapon patungo kay Anica. Nagkalat naman sa sahig ang mga larawan. Nang mapatingin si Anica sa Mga larawan Nakita niya ang mama niya sa isang restaurant having candle light dinner sa isang sikat na movie director. “Anica.” Wika ni Alice na tumingin sa mukha nang anak na tila natulala at natigilan sa Nakita. “It means nothing. It’s a misunderstanding.” Dagdag pa ni Alice. Hindi naman umimik si Anica bagkus ay isa-isang dinampot ang mga larawang nagkalat sa sahig. “You are lucky hindi ko iyan ipinakita sa ama mo o sa lolo mo dahil kung hindi, hindi lang suporta nila ang mawawala sa inyo baka maipakulong pa kayo.” Wika nang babae habang nakatingin sa mag-ina. Nagpupuyos ang kalooban ni Anica sa galit. At sa pagtitimpi niya. Hinawakan niya nang mahigpit sa kamay niya ang mga lawaran dahilan para makusot ito. “At kung gusto niyo naman na hindi na umabot sa kanila ang mga larawang iyan. I have a better proposition.” Napatingin si Anica nang derecho sa babae then crumpled the pictures in her hands. “Huwag mong sayangin ang lakas na mga larawan na iyan ‘because I still have copies of them, I can produce millions of copies and send it your dad and grand pa.” wika nang babae saka ipinakita ang memory card sa dalaga. “Ibibigay ko ‘to sa iyo and will not speak about it kung, sasabihin mo sa lolo mo na ikaw ang papalit sa posisyon ni Daniella to be the be wife of that demon General.” Ngumising wika nito. Mahigpit na ikinuyom ni Anica ang kamay niya habang hawak ang mga larawan. Galit ang nararamdaman niya dahil sa kayang gawin nang Tita Melissa niya para lang siraan silang mag-ina lalo na ang mama niya. Alam naman niyang hindi gagawin nang mama niya na manira nang pamilya at ang larawan na ipinakita nang Tita Melissa niya ay larawan noon kausapin nang director nang mama niya na muling lumabas sa isang Drama. Alam niya iyon dahil siya ang unang kinausap nang director. At kahit ganoon ang nangyari she can reverse the story to destroy them. Knowing their position sa pamilya nang ama niya. Hindi magiging maganda kung gagawa pa sila nang bagay na lalong ikakasira nang pagtingin nila sa kanila. Alam ni Anica na walang maniniwala sa kanila nang mama niya. Wala silang boses sa pamilya dahil panggulo ang turing nila sa kanila. “Fine.” Wika ni Anica. Dahilan upang mapangiti si Melissa. “Anya.” Wika nang mama niya sala tumingin sa anak niya at hinawakan ang kamay. Bumaling naman si Anica sa mama niya. Saka ngumiti. “I’ll be okay.” Nakangiting wika niya sa mama niya bago bumaling kay Melissa. Ito lang ang alam niyang paraan para iligtas ang mama niya. Para hindi na ito pagbalingan pa nang Tita Melissa niya. “I’ll take her place. Sasabihin ko kay lolo na ako ang magpapakasal sa General na iyon. Now, give me the memory card.” Wika ni Anica saka inilahad ang kamay. “Madali ka naman palang kausap.” Wika nang babae saka inilagay sa kamay ni Anica ang memory Card. Nang makuha ni Anica ang Memory Card. Agad niyang inakay ang mama niya palabas nang restaurant saka nagtungo sa office nang lolo niya. “Sa palagay mo Ma, gagawin niya ang sinabi natin?” tanong ni Daniella sa Ina. “She is as Naïve as her mother. Gagawin niya lahat para sa mama niya. So don’t worry. At hindi rin ako papayag na ipakasal ka nang lolo mo sa kung sino-sino lang.” wika ni Melissa saka hinawakan ang kamay nang anak. Ngumiti naman si Daniella sa Ina niya. Nang lumabas sila sa restaurant agad silang nagtungo nang mama niya sa Opisina nang lolo niya kung saan nag-uuap ang papa niya at si Meynar. Nabigla pa ito nang makita siyang pumasok kasama ang mama niya. Nandoon si Meynard, Alfredo at Luis na kinakausap ang matanda. “What is it, Yahaira?” tanong nang Papa niya. “I--” wika nang dalaga saka mariing ikinuyom ang kamao with the crumpled pictures of her mother. Naghihintay naman ang lahat sa sasabihin niya. “Speak up. May pinag-uusapan kaming importante. Kung makakapaghintay naman yan. Sa bahay na natin pag-usapan.” Wika pa ni Alfredo sa anak. “I – I will marry the General.” Bulalas nang dalaga na dahilan upang magulat ang lahat. Napatingin naman ang matanda sa kanya dahil sa kanyang sinabi. “Anong sinasabi mo?” tanong ni Alfredo. “I want Acceptance from this family, so—I will marry the General. There is also something I would like to request. Please make sure to take care of my mom, don’t let anyone or anybody hurt her.” Wika nang dalaga. “Are you sure about this?” Tanong nang matanda. “Yes. Please allow me to marry the General.” “There, Grand pa. Everything is solved. Daniella doesn’t need to be forced and marry a person like him. She volunteered already.” Wika ni Meynard. “Marrying a person is not easy.” Wika ni Luis sa kanya. “Are you prepared sa mga maaaring mangyari? Ni hindi pa natin kilala kung anong klaseng tao siya. And you are too young. Baka, nabibigla kalang.” Dagdag pa nito pa nito. “Sooner or later, I will have to decide to marry someone. Why, wait when there is an opportunity.” Wika pa nang dalaga. “Mukhang nagmamadali kang makaalis sa poder namin.” Sakristong wika ni Meynard. “Think whatever you like. I have already decided. And it’s final. But please, keep my mom safe.” Wika nang dalaga habang nakatingin sa lolo niya. Buong buhay nila, pakiramdam ni Anica, they are being bullied by her father’s legal family. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Sino ba namang pamilya ang gugustuhing masira dahil sa isang mistress. She did her best para hindi makaagaw nang pansin sa pamilya nang papa niya at para din hindi na sila makadagdag nang sama nang loob sa mga ito. But their very existence is enough to annoy them. Kahit wala silang gawin, galit parin ang mga ito sa kanila. Iniisip niya na sa gagawin niya ito matatahimik sila nang mama niya. Gusto niyang isipin na ito nalang ang paraan para lubayan sila nang mga mapanghusgang mata nang pamilya nang papa niya. Kahit iyon lang ang makuha nila. “You are talking like your mom is ---------” putol na wika nang matanda saka tumingin sa dalaga. “I will be away for a while so; I want someone to promise me to take care of her.” Agaw nang dalaga sa sasabihin ang matanda. Wala na siyang pakiaalam kung pakiramdam nito hindi maganda ang lagay nang mama niya sa poder nang papa niya. She has to make sure na hindi na nila masasaktan ang mama niya. “Then you have my word. Young lady. I will make sure to take care of your mom.” Wika ni Menandro. “Thank you.” Mahinang wika nang dalaga. Kung hindi dahil sa mama niya hindi niya titiisin lahat nang ginagawa nang pamilya nang papa niya. Alam niyang lahat ang sakripisyo nang mama niya kaya naman kahit na sa maliit na paraan nais niyang suklian ang kabutihan nang mama niya. At ang mga hirap na dinanas nito. Habang nakatingin si Menandro sa dalaga hindi niya magawang hindi humanga dito. Alam niyang napipilitan lang ito na gawin ang bagay na iyon. She really cares about her mom so much that she is willing to sacrifice herself. Knowing the rumors about that cruel General. Hindi man lang ito natinag. She is courageous. Bagay na hinahanagaan niya sa dalaga. Kaya naman hindi siya nagtatakang malapit ang loob niya sa dalaga. She reminds her of her late wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD