Mom's Secret

3126 Words
Ang dami mo yatang pinamili?” Wika ni Alice nang makita si Anica na pumasok sa Shop nila dala ang mga grocery bags. “Naubusan na ba tayo nang stock” Tanong muli nang mama niya saka lumabas sa counter at nilapitan ang anak niya. “Dumiretso ka sa grocery pagkatapos nang klase mo?” tanong nito. “Opo.” Wika ni Anica saka inilapag sa mesa ang dala. ”Naalala niyo yung kinuwento kung magkapatid na nakilala ko nang nakaraan?” Wika ni ANica saka humarap sa mama niya. “Naisipan kung dalawin sila at dalhan nang grocery. Okay lang naman diba?” Ngumiting wika nang dalaga sa ina. “Oo naman.” Wika nang ina sabay ngiti. “Gusto ko rin sana silang makilala kaya lang darating ngayon ang mga mag-aayos nang second floor.” Wika nang mama niya. Dahil sa wala na silang unit. Naisipan nang mama niya na ipaayos ang second floor nila para maging permanente na nilang tirahan. Nagkasundo sila na doon na lamang tumira para bukod sa makatipid ay hindi na rin mag bibihaye ang mama niya araw-araw. “Sa susunod nalang.” Nakangiting wika ni Anica. “Aalis na ako ma.” Wika nito at binuhat ang mga grocery bag. “Mag-iingat ka.” Wika nang ina niya saka inihatid ito sa pinto pagbukas niya nang pinto saka naman bumungad sa kanila si Director Kim. SImpleng napatingin si Anica sa mama niya. “Magandang Hapon Anica. Alice.” Wika nito saka ngumiti. “May dala akong cake.” Wika nito saka itinaas ang dalang box nang cake. Taka namang napatingin si Anica sa mama niya maging ang mama niya ay naguguluhan din. “Mukhang masarap yang cake na dala niyo Director. Kaya lang may lakad ako. Kaya naman si mama nang bahala saiyo.” Wika ni Anica. “Ah ganoon ba sayang naman.” Tila na lungkot na wika nang director. “Ma. Alis na ako.” Wika ni ANica saka hinalikas ang pisngi nang ina saka naglakad nang nasa harap siya nang director bigla siyang huminto. “Para sa mama ko ang cake diba? Be nice to her okay.” Wika nang dalaga saka ngumiti at nilampasan ang director.  Sa pagtataka nang lalaki napatinginito sa dalaga. Natutunugan kaya nito ang dahilan nang pagpunta niya sa shop nang mag-ina.  “Mukhang may pupuntahan yata si Anica.” Wika ni Darylle saka tumingin kay Alice at ngumiti nang bahagya. “Dadalawin niya ang bago niyang kaibigan.” Wika ni Alice. “Tuloy ka.” Wika pa nito saka umalis sa pinto upang makapasok ang binata. “Salamat.” Wika nito saka tumuloy. “Hindi naman ako nakakaabala sa iyo hindi ba?” Wika pa nito. “Hindi naman. Kaya lang nagtataka ako kung bakit ka napadalaw? Hindi malinaw ang pagtanggi ko saiyo noong nakaraan?” wika ni  Alice saka tumingin sa binata. Hindi naman nakasagot ang binatang director. Napatingin lang ito sa mukha ni Alice.  ** Dalia! Tom---- Ah!” impit na wika nang dalaga nang banggain siya nang isang lalaki natumakbo palabas nang bahay nina Ramil. Dahil sa ginawa nito bigla niyang nabitiwan ang dalang Grocery Bag na may lamang grocery items. Dahil sa nangyari nagkalat sa bukana nang pinto ang dala niyang canned goods at ilang gulay.  Biglang natigilan si Anica sa pagdampot sa mga nagkalat na de-lata at GUlay nang makita si Ramil na nakahandusay sa sala nila habang si Dalia at Tommy ay nasa isang sulok at magkayakap. Biglang napatayo si Anica saka nag mamadaling pumasok. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita si Ramil na duguan habang hinahawakan nito ang tiyan na may umaagas na dugo. Agad niyang nabitiwan ang dalaga at lumapit sa binata. “Ramil!” wika nang dalaga saka idiniin sa sugat nang binata ang kamay niya. Agad niyang kinuha ang celphone niya at tumawag sa 911 upang humingi nang tulog at ambulansya. Ilang minute pa ay dumating na ang ambulansya at sinakay ang sukatang si Ramil. Sumama naman si Anica sa kanila kasama ang dalawang nakakabatang kapatid ni Ramil. “Hello?” wika ni Andrew na sinagot ang celphone niya. “Shin!” ang boses nang natatarantang si Anica ang narinig ni Andrew sa kabilang Linya. “Anya?! What’s wrong? May nangyari ba?” biglang wika ni Andrew. Natigilan naman ang mga tauhan ni Andrew na nasa loob nang opisina niya nang marinig ang binata at sa biglang pagtayo nito mula sa kinauupuan. Maging si Rafael ay napatingin din sa binata. “Calm down. Tell me slowly, nasaan ka ngayon?” Tanong nang binata sa kabilang linya. “Got it. I’ll be there.” Wika nang binata saka pinatay ang celphone. “Si Anica ba yon?” tanong ni Rafael sa binatang Heneral. Simpleng tango lang ang ginawa ni Andrew. “May nangyari bang masama sa kanya?” “I’m not sure. Nasa Hospital siya ngayon pupuntahan ko muna siya.” Wika ni Andrew saka kinuha ang jacke niya. “Kayo na muna ang bahala dito.” Wika nang binata saka kinuha ang susi nang sasakyan niya saka nagmamadaling umalis. “Ewan ko lang no. But looking how he react and how worried he is. Masasabi kong may gusto talaga siya kay Anica.” Wika ni Joyril nang makaalis ang binatang heneral. Hindi naman kumibo si Rafael bagkus ay napatingin lang siya sa Pinto.  ** Anya!” nag-aalalang wika ni Andrew na dumating sa hospital. Nasa Harap nang operating room si Anica habang nasa upuan naman sina Tommy at Dalia at walang tigil sa pag-iyak habang magkayakap. Nang marinig ni Anica ang boses ni Andrew agad siyang napalingon sa binata. Bigla namang natigilangfg si Andrew nang makita ang duguang damit nang dalaga at ang Kamay nito. “What Happen? Are you okay?”nag-aalalang wika nang dalaga saka lumapit sa dalaga saka hinawakan ang kamay nito at tiningnan kung may sugat ang dalaga. “Are you hurt?” Tanong nang binata. Simpleng umiling naman si Anica. “You’re shaking.” Wika ni Andrew saka inakay ang dalaga paupo. “Tell me what happen.” Wika niya saka tumingin sa dalawang bata. “Pinuntahan ko sina Tommy at Dalia para kumustahin. Nagmakita ko si Ramil na nakahandusay sa sahig at duguan. Before that I saw that, nakabangga ko yung ama-amahan nil ana nagmamadaling umalis nang bahay. I think he did that to him.” Wika ni Anica. “We have to catch him. Baka balikan niya ang mga bata----” putol na wika ni Anica nang maramdaman na pinisil ni Andrew ang nanginginig niyang kamay. “It’s Okay. Let me take care of that.”wika ni Andrew saka tinapik ang kamay ni Anica Saka tumayo at lumapit sa mga bata.  Nang tanungin ni Andrew ang mga bata hindi agad sumagot ang mga ito. Bagkus ay tumingin lang ang mga ito sa kanya. Maya-maya ay nagsalita si Dalia at sinabi sa kanya ang mga nangyari. Sinaksak nang kanilang tatay-tatayan ang kanilang kuya dahil sa pagtanggi nitong ibigay sa lalaki ang perang hinihingi nito. SInabi nito sa lalaki na sapat lang ang kinita nito upang makabili sila nang pagkain sa araw na iyon ngunit hindi naman pinakinggan nang lalaki ang sinabi ni Ramil at upang makuha ang pera ay sinaksak nito ang  binata. Habang nakikinig si Andrew sa sinabi nang bata bigla siyang napakuyom nang kamao. Nag pupuyos ang kalooban niya sa mga narinig. Nang makalabas ang mga doctor sa operating room sinabi nang mga ito na ligtas na si Ramil Mabuti na ngalang at walang napinsalang internal organ.  ** Pasensya na Sara—” Biglang naputol ang sasabihin ni Alice nang malapingon sa pinto. Biglang tumunog ang wind chime na nakasabit doon palatandaan na may nagbukas nang pinto. Nang makita ni Alice ang pumasok bigla siyang natigilan. Maging si Darylle na noon ay tumutulong kay Alice dahil wala pa si ANica at napatingin din. Napatayo ito nang makita ang mga lalaking naka Suit na pumasok kasunod noon ang isang matandang lalaki. “Sino kayo? Anong kailangan niyo?” Wika ni Darylle saka lumapit sa mga lalaki. Ngunit bigla siyang sinikmuraan nang isang lalaking naka suit. Napaluhod ang binata sa sahig bago tuluyang bumagsak at nawalan nang malay dahil sa lakas nang ginawa nang lalaki. “Director!” wika ni Alice saka lumabas sa counter. “Ano sa tingin mo ang ginawa mo!” asik ni Alice sa lalaki saka itinulak ito papalayo saka nilapitan ang binata. “Don’t worry he is not dead. Ayoko lang na may gumulo sa pag-uusapan natin. It has been 20 years. Ha, Alice Anak ko.” Wika nang matanda kay Alice. “Anak?” Sakristong wika ni Alice saka tumayo. “Wala kang anak Dito. Diba sinabi 20 years ago wala kang anak. Hindi ang isang tulad ko. Kaya bakit ka nandito?” “Kahit itanggi mo man. Hindi mo maitatanggi ang katotohanan. Aaminin kong masyado akong naging marahas saiyo noon. At hindi ko ininindi ang nararamdaman mo. Alam ko din ang mga dinanaas mo.” Wika nang matanda. “Ngayon lang ako nagkaroon nang lakas nang loob na lapitan ka. Hindi ko na matiis na makita kayo nang apo kong inaapi nang pamilya nang ama niya. Hindi ko man gusto ang katotoohanang nagkaroon ka nang anak sa isang lalaking may pamilya. Hindi ko maitatanggi na anak kita. Sapat na ang pagdurusa sa loob nang dalawampung taon. Kung may lugar pa ang isang amang katulad ko sa puso mo. Maaari mo bang patawarin ang matandang ito?” Tanong nang lalaki saka tumingin kay Alice. “Bakit ngayon lang? Hindi niyo ba alam---” putol na wika ni Alice nang yakapin siya nang Matanda. “Alam ko. Patawarin mo ako.” Wika nang matanda. Wala namang nagawa si Alice kundi umiyak sa bisig nang kanyang Ama. Nang pumasok siya sa pag-aartista, tutol na ang kanyang ama dito. Dahil doon nagkaroon sila nang hindi pagkakaunawaan na nauwi sa paglalayas niya. Lalo pang nagkaroon nang lamat ang kanilang pagsasama dahil sa pagkabuntis niya. Itinakwil siya nito nang malaman nito na nabuntis siya nang isang lalaking may pamilya. Nabuhay siyang mag-isa at hindi kasama ang ama niya. Leader nang isang Malaking Grupo nang Mafia ang ama niya, ngunit kahit kailan ay hindi niya ikinahiya ang ama niya. Hindi lang sila nagkasundo dahil Hindi nito gusto ang pangarap niya. ** Bakit ang daming Kotse sa labas nangshop niyo?” Tanong ni Andrew kay ANica nang dumating sila mula sa hospital. Nag-maayos nila ang paglipat ni Ramil sa isang silid sa hospital nagpasya si Andrew na ihatid sa shop nila ang dalaga upang makapagpahinga. Nang dumating sila una nilang napansin ang mga kotse sa shop at ilang lalaking naka suit na nakatayo sa labas nang Shop. “Baka may gumugulo na naman sa Mama ko.” Wika ni ANica at agad na bumaba nang sasakyan. Agad din namang sumunod si Andrew sa Dalaga. Bago pa ito makalapit sa shop napigilan n ani Andrew ang dalaga. “BItiwan mo Ako. Ang Mama ko.” Wika ni Anica na Pilit na nagpumglas sa binata. “Stay calm. You might be causing a lot more trouble if you barge in with no---” putol na wika ni Andrew nang marahas na bawiin ni Anica ang kamay niya saka nagmamadaling lumapit sa pinto.  Hindi naman nakapasok sa pinto ang dalaga dahil sa biglang pagharang nang lalaki. Nagpumilit si Anica na pusok ngunit masyadong matigas ang mga lalaki at ayaw umalis sa pinto. Sa pagtaboy nang mga ito sa dalaga. Itinulak nang mga ito si ANica dahilan upang bumagsak ito sa semento. “This is what you get for being stubborn.” Wika ni Andrew na nakalapit na sa dalaga saka tinulungan itong tumayo. Pinagpag din nito ang dumi sa kamay nang dalaga. Bago bumaling sa mga lalaki sa harap nang pinto. Nang makita nang mga lalaki ang nanlilisik na mata nang binata agad na sumugod ang mga ito sa binata. Agad namang, kinabig nang binata si ANica sa likod niya saka kinaharap ang mga lalaki. Magaling sa martial Arts ang mga lalaki at halos nasasabayan nang mga ito ang Galaw nang binata. “That’s enough!” wika nang matanda na nakalabas nang Shop kasama si Alice. Bumagsak sa lupa ang lalaki matapos tamaan nang spinning kick ni Andrew saka naman tumigil si Andrew sa pag-atake. “Mama!” wika ni Anica na nagtanggang lumapit sa Ina ngunit hinirang ni Andrew ang kamay niya sa dalaga. Saka napatingin sa matanda. “So this is the famous Demon General. You can beat my high skilled body guards alone. I am impress. Masasabi kong pwede kung ipagkatiwala s aiyo ang apo ko” Wika nang matanda. “Apo?!” sabay na wika ni Anica at Andrew dahil sa gulat. “General. Kung hindi mo mamasamain gusto kong makausap nang masinsinan ang Apo ko. Kung hindi naman ikasasama nang loob mo. Pwede mo ba kaming iwan?” wika nang matanda sa Binata. Napatingin naman si Andrew sa dalaga. Nag-aalala siyang baka may mangyaring masama dito. Hindi maganda ang presensyang nararamdaman niya sa matanda lalo na ang mga lalaking kasama nito. Habang nakikipaglaban siya sa mga ito. Napansin niyang hindi orinaryong mga body guard ito. Ang taglay na galing nang mga ito sa labanan ay nasa ibang level na. “It’s okay Andrew.” Biglang wika ni Alice. “Hindi mapapahamak si Anica. He is my father so we will be safe.” Dagdag pa nito. “Nakikita kong pinoprotektahan mo ang apo ko sa kabila nang katotohanang ikaw ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay noon. Matapos mo siyang tanggihan at hindi ituloy ang kasal niyo nagtataka ako kung bakit patuloy kang nakikipagkita at nagiging malapit sa kanya. Hindi ko masundan ang iniiisip mo heneral.” Wika nang matanda sa binata. “Whatever it is that I am thinking. Is I think none of your worries, with all due respect.” Wika nang binata sa matanda. Dahilan upang tumawa nang malakas ang matanda. “I like you young man.” wika nito saka naglakad palapit kay Anica. Ngunit biglang nagkubli si ANica sa likod ni Andrew napahawak sa sleeve nang braso nito. Naging mabilis naman ang reflex nang binata at ini harang ang kamay niya sa dalaga. Napatigil naman ang matanda dahil sa reaksyon nang dalaga. “Natural lang na pangilangan mo Ako apo ko. Dahil simula’t sapol hindi moa ko nakilala. Gusto ko lang naman na makasama kayo nang ina mo at makabawi ako sa panahong nasayang.” “Let’s listen to what he has to say. Anya. Alam kung wala akong naikukwento saiyo tungkol sa pamilya ko. Gusto ko ring makilala mo ang lolo.” Wika ni Alice sa anak niya. Napatingin naman si Anica sa ina niya. Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon wala itong sinasabi tungkol sa lolo niya. Gusto rin niyang malaman kung anong klaseng tao ang ama nang mama niya. “All right.” Wika ni Anica saka marahang ibinaba ang kamay ni Andrew na nakaharang sa kanya. Taka namang napatingin si Andrew sa dalaga. Simpleng ngumiti si Anica at tumango na ang ibig sabihin ay okay lang siya at huwag itong mag-alala. “All right.” Wika nang binata  sa dalaga. “Tayo na apo.” Wika nang matanda saka inilahad ang kamay sa dalaga. Bahagyang napatingin si Anica sa kamay nang matanda bago naglakad papalapit dito. Ngunit hindi nito tinanggap ang kamay nang lolo niya. “Sasama ko para malaman ang dahilan kung bakit ngayon lang kayo nagpakita.” Wika nang dalaga sa matanda. Bahagya lang na tumawa ang matanda saka ibinaba ang kamay. Nariin lang na nakatingin si Anica sa matanda.  ** Dinala silang mag-ina nang matanda sa isang malaking mansion na animo’y isang palasyo. Doon may maraming lalaking naka suit ang Nakita ni Anica, halos napapalibutan ang kabahayan nang mga lalaking naka suit. Nalaman niyang hindi pala isang ordinaryong business man ang lolo niya. Isa itong Leader nang malaking Mafia group sa Italy. Ang tunay na pangalan nang kanyang Lolo ay Antonio De Luca. Ang Sutherland na apelyidong ginagamit nilang mag-ina ay ang Apelyidong gigamit nang lolo niya upang hindi malaman nang mga awtoridad ang tunay nitong katauhan. Sa mansion naikwento nang lolo niya ang dahilan kung bakit hindi nito nakasama ang ina niya sa loob nang 20 taon. Hindi nito matanggap ang pangarap nang mama niya kaya ito naglayas. Lalo naman naging malayo ang loob nila sa isa’t-isa dahil sa pagiging mistress nito nang isang sikat na businessman. Kamakailan lang nalaman nito ang mga hirap na pinagdaanan nito sa kamay nang mga Earhardt. Kaya lang hindi niya magawang lumapit dahil sa pangamba nitong lalo lamang magdulot nang suliranin sa anak. Nang malaman nitong muntik nang mamatay si Anica doon na ito nagpasya na magpakita sa anak at sa apo. Hindi na niya magawang tiisin ang mga ito. At dahil Malaki ang impluwensya nito naniniwala itong magagawa niyang protektahan ang anak at Apo.  Sa mansion nakilala ni ANica si Giovanni Brambilla. Ang Consigliere nang lolo niya at itinuturing nitong anak. Nang umalis si Alice sa poder niya. Si Giovanni ang naging malapit na taga-payo at taga-sunod nang matanda. Pinunan nito ang pangungulila nang matanda sa anak nito. At makikita naman matapat ang binata sa matanda. Ito rin ang dahilan upang mahanap nang matanda sina Alice at Anica. SInabi nang lolo niya na gusto nitong lumipat na silang mag-ina sa mansion nito at para na rin mabantayan nito ang dalawa habang inaayos ni Giovanni ang papales nang mag-ina upang sumama sa matanda pabalik sa Italia. Sinabi nitong hindi n anito gustong magkaroon silang dalawa nang ugnayan sa pamilya nang mga Earhardt at Bryant lalo na’t hindi naman lingid sa kaalaman nang matanda ang pahirap na dinanas nang mag-in sa kamay nang mga ito.  ** Sasama kayo sa kanya?” Gulat na wika ni Anica nang sabihin sa kanya ni Alice na nagdesisyon itong sumama sa ama niyang bumalik sa Italia. Marahil ay gusto rin nitong maalis sa kanya ang mga mata nang pamilya nang ama niya sa kanila. “Naisip kong masyado nang maraming masamang nangyari sa atin dito. Maaring sa ibang bansa maging payapa ang buhay natin.” Wika ni Alice. Napatingin naman si Anica sa ina niya. Alam niyang sa limit na ang mama niya. Ilang taon din nitong pikit matang tinanggap ang pang-aapi nang pamilya nang papa niya at ang pangungutya nang iba. Maging ang pag-arte na guston-gusto nito ay inihinto nito para lang maging tahimik ang buhay nila. “Naiintindihan ko po. Ano man ang maging pasya niyo hindi ako tutol.” Wika ni Anica. Gusto rin naman niyang maging maligaya na ang mama niya at baga sa lugar kung saan ito isinilang muling makita nang mama niya ang buhay na nakalimutan na nito. Hindi naman niya gustong maging hadlang sa ikakaligaya nang mama niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD