Her Secret Identity?

4225 Words
Ano namang ginagawa niyong mag-ina dito?” Asik ni Melissa nang maabutan sa sala si Anica at Alice. Napansin nang ginang ang dalang bulaklak at prutas nang mag-ina. ”Sino naman ang nagpapasok sa inyo dito? Ang lakas nang loob niyong magpunta dito. Hindi na kayo na hiya.” “Tita Melissa, Nalaman naming may sakit si lolo Menandro kaya----” “Huwag mo akong tawaging tita!” Sigaw nang babae. “Hindi kita kaano-ano. Pumapayag akong papasukin kayo sa bahay na ito noon dahil sa asawa ko pero. Ngunit ngayon, ang makita kayong dalawa ay bagay na hindi ko matiis lalo na’t ikaw ang dahilan kung bakit magpapakasal ang anak ko sa lalaking hindi niya gusto.” Wika nang ginang. “Masaya ka bang makitang masira ang buhay nang anak ko!?” “Hindi ho ganoon iyon. Wala kong intensyon----” “Tumigil ka.” Wika nito saka sinampal si Anica.  “Ang lakas nang loob mong sumagot sa akin.” Anito saka bumaling kay Alice. “Ganito ba ang pagpapalaki mo sa anak mo. Walang modo. Sabagay, ano nga ba ang matutunan niya sa isang ina na kabit.” Wika nito sak akmang sasampalin si Alice ngunit biglang sinalo ni Anica ang kamay nito. Dahilan upang mapatingin  ang ginang na puno nang pagtataka sa dalaga. “Tama na ho! Wala namang dahilan upang saktan niyo ang mama ko. Lahat nang mga nagawa niya ay pinagsisisihan niya. Lahat nang pang mamata niyo sa kanya tinanggap niya. Bakit kailangan niyo pa siyang saktan?” “Aba! Ang tapang mo ah.” Wika ni Daniella na bumaba na may dalang pamalo. “Wala na kayong koneksyon sa pamilyang ito simula nang umatras si General Bryant sa kasal niyo. Ang kapal niyong magpakita dito.” Asik ni Daniella. “Hindi kami nagpunta dito para mangulo. Gusto lang naming malaman ang lagay ni Don Menandro. Lolo parin siya nang anak ko.” Wika ni Alice. “Lolo? Iginigiit mo pa rin na anak ni Alfredo ang bastarda mo?” asik ni Melissa. “Huwag kang magpanggap na santa Alice. Alam naman natin pareho kung anong klaseng babae ka! Gusto mo lang magkaroon nang pangalan kaya ka pumatol sa asawa ko at ngayon, ipinagsisiksikan mo ang sarili mo at ang anak mo sa pamilya ko. I think you have ruined enough of our life. Magkano ba ang gusto mo para layuan mo ang pamilya naming?!” wika ni Melissa. Nabigla ang lahat nang biglang sampalin ni Alice si Melissa. Taka namang napatingin si ANica sa ina niya. SImula pa noon, tinatanggap nang ina niya lahat nang pang iinsulto sa kanya. Ni minsan hindi ito nanlaban kahit na noong pansamantala silang tumira sa bahay nang mga ito. Lahat nang p*******t nang ginang tinanggap nito at alam ni ANica na dahil sa kanya kung bakit nagtitiis ang mama niya. Ito ang unang beses na lumaban ang mama niya.  “You--- Ang lakas nang loob mong pagbuhatan nang kamay ang mama ko!” wika ni Daniella na sa labis nagalit ay hinataw si Alice nang dalang latigo. Nang makita ni ANica ang ginawa nang kapatid agad niyanginiharang ag sarili sa ina. Dahil sa ginawa ni ANica, ang likod niya ang  tinamaan nang hataw ni Daniella. “Mag-sama kayong mag-ina!” wika ni Melissa na inagaw ang latigo mula kay Daniella at walang tigil na hinataw ang likod ni Anica habang nakayakap ang dalaga sa ina niya. “That’s enough!” wika nang isang baritonong boses na pumigil sa kamay ni Melissa. “Brig. General?!” gulat na wika ni Daniella nang makilala ang dumating at siyang pumigil sa kamay ni Melissa. Sa pagtataka naman ni Melissa ay napatingin siya sa Binata. Brig. General? Wika nang isip ni Anica na nag-angat nang tingin saka napatingin sa bagong dating. Nang lingonin niya ang binata ay biglang nagtama ang tingin nila dahil nakatingin din ito sa kanya. “Hindi ko alam kung anong pinagtatalunan niyo pero hindi ako sang-ayon na pagbuhatan niyo sila nang kamay.” Wika ni Andrew saka binitiwan ang kamay nang ginang saka naglakad patungo sa dalaga. “General, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Daniella. “I heard na may sakit si Sir Menandro. Pinapunta ako dito ni Papa para dalawin siya.” Wika nang binata na nakay Anica ang atensyon. “Please don’t misunderstood what you saw.” Wika ni Daniella. “We have our reasons.” Dagdag pa nang dalaga. “I am not really interested in your family conflict.” Wika nang binata. Saka humarap sa mag-ina. Biglang natigilan si Andrew nang maramdaman ang biglang paghawak ni Anica sa braso niya. Napatingin naman ang binata sa braso niya saka lumingon sa dalaga. “I’ll visit him next time. Sa palagay ko hindi ito ang tamang araw na dalawin siya.” Wika ni Andrew saka tumingin kay Melissa at Daniella bago muling bumaling kay ANica. “Let’s go. I’ll take you home.” Wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga. Tumango naman ang dalaga. Sina Melissa at Daniella ay naiwang tigalgal habang nakatingin sa mag-inang papalabas nang bahay nila kasama ang Binatang Heneral. Napakuyom naman nang kamao si Daniella dahil tila naging mas malapit pa sina ANica at Andrew kahit na wala na ang kasal sa kanilang dalawa. At mukhang napasama pa ang tingin nang binata sa kanya dahil sa naabutan nito.  ** Parati bang nangyayari ‘to?” Tanong ni Andrew sa dalaga nang dumating sila sa shop nang ina nito. Doon niya inihatid ang dalawa. Nakapasok na sa loob nang shop ang ginang. Papasok sana si Anica sa shop nang biglang pigilan ni Andrew ang dalaga. “Ang mga latay mo sa likod noon. Was it because of them?” tanong nang binata na hindi pa rin binibitiwan ang kamay nang dalaga. Hindi naman maitulak nang dalaga ang pinto nang shop dahil sa pagpigil nang binata. Napahawak siya nang mahigpit sa handle saka walang lakas na binitiwan ito saka humarap sa binata. “If it was. May magagawa ka ba? May mababago ba sa katotohanang anak ako sa labas?” Tanong ni Anica na nangilid ang luha sa mata. Si Alice na nasa loob nang Shop ay bilang na tigilan nang aktong bubuksan niya ang pinto. Narinig niya ang sinabi nang anak niya at para bang may punyal na tumarak sa dibdib niya nang marinig ang sinabi nang anak. “I am being haunted by the fact that I am the result of my mom and dad’s sin.” Wika ni Anica saka nagkuyom nang kamao. “My mom, suffered so much because of this. Ano naman ang mga latay nang latigo kumpara sa mga insultong tinanggap nang mama ko.” “I would always see her crying alone at night. Hindi ko gustong makita siyang umiiyak o nahihirapan. Minsan iniisip ko sana hindi nalang ako nabuhay sa mundong ito. With that she would have been her old self. Malayo mula sa p*******t nang asawa nang papa ko at sa mga mapanghusgang mata. Her career ended shortly after I was conceived. It was all my fault that her dreams was never ---- ” biglang naputol ang sasabihin ni Anica nang biglang tumulo ang luha sa mata. Habang nakatingin si Andrew sa dalaga napakuyom ang kamao niya saka walang pasabing niyakap ang dalaga. Dahilan upang matigilan ang dalaga at nanlaki ang mata dahil sa ginawa nang binata. “I may be an icy demon general like you describe me. But if you need a shoulder to cry on. You can use mine.” Wika nang binata. It was delivered with warm voice even his arms are warm and is giving a message that everything will be okay and she is not alone. Dahil doon, ay napahawak siya sa damit nang binata saka napahikbi. She can feel his has hand caressing her hair and pating her back. Si Alice naman na nakinig sa sinabi nang anak niya ay napatalikod at natuptop ang bibig saka napaiyak. Hindi niya alam na ganoon pala ang iniisip nang anak niya. She is strong and not even once Nakita niyang umiyak si Anica habang inaapi sila nang pamilya ni Alfredo. Nakikita niya ang pagsisikap nang anak upang hind imaging panggulo sa pamilya ni Alfredo. She excel at school and in Academics para walang masabi ang iba kahit pa sabihing anak siya sa labas, maipagmamalaki parin siya nang mga ito. Hindi niya alam na ang pagtitiis niya sa p*******t nina Melissa at may negatibong epekto kay Anica. Buong akala niya ay ginagawa niya iyon para sa ikabubuti ni Anica. Ang tahimik na tanggapin lahat nang masasakit sa salita. Huminto siya sa pagarte na gusto niya dahil gusto niyang mamuhay nang normal si Anica. Ngunit mali siya. Kung may dapat mang sisihin sa mga nangyari ngayon walang iba kundi siya. Hindi niya nagawang protektahan ang anak niya. “Are you okay now?” tanong ni Andrew habang nakaupo sila ni Anica sa loob nang sasakyan. Dahil sa pag-iyak nang dalaga. Naisip niyang sa loob muna sila nang sasakyan. Ayaw din ni Anica na makita siya nang mama niya sa ganoong ayos. “Oo. Salamat.” Wika ni Anica at tumango. “I was wondering. Bigla ka atang bumait ngayon?” pabirong wika nang dalaga saka nilingon ang binata at ngumiti. Napalis din ang ngiti sa labi niya nang makitang seryoso ang mukha nang binata. “Or not.” Wika nang dalaga saka inilayo ang tingin sa binata. “NO reason.” Wika nang binata. “You become friendly for now reason. DO you have another personality.” Muling nagbiro ang dalaga at ngumiti sa binata. Pero, hindi parin Nawala ang expressionless na mukha nang binata. “All right I give up.” Wika nang dalaga saka inilayo ang tingin sa binata. “Icy General.” Bulong nang Dalaga saka napalabi. Nang makita ni Andrew ang reaksyon nang dalaga simple siyang ngumiti pero agad ding Nawala ang ngiting iyon sa labi. Sabay na napatingin ang dalawa sa mga dumaan na ambulansya at rescue truck. Saka napatingin sa isa’t-isa dahil sa sunod-sunod na ambulansyang dumaan. Kasunod noon ang isang text message na natanggap ni Andrew tungkol sa isang apartment na ngayon ay nasa kalagitnaan nang isang hostage drama. “I have to do something.” Wika ni Andrew saka pinatay ang celphone niya at ikinabit ang seat belt niya saka binuhay ang makina nang sasakyan. “Emergency?” tanong nang dalaga. “Sort of.” Simpleng wika nang binata. “I’ll go with you.” Wika ni ANica saka kinabit ang Seat belt niya. “No! hindi isang amusement park ang pupuntahan ko. Anong sasabihin mo sa mama mo?” tanong ni Andrew. “There.” Wika nang matapos mag send nang text sa mama niya na sasama siya kay Andrew. Pero hindi niya sinabi kung saan. “I’ll behave and wont cause you any trouble. Besides I need time before I show my face sa mama ko. Hindi niya ako pwede makitang namumugto ang mata.” Wika ni Anica. “You’re impossible. Don’t blame if something bad happen. Stubborn girl.” Wika ni Andrew saka pinaandar ang sasakyan. Ngunit sa loob niya hindi rin naman niya gustong lumabas sa kotse ang dalaga gusto niyang makasama pa ito nang ilang sandali. It was the first for him to feel this way. ** Nang dumating sila sa site kung saan nangyayari ang insidente. May mga SWAT at police na nakaka abang sa labas nang building nandoon na rin ang mga rescue truck at Ambulasya na Nakita nila kanina. Sa buong paligid nang Building ay ang yellow line nang mga pulis upang pigilan ang mga sibilyan at reporter na makalapit. Nang lumabas sa kotse si Anica at Andrew. Agad namang lumapit sa kanila si Rafael at ang pito pang miyembro nang Task force wolf. “Sir.” Sabay-sabay na wika nang walo sabay saludo sa binata. Sumaludo din naman si Andrew sa mga ito. “Fill me in.” wika ni Andrew saka hinubad ang polo niya bago tinanggap ang itim na vest na ibinigay ni Rafael sa kanya. “Ilang mga hinihinalang terorista ang nasa loob nang apartment. They are highly equipment with high powered fire arms. Walang nakalabas mula sa apartment everyone is held captive inside.” Wika ni Rafael habang tinutulungan si Andrew na ikabit ang vest niya at aparato sa tenga. “May CCTV camera sa loob nang building. But I can’t connect to it para makita ang mga nangyayari sa loob.  The Drone sent earlier got smack down.” Wika ni Joyril, isang Tinyente mula sa Armed forces. “Sabi nang mga pulis na nauna dito. May mga ikinabit na bomba ang mga lalaki sa building. They are demanding for a chopper. Kapag hindi nagpadala nang chopper within the next 2 hour, sisimulan nilang patayin ang mga bihag sa loob.” Wika pa ni Carlos Tinyente mula sa National Police force. “Do we have the equipment set up?” Tanong ni Andrew saka naglakad patungo sa van na may tatak na Task force wolf. Sumunod naman ang mga tauhan niya sa binata. Habang si ANica ay nakatingin lang sa mga ito at manghang-mangha. Sa loob nang Van ay mga naka set up na monitor at computer system. Ngunit wala silang makitang images mula sa loob nang Apartment dahil hindi maka connect ang mga tauhan ni Andrew sa CCTV camera’s nang building. “We have more than 20 resident sa loob nang building.” Wika ni Trish, kapitan mula sa National Police force.  “I think we won’t be able to conduct an assault kong wwala tayong visibility sa loob nang building.” Wika ni Trish. “Sorry General. I tried but---” biglang na putol ang sasabihin ni Joyril nang makitang seryoso ang binata na nakatingin sa monitor. “C-can I try?” Tanong ni ANica. Sabay-sabay naman na napatingin ang lahat sa dalagang nagsalita. Maging si Andrew dahil sa gulat. Ilang sandali siyang nakatingin sa dalaga tila nagiisip kung dapat ba niyang tanggapin ang tulong ang dalaga. “Miss Sutherland. We appreciate your effort and concern but let us handle this.” Wika ni Samuel, Tinyente mula sa Navy. “Anica. Alam kung gusto mong makatulong kaya lang----” putol na wika ni Rafael. “Can you do it? Can you connect to the camera?” Agaw ni Andrew sa sasabihin ni Rafael saka bumaba mula sa Van. Napatingin siya sa binata. His eyes is telling her na hindi siya pwedeng magakamali o magpanggap na magagawa niya iyon. Nakasalalay doon ang buhay nang marami. “I can. I’ll do it.” Matatag na wika nang dalaga saka tumingin nang derecho sa binata. “Miss Sutherland---” sabay na wika ni Trisha at Joyril. “Then. Let’s do it.” Wika ni Andrew saka inilahad ang kamay sa dalaga. Napabuntong hininga si Anica saka tinanggap ang kamay nang binata saka sumunod sa pagpasok sa van. Agad siyang naupo sa tapat nang computer at isinuout ang isang head set. Pinapanood lang siya nang grupo ni Andrew habang may mga codes siyang ini-enter sa computer system. Maya-maya pa ay biglang Nakita sa monitor sa itaas ang dalaga ang mga palapag nang 5 storey apartment. Makikita din sa mga lobby ang mga bomba na ikinabit nang mga lalaki. “Wow. You are amazing.” Manghang wika nina Charles at Jeremy, mga tinyente mula sa airforce. “Not bad for a stubborn girl.” Wika ni Andrew saka inilagay ang kamay sa ulo niya. Bigla naman siyang natigilan dahil sa ginawa nang binata. At dahil na din sa biglang pagtibok nang malakas nang puso niya. Pakiramdam niya nabibingi siya sa lakas nang kabog noon. “Looking at the footage. Mukhang wala sila sa-----” ani Michael habang ino-obserhaban ang mga footage sa monitor. “Walang tao sa building dahil lahat sila nasa rooftop.” Wika ni Anica saka ipinakita sa monitor ang image mula sa rooftop. Nakita nila ang sampong armadong lalaki habang ang mga residenting hostage nila ay nakatali kasama ang ilang bata na umiiyak. “General.” Wika nang isang pulis na lumapit sa grupo ni Andrew at ibinigay sa binata ang telepono. Nasa kabilang linya ang leader nang mga lalaking nan loob sa building. “Wala na kayong isang oras upang ipadala dito ang chopper na hinihingi naming. Huwag na kayong magmatigas kung ayaw ninyong isa-isahin kong tapusin ang mga bihag ko.” Wika nang lalaki sa kabilang linya nang sagutin ni Andrew ang telepono kasunod noon ang isang putok nang baril. Mula sa monitor Nakita nila nang barilin nang lalaki ang Isang lalaking residente sa paa. “Tatawag ako uli. Kapag wala pa din ang chopper ulo nang isang bihag ang ihuhulog ko sa building.” Wika nito sabay patay sa telepono. Inutusan ni Andrew si Charles at Jeremy na magpunta sa airforce headquarters at mag request nang chopper. Sinabi din nito na silang dalawa dapat ang magpatakbo nang Chopper. “Sir. Pasukin na natin ang loob nang building para ma disable ang mga bomba sa paligid.” Wika ni Carlos sa binata. “Hindi pwede.” Biglang wika ni Anica dahilan para mabaling sa kanya ang tingin nina Andrew. “Ibig kung sabihin. Masyadong mapanganib. They have installed improvised explosive devices which are remote controlled. They are also observing the whole building. If they detect someone aside from them they may detonate the explosive.” Paliwanag nang dalaga.  Natigilan ang dalaga nang mapansin na nakatingin sa kanya ang sina Andrew na may puzzled mukha. Para bang hindi makapaniwala ang mga ito sa mga sinabi niya. “Here. See this?” wika nang dalaga saka itinuro ang lalaki sa monitor na may hawak na laptop. Kung saan ay siyang dahilan kung bakit hindi maka connect kanina ang grupo ni Andrew sa CCTV. “Who are you really?” biglang usal ni Trish. “Ha?” Takang tanong ni Anica dahil sa sinabi nang Kapitan. “Brig. General. Wala ba tayong gagawin? Habang tumatagal lalong nalalagay sa panganib ang buhay nang mga hostage.” Wika nang SWAT leader na lumapit sa grupo ni Andrew. “Are you delaying the assault dahil wala kang maisip na paraan to save the hostage. Sinabi nan ang Vice president na hindi sila magpapadala nang chopper dahil nandito ka to assess the situation. Pero bakit wala kayo ginagawa?!” wika nang lalaki. “Look officer--------” wika ni Rafael na natigil dahil pinigilan ni Andrew ang braso nang binata. “Wala akong dahilan para magpaliwanag sa iyo Officer. Let us handle it our way. Don’t do anything unnecessary.” Wika nang binata na tinalikuran ang SWAT. Napatiim bagang naman ang lalaki dahil sa sinabi nang binata. Nang pumasok si Andrew sa van lumapit ito kay ANica saka may ibininulong bago muling lumabas nang van. Maya-maya ay narinig nila ang isang chopper nan ang air force na papalapit sa Building. Nasa loob nang cockpit sina Charles at Jeremy gaya nang utos ni Andrew. Mula sa monitor nakikita nil ana isa-isang sumakay sa chopper ang mga lalaki. DInala din nila ang tatlong batang hostage upang hindi sila habulin nang mga awtoridad. Insurance nila ang tatlong bata upang makatakas doon nang ligtas. Nang makalipad ang Chopper na dala nina Charles at Jeremy saka nag bigay nang instruction si Andrew kay Trish at Joyril na pamunuan ang Grupo nang SWAT na pumasok sa Building at iligtas ang mga hostage sa rooftop. “Anong nangyayari?” Tanong nang lalaking may hawak nang laptop na sakay nang chopper. Kanina pa niya pinindot ang  key upang I-detonate ang bomba sa building ngunit walang nangyari. Ang dahilan kung bakit hindi gumana ang key control nang lalaki ay dahil na intercept n ani Anica ang signal nang detonator nito. Iyon ang ibinulong ni Andrew sa kanya kanina. He was thinking in advance. Sinabi sa kanya ni Andrew na pasabugin nang mga lalaki ang building oras na makasakay sila sa Chopper which was suppose to happen Ngunit dahil na disabled na niya ang detonation nang mga bomba hindi na nagawang mapasabog nang mga lalaki ang building. Ilang bomb expert din ang pumasok sa building upang alisin ang mga bomba. “All right let’s follow them.” Wika ni Andrew kay Rafael, Michael, Samuel at Carlos. Na agad na sumakat sa Van. Hindi naman kumibo si Anica.  Gamit ang tracker sa loob nang Van. Sinundan nila ang Chopper na lunan nina Charles at Jeremy. SInabi ni Andrew sa dalawang binata na dalhin sa air base ang mga lalaki. Kung saan doon nagaabang na ang ilang Sundalo na huhuli sa mga suspect. Nang dumating sila sa Air base. Nanlaban pa ang mga lalaki dahil sa pagtangging sumuko. Sinabi pa nang mga ito na sasaktan ang mga batang hostage kapag hindi sila nakaalis nang ligtas sa Air base. Bumaba sa Chopper ang mga lalaki habang Nakatutok ang baril sa mga bata. Napapalibutan naman sila nang mga sundalo na nakatutok ang baril sa kanila. Si Charles at Jeremy naman ay hindi magawang lapitan ang mga lalaki dahil sa hawak nila ang mga bata. Dumating sa air base ang van na kinalululanan nina Andrew. Nang bumaba sina Andrew agad naman biglang may mga putok nang baril kung saan tinamaan sa kamay at binte ang mga lalaki. Ang mga bata naman na nabitiwan nang mga ito ay agad na tumakbo. Saka may mga sundalong sumalubong sa kanila upang ilayo sila sa mga lalaki.  Nagtangka pang kunin nang mga lalaki ang baril nila ngunit nagulat sila nang makitang tinamaan nang bala ang baril nila saka tumilapon papalayo. Taka silang napatingin sa lalaking bumabaril doon Nakita nila si Andrew na nakatutog ang baril habang naglalakad. Ito ang bumabaril sa mga baril na tinangka nilang kunin Kasunod nang binata sina Rafael, Carlos, Michael at Samuel. Wow. He’s cool. Hangang wika ni Anica saka ibinaba ang headset at bumaba sa van habang nakatingin sa binata. Napatingin din siya sa paligid naparaming sundalo. Iniisip niya kung paano natipon kaagad ni Andrew ang mga ito. “Game over boys.” Wika ni Andrew sa mga lalaki saka tumayo sa harap nila. “Hindi mo ako mahuhuli nang buhay!” wika nang lalaki na tila siyang leader saka buong lakas na tumayo sa kabila nang tama sa benti nito saka sinugod si Andrew upang agawin ang baril nito. Nakita naman ni Anica ang nangyari at sa takot niya ay agad siyang napatili upang balaan si Andrew. “Shin! Watch out.” Sigaw nang dalaga. Nakita naman niyang iniwasan ni Andrew ang lalaki dahilan upang tumaob ito sa lupa. “Huwag mo nang sayangin ang lakas mo na manlaban.” Wika ni Andrew. Sumenyas si Andrew sa mga sundalo na hulihin ang mga lalaki. Agad namang tumalima ang mga sundalo at nilagyan nang posas ang mga lalaki saka pinatayo. “Good work.” Wika ni Andrew kay Charles at Jeremy. “It was because. They’re a beginner terrorist. NI hindi manlang sila nagtaka kung saan papunta ang chopper.” Natatawang wika ni Jeremy. “I would say. Ms. Sutherland is rather amazing. I didn’t know she has hidden talent.” Wika ni Charles saka napatingin sa dalagang nakatayo sa labas nang van at nakatingin sa kanila. Napatingin naman sina Andrew sa dalaga. Maging siya ay aminado sa galing na ipinakita nang dalaga. Kung hindi dahil dito baka hindi na nila nagawa nang matagumpay ang misyon. And they have zero casualty to boot. “We should properly thank her.” Wika ni Rafael. Saka tumabi kay Andrew. “I know.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa dalagang nakatayo sa labas nang Van. Sumunod din naman sa kanya si Rafael at ang ilang miyembro nang Task force ni Andrew. “You we’re really awesome.  Ms. Sutherland” Wika ni Charles saka nagthumbs up sa dalaga. “Thank you Sir. Anica nalang. Masyado namang pormal ang Ms. Sutherland.” Ngumiting wika ni Anica. “Hindi ka ba pa hinahanap nang mama mo?” Tanong ni Andrew sa dalaga. Matapos magsalita ang binata saka naman tumunog ang celphone ni Anica. “Excuse me.” wika nang dalaga saka kinuha ang cell phone niya. Nang makita niya ang caller ID nang tumatawag agad siyang napatingin sa binatang si Andrew. “Is that your mom?” Tanong nang binata. Tumango naman ang dalaga saka sinagot ang tawag. “Ma? H-hindi ko po kayo maintindihan. Speak a little slower.” Wika ni Anica nang sagutin ang tawag at marinig ang ina nang papanic. May mga naririnig din siyang ingay sa background nang tawag nang ina niya. Sa gulat niya taka siyang napatingin kay Andrew. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi niya nakausap nang maayos ang mama niya dahil naputol ang tawag nito. “Is something wrong?” Tanong ni Andrew. “I’m not sure. She sounded like she’s in trouble.” Wika nang dalaga na napahawak nang mahigpit sa celphone niya. “Puntahan natin siya.” Wika ni Andrew saka bumaling kay Rafael at isa iba pang miyembro nang task force. “Kayo na ang bahala dito. Captain, Ikaw na ang gumawa nang report. I----” “Don’t worry about it. I know you have to help your mother in-law.” Wika ni Rafael. “Thanks.” Wika ni Andrew saka tinapik ang balikat ni Rafael saka walang pasabing hinawakan ang kamay ni Anica saka nagmamadaling umalis. Hindi naman nakakibo ang dalaga. Masyadong okupado ang isip niya sa kung ano ang nangyayari sa mama niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD