Ma!” wika ni Anica nang dumating sa unit nila at makita ang mama niya nasapilitang pinalalayas nang mga lalaki. Nakita din niya ang ilang gamit nila na nasa labas nang unit. Nakita niyang itinulak nang lalaki ang mama niya dahilan upang mabuwal ito. Nang makita niya ang nangyari. Agad siyang tumakbo papalapit.
Nilapitan niya ang mama niya sabay alalay niya dito upang tumayo.
“Anong nangyayari dito? Sino ang mga lalaking to?” Tanong ni Anica sa Ina niya. Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa mama niya na halatang in shock pa rin sa nangyari. Naisipan niyang lapitan ang isa sa mga lalaking naglalabas nang mga gamit nila.
“Teka lang. Hindi niyo pwedeng gawin to. Kami ang may-ari nang unit na ito.” Wika ni Anica sabay hawak sa braso nang lalaki.
“Kayo?” Wika nang isang pamilyar na boses. Napatingin si ANica sa nagsalitang babae sa loob nang condo. Bigla siyang napabitiw sa braso nang lalaki nang makita ang babaeng naglalakad papalabas nang unit nila.
“Daniella.” Anas ni Anica nang makilala ang babae.
“Tama ba ang narinig ko? INyo ang unit na ito? Baka nakakalimutan mong pera nang pamilya ko ang ipinambayad sa unit na ito. Kaya kung iisipin amin ang unit na ito. At Binabawi ko na.” wika ni Daniella.
“Teka sandali, Hindi mo pwedeng gawin yan.” Wika ni Anica na akmang lalapit kay Daniella ngunit hinarang siya nang lalaki sabay tulak papalayo.
Malakas ang pagkakatulak nang lalaki kay Anica at kung hindi pa naging maagap si Andrew na noon ay nakalapit na sa kanila ay baka bumulagta sa sahig ang dalaga.
“General!” gulat na wika ni Daniella nang makita ang binata. “Kakaiba ka rin naman no? The marriage between you too was cancelled but then again, makikita ko kayong magkasama?” wika ni Daniella.
“Well, I don’t care really. Tapos na ang pakay ko dito. Get your stuff out of here.” Wika ni Daniella saka naglakad papalayo sa mag-ina hahabol pa sana si Alice sa dalaga ngunit pinigilan siya ni Anica.
“Let’s get out of here first.” Wika ni Andrew saka kinuha ang maleta nang mag-ina. Napabuntong hininga naman si Anica saka nilapitan ang ilang gamit nila na nagkalat.
“Do you have a place to go?” Tanong ni Andrew kay Anica. BIgla namang natigilan ang dalaga saka napatingin sa mama niya.
Come to think of it. Ang kilala ko lang ay ang pamilya nang papa ko. I don’t know anything about my mom’s family. Wika ni Anica habang nakatingin sa mama niya na nakatayo at tulala,
“We can stay sa shop for the time being. May silid naman doon.” Wika ni Anica sa binata.
“All right ihahatid ko na kayo.” Wika ni Andrew saka lumapit sa dalaga at kinuha ang bag nito saka ipinatong sa maleta. Hindi naman kumibo ang dalaga bagkus ay napatingin lang siya sa binata.
Still she is wondering ano ang motibo nito at bakit tila nagiging malapit yata ito sa kanya? He was the one who cancel the engagement because of his work. Pero bakit siya ang taong nasa tabi niya sa mga panahong kailangan niya nang tulong.
“What? Why are you looking at me like that?” tanong ni Andrew sa dakaga.
“Nothing really. I was just wondering why you are helping us or why are you treating me with kindness. Our wedding was cancelled. It should have been easier for us not to meet anymore.” Wika nang dalaga sa binata.
“Let’s just say, our path are intertwined already.” Wika nang binata saka nagpatiunang maglakad. Agad namang sumunod si Anica sa binata saka nilapitan ang ina niya saka inakay palabas nang unit.
Hanggang sa makarating sila sa flower shop nang mama niya. Wala pa rin itong kibo at nakatingin sa malayo.
“Are you sure you you will be fine here?” Tanong ni Andrew sa dalaga nang ihatid siya nito sa labas nang Shop.
“Oo naman.” Wika nang dalaga saka ngumiti. “Alam mukhang hindi ako masasanay na mabait ka sa ‘kin, You are a cold General-----”
“Don’t worry I am not doing thing out of kindness. I am a person who always do things out of duty.”
“Yeah I got it.” Wika nang dalaga na may halong disappointment sa boses. Tila pinangunahan niya ang isip niya at inisip na nagiging malapit na sila sa isa’t-isa.
“Ah!” daing ni Anica nang biglang banggain nang isang binatang tumakbo. Dahil sa biglang nangyari biglang napaupo si Anica sa semento tumama pa ang palad niya sa isang bato. Napatigil pa ang binatang Bumangga sa kanya. Sabay silang napatingin ni Andrew sa mukha nang binata. His face is beat up at may dugo ang ilong at labi.
“HOY Tumigil ka!” sigaw nang isang lalaking may dalang kahoy na humahabol sa binata. Nang makita nang binata ang lalaking papalapit agad itong tumalikod at tumakbo. Napatingin lang sila ni Andrew sa Binata habang hinahabol nang lalaki.
“Ah. Of all things to happen.” Wika ni Anica pinagpag ang kamay na tumama sa Bato.
“You’re so weak falling with that kind of----” wika ni Andrew saka inalalayan ang dalaga na tumayo, napatigil ito nang makita ang sugat sa palad nang dalaga. “We should tend your wound.” Wika ni Andrew saka hinawakan ang kamay ni Anica na may sugat.
“Yeah I will. You don’t have to worry.” Wika ni Anica.
Babawiin san ani ANica ang kamay niya sa binata ngunit hindi nito binitiwan ang kamay niya bagkus ay kinuha nito ang isang panyo sa bulsa nang pangtalon saka itinali sa kamay nang dalaga.
“You don’t have to.” Mahinang wika nang dalaga.
“Gamutin mo kaagad ang sugat mo para hindi maimpeksyon. I can’t stay long I have place I need to be.” Wika nang binata saka napatingin sa dalaga.
I must be crazy. Why is my heart pounding like crazy. Wika nang isip ni Anica habang nakatingin sa kulay abong mga mata na binata.
His gesture is confusing her. Kahit na sabihing hari nang lamig ang binata. Still he is treating her with warmth and its confusing her even her heart.
“I can do it. Hindi na ako bata.” Wika ni Anica saka binawi ang kamay sa binata.
“I know. Go in first.” Wika nang binata sa dalaga.
“T-thank you.” Wika nang dalaga na nagbaba nang tingin.
“You have helped me today. It’s just right to return the favor.” Wika nang binata saka Inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga dahilan upang mag-angat nang tingin ang binata.
“I get it!” wika nang dalaga saka tinabig ang kamay nang binata. Hindi niya maintindihan pero bakit naiinis siya nang sabihin iyon nang binata. “Papasok na ako. Bye.” Wika ni Anica saka nagmamadaling pumasok sa loob nang shop. Napatingin naman ang binata sa dalaga. Bago napatingin sa direksyon kung saan tumakbo ang binata at ang lalaking humahabol dito.
Nang makapasok ni ANica sa shop Nakita niya ang mama niya na nag-aarrange nang mga bulaklak sa vase. Ni hindi nito alintana ang mga tinik nang oras. Bagay na ikinaalarma nang dalaga. Agad siyang lumapit sa mama niya at kinuha ang kamay kamay nito.
“You should be more careful. May mga tinik pa ang mga rosas. Tingnan mo ang dami mon ang sugat sa kamay.” Wika ni Anica sa mama niya.
“Pasensya ka na Anya.” Wika nang mama niya.
“Ano ka ba naman Ma. Hindi mo naman kasalanan bakit ka hihingi nang tawad sa’kin. Let’s get through this together okay?” wik ani Anica sa Ina.
“Ngayon mo lang ako ulit tinawag na Anya.” Dagdag na wika nang dalaga saka ngumiti. Noong maliit pa siya ito ang madalas na itawag sa kanya nang mama niya. And it was Andrew who called her that name recently.
“Because I think someone special has already claim that name.” wika nang mama niya.
”Ha, sino naman? That’s impossible. Ikaw lang ang someone special ko no.” wika nang dalaga saka yumakap sa mama niya.
“The guy who gave you this, He is someone special right?” Tanong ni Alice saka hinawakan ang kamay ni Anica na may panyo ni Andrew.
“That’s impossible!” biglang wika ni Anica saka humiwalay sa mama niya. “H-he gave me this dahil nasugatan ako. That Icy General, he is not someone sp-----” biglang natigilan ang dalaga nang makita ang tingin nang mama niya na parang hind na niniwala sa kanya.
“Ma. Really I am telling the truth.” Nagmamaktol na wik ani Anica. Natawa naman si Alice sa turan nang kanyang anak. “Seriously.” Natawang wika din ni Anica. Kapwa natigilan ang mag-ina nang biglang bumukas ang pinto nang shop at pumasok ang isang lalaki.
**
Sinabi ko naman saiyo ayoko nang dino-double cross ako ang lakas nang loob mong kalabanin ako.” Wika nang lalaki sa binatang sugatan ang mukha nang maabutan niya ito. Ito ang binatang nakabangga din kay Anica kanina. Nakahulukipkip ang binata sa gilid nang isang eskinita habang tinatakpan ang ulo. Hahatawin sana nang lalaki ang binata nang pamalo nang biglang pigilan ni Andrew ang lalaki at hinawakan ang pamalo nito. Sa gulat nang lalaki, Napatingin ito sa lalaking pumigil sa kanya.
Bigla namang napatingala ang binatang nakahulukipkip nang mapansing walang tumama sa kanyang kahoy doon niya Nakita ang binatang pinigilang ang pamalo nang humahabol sa kanya. Nakita niyang sinugod nang lalaki ang bagong dating Ngunit hindi manlang nito tinamaan ang binata at sa isang iglap lang with a single spinning kick mula sa binata bumulagta sa lupa ang lalaki na walang malay. Nagimbal naman ang binata dahil sa Nakita.
“Don’t worry he is not dead. You better leave before he wakes up. At kung ano man ang kinasasangkutan mo sa kanya, you better stop it. Kung ayaw mong masira ang buhay mo.” Wika ni Andrew saka tumalikod at naglakad.
Hindi naman nakapagsalita ang binata at nakatingin lang sa binatang naglalakad papalayo. Labis ang panghangang naramdaman niya dahil sa Nakita. He had an urge na malaman kung sino ang lalaking iyon. Gusto rin niyang magpasalamat dito dahil sa ginawa nito.
**
Director Kim?!” sabay na wika ni ANica at Alice nang makilala ang binatang pumasok sa shop nila. Ito ang director na nasa lawaran na pinakita ni Melissa at Daniella. Nagkatinginan pa ang mag-ina nang makilala ang bisita nila.
“Sorry. Mali yata ang timing ko.” Wika nang director. Ang director na ito ay Si Director Darylle Kim isang sikat na director nang mga sikat na drama at Movies. Kilala ito dahil sa ibang bansa pa ito nag-aral at halos lahat nang proyektong hawakan nito ay nagiging box office hit. Ilang beses na rin nitong kinausap ang mama niya na bumalik na sa pag arte.
“Mama, lalabas na muna ako at bibili nang meryenda niyo. ” wika ni Anica sa mama niya. “Bibili din ako nang gamot sa mga sugat sa kamay mo.” Dagdag pa nang dalaga saka tumingin sa
“Director, maiwan ko po muna kayo.” Baling ni Anica sa Director. Tumango naman ang lalaki saka inihatid nang tingin ang dalagang lumabas. Nang makalabas si Anica. Pinaupo ni Alice ang binata sa isang upuan.
“Pasensya kana Alice alam kung nagiging makulit na ako. I just think that you really are suited for this role. I can’t think of anyone to give this role. At isa pa, Malaki na si Anica, pwede kana sigurong bumalik sa dati mong----”
“That’s impossible director. Alam mo naman siguro kung ano ang tingin nang mga tao sa akin? Masisira lang ang pelikula kung ika- cast moa ko.” Wika ni Alice.
“But you love acting more than anything in this world.” Wika nang director.
“I love my daughter more than anything.” Wika ni Alice saka tumingin sa director. “I can’t afford to bring her more pain that what she is feeling right now. Pasensya na, muli I have to decline.” Wika ni Alice sa director.
**
Habang nasa isang bake shop si Anica at bumibili nang pastry dalawang bata ang Nakita niyang umiiyak matapos itulak nang lalaki. Nakita niyang kumakapit ang batang lalaki sa lalaki habang humihingi nang tawad at nakikiusap ngunit hindi nakinig ang lalaki sa halip ay itinulak nito ang bata. Dahil sa ginawa nang lalaki tumama ang ulo nang bata sa isang bato dahilan upang masugatan ito. Ngunit walang ginawa nag lalaki upang tulungan ang bata.
Umalis lang ito matapos itulak patungo sa gilid ang batang babae. Nang makita ni Anica ang nangyari iniwan niya ang binibili sa loob nang shop saka nilapitan ang dalawang bata. Masyadong maraming dugo ang tumutulo mula sa noo nang batang lalaki kaya naman naisip ni Anica na dalhin ito sa hospital.
“Anica!” gulat na wika ni Claire nang makita si Anica na nasa emergency room. Kasama niya noon si Rafael na nagpunta sa hospital.
“Oh ANica, anong ginawa mo dito? May sugat ka ba? Bat ang daming dugo sa kamay mo?” Nag-aalalang tanong ni Rafael nang makita ang dugo sa kamay nang dalaga.
“Ah, hindi akin to.” Wika nang dalaga saka tumingin sa batang lalaki na kasama nang kapatid na babae nito habang kinakausap nang doctor na gustong gumutin ang sugat sa noo nito ngunit panay ang tanggi nang bata kaya hindi magawang gamutin nnag doctor ang Sugat nito sa noon.
Nakita nilang lumapit si Claire sa batang lalaki. May ipinakita itong dalawang lollipop sa batang lalaki. Sinabi nitong bibigyan nito nang lollipop ang bata kung papayag itong tingnan nang doctor ang sugat niya. Tumango naman ang batang lalaki. Narinig nilang sinabi nitong dalawa ang gusto nito. Ngumiti naman si Claire saka ibinigay ang dalawang lollipop sa bata.
“She is gentle don’t you think?” Wika ni Rafael habang nakatingin kay Claire. Napatingin naman si ANica sa binata. Nakikita nito ang mga mata nang binata na may kakaibang kislap habang nakatingin sa dalagang doctor.
“Yes I agree. That why you like her right?” wika ni Anica saka tumingin sa pinsan.
“Yes.” Biglang wika nang binata. “Ha?” gulat na wika nito saka tumingin kay Anica dahil sa biglaan niyang sinabi, Nakita niyang nakangiti ang dalaga.
“H-hindi ang ibig kung sabihin----
“It’s okay. LIgtas sa akin ang sekreto mo.” Wika ni ANica saka ngumiti at tumingin sa binata. “Pero kung hindi ka mag mamadali baka maunahan ka. Maraming mga nanliligaw kay Claire.” Wika pa ni ANica. “Maganda, matalino at magaling na doctor.” Dagdag pa ni ANica.
“Sa palagay mo ba magugustuhan niya ang isang tulad ko. Isa lang akong sundalo at nasa hukay pa ang isang paa,” wika nang binata.
“Some times I don’t understand adults. If you make that as an excuse, nang hindi nalalaman ang panig nang iba, would it ---”
“Sinasabi mo ba yan dahil sa nangyari sa arrange marriage niyo ni Andrew? I can understand him and his reasons. You sounded so disappointed.” Nakangitiing wika ni Rafael sa dalaga.
“Hindi Ah.” Tanggi ni ANica. Natawa lang si Rafael sa sagot nang dalaga.
Napansin naman ni Claire ang paguusap nang dalawa maging ang pagtawa ni Rafael ay napansin din niya. Bagay na hindi naman nito ginagawa o ipinapakita kapag magkasama sila. Pareho sila nang college pinasukan pero hindi niya nakitang ganito makipag-usap ang binata para bang relax na relax ito sa dalaga.
**
Shin?!” gulat na wika ni Anica nang dumating sa hospital si Andrew. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong nang dalaga. Nasa labas sila ni Rafael nang hospital kasama nang dalawang bata. Matapos magamot ang sugat sa ulo nang batang lalaki naisipan ni ANica na ihatid ang dalawa pauwi sa bahay nila. Nabigla pa siya nang makita si Andrew na dumating.
“Tinawagan ko na si Andrew. Hindi kasi kita mahahatid may pupuntahan pa ako.” Wika ni Rafael kay Anica.
“Hindi mo naman kailangang gawin yun.” Wika ni Anica kay Rafael.
“It’s okay. It’s my duty to--”
“I know it’s your duty to help innocent citizen.” Wika ni ANica at inagaw ang iba pang sasabihin nang binata. “Let’s go.” Wika nang dalaga sa batang lalaki at babae saka inakay patungo sa sasakyan ni Andrew.
“She is weird.” Wika ni Rafael.
“Tapusin niyo ang training course ngayon. Babalik din ako matapos kung ihatid si Anica” wika ni Andrew kay Rafael.
“Nagpakita ka naba kay General Salazar? Mainit ang ulo noon dahil sa nangyari sa hostage taking sa apartment building.” Wika ni Rafael kay Andrew.
“I’ll deal with it later.” Wika ni Andrew saka tinapik ang balikat ni Rafael saka naglakad patungo sa kotse saka pumasok sa driver’s seat.
**
Ikaw?!” wika nang binatang lalaking nagbukas nang pinto sa bahay kung saan inihatid ni Anica at Andrew nag dalawang bata. Maging si Anica at Andrew ay nagulat nang makita ang binata.
“Anong ginagawa mo dito? Bakit mo kasama ang mga kapatid ko?” Tanong nang Binata. “Bakit may sugat ka sa ulo? Sinaktan mo ba ang kapatid ko?” asik nito kay Andrew.
“Hindi kuya.” Wika nang batang babae saka hinawakan nag kamay nang kapatid. “Tinulungan kami ni Ate Anica. At inihatid kami nang kaibigan niya.” Wika nang batang babae. Napatingin naman ang binata kay Anica.
“Dalia, dalhin mo si Tommy sa loob.” Wika nang binata sa kapatid na babae nito. “TUloy kayo. Medyo maliit ang bahay namin.” Wika nang binata saka niluwagan ang bukas nang pinto upang makapasok sa loob sina Andrew at Anica.
“Pasensya na kayo. Juice lang ang meron kami.” Wika nito saka naglapag nang dalawang bason ang juice nang makaupo sa kahoy na sofa sina Andrew at Anica.
“Ikaw yung babaeng nabangga ko kanina? Pasensya kana sa nangyari.” Wika nang binata sa dalaga.
“Wala yun.” Wika ni Anica. “Yung mga kapatid mo pala Nakita ko sa kalsada kanina. Kasama nila yung lalaking humahabol sa iyo kanina. Tatay niyo ba siya?” Tanong ni ANica.
“Hindi.” Biglang sabi nang binata. “Ulila na kami. SIya lang ang nagpalaki sa amin.” Wika nang binata.
“Hindi naman sa nakikialam ako. Pero pinagbubuhatan niya kayo nang kamay at pinabayaan niya si Rommy kanina kahit Nakita niyang nasugatan ito nang tulak niya.” Dagdag pa nang dalaga.
“Wala naman kaming magagawa. Dahil hawak niya ang buhay naming.” Wika nang binata.
“You have your choice, you always have. You just have to choose one.” Wika ni Andrew na tumayo bagay na ikinagulat nang binata at ni Anica. Nang tumayo si Andrew kasabay noon ang pagbukas nang pinto.
“Ramil!” wika nang lalaki na dumating na may hawak na bote nang alak. Ito ang lalaking pinatumba ni Andrew kanina at ang Nakita ni ANica na tumulak sa mga bata.
“Tiyong.” Wika nang binata saka tumayo.
“Mga walang kwenta! Sino naman tong dinala mo dito sa bahay ko.” Wika nang lalaki saka napatingin kay Anica. Pasimple namang iniharang ni Andrew ang kamay sa dalaga. Napatayo si Anica saka napahawak sa sleeve nang damit ni Andrew.
“Nasaan si Dalia. Dalia!” wika nang lalaki saka naglakad patungo sa silid nina Dalia at Tommy ngunit bigla siyang hinarang ni Ramil.
“Huwag kang humarang sa daanan ko.” Wika nito sabay suntok sa binata. Dahil sa ginawa nito sumubsob ang binata sa upuan ngunit agad din tumayo upang harangan ang lalaki na makapasok sa silid. Ngunit patuloy na itinaboy nang lalaki binata. Natuptop naman ni Anica ang bibig niya dahil sa Nakita. Muli sanang susuntukin nang lalaki ang kawawang binata nang biglang hawakan ni Andrew ang kamay nang lalaki.
“That’s enough.” Wika ni Andrew. Bumaling sa kanya ang lalaki at sinugod si Andrew nguniit mabilis ang reflex nang binata at strikes the back of his neck. Sa isang iglap lang biglang bumulagta ang lalaki na wala nang malay. GUlat na napatingin si Ramil sa lalaking naka higa Maging si Anica na napatingin din kay Andrew.
“Hey, how could you strike---” wika ni ANica na kay Andrew saka hinawakan ang braso nito.
“Don’t worry he is just asleep.” Wika nang binata saka napatingin sa kamay nang dalaga na balot pa rin nang panyo niya. “You still haven’t tend your wound.” Wika nang binata sa dalaga. Agad namang binawi ni Anica ang kamay niya.
“I will later. Something came up.” Saka tumingin kay Ramil. “Okay ka lang ba? Ang dami mong pasa, you should visit-----”
“Okay lang ako.” Agaw nang binata.
“Parati bang nangyayari to?” Tanong ni Andrew sa binata.
“Ito na ang buhay naming. Dito na ako namulat sanay na ako.” Wika pa nito.
“Paano ang mga kapatid mo? Hahayaan mo ba silang mabuhay sa ganitong lugar? You might be able to take all the beating but how about Tommy and Dalia?” Tanong ni ANica. “I think no one should be okay being hurt.” Wika nang dalaga saka nangilid ang luha sa mata.
“You should leave this place. If you don’t have place to go. Find me here.” Wika ni Andrew saka ibinigay kay Ramil ang business card niya na nakasulat ang address nang Military community. “Let’s go.” Wika ni Andrew saka hinawakan ang kamay ni Anica at inakay palabas. Hindi naman tumutol si Anica sa binata.
“Okay lang bang iwan natin sila doon?” Tanong ni ANica habang papalayo sila sa lugar nila Ramil. “They are suffering in that place.” Dagdag pa nang dalaga.
“Let them decide for their own.” Wika ni Andrew.
“Yun lang ang sasabihin mo? Nakita mo naman siguro ang buhay na meron sila.”
“I know. Kaya lang buhay pa rin nila yun. He should learn how to stand for those that he cares the most.” Wika ni Andrew.
“Icy General.” Wika ni Anica saka inilayo ang tingin sa binata at napatingin sa labas. “Oh!” wika ni ANica saka natuptop ang bibig.
“Bakit?” tanong ni Andrew.
“Gabi na. Ang paalam ko sa mama ko bibili lang ako nang meryenda. Tiyak nag-aalala na yun.” Wika ni Anica saka tumingin sa binata. “What Should I do?”
“Don’t look at me like that. How should I know. You should have think about that before you jump into a messy situation.”
“Haist. Why am I wasting my time talking to you. Icy General.” Lumabing wika nang dalaga dahil sa sagot nang binata.
“Just tell her the truth.” Wika ni Andrew.
“Eh di mas lalong nag-alala yun.”
“Then don’t jump into---”
“I know.” Agaw nang dalaga. “Kasalanan ko bang hindi ko matiis ang batang iyon habang sugatan.” wika nang dalaga.