Yet Another Wedding Proposal

3742 Words
Kasal?!” gulat na wika ni Anica nang sabihin sa kanya nang kanyang lolo na bago sila bumalik nang Italia ay balak nitong ipakasal sila ni Giovanni. Napatingin siya sa binatang binanggit nang kanyang lolo. “Bakit?” Tanong ni Rafael kay Andrew nang bigla itong tumigil sa pinto saka napatingin sa mesa kung saan nakaupo si ANica, Alice at ang Lolo nito kasama ang isang binata na noon lang niya Nakita. Narinig din niya ang sinabi nang dalaga dahilan upang bigla siyang matigilan. “Hindi na iba sa akin si Giovanni At gusto kong, nasa Mabuti kang kamay. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko at tiyak kong mapapaligaya ka niya. Mas Mabuti ito kaysa sa naging kasunduan dati sa Heneral na iyon. Hindi siya nababagay sa pamilya natin.” Wika nang matanda. “Masyado naman yatang mabilis ang naging pasya niyo. Kailan lang-----” biglang natigilan si Anica nang makita niya si Andrew at Rafael na naupo sa isang bakanteng Mesa sa unahan nang kinauupuan nila. Anong ginagawa niya dito? Tanong nang isip ni ANica na napatingin sa binata. Napansin din niyang sumulyap sa kanya ang binata. Ngunit agad din nitong inalis ang tingin sa kanya. Narinig kaya nito ang pinag-usapan nila? Iyon ang nasa isip niya. “Mabuting binata si Giovanni magiging Mabuti kayong mag-asawa.” “Pero Papa, hindi ba’t masyado pang bata si Anya para magpakasal?” WIka ni Alice. Sa ama niya maging ito ay nagulat din sa bilis nang mga desisyon nang ama niya. Habang abala sa pag-uusap sina Alice at Antonio nasa mesa naman nina Andrew ang tingin ni Anica. Napansin niyang dumating si Claire kasama ang isang doctor na kaibigan nito. Nakilala niya ito dahil minsan ay dinala n ani Claire ang dalaga sa mansion nang mga Earhardt. Ito lang din ang nag-iisang kaibigan nang pinsan niya. “Lady Anica. Alam kung hindi----” biglang natigilan si Giovanni nang biglang tumayo si Anica mula sa kinauupuan niya. Dahilan upang mapatingin si Antonio at Alice sa dalaga maging si Giovanni. Napatingin naman si Anica sa lolo niya. Bahala na. wika nang isip nang dalaga. Determinado siyang hindi magpakasal sa binata. Wala naman siyang masamang tinapay sa binata kaya lang hindi niya pwedeng pakasalan ang isang taong hindi niya gusto. “Bakit?” tanong ni Antonio sa apo. “I’m sorry lolo. Pero hindi ako pwedeng magpakasal kay Atty Brambilla.” Wika nang dalaga saka tumingin sa binata. “Don’t get me wrong. You are fine man. I know that. But I can’t marry you because I am in love with someone else.” Wika nang dalaga. Si Andrew naman na nakikinig sa usapan nang pamilya ni Anica at natigilan sa paghawak sa basong nasa mesa. Tama ang dinig niya kanina. Kasal nga ang pinag-uuspan nang pamilya ni ANica at kung tama ang dinig niya sa binatang kasama nang mga ito siya ipinagkasundo nang lolo niya na ikasal. “I can’t marry you because I promised to marry him.” Wika ni Anica na naglakad patungo sa kinauupuan ni Andrew. Sina Claire at Rafael naman na naroon ay nagulat sa dineklara ang dalaga saka takang napatingin sa dalaga. Sina Antonio, Alice at Giovanni naman ay napatingin sa binatang nilapitan ni Anica. “The General?” gulat na wika ni Antonio nang makilala ang binata. Agad namang tumayo si Andrew mula sa kinauupuan. “What Are you doing?” pabulong na tanong ni Andrew sa dalaga saka nilapit ang mukha dito. “Just help me this once.” Bulong nang dalaga. “Pero tinanggihan na niya ang kasal niyo dati at baka nalilimutan mong siya ang dahilan kung bakit kamuntik ka nang mamatay. Magiging nasa panganib ang buhay mo kapag pinakasalan mo ang tulad niya.” Wika ni Antonio sa apo niya. “Kahit naman siguro sino ang pakasalan ko. Darating din sa punto na mamatay ako. Kaya naisip ko. Total, doon din naman ang kahahantungan ko. Mas gugustuhin kong makasama ang taong gusto ko.” Wika ni Anica saka walang pasabing hinawakan ang kamay nang binata dahilan upang mabigla ang lahat. Si Rafael na hindi makapaniwala sa boldness nang dalaga ay napaawang lang ang labi. “General Anong ibig sabihin nito?” tanong nang matanda sa binata. Napatingin naman si Anica sa binata nangangamba siya na bigla nitong itanggi ang mga sinabi niya. Dahil doon biglang napahigpit ang hawak niya sa kamay nang binata dahilan upang mapatingin si Andrew sa dalaga. “I was actually surprised when I see you here. I was even surprised when I hear that you are planning to marry her off that that guy.” Wika ni Andrew saka tumingin sa binatang si Giovanni. “I think I was lucky I was at the right place at the right time. Hindi na naming kailangang itago ang relasyon namin.” Wika ni Andrew saka tumingin sa dalaga. Taka namang napatingin si ANica sa binata. He didn’t deny me? Gulat na wika nang isip ni ANica habang nakatingin sa mukha nang binata. “Kung ang sinasabi mo ay totoo bakit mo noon tinapos ang kasunduan niyong kasal?” tanong ni Antonio sa binata. “Dahil ayokong magkasal sa akin si Anya dahil lang sa isang kasunduan. Hindi siya magiging masaya sa ganoong set up.” Sagot nang binata. Ang galing niyang umarte. SInong mag-aakalang siya ang kilalang Icy General? Hindi makapaniwalang wika nang isip nang dalaga. “Paano ko naman mapapatunayan na hindi niyo kami niloloko. At hindi ito plano ni Anica upang tanggihan ako sa plano ko.” “Ano naman ang makukuha ko kung lolokohin ko kayo. Hindi ako ang taong mag-aaksaya nang panahon sa mga kalokohan. Anya knows about it. I am a Demon General and playing prank is not part of me.” wika nang binata. “Kung ganoon. Gusto kong makausap ang pamilya mo. Kung totoo ngang balak niyong magpakasal. Gusto kong makausap ang pamilya mo.” Wika ni Antonio sa binata. “Hindi magiging problema ang bagay na iyon.” Wika ni Andrew. “All right. Giovanni. I think I no longer have business here. Umalis na tayo.” Wika nang matanda saka tumayo. “Yes Sir.” Wika nito saka tumayo sa kinauupuan ganoon din si Alice. “Sasamahan ko muna ang lolo mo.” Wika ni Alice sa anak niya. “Huwag kayong mag-alala. Ako nang maghahatid kay Anya.” Wika naman ni Andrew. Ngumiti naman ang ginang saka inakay ang ama niya palabas nang restaurant kasama si Giovanni. Nang makalabas nang restaurant ang lolo niya saka namna binitiwan ni Anica ang kamay nang binata saka napabuntong hininga. “That was close. Thank you.” Wika ni Anica saka tumingin sa binata. “Now you are using me to refuse a marriage proposal.” Wika ni Andrew saka bumalik sa pagkakaupo. “I didn’t know you’re that bold.” Wika nang kaibigan ni Claire. “Ginulat mo talaga ako sa ginawa mo Anica.” Natatawang wika ni Rafael. “Wala naman akong choice no. Kailan ko lang nakilala ang lalaking yun. Saka---” biglang natigilan si Anica. Kapag sinabi niyang isang Mafia at lolo niya at consigliere nito ang nais ipakasal sa kanya baka magbago ang tingin sa kanya nang binata. “Saka?” tanong ni Andrew saka tumingin sa dalaga. “Saka ayoko nang mga ganoon marriage proposal. Ewan ko ba sa mga matatanda ngayon bakit ang hilig nilang ipamihay ang anak o pamilya nila sa iba.” Wika nang dalaga. “Eh ganoon talaga.” Wika ni Rafael. “Ah!” wika ni Anica saka bumaling kay Andrew. “Si Ramil? Kumusta na siya? Ang mga kapatid niya? Nahulin na ba ang ----” “Nahuli na namin ang sumaksak sa kanya at nakakulong na. It was all because f Andrew’s effort. Saka yung magkakapatid nakalabas na rin sa hospital.” Agaw ni Rafael sa sasabihin nang dalaga. “That’s a relief. Masyado akong naging abala nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na sila nadalaw.” Wika ni Anica. “I think I have to go, Pasensya na kung naistorbo ko ang dinner niyo.” Wika ni ANica saka napatingin kay Claire at sa kaibigan nito. Tiyak na isa itong double date at mukhang nasira niya. “Dumalaw ka sa mansion. Hinahanap ka ni Lolo. Hindi ka na niya nakikita. Maging si Tito Alfredo ay nagtataka na rin kung bakit hindi na kayo dumadalaw sa mansion.” Wika ni Claire sa pinsan. I don’t know about that. Wala na akong dahilan para pumunta sa mansion. Wika nang isip ni Anica. Simula noong insidente sa mansion noong dinalaw nila ang may sakit na matanda hindi na sila bumalik sa mansion nang mama niya. Pareho silang nag desisyon na gagawa sila nang distansya sa pamilya nang ama niya. Wala namang rason para ipagsiksikan nila ang sarili nila doon. Kung nagiging dahilan iyon para maging malungkot ang pamilya nang ama niya. AT kamakailan lang ay kinuha ni Daniela ang Condo unit nila isa pang dahilan upang gumawa sila nang distansya sa pamilya nila. “Oo.” Simpleng wika ni Anica. “Paano mauna na ako.” Wika ni Anica. “Pasensya na kayo sa istorbo.” Wika ni Anica saka bumaling kay Andrew ngunit wala sa kanya ang atensyon nang binata kundi nasa basong hawak nito. “Mag-iingat ka.” Wika ni Rafael sa dalaga. Tumango naman si Anica saka simpleng ngumiti. Tatalikod sana siya para lumabas nang biglang hawakan ni Andrew ang braso niya. Taka naman siyang napatingin sa binata. “Pasensya na. Sa palagay ko kailangan kong mauna sa inyo.” Wika ni Andrew kay Claire at Sa kaibigan nito. “It was nice meeting you.” Wika pa nito sa dalaga. “Ikaw na ang maghatid sa kanila mamaya.” Wika ni Andrew kay Rafael. “Yes. Do what you have to do.” Wika pa ni Rafael. “Let’s go.” Wika ni Andrew saka naglakad papalabas nang restaurant. “You don’t have to----” wika ni Anica saka humabol sa binata. “Kaya kong umuwi mag-isa.” Wika nang dalaga nang makahabol sa binata. “Sinabi ko sa mama mo na ihahatid kita.” Wika ni Andrew na biglang tumigil nang makalabas sila nang pinto. “Aw.” Daing nang dalaga nang biglang tumama sa likod ni Andrew. “Bakit ka naman biglang huminto.” Reklamo ni Anica saka umatras at tumingin sa unahan ni Andrew. Saka niya Nakita si Giovanni na nakatayo sa harap ni Andrew. Ito ang dahilan kung bakit Biglang huminto ang binata sa paglalakad. Seryoso itong nakatingin sa binata. “Atty Brambilla? Hindi ka ba sumama kay lolo pabalik?” tanong ni Anica sa binata. “Well, I decided to pick you up. At ihahatid na kita.” Wika nito sa kanya na kay Andrew parin nakatingin. “You don’t have to do that. Akon ang maghahatid kay Anya.” Wika nang Binata. “Umaarte ka pa rin ba hanggang ngayon? Wala na si Alice at Sir Antonio dito. You can drop the act. We both know that you two are acting earlier.” Wika ni Giovanni sa binata. Bigla namang nakagat ni Anica ang pang-ibabang labi niya. Mukhang hindi nila napapaniwala si Giovanni sa sinabi nila kanina. “I will overlook this at this time because I understand that lady Anica was in a shock dahil sa sinabi nang lolo niya.” Wika nang lalaki sa naglakad patungo kay Anica ngunit agad na humarang si Andrew sa lalaki. “What are you doing?” asik ni Giovanni sa binata. “I think I should be the one asking you that. Don’t go overboard and mind your own business.” Wika ni Andrew saka hinawakan ang kamay ni Anica. Taka namang napatingin si ANica sa binata ngunit hindi nagsalita. Wala din siyang imik nang akayin siya nang binata papalayo sa binatang abodago. Hindi tuluyang nakaalis ang dalawa dahil pinigilan ni Giovanni ang kamay nang binata. Sabay naman silang napatingin sa kamay ni Giovanni. Nakita ni Anica na marahas na tinanggal ni Andrew ang kamay nang lalaki na nakahawak sa kamay niya saka walang paalam na naglakad patungo sa kotse nito. “Ano na namang gulo ang pinasok mo ngayon?” tanong ni Andrew sa dalaga nang makapasok sila sa Kotse. Biglang natigilan si ANica sa pagkabit nang seat belt niya saka di makapaniwalang napatingin sa binata. “Ganyan ba ang tingin mo sa’kin?” inis na wika nang dalaga. Napatingin naman si Andrew sa dalaga matapos ikabit ang seat belt niya. “I always find you in between troubles. What else would I think.” Wika ni Andrew na kinuha ang seat belt sa kamay nang dalaga saka ikinabit bago ibaling ang atensyon sa Manibela. “Icy General.” Wika nang dalaga na napalabi saka ibinaling ang tingin sa labas nang bintana. “You always say that when you are irritated of me.” anang binata saka binuhay ang makita. “Because it’s true.” Palabing wika nang dalaga. Hindi naman sumagot si Andrew bagkus ay binuhay ang makina nang sasakyan saka nag drive papalayo sa restaurant. ** Hindi mo alam?” Bulalas ni Melissa kay Alfredo nang sabihin ni Daniella sa pamilya nila ang nalaman niya mula kay Zane. Sinabi sa kanya nang binata na naghahanda ang lolo niya upang makipagkita sa Lolo ni Anica. Sinabi sa kanila ni Andrew na balak nilang magpakasal ni ANica at at gusto nang lolo nito na makausap ang pamilya nila. “Kaya naman pala hindi nagpupunta dito ang mag-inang yun dahil gumagawa pala sila nang plano laban sa pamilya natin.” Wika pa ni Melissa. “Nakita mo na? Hindi dapat natin tinaggap dito ang mag-inang yun.” Dagdag pa nito. “Baka naman talagang nagmamahalan sila.” Wika naman ni Amanda. “Isipin niyo, inihinto nila ang kasal dahil sa trabaho ni Andrew pero sa huli magpapakasal pa rin sila.” Dagdag pa nito. “Gusto niyong maniwala sa bagay na yan Tita?” sakristong wika ni Natasha. “Isipin niyo nalang. Andrew is a High Ranking General. Habang si Anica ay isang bastarda. Sinong maniniwala sa gusto nila ang isa’t-isa. Andrew is known to be cold General. Dati na niyang tinanggihan ang kasal nil ani ANica. Bakit siya ulit papasok sa ganoong sitwasyon.” “Tama si Natasha. Masyado di kapani-paniwala.” Wika naman ni Meynard. “Hindi talaga ako titigilan nang babaeng yan. Malapit na ang kasal namin ni Zane. Gusto ba niyang sirain ang buhay ko.” Gigil na wika ni Daniella. “I think you should talk to Them.” Wika ni Melissa sa Asawa. “Ikaw ang nag ugnay sa kanila sa pamilyang to. Kausapin mo sila.” “Papa gumawa ka nang paraan. Hahayaan mo nalang ba na sirain ni ANica ang buhay ko?” wika ni Daniella sa ama. Hindi naman sumagot si Alfredo. Nakatingin lang siya sa mag-ina niya. Ayaw naman niyang nalulungkot ang mga anak niya. Ngunit iniisip din niya si Anica. Alam niyang hindi siya naging mabuting ama para dito. Ano nalang ang iisipin nito sa kanya? Isang ama pa kaya ang tingin nito sa kanya matapos ito? “Kakausapin ko si Alice at Anica.” Maya-maya ay wila ni Alfredo. Nakita naman niya ang saya sa mukha ni Daniella at Melissa. Bakit naman ganito ang nangyari?” Tanong ni Alfredo kay Alice at Anica. Nagkita sila sa isang restaurant. Matapos niyang malaman mula kay Daniella ang nangyari. At dahil sa pakiusap ni Daniella na kausapin niya SIna Alice ay nakipagkita siya sa mag-ina. “Alam mong ikakasal ang ate Daniella mo sa apo nang mga Bryant. At akala ko natapos na ang usapin tungkol sa kasal ninyo ni Andrew.” “Wala namang kinalaman ang pamilya niyo sa desisyon nila.” Wika ni Alice sa lalaki. “Ang pagpapakasal ni Daniella at Zane ay kasunduan niyo at nang pamilya ni Zane iba ang usapin tungkol kay Anica at Andrew.” “Ito nalang ang isipin mo Anica. Masasaktan ang ate mo. You are a good girl hindi mo naman siguro gustong naiipit ako sa inyong dalawa nang ate mo.” Wika ni Alfredo saka hinawakan ang kamay nang anak. Napatingin naman si Anica sa kamay nang ama niya. Saka marahang binawi iyon mula sa pagkakahawak nang ama. “Habang maaga pa, Itigil mo na ang kasal na ito. Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa iyo dati? Gusto mo bang maulit iyon? Isa pa----” “Bakit ka ba ganyan magsalita!” biglang agaw ni Alice sa sasabihin ni Alfredo. “Ma.” Mahinang usal ni Anica saka napatingin sa Mama niya. “Alam kung para sa iyo at sa pamilya mo salin pusa lang kami ni ANica. Hindi ko rin naman gustong ipagpilitan ang sarili namin sa inyo.” “Hindi sa ganoon. Alam mo namang-----” “Alam ko! Hindi gusto nang asawa at anak mo ang kahit anong tungkol sa amin ni ANica. Huwag kang mag-alala hindi ko rin naman gusto nang kahit ano tungkol sa pamilya mo. Ang kasal nang anak ko sa taong gusto niya ay matutuloy wala akong pakialam sa kung anong iisipin nang pamilya mo.” Wika ni Alice saka tumayo. “Alice.” Habol ni Alfredo sa Babae. “Alfredo. Dahil kay Anica kaya kita pinakikisamahan at tinitiis ang sama nang ugali nang pamilya mo. But Enough is enough!” malakas na sigaw ni Alice. “Mama.” Wika ni Anica saka hinawakan ang kamay nang mama niya. “Pasensya na papa. Sa susunod nalang tayo mag-usap.” Wika ni Anica saka inakay ang ina papalabas nang restaurant. “Bakit mo naman ako pinigilan.” Wika ni Alice nang makalabas sila. “Mama naman ang daming taong nakakakita.” Wika ni Anica. “Isa pa po. Ayokong magalit kayo kay papa. Kahit naman hindi tayo ang pamilya niya papa ko parin siya. Tiyak nag---” “Kaya hahayaan mong kontrolin lang tayo nang pamilya nila?” Wika ni Alice. “Hindi ho sa ganoon. Kaya lang, INiisip ko. Tama lang siguro na maraming tumutol sa kasal na ito. Wala naman talaga kaming relasyon ni Shin. Sinabi ko lang yun dahil ayokong pakasalan yung abogado ni lolo. Bakit naman ganoon ang mga matatanda, pwede nilang dektahan ang buhay nang pamilya nila. Dati si lolo MEnandro ngayon naman si Lolo Antonio. Hindi ba pwedeng magdesisyon naman ako para sa sarili ko?” Wika ni ANica na nangilid ang luha. “Anya.” Naawang wika ni Alice sa anak saka hinawakan ang kamay nito sabay yakap dito at tinapik nang marahan ang likod nang anak. “Sorry Anya, Hindi ko naiisip ang tungkol sa bagay na iyon. I failed as your mom. Hindi manlang kita magawang protektahan.” Wika ni Alice saka hinimas ang buhok nang anak niya. Nagawa niyang sigawan si Alfredo ngunit alam niyang hindi sapat iyon para protektahan niya ang anak niya. “Andrew?” gulat na wika ni Alice nang makita ang binata bumaba sa sasakyan. Nang marinig naman ni Anica ang pangalang binanggit nang ina ay agad siyang napatingin dito. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Anica sa binata. “Well, your dad called me and asked me to come here.” Anang binata. “General!” wika ni Afredo na lumabas sa restaurant at ngayon ay naglalakad na patungo sa kanila. Sabay naman na napatingin si Anica at Alice sa lalaki. “Did I came in late? Pasensya na, may mga------” “No it’s okay.” Agaw ni Alfredo sa sasabihin nang binata. “Bakit mo naman siya pinapunta dito?” tanong ni Alice sa lalaki. Taka namang napatingin Si Andrew kay Alice at Alfredo. Sa reaksyon nang ginang tiyak na may nangyayari hindi maganda. At ano naman ang kinalaman niya dito? “He is involve on this too. Gusto kong malaman ang opinion niya.” Wika pa ni Alfredo. Lalo namang nagtaka ang binata. “I am not sure what’s going on. But is there anything I can help?” Tanong nang binata. Napatingin naman si Anica sa binata. “Well, Nalaman naming na itutuloy niyo ni Anica ang kasal ninyo. Hindi ko alam kung anong nangyari pero, alam mo naman siguro na ang kapatid ni Anica ay ikakasal din sa pamangkin mo.” “Yes. Is there anything wrong about it?” derechang wika nang binata. “This is creating a conflict between sisters. Kung alam mo ang ibig kong sabihin. Bilang isang---” “Alfredo! Wala na tayong pakiaalam sa desisyon nila.” Agaw ni Alice sa iba pang sasabihin ni Alfredo. Napatingin naman si Andrew sa tahimik na si Anica. Alam niyang naiipit ito ngayon sa sitwasyon nang pamilya nila. Simula pa nang una ay nasa gitna na ito nang gulo sa bawat pamilya Idagdag pa ngayon ang gustong mangyari nang lolo niya. “Well, I totally understand what you mean sir. At hindi ko rin naman gustong maging dahilan nang sugalot sa pamilya ninyo. I am aware that with me. Anya will be in danger I have countless Enemies and what happened last time might happen again. At bilang isang ama alam kung nahihirapan kayong mag desisyon. Ayaw niyong magulo ang pamilya ninyo. So I want to ask Anya.” Bigla namang napatingin si Anica sa binata. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Andrew. “You will be in constant Danger if you’re with me. Hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mo kung napipilitan ka lang. Alam kung mahalaga sa iyo ang pamilya mo. And you have to decide if you want to continue this marriage or not.” Ano bang sinasabi niya? Umaarte pa ba siya? Kapag sinabi kong hindi ko itutuloy ang kasal. Tiyak na ipipilit ni lolo Antonio na ipakasal ako kay Atty. Brambilla. Wika nang isip ni Anica habang nakatingin kay Andrew. “Tama si General, Anica. Pag-isipan mong Mabuti. At isipin mo rin ang Ate mo. Ano nalang ang mararamdaman niya.” Wika ni Alfredo at hinawakan ang kamay ni Anica. Napatingin naman si Anica sa papa niya. You love her this much? Papa, Hindi mo ba alam na hinihiling ko rin n asana pantay ang pagmamahal mo sa amin? Wika nang isip ni Anica sabay tulo nang luha. “Anica?” malungkot na wika ni Alice saka napatingin sa luhaang mukha nang anak. Maging si Andrew ay napatingin din sa dalaga. Agad namang pinahid nang dalaga ang luha niya at ngumiti sa ama. “Pag-iisipan ko po.” Wika ni Anica. Matama lang na nakatitig si Andrew sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD